Mga Pagbabago sa Bahagi ng Umuupa sa Upa na Halimbawang mga Probisyon

Mga Pagbabago sa Bahagi ng Umuupa sa Upa. Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na ang halaga ng upa na binabayaran ng Umuupa at/o ang halaga ng tulong na binabayaran ng HUD sa ngalan ng Umuupa ay maaaring magbago sa panahon ng termino ng Kasunduang ito kung: a. magpasiya ang HUD o ang Administrador ng Kontrata (tulad ng Public Housing Agency), batay sa mga pamamaraan ng HUD, na ang pagtaas sa mga upa ay kinakailangan; b. baguhin ng HUD o ng Administrador ng Kontrata ang anumang bayarin para sa mga utilidad o serbisyo na isinaalang-alang sa pagkalkula ng bahagi ng Umuupa sa upa; c. ang kita, ang bilang ng mga tao sa sambahayan ng Umuupa o ibang mga dahilan na isinaalang-alang sa pagkalkula ng pagbabago sa upa ng Umuupa at ang isinasaad ng mga pamamaraan ng HUD na ang upa ng Umuupa o tulong sa pagbabayad ay iakma upang makita ang pagbabago; d. kinakailangan ang muling sertipikasyon ng HUD o mga pamamaraan sa pagtatapos ng tulong na salapi ang mga pagbabago sa upa ng Umuupa o tulong sa pagbabayad; e. magbago ang mga pamamaraan ng HUD para sa pagkalkula ng tulong sa pagbabayad ng Umuupa o upa; o f. hindi makapagbigay ng impormasyon ang Umuupa tungkol sa kanyang kita, komposisyon ng pamilya o ibang mga dahilan na kinakailangan ng Nagpapaupa. Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na isakatuparan ang mga pagbabago sa upa ng Umuupa o tulong sa pagbabayad ng umuupa batay lamang sa mga iniukol na panahon at pamamaraang administratibo na nasasaad sa mga manuwal ng HUD, mga tagubilin at regulasyong kaugnay sa pangangasiwa ng mga programang tulong sa salapi sa iba-ibang pamilya. Ang Nagpapaupa ay sumasang-xxxx na magbigay sa Umuupa nang hindi kukulangin sa 30 araw na paunang nakasulat na paunawa sa anumang pagtaas sa upa ng Umuupa maliban sa mga nakatala sa mga talata 11, 15 o 17. Ang Paunawa ay magsasaad ng bagong halaga na kailangang bayaran ng Umuupa, ang petsa kung kailan ang bagong halaga ay magkakabisa, at ang mga dahilan ng pagbabago sa upa. Ang Paunawa ay magpapayo rin sa Umuupa na siya ay maaaring makipagkita sa Nagpapaupa upang mapag-usapan ang pagbabago sa upa.