Common use of Mga tuntunin ng pagpapatala tungkol sa katanggap-tanggap na pag-uugali o asal Clause in Contracts

Mga tuntunin ng pagpapatala tungkol sa katanggap-tanggap na pag-uugali o asal. 8.1 Ang paaralan ay isang komunidad na nagbibigay ng halimbawa ng pagpapahalaga ng ebanghelyo sa pagmamahal, pagpapatawad, hustisya, at katotohanan. Kinikilala ng komunidad ng paaralan na ang bawat isa ay may karapatang igalang, makaramdam ng kaligtasan at maging ligtas; at, patungkol dito, nauunawaan ang kanilang mga karapatan at kinikilala ang kanilang obligasyon na kumilos nang responsable. 8.2 Ang bawat tao sa paaralan ay may karapatang makaramdam ng kaligtasan, maging masaya at matuto, kaya layunin namin na: • itaguyod ang mga prinsipyo ng katapatan, pagkamatarungan at paggalang sa iba • kilalanin ang halaga ng lahat na miyembro ng komunidad at ang kanilang karapatang magtrabaho at matuto sa isang positibong kapaligiran • panatilihin ang mabuting kaayusan at pagkakaisa • pagtibayin ang pagtutulungan at responsableng kalayaaan sa pag-aaral • Itaguyod ang sariling disiplina at buuin ang pananagutan para sa sariling pag-uugali. 8.3 Ang MACS at ang administrasyon ng paaralan, sa pakikipag-talakayan sa komunidad ng paaralan kung saan man nararapat, ay magpapatupad ng mga pamantayan sa pananamit, hitsura at pag- uugali para sa mga mag-aaral. 8.4 Bilang isang tuntunin ng pagpapatala ng iyong anak, ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang estudyante ay kailangang sumunod xxxx sa mga layunin ng paaralan sa pag-uugali at Code of Conduct, at suportahan ang paaralan sa pagpapatupad ng tagubilin sa pamantayan ng pananamit, hitsura at pag-uugali at siguruhin ang pagsunod sa mga Code of Conduct para sa mga Mag-aaral. 8.5 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na maging responsable na tiyakin na alam ng estudyante ang lahat ng mga patakaran at mga pamamaraan na nalalapat sa estudyante, kabilang iyong mga may kaugnayan sa pag-aasal at pag-uugali ng mag-aaral at anumang Code of Conduct para sa mga mag-aaral, at aktibong suportahan ang paaralan sa pagpapatupad ng mga naturang patakaran, mga pamamaraan at mga Code of Conduct. 8.6 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na sumunod sa anumang Code of Conduct para sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga o iba pang mga patakaran na ipinapatupad ng paaralan nang panapanahon, na nagtatakda ng mga inaasahan nito sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na mayroong estudyanteng nakatala sa paaralan. 8.7 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang anumang hindi katanggap-tanggap na pag-uugali ng bata, o makabuluhan at/o paulit-ulit na pag-uugali ng magulang/ katiwala/tagapag-alaga, na sa paningin ng paaralan, ay hindi katanggap-tanggap o makakasira sa samahan ng magulang/katiwala/tagapag-alaga at paaralan, o kung hindi man, ay labag sa Code of Conduct ng estudyante o sa Code of Conduct ng magulang/katiwala/tagapag- alaga ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde o pagwawakas ng pagpapatala ng estudyante.

Appears in 6 contracts

Samples: Enrolment Agreement, Enrolment Agreement, Enrolment Agreement