Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa pagsunod sa mga prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko na Halimbawang mga Probisyon

Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa pagsunod sa mga prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko. 9.1 Bilang tagapagbigay ng edukasyong Katoliko, kapag nagsasagawa ng mga pagpapasya patungkol sa mga usapin ng pamamahala ng paaralan, kabilang ang pagpapatala, isasaalang-alang ng punong-guro ang pangangailangan ng komunidad ng paaralan upang kumatawan at sumunod sa mga doktrina, paniniwala at prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko. Ang mga mag-aaral at mga pamilya na miyembro ng ibang relihiyon ay malugod na tinatanggap sa paaralan. Gayunpaman, inilalaan ng MACS ang karapatan na magsagawa ng desisyong administratibo na naaangkop sa mga pangyayari upang suspindihin o wakasan ang pagpapatala, kung saan man ito ay kinakailangang gawin upang maiwasan ang pinsala sa mga relihiyosong sensibilidad ng komunidad ng Katolikong paaralan.