Interpretasyon. Ang mga heading sa Kasunduang ito ay hindi nakakaapekto sa interpretasyon nito. Nasasaklaw ng paggamit sa anumang kasarian ang lahat ng kasarian. Nasasaklaw ng pang-isahan ang pangmaramihan, at gayundin sa kabaligtaran. Kapag binigyang- kahulugan ang isang salita o parirala, may kaukulang kahulugan ang iba pa nitong anyo sa balarila. Ang mga salitang “kabilang” at “kinabibilangan” ay ipapakahulugan bilang sinusundan ng mga salitang “nang walang limitasyon.” Ang anumang pagtukoy sa “paggamit” mo ng anumang software, Solution o Update ay ituturing na kinabibilangan ng anumang pag-install mo sa anumang nasabing software, Solution o Update (maliban na lang kung may ibang kinakailangan sa konteksto). Ang Kasunduang ito ay unang inihanda sa wikang English. Bagama't maaaring magbigay ang Nagbibili ng isa o higit pang nakasalin na bersyon ng Kasunduang ito para sa kaginhawaan mo, ang bersyon sa wikang English ng Kasunduang ito ang susunding bersyon ng Kasunduang ito kung sakaling magkaroon ng anumang salungatan o pagkakaiba. Kung sakaling malabuan o magkaroon ng tanong tungkol sa layunin o interpretasyon, sa anumang pagdinig sa hukuman o iba pa, ipapakahulugan ang mga takda ng Kasunduang ito bilang sama-samang binuo ng mga partido, at hindi magkakaroon ng pagpapalagay o pangangailangang magbigay ng katibayan na pabor o hindi pabor sa anumang partido nang dahil sa pagsulat sa anumang probisyon ng Kasunduang ito. 12.6.
Interpretasyon. Ang mga ulo (heading) ng Kasunduang ito ay hindi nakaaapekto sa interpretasyon nito. Ang paggamit ng anumang kasarian ay kinabibilangan ng lahat ng kasarian. Kasama sa isahan (singular) ang maramihan (plural) at gayon din naman, kasama sa maramihan ang isahan. Kung saan ipinapaliwanag ang isang salita o parirala, ang iba pang anyong panggramatika nito ay mayroong katugong kahulugan. 13.5.