Ligtas na kapaligiran para sa bata. 5.1 Ang mga komunidad ng paaralang Katoliko ay mayroong pananagutang moral, ligal at himok ng misyon upang bumuo ng mga mapag-arugang kapaligiran sa paaralan kung saan ang mga bata ay iginagalang, pinapakinggan at ligtas at nakadarama ng kaligtasan.
5.2 Bawat taong kasama sa edukasyong Katoliko, kabilang ang lahat ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ating paaralan, ay may pananagutan na maunawaan ang kahalagahan at partikular na tungkuling ginagampanan xxxx xxxxxx indibidwal at sama-sama upang matiyak na ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga bata ay pangunahin sa lahat ng kanilang ginagawa at sa bawat desisyon na kanilang ginagawa.
5.3 Ang mga patakaran ng paaralan para sa kaligtasan ng bata, mga alituntunin sa pag-uugali at kagawian ay nagtatakda ng pangako sa kaligtasan ng bata, at ang mga proseso para sa pagkilala, pagbibigay-alam, pag-uulat at pagtugon sa nakababahalang asal at mga paratang ng pang-aabuso sa bata. Ang mga dokumentong ito ay nagtatatag nang malinaw na inaasahan para sa lahat ng kawani at mga boluntaryo sa nararapat na pakikitungo sa mga mag-aaral upang mapangalagaan sila laban sa pang-aabuso.
5.4 Nagtatag ang paaralan ng mga pagsasagawa ng human resources kung saan ang mga bagong kawani, mga kasalukuyang kawani at mga boluntaryo sa paaralan ay nauunawaan ang kahalagahan ng kaligtasan ng bata, sinasanay na mabawasan ang panganib ng pang-aabuso sa bata, at may kamalayan sa mga nauugnay na patakaran at pamamaraan ng paaralan. Nagbibigay din ang paaralan ng patuloy na pagsasanay, pangangasiwa at pagsusubaybay sa mga kawani upang matiyak na sila ay karapat-dapat na magtrabaho kasama ang mga mag-aaral bilang bahagi ng mga pagsasagawa ng human resources.
5.5 Ang paaralan ay mayroong mga matatag, nakabalangkas na mga proseso ng pangangasiwa ng panganib (risk management) na iniutos ng MACS na tumulong na magtatag at mapanatili ang ligtas na kapaligiran ng bata, na kinabibilangan ng pagsasaalang-alang sa mga posibleng malawakang kadahilanan ng panganib sa isang malawak na saklaw ng mga konteksto, mga kapaligiran, mga relasyon at mga aktibidad na ginagalawan ng mga mag-aaral sa aming paaralan.
5.6 Ang paaralan, kasama ang mga pamilya, ay tinitiyak na ang mga bata at mga kabataan ay kasali at aktibong kalahok sa paggawa ng desisyon, lalo na sa mga maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan. Ito ay nangangahulugan na ang mga pananaw ng mga kawani, ng mga bata, mga kabataan at mga pamilya ay sineseryoso at ang kanilang mga alalaha...