Mga patakaran at mga pamamaraan. 7.1 Lahat ng mga patakaran at mga pamamaraan ng paaralan ay makukuha sa website ng paaralan. Para sa mga layunin ng kasunduang ito, kasama rin sa pagsangguni sa mga Patakaran at Pamamaraan ng paaralan, ang mga proseso, mga alituntunin at anumang iba pang naaangkop na dokumentasyon sa pamamahala. 7.2 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay dapat sumunod at gawin ang lahat ng makatwirang mga hakbang upang panindigan ang mga patakaran at mga pamamaraan ng paaralan, xxxx sa pinapatupad o binabago nang panapanahon, kabilang ang mga may kinalaman o tungkol sa: a) pangangalaga, kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral b) mga pamantayan sa pananamit, pag-aayos at hitsura c) mga hinaing at mga reklamo d) social media at ang paggamit ng impormasyon, komunikasyon at mga sistema ng teknolohiya e) pag-aasal at pag-uugali at disiplina ng mga mag-aaral f) pag-aasal at pag-uugali ng magulang, kabilang ang anumang Code of Conduct ng Magulang/Katiwala/Tagapag-alaga na maaaring ilathala sa panapanahon g) pagkapribado. 7.3 Ang paaralan ang may ganap na pagpapasya sa lahat ng kanyang mga usaping pang-operasyon at pang-edukasyon at mga handog xxxx sa desisyon ng namamahala nitong lupon, ang MACS, at napapailalim sa mga naaakmang pagtatalaga sa punong-guro ng paaralan. 8.