Mga bayarin na Halimbawang mga Probisyon

Mga bayarin. 3.1 Ang pagtatakda ng mga antas ng bayarin, mga buwis at iba pang mga pansamantalang mga singil sa mga paaralang MACS ay responsabilidad ng paaralan sa loob ng itinakdang mga pangangailangan ng MACS, isinasang-alang-alang ang alokasyon ng mga pondo ng pampamahalaan. Nagbibigay ang paaralan ng ilang paraan sa pagbabayad ng mga bayarin, mga buwis at mga pansamantalang mga singil upang mabawasan ang anumang pasaning pinansiyal at upang makatulong sa pagpaplanong pinansiyal. Kung nahihirapan kang matugunan ang pagbabayad ng mga bayarin, mga buwis at pansamantalang mga singil, maaari mong talakayin ito kasama ang punong-guro ng paaralan. 3.2 Ang mga magulang/ mga katiwala/ mga tagapag-alaga ay responsable sa pagbabayad ng lahat ng mga bayarin, mga buwis at mga singil na nauugnay sa pagpapatala at pagpasok ng estudyante sa paaralan, gaya ng nakalagay sa Iskedyul ng mga Bayarin, Buwis at Singilin (Fees, Levies and Charges Schedule) ng paaralan na ibinibigay sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga sa pana-panahon. Ang mga bayarin ay dapat bayaran upang makapagpatala at makapagpatuloy ng pagpapatala ang bata sa paaralan. Ang paaralan ang makapagpapasya kung papayagan ang isang estudyante na sumali sa opsyonal o mga pangyayaring ekstra-kurikular ng paaralan, gaya ng mga binabayarang ekskursiyon ng paaralan o mga ekstrakurikular na aktibidad, habang ang mga bayarin ay nananatiling hindi pa bayad at babayaran pa.