Pagpapaayos habang nasa ng termino ng kontrata na Halimbawang mga Probisyon

Pagpapaayos habang nasa ng termino ng kontrata. Ang Nagpapaupa ay responsable para sa anumang aayusin para magamit ng Mangungupa ang Propyedad. Ang Mangungupa ang dapat magbayad sa pagpapaayos na kasalanan niya, at ang Nagpapaupa ang dapat magbayad ng ibang pagpapaayos. Ang Nagpapaupa ay magbibigay-alam sa Mangungupa bago ipatupad ang anumang pagpapaayos. Ang Mangungupa ay hindi makahindi sa pagbigay ng pahintulot sa mga pagpapaayos ng walang magandang dahilan. Ang Mangungupa ay magbibigay-alam sa Nagpapaupa tungkol sa anumang kinakailangan ng pagpapaayos na nakita sa Propyedad at konsultahin ang Nagpapaupa sa kahalagahan ng sinabing mga pagpapaayos. Ang Mangungupa ay maaring magpatupad ng pagpapayos sa ilalim ng pagbibigay-alam na inilarawan sa naunang talata, kung ang Nagpapaupa ay nabigo sa pagpapatupad ng pagpapaayos ng walang magandang dahilan kahit na xxxx xxxx xxx kahalagahan nito. Ang bayarin para sa pagpapaayos ay ipapatupad katulad ng nabanggit sa Talata 1. Bukod sa paghiling ng pagpapaayos mula sa Nagpapaupa katulad ng nabanggit sa Talata 1, ang Mangungupa mismo ay maaaring ipatupad ang pag-repair na nakalista sa Talaan 4. Kapag ang Mangungupa mismo ang nagpatupad ng pagpapaayos, siya ang sumasagot ng gastos ng pagpapaayos at di na kailangan magbigay-alam o magpaalam sa Nagpapaupa.