Kalusugan at Kaligtasan na Halimbawang mga Probisyon

Kalusugan at Kaligtasan. Kailangang magbigay ang mga employer ng ligtas na lugar ng trabaho, na may wastong pagsasanay, pangangasiwa at kagamitan. Kasama sa tungkuling ito ang pagtukoy, pagtatasa at pagtatanggal (o pag-minimize) sa mga peligro at panganib, at pagsisiyasat sa mga insidente sa kalusugan at kaligtasan. Kailangan ding i-ulat ng mga employer ang malubhang pinsala sa trabaho sa WorkSafe New Zealand. May pananagutan din ang mga empleyado para sa kanilang sariling kalusugan at kaligtasan. Kailangan xxxxxx xxxxxx ang lahat ng patakaran at pamamaraan sa kalusugan at kaligtasan at iwasang magdulot ng pinsala sa iba pang tao sa paraan ng kanilang pagtatrabaho. Maaaring tanggihan ng mga empleyado ang trabaho kung naniniwala silang ilalantad sila nito o ang iba pa sa malubhang peligro sa kalusugan at kaligtasan. Kailangang konsultahin ng mga employer ang kanilang mga empleyado pagdating sa anumang patakaran sa kalusugan at kaligtasan. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang xxx.xxxxxxxx.xxxx.xx.
Kalusugan at Kaligtasan. Obligado ang mga employer na magbigay ng ligtas na lugar ng trabaho, sa pamamagitan ng angkop na pagsasanay, pangangasiwa at kagamitan. Nakapaloob sa tungkuling ito ang pagkilala, pagtataya at pagtatanggal (o pagbabawas) ng mga panganib, at hadlang, at pag-imbestiga sa mga insidenteng ng kalusugan at kaligtasan. Kinakailangan din ng mga employer na iulat ang malulubhang pinsala sa trabaho sa WorkSafe New Zeland Kinakailangan ng mga empleyado ng makatwirang pag-iingat at kaligtasan, sumunod sa mga patakaran at pamamaraan, at iwasan ang pagdulot ng pinsala sa ibang tao sa paraang kung paano xxxx xxxxx ang kanilang trabaho. Ang mga empleyado ay maaaring tumanggi sa trabaho na pinaniniwalaan nilang maglalantad sa kanila o iba sa isang malubhang panganib sa kalusugan at kaligtasan na magmumula sa isang madalian o hindi maiiwasang pagkakalantad sa isang panganib, at mayroong karapatang makilahok sa pagpapabuti ng kalusugan at kaligtasan. Bisitahin ang xxx.xxxxxxxx.xxxx.xx