Pagkakalkula sa Mga Pagbabago na Halimbawang mga Probisyon

Pagkakalkula sa Mga Pagbabago. Bago ang bawat Petsa ng Pagbabago, kakalkulahin ng May-ari ng Note ang aking bagong interest rate sa pamamagitan ng pagdaragdag ng (na) percentage point ( %) (ang “Margin”) sa Kasalukuyang Current Index. Posibleng magbago ang Margin kung papalitan ng May-ari ng Note ang Index alinsunod sa Seksyon 4(G)(2) sa ibaba. Pagkatapos noon ay ira-round off ng May-ari ng Note ang resulta ng Margin, kasama ang Kasalukuyang Index sa pinakamalapit na one-eighth ng isang percentage point (0.125%). Depende sa mga limitasyong nakasaad sa Seksyon 4(D) sa ibaba, ang na-round off na halagang ito ang magiging bagong interest rate ko hanggang sa susunod na Petsa ng Pagbabago. Tutukuyin ng May-ari ng Note ang halaga ng Buwanang Pagbabayad na kailangan para mabayaran ang hindi pa nababayarang Principal na inaasahang magiging utang ko sa Petsa ng Pagbabago sa Petsa ng Maturity sa aking bagong interest rate, na nasa magkakatumbas na pagbabayad. Ang resulta ng pagkalkulang ito ang magiging bagong halaga ng aking Buwanang Pagbabayad. (D)