Mga serbisyong pang-edukasyon. 1.1 Ang edukasyong Katoliko ay mahalaga sa misyon ng Simbahan. Ito ay isang paraan kung papaano ginagampanan ng Simbahan ang kanyang tungkulin na tumulong sa mga tao upang matuklasan at mayakap ang kabuuan ng buhay xxx Xxxxxx. Ang mga paaralang MACS ay naghahandog ng malawak, komprehensibong kurikulum na puno ng tunay na pag-uunawang Katoliko ni Kristo at ng kanyang pagtuturo, pati na rin ang mabuhay nang may pagpapahalaga ng pagiging kasapi ng Simbahang Katoliko. 1.2 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga, bilang mga unang guro ng kanilang mga anak, ay papasok sa isang samahan na kasama ang paaralan upang isulong at suportahan ang edukasyon ng kanilang anak. Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay kailangang gampanan ang responsibilidad sa pagpapanatili ng samahang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa paaralan sa pamimigay ng edukasyon sa kanilang mga anak sa loob ng saklaw ng pagpaparehistro ng paaralan at pagpapasulong sa espiritwal at akademikong buhay ng kanilang mga anak. 2.