Replacement Index at Replacement Margin na Halimbawang mga Probisyon

Replacement Index at Replacement Margin. Ituturing na hindi na available at papalitan ang Index kung magyayari ang alinman sa mga sumusunod na event (kung saan “Replacement Event” ang bawat isa): (i) permanente nang inihinto ng Administrator ang pagbibigay sa Index sa pangkalahatang publiko o inihinto xxxx xxx nang walang takdang petsa ng pagtatapos; o (ii) maglalabas ang Administrator o ang regulator nito ng opisyal na pampublikong pahayag na nagsasabing hindi na maaasahan o representative ang Index. Kung magkakaroon ng Replacement Event, pipili ang May-ari sa Note ng bagong index (“Replacement Index”) at puwede rin siyang pumili ng bagong margin (“Replacement Margin”), sa sumusunod na paraan: (1) Kung may replacement index na napili o inirekomenda para sa paggamit sa mga pang-consumer na produkto, kasama ang mga residensyal na mortgage na may adjustable na rate, ang Lupon ng Mga Gobernador ng Federal Reserve System, Federal Reserve Bank of New York, o isang komiteng ineendorso o binubuo ng Lupon ng Mga Gobernador ng Federal Reserve System o Federal Reserve Bank of New York sa panahon ng Replacement Event, pipiliin ng May-ari ng Note ang index na iyon bilang Replacement Index. (2) Kung walang replacement index na napili o inirekomenda para sa paggamit sa mga pang-consumer na produkto sa ilalim ng Seksyon (G)(1) sa panahon ng Replacement Event, gagawa ang May-ari ng Note ng makatuwirang pagsisikap na may mabuting hangarin para pumili ng Replacement Index at Replacement Margin na, kapag pinagsama, makatuwirang inaasahan ng May-ari ng Note na magmi-minimize sa anumang pagbabago sa gastusin sa loan, nang isinasaalang-alang ang dating performance ng Index at Replacement Index. Ang Replacement Index at Replacement Margin, kung mayroon, ay mag-o-operate kaagad kapag may Replacement Event at gagamitin para matukoy ang aking interest rate at ang Mga Buwanang Pagbabayad sa Mga Petsa ng Pagbabago na mahigit 45 araw na pagkatapos ng isang Replacement Event. Puwedeng palitan ang Index at Margin nang mahigit sa isang beses sa termino ng aking Note, pero kapag nagkaroon lang ng iba pang Replacement Event. Pagkatapos ng Replacement Event, ang lahat ng pagbanggit sa “Index” at “Margin” ay ituturing na mga pagbanggit sa “Replacement Index” at “Replacement Margin.” Bibigyan rin ako ng may-ari ng Note ng abiso tungkol sa aking Replacement Index at Replacement Margin, kung mayroon, at ng iba pang impormasyong iniaatas ng naaangkop na batas at regulasyon. B.