Mga Depositong Panggarantiya. Ang Umuupa ay nagdeposito ng $ (P) sa Nagpapaupa. Hahawakan ng Nagpapaupa itong depositong panggarantiya sa panahong naninirahan ang Umuupa sa yunit. Pagkaraang umalis ng Umuupa sa yunit, pagpapasiyahan ng Nagpapaupa kung karapat-dapat isauli ang anuman o buong depositong panggarantiya sa Umuupa. Ang halagang isasauli ay pagpapasiyahan batay sa mga sumusunod na mga kondisyon at pamamaraan.
a. Ang Umuupa ay magiging karapat-dapat lamang sa pagsasauli ng Depositong panggarantiya kung ang Umuupa ay nagbigay sa Nagpapaupa ng 30-araw na nakasulat na paunawa ng kanyang kagustuhang umalis na kinakailangan sa talata 23, maliban kung ang Umuupa ay hindi nakapagbigay ng paunawa para sa mga kadahilanang hindi niya kayang kontrolin.
b. Pagkatapos na umalis ang Umuupa mula sa yunit, sisiyasatin ng Nagpapaupa ang yunit at kukompletuhin ang isa pang Unit Inspection Report. Pahihintulutan ng Nagpapaupa ang Umuupa na lumahok sa pagsisiyasat, kung hihilingin ito ng Umuupa.
c. Isasauli ng Nagpapaupa sa Umuupa ang halaga ng depositong panggaranitya na may karagdagang patubo na kinalkula sa _(Q) _%, simula ng (R) , na ibabawas ang anumang halagang kailangan upang bayaran ang gastos sa:
(1) hindi nabayarang upa;
(2) mga pinsala na hindi kasama sa ordinaryong pagkasira at hindi nakalista sa Unit Inspection Report;
(3) mga singilin para sa nahuling bayad sa upa at mga talbog na tseke, na nailarawan sa talata 5; at
(4) mga bayarin sa hindi ibinalik na mga susi, na nailarawan sa talata 9.
d. Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na isauli ang halaga na nakuwenta sa talata 8c sa loob ng _(S) _ araw pagkaraang ang Umuupa ay permanenteng umalis sa yunit, ibinalik sa Nagpapaupa ang pag-aari sa yunit, at ibinigay ang kanyang bagong tirahan sa Nagpapaupa. Ang Nagpapaupa ay magbibigay din sa Umuupa ng nakasulat na listahan ng mga singiling ibinawas mula sa deposito. Kung ang Umuupa ay hindi sumasang-xxxx sa Nagpapaupa patungkol sa mga halagang ibinawas at humingi ng pakikipagkita sa Nagpapaupa, ang Nagpapaupa ay sumasang-xxxx na makipagkita sa Umuupa at di-pormal na pag-uusapan ang mga pinagtatalunang singilin.
e. Kung ang yunit ay inuupahan ng mahigit sa isang tao, sumasang-xxxx xxx mga Umuupa na ayusin ang mga detalye sa hatian ng anumang isasauli sa kani-kanila. Ang Nagpapaupa ay maaaring bayaran ang halagang isasauli sa sinumang Umuupa na nakilala sa Talata 1 ng Kasunduang ito.
f. Naiintindihan ng Umuupa na hindi ibibilang ng Nagpapaupa ang Depositong Panggarantiya patungo sa pinakahuling buwa...