Plano ng Seguro ay nangangahulugan ng isang serbisyo kung saan ang technician ng Nagbibili (isang “Associate”), kapalit ng isang hiwalay na bayad sa suskrisyon, ay tutulong sa iyo na tanggalin ang mga virus o iba pang malware na nakakaimpeksyon sa iyong pinapangalagaang Device sa panahon ng Takda ng Suskrisyon. Ang mga Plano ng Seguro ay ipinagbibiling kasama ng mga tiyak na antivirus na Solusyon ng Nagbibili o ng iba pang mga Solusyong pangseguridad (xxx xxxx't isa ay “Solusyong Pangseguridad”), at sumusuporta sa mga iniaalok na proteksiyon sa pamamagitan ng Solusyong Pangseguridad. 14.6.2. Kung humihiling ka ng tulong ng Nagbibili sa ilalim ng Plano ng Seguro, at kung ikaw at ang iyong Device ay hindi karapat-dapat para sa tulong sa ilalim ng Seksiyon 14.6.3, gagamit ang Nagbibili ng komersiyal na makatwiran mga pagsisikap para matulungan kang tanggalin ang mga virus o iba pang malware na nakaaapekto sa Device mo. Sa pamamagitan nito ay iyong kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan na maaaring hindi sapat ang pagsisikap ng Nagbibili para matanggal ang mga tiyak na virus o iba pang malware mula sa Device mo, at ang Nagbibili, sa kurso ng pagbibigay ng serbisyo, ay maaaring magbago, magtanggal o maka-corrupt ng data sa Device mo, magbago ng mga setting ng Device, o kung hindi man ay makialaman sa wastong operasyon ng Device mo. 14.6.3. Sinasaklaw ng Planong Pangkasiguruhan: (i) tanging ang Device kung para saan mo binili ang kaugnay na Solusyong Pangseguridad, at hindi maaaring mailipat sa iba pang Device; at (ii) tanging mga virus at iba pang malware na nakakaimpeksiyon sa Device sa Panahon ng Suskrisyon, pagkatapos mong mai-download at mai-install sa Device ang Solusyong Pangseguridad, at habang ginagamit ang Solusyong Pangseguridad nang may mga bagong depinisyon ng malware. Maaaring wakasan ng Nagbibili ang Planong Pangkasiguruhan nang walang paunawa kung sa solong pangnegosyong paghatol nito ay matitiyak nito na humiling o tumanggap ka ng serbisyo sa ilalim ng Planong Pangkasiguruhan para sa isang Device na hindi saklaw ng Planong Pangkasiguruhan, inilipat o nagtangkang ilipat ang Planong Pangkasiguruhan sa ibang tao o entity, o kung hindi man ay lumabag sa mga takda ng Planong Pangkasiguruhan. 14.6.4. Ang Nagbibili, sa pagbibigay ng tulong sa ilalim ng Plano ng Seguro, ay maaaring mangailangan ng malayuang pag-akses sa iyong Device, at/o maaaring kailanganin mo na i- install ang Pangtulong na Software (tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba), sa kaso kung saan tinatangg...
Examples of Plano ng Seguro in a sentence
Ang Nagbibili o ang isang Associate, kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Plano ng Seguro, bilang bahagi ng Premium Technical Support o kaugnay ng iba pang mga serbisyo, ay kailangang kumonekta nang malayuan, at kunin ang kontrol, sa iyong kagamitan upang lutasin ang mga problemang nararanasan mo.
Ang mga Plano ng Seguro ay ipinagbibiling kasama ng mga tiyak na antivirus na Solusyon ng Nagbibili o ng iba pang mga Solusyong pangseguridad (xxx xxxx't isa ay “Solusyong Pangseguridad”), at sumusuporta sa mga iniaalok na proteksiyon sa pamamagitan ng Solusyong Pangseguridad.