Pagpapatala. (Enrolment)
2.1 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay kinakailangang magbigay ng partikular na impormasyon tungkol sa kanilang anak sa panahon ng pagpapatala, pareho habang nag-aaplay at kapag inalok ng paaralan ang iyong anak ng puwesto. Tandaan na ang paghahain ng porma ng pagpapatala (enrolment form) ay hindi garantiya ng enrolment sa paaralan. Kung ang kahilingang impormasyon ay hindi maibigay, maaaring hindi mapatala ng paaralan ang inyong anak.
2.2 Upang matugunan ang mga pangangailangan ng MACS at ng pamahalaan, ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay kailangang magbigay sa paaralan ng kumpletong enrolment form, kasama, bukod sa iba pang mga bagay, ang impormasyong nakalista sa ibaba: • ebidensiya ng petsa ng kapanganakan ng iyong anak (hal. katibayan ng kapanganakan, pasaporte) • relihiyosong denominasyon • dating mga ulat ng paaralan (kung naaangkop) • mga pangalan at mga tirahan ng bata at mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga; mga numero ng telepono (bahay, trabaho, mobile) ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag- alaga • mga pangalan at detalye ng mga kontak sa emerhensya • partikular na pagsasaayos ng tirahan • impormasyon tungkol sa mga wikang sinasalita ng iyong anak at/o naririnig sa bahay • nasyonalidad at/o pagkamamamayan kabilang ang visa sub-class na ipinagkaloob pagpasok sa Australya (bago maging ganap na mamamayan), kung saan naaangkop • pangalan at numero ng telepono ng doktor • mga kondisyong medikal, kabilang ang kasaysayan ng pagbabakuna • impormasyon tungkol sa karagdagang pangangailangan sa pag-aaral (hal. kung nangangailangan ang iyong anak ng karagdagang suporta kaugnay sa pagkilos, wika, pag-unlad sa pakikisalamuha, mga pangangailangan sa kapakanan, mapaghamong pag-uugali, mga pagsasaayos sa kurikulum, atbp.) • mga kasunduan sa pagiging magulang (parenting order) o mga kautusan xx xxxxx (court order), kabilang ang anumang mga kautusan sa pangangalaga. Pagkatapos maghain ng enrolment form, maaaring humiling ang mga kawani ng paaralan ng karagdagang impormasyon, halimbawa, kaugnay sa anumang mga parenting order, mga kondisyong medikal o karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral na nakasaad sa porma ng pagpapatala. Bilang karagdagan, kadalasang nakakatulong para sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na dumalo sa pagpupulong kasama ang mga kawani ng paaralan bago ang pagpapatala upang pag-usapan ang anumang karagdagang mga pangangailangan ng iyong anak. Maaaring makipag-ayos ng isang int...