Virtual Private Network. Maliban kung may ibang nakasaad sa Mga Naaangkop na Kondisyon, ang iyong suskrisyon sa produkto na HMA! Virtual Private Network (ang “HMA! VPN”) ay nagbibigay ng kakayahan sa iyo na gumawa ng hindi hihigit sa 5 sabay-sabay na koneksyon kaugnay ng bawat suskrisyon sa HMA! VPN. Sa kabila ng anumang nakasaad sa Kasunduang ito na sumasalungat, kung lalampas ka sa bilang ng sabay-sabay na koneksyon na pinahihintulutan para sa iyong suskrisyon sa HMA! VPN, maaaring suspindihin o i-disable ng Nagbibili anumang oras nang walang paunang abiso sa iyo ang iyong pag-access at/o paggamit sa HMA! VPN. Kung gusto xxxx xxxxxxxx ang pinahihintulutang bilang ng sabay-sabay na koneksyon para sa iyong suskrisyon sa HMA! VPN, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa xxxxx@xxxxxxxxx.xxx. 13.13.2.
Virtual Private Network. Maliban kung may ibang nakasaad sa Mga Naaangkop na Kundisyon, ang iyong subscription sa produkto na HMA! Virtual Private Network (ang “HMA VPN”) ay nagbibigay ng kakayahan sa iyo na gumawa nang hindi hihigit sa 5 sabay-sabay na koneksyon kaugnay ng bawat subscription sa HMA VPN. Sa kabila ng anumang nakasaad sa Kasunduang ito na sumasalungat, kung lalampas ka sa bilang ng sabay-sabay na koneksyon na pinahihintulutan para sa iyong subscription sa HMA VPN, maaaring suspindihin o i-disable ng Nagbebenta anumang oras nang walang paunang abiso sa iyo ang iyong pag-access at/o paggamit sa HMA VPN. Kung gusto xxxx xxxxxxxx ang pinahihintulutang bilang ng sabay- sabay na koneksyon para sa iyong subscription sa HMA VPN, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa xxxxx@xxxxxxxxx.xxx. 13.13.2. Web Proxy. Ang serbisyo ng web proxy ng HMA (“Web Proxy”) ay isang libreng Solution na hindi humihiling sa iyo na irehistro ang iyong mga detalye sa Nagbebenta. Tinatanggap at kinukumpirma mo na ikaw ang tanging responsable para sa, at walang tinatanggap na pananagutan ang Pangkat ng Nagbebenta at mga Kasosyo ng Nagbebenta sa iyo o sa anumang ikatlong partido para sa: (a) iyong pag-access, pagtingin o paggamit sa, o mga content ng (kabilang ang anumang nakakasakit o hindi kaaya-ayang content), anumang ikatlong partido na website na ina-access o tinitingnan habang ginagamit ang Web Proxy; (b) iyong pagsunod sa mga tuntunin ukol sa paggamit na naaangkop sa anumang ikatlong partido na website na ina-access, binibisita o ginagamit mo habang ginagamit ang Web Proxy; at (c) anumang magiging habol, pagkalugi o pinsala dahil sa anumang content na gagawin, gagawing available, ita-transmit o ipapakita mo habang ginagamit ang Web Proxy, kabilang ang anumang habol, pagkalugi o pinsala na mararanasan o matatamo ng Pangkat ng Nagbebenta o mga Kasosyo ng Nagbebenta. 13.14.