MODELONG PAGPAPAUPA PARA SA MGA PROGRAMANG TINUTUSTUSAN
MODELONG PAGPAPAUPA PARA SA MGA PROGRAMANG TINUTUSTUSAN
1. Mga Partido at Tinitirahang Yunit
Ang mga partido sa Kasunduang ito ay sina (A) , tinutukoy bilang Nagpapaupa, at
(B) , tinutukoy bilang Umuupa. Ipinapaupahan ng Nagpapaupa sa (Mga) Umuupa ang yunit na may numerong (C) , na matatagpuan sa
(D) sa proyektong kilala bilang
(E) .
2. Haba ng Panahon (Termino):
Xxx xxxx-unang termino ng Kasunduang ito ay magsisimula sa (F) at magtatapos sa (G) . Pagkarang matapos xxx xxxx-unang termino, ang Kasunduan ay magpapatuloy sa mga magkakasunod na termino ng bawat isang
(H) maliban kung hindi kusang tapusin sa pamamagitan ng talata 23 ng Kasunduang ito.
3. Upa: Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na magbayad ng $ (I) para sa bahagi ng buwan na magtatapos sa (J) . Pagkatapos nito, ang Umuupa ay sumasang-ayong magbayad ng upa na $_(K)_ kada buwan. Ang halagang ito ay marapat na bayaran sa ika-
(L) ng buwan sa
(M)
. Naiintidihan ng Umuupa na itong buwanang upa ay mas mababa sa merkadong (walang tulong na salapi) upa na dapat bayaran sa yunit na ito. Itong mababang upa ay posible rin dahil ang sanglaan sa proyektong ito ay tinustusan ng Department of Housing and Urban Development (HUD) at/o dahil ang HUD ay nagbibigay ng buwanang kabayaran sa Nagpapaupa sa ngalan ng Umuupa. Ang halaga, kung mayroon man, na ibinibigay ng HUD kada buwan sa ngalan ng Umuupa ay tinatawag na kabayarang tulong sa umuupa at ipinapakita sa linya ng "Assistance Payment" ng Owner’s Certification of Compliance sa pormularyong Tenant Eligibility and Rent Procedures ng HUD na Kalakip Bilang 1 sa Kasunduang ito.
4. Mga Pagbabago sa Bahagi ng Umuupa sa Upa:
Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na ang halaga ng upa na binabayaran ng Umuupa at/o ang halaga ng tulong na binabayaran ng HUD sa ngalan ng Umuupa ay maaaring magbago sa panahon ng termino ng Kasunduang ito kung:
a. magpasiya ang HUD o ang Administrador ng Kontrata (tulad ng Public Housing Agency), batay sa mga pamamaraan ng HUD, na ang pagtaas sa mga upa ay kinakailangan;
b. baguhin ng HUD o ng Administrador ng Kontrata ang anumang bayarin para sa mga utilidad o serbisyo na isinaalang-alang sa pagkalkula ng bahagi ng Umuupa sa upa;
c. ang kita, ang bilang ng mga tao sa sambahayan ng Umuupa o ibang mga dahilan na isinaalang-alang sa pagkalkula ng pagbabago sa upa ng Umuupa at ang isinasaad ng mga pamamaraan ng HUD na ang upa ng Umuupa o tulong sa pagbabayad ay iakma upang makita ang pagbabago;
d. kinakailangan ang muling sertipikasyon ng HUD o mga pamamaraan sa pagtatapos ng tulong na salapi ang mga pagbabago sa upa ng Umuupa o tulong sa pagbabayad;
e. magbago ang mga pamamaraan ng HUD para sa pagkalkula ng tulong sa pagbabayad ng Umuupa o upa; o
f. hindi makapagbigay ng impormasyon ang Umuupa tungkol sa kanyang kita, komposisyon ng pamilya o ibang mga dahilan na kinakailangan ng Nagpapaupa.
Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na isakatuparan ang mga pagbabago sa upa ng Umuupa o tulong sa pagbabayad ng umuupa batay lamang sa mga iniukol na panahon at pamamaraang administratibo na nasasaad sa mga manuwal ng HUD, mga tagubilin at regulasyong kaugnay sa pangangasiwa ng mga programang tulong sa salapi sa iba-ibang pamilya. Ang Nagpapaupa ay sumasang-xxxx na magbigay sa Umuupa nang hindi kukulangin sa 30 araw na paunang nakasulat na paunawa sa anumang pagtaas sa upa ng Umuupa maliban sa mga nakatala sa mga talata 11, 15 o 17. Ang Paunawa ay magsasaad ng bagong halaga na kailangang bayaran ng Umuupa, ang petsa kung kailan ang bagong halaga ay magkakabisa, at ang mga dahilan ng pagbabago sa upa. Ang Paunawa ay magpapayo rin sa Umuupa na siya ay maaaring makipagkita sa Nagpapaupa upang mapag-usapan ang pagbabago sa upa.
5. Bayarin para sa mga Nahuling Pagbabayad at mga Tumalbog na Tseke:
Kung ang Umuupa ay hindi nagbayad ng kabuuang halaga para sa upa na ipinapakita sa talata 3 sa katapusan ng ika-5 araw ng buwan, ang Nagpapaupa ay maaaring Sumingil ng $5 sa ika-6 na araw ng buwan. Pagkatapos noon, ang Nagpapaupa ay maaaring sumingil ng $1 sa bawat karagdagang araw na nananatiling hindi pa bayad ang upa sa buwan na ito ay dapat bayaran. Ang Nagpapaupa ay hindi maaaring tapusin ang Kasunduang ito dahil sa hindi pagbayad ng mga nahuling bayarin, ngunit maaaring tapusin ang Kasunduang ito dahil sa hindi pagbabayad ng upa, na ipinaliwanag sa talata 23. Ang Nagpapaupa ay maaaring maningil ng $ (N) sa pangalawa o anumang karagdagang pagkakataon na ang tseke ay hindi tinanggap upang mabayaran (tumalbog). Ang mga bayarin na tinalakay sa talatang ito ay karagdagan sa regular na buwanang upa na babayaran ng Umuupa.
6. Kondisyon ng Tinitirahang Yunit
Sa pagpirma sa Kasunduang ito, ang Umuupa ay nagpapahayag na ang tirahan ay ligtas, malinis at nasa mabuting kondisyon. Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na ang lahat ng mga kasangkapan at kagamitan sa yunit ay maayos na gumagana, maliban sa inilarawan sa Unit Inspection Report na nasa Kalakip Blg. 2 sa Kasunduang ito. Ang Umuupa ay sumasang- xxxx din na ang Nagpapaupa ay hindi gumawa ng mga pangakong maglagay ng palamuti, palitan, ayusin o pagbutihin ang yunit, maliban sa nakalista sa Unit Inspection Report.
7. Mga Bayarin para sa mga Utilidad at Serbisyo:
Ang mga sumusunod na tsart ay naglalarawan kung paano mababayaran ang halaga ng mga utilidad at serbisyo kaugnay ng pagtira sa yunit. Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na ang mga tsart na ito ay wastong naglalarawan ng mga utilidad at serbisyong binabayaran ng Nagpapaupa at iyong mga binabayaran ng Umuupa,
a. Ang Umuupa ay dapat magbayad para sa mga utilidad sa hanay (1). Ang mga kabayaran ay nararapat gawing deretso sa angkop na kompanya ng utilidad. Ang mga bagay sa hanay (2) ay kasama sa upa ng Umuupa.
(1) (2)
Maglagay ng "x" sa Utilidad na deretsong binabayaran ng Umuupa
Uri ng Utilidad Ilaw na Pampainit, De- kuryenteng Panluto, Tubig, Iba pa (Tukuyin.
Maglagay ng "x" sa anumang Utilidad na Kasama sa binabayarang Upa ng Umuupa
(O)
(O)
b. Ang Umuupa ay sumasang-xxxx na bayaran ang Nagpapaupa sa halagang ipinapakita sa hanay (3) sa petsang kailangang bayaran ang upa. Pinapatunayan ng Nagpapaupa na siya ay awtorisado ng HUD na maningil ng mga uri ng bayarin na ipinapakita sa hanay (3) at ang mga halagang ipinapakita sa hanay (3) ay hindi labis sa mga halagang awtorisado ng HUD.
(3)
Pagparada ng Sasakyan, Iba pa (Tukuyin.)
Ipakita ang Halaga ng $ na Karagdagan sa Upa na Binabayaran ng Umuupa sa Nagpapaupa
$ (O)
$
$
8. Mga Depositong Panggarantiya:
Ang Umuupa ay nagdeposito ng $ (P) sa Nagpapaupa. Hahawakan ng Nagpapaupa itong depositong panggarantiya sa panahong naninirahan ang Umuupa sa yunit. Pagkaraang umalis ng Umuupa sa yunit, pagpapasiyahan ng Nagpapaupa kung karapat-dapat isauli ang anuman o buong depositong panggarantiya sa Umuupa. Ang halagang isasauli ay pagpapasiyahan batay sa mga sumusunod na mga kondisyon at pamamaraan.
a. Ang Umuupa ay magiging karapat-dapat lamang sa pagsasauli ng Depositong panggarantiya kung ang Umuupa ay nagbigay sa Nagpapaupa ng 30-araw na nakasulat na paunawa ng kanyang kagustuhang umalis na kinakailangan sa talata 23, maliban kung ang Umuupa ay hindi nakapagbigay ng paunawa para sa mga kadahilanang hindi niya kayang kontrolin.
b. Pagkatapos na umalis ang Umuupa mula sa yunit, sisiyasatin ng Nagpapaupa ang yunit at kukompletuhin ang isa pang Unit Inspection Report. Pahihintulutan ng Nagpapaupa ang Umuupa na lumahok sa pagsisiyasat, kung hihilingin ito ng Umuupa.
c. Isasauli ng Nagpapaupa sa Umuupa ang halaga ng depositong panggaranitya na may karagdagang patubo na kinalkula sa _(Q) _%, simula ng (R) , na ibabawas ang anumang halagang kailangan upang bayaran ang gastos sa:
(1) hindi nabayarang upa;
(2) mga pinsala na hindi kasama sa ordinaryong pagkasira at hindi nakalista sa Unit Inspection Report;
(3) mga singilin para sa nahuling bayad sa upa at mga talbog na tseke, na nailarawan sa talata 5; at
(4) mga bayarin sa hindi ibinalik na mga susi, na nailarawan sa talata 9.
d. Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na isauli ang halaga na nakuwenta sa talata 8c sa loob ng _(S) _ araw pagkaraang ang Umuupa ay permanenteng umalis sa yunit, ibinalik sa Nagpapaupa ang pag-aari sa yunit, at ibinigay ang kanyang bagong tirahan sa Nagpapaupa. Ang Nagpapaupa ay magbibigay din sa Umuupa ng nakasulat na listahan ng mga singiling ibinawas mula sa deposito. Kung ang Umuupa ay hindi sumasang-xxxx sa Nagpapaupa patungkol sa mga halagang ibinawas at humingi ng pakikipagkita sa Nagpapaupa, ang Nagpapaupa ay sumasang-xxxx na makipagkita sa Umuupa at di-pormal na pag-uusapan ang mga pinagtatalunang singilin.
e. Kung ang yunit ay inuupahan ng mahigit sa isang tao, sumasang-xxxx xxx mga Umuupa na ayusin ang mga detalye sa hatian ng anumang isasauli sa kani-kanila. Ang Nagpapaupa ay maaaring bayaran ang halagang isasauli sa sinumang Umuupa na nakilala sa Talata 1 ng Kasunduang ito.
f. Naiintindihan ng Umuupa na hindi ibibilang ng Nagpapaupa ang Depositong Panggarantiya patungo sa pinakahuling buwang upa o patungo sa mga bayarin sa pagkukumpuni na utang ng Umuupa alinsunod sa talata 11.
9. Mga Susi at Kandado:
Sumasang-xxxx xxx Umuupa na hindi maglalagay ng mga karagdagan o ibang mga kandado o mga tarangkahan sa anumang mga pinto o bintana ng yunit nang walang nakasulat na pahintulot ng Nagpapaupa. Kung inaprobahan ng Nagpapaupa ang kahilingan ng Umuupa na maglagay ng mga naturang kandado, ang Umuupa ay sumasang-xxxx na magbigay ng susi sa Nagpapaupa para sa bawat kandado. Kapag ang Kasunduang ito ay natapos na, sumasang-xxxx xxx Umuupa na ibalik sa Nagpapaupa ang lahat ng mga susi sa tinirahang yunit. Ang Nagpapaupa ay maaaring maningil sa Umuupa ng $ (T)_ para sa bawat susing hindi isinauli.
10. Pangangalaga:
a. Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na
(1) palagiang linisin ang mga panlahat na lugar ng proyekto;
(2) pangalagaan ang mga panlahat na lugar at mga pasilidad sa isang kondisyong ligtas;
(3) isaayos ang koleksyon at pagtanggal ng mga basura;
(4) pangalagaan ang lahat ng mga kagamitan at kasangkapan na ligtas at nasa gumaganang ayos;
(5) gumawa ng mga kinakailangang pagkukumpuni sa katamtamang panahon;
(6) panatilihing maaayos at gumagana ang mga panlabas na ilaw:
(7) magbigay ng serbisyong pumupuksa sa mga peste at insekto, kung kinakailangan; at
(8) pangalagaan ang mga lupa at palumpong.
b. Sumasang-xxxx xxx Umuupa na:
(1) panatilihing malinis ang yunit;
(2) gamitin ang lahat ng mga kasangkapan, bagay na pirmihang nakakabit at kagamitan sa ligtas na paraan at xxxx lamang sa kanilang mga gamit;
(3) hindi magkakalat sa mga bakuran o panlahat na mga lugar ng proyekto;
(4) hindi sisirain, dudungisan, pipinsalain o tatanggalin ang anumang bahagi ng yunit, mga panlahat na lugar, o mga lugar ng proyekto;
(5) magbigay sa Nagpapaupa ng agarang paunawa sa anumang pagkasira sa mga tubo, bagay na pirmihang nakakabit, kasangkapan, pampainit at pampalamig na mga kagamitan o anumang ibang bahagi ng yunit o mga kaugnay na pasilidad; at
(6) tanggalin ang basura at ibang bagay na itatapon mula sa yunit sa isang malinis at ligtas na paraan.
11. Mga Pinsala: Kapag ang pinsala ay dulot ng kawalang pag-iingat, maling paggamit, o pagwawalang bahala sa panig ng Umuupa, kanyang pamilya o mga bisita, ang Umuupa ay sumasang-xxxx na magbayad ng:
a. gastusin sa lahat ng pagpapagawa at gagawin ito sa loob ng 30 araw pagkaraang makatanggap ng hiling mula sa Nagpapaupa para sa mga singilin sa pagkukumpuni; at
b. upa para sa panahong ang yunit ay napinsala maging ito man ay maaaring tirahan o hindi. Naiintindihan ng Umuupa na ang HUD ay hindi magbibigay ng tulong sa pagbayad para sa anumang panahon na ang yunit ay hindi maaaring tirahan. Para sa anumang ganoong panahon, ang Umuupa ay sumasang-xxxx na bayaran ang upa sa merkado aprobado ng HUD sa halip na ang upa ng Umuupa na ipinapakita sa talata 3 ng kasunduang ito.
12. Mga Paghihigpit sa mga Pagbabago:
Walang pagbabago, pagdaragdag, o pagpapaganda ang nararapat gawin sa loob o sa lugar nang walang nakasulat na paunang pahintulot mula sa Nagpapaupa. Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na magbigay ng katanggap-tanggap na panuluyan sa isang karapat-dapat ngunit may kapansanang umuupa, kasama ang paggawa ng mga pagbabago sa mga alituntunin, polisiya, o pamamaraan, at paggawa at pagbayad para sa mga pagbabago sa istruktura sa yunit o panlahat na mga lugar. Ang Nagpapaupa ay hindi kinakailangang magbigay ng mga panuluyang binubuo ng isang pangunahing pagbabago sa programa ng Nagpapaupa o nang maaaring magdulot ng isang malaking kahirapang pinansyal at administratibo. Tingnan ang mga regulasyon sa 24 CFR Part 8. Sa karagdagan, kung ang hiniling na pagbabago sa istruktura ay nagdudulot ng malaking kahirapang pinansyal o administratibo, ang Nagpapaupa pagkatapos ay dapat na magpahintulot sa umuupa na gumawa at magbayad para sa mga pagbabago alinsunod sa Fair Housing Act.
13. Mga Pangkalahatang Paghihigpit:
Ang Umuupa ay dapat tumira sa yunit at ito ang dapat lamang na lugar na kanyang tinitirahan. Ang Umuupa ay nararapat lamang gamitin xxx xxxxx xxxxxx pribadong tahanan para sa kanya at mga indibiduwal na nakasulat sa Owner’s Certification of Compliance sa Tenant Eligibility and Rent Procedures ng HUD, Kalakip 1. Sumasang-xxxx xxx Umuupa na pahintulutan ang ibang mga indibiduwal na tumira sa yunit pagkatapos lamang na makakuha ng naunang nakasulat na pahintulot mula sa Nagpapaupa. Sumasang-xxxx xxx Umuupa na hindi:
a. ipaupa o isalin ang yunit, o anumang bahagi ng yunit;
b. gamitin ang yunit sa ipinagbabawal na mga layunin;
c. makilahok o pahintulutan ang ipinagbabawal na mga gawain sa yunit, sa mga lugar na panlahat o sa mga lugar ng proyekto;
d. magkaroon ng mga inaalagang hayop o anumang uri ng hayop sa yunit nang walang naunang nakasulat na pahintulot ng Nagpapaupa, ngunit ang Nagpapaupa ay magpapahintulot sa umuupa na mag-alaga ng hayop na kinakailangan bilang makatuwirang kaluwagan sa kapansanan ng umuupa, at magpapahintulot sa mga hayop na samahan ang mga bisitang may kapansanang kailangan ang mga ganoong hayop bilang kaluwagan sa kanilang kapansanan; o
e. gumawa o magpahintulot sa mga ingay o kilos na makakaabala sa mga karapatan o ginhawa ng mga kapitbahay. Sumasang-xxxx xxx Umuupa na panatilihin xxx xxxxx ng anumang radyo, ponograpo, telebisyon o instrumentong musikal sa antas na hindi nakakagambala sa mga kapitbahay.
14. Mga Alituntunin: Sumasang-xxxx xxx Umuupa na sumunod sa mga Alituntunin ng Bahay na mga Kalakip Bilang 3 sa Kasunduang ito. Sumasang-xxxx xxx umuupa na sumunod sa mga karagdagang alituntuning napagtibay pagkatapos ang petsang pagkabisa ng Kasunduang ito kung:
a. ang mga alituntunin ay makatuwirang kaugnay sa kaligtasan, pangangalaga at kalinisan ng gusali at sa kaligtasan, ginhawa at kaluwagan ng mga Umuupa; at
b. makatanggap ang Umuupa ng nakasulat na paunawa ng mga iminungkahing alituntunin nang hindi hihigit sa 30 araw bago ipatupad ang alituntunin.
15. Pirmihang Nakatakdang Muling Sertipikasyon:
Kada taon ng ika- (U) ng _(V)_, hihingi ang Nagpapaupa sa Umuupa ng ulat ng kanyang kita at komposisyon ng sambahayan at magbigay ng anumang ibang impormasyon na kinakailangan ng HUD para sa mga layuning matiyak ang upa at tulong sa pagbabayad ng Umuupa, kung mayroon man. Sumasang-xxxx xxx Umuupa na magbigay ng tumpak na mga pahayag ng mga impormasyong ito at gawin nga sa tinukoy na petsa sa kahilingan ng Nagpapaupa. Titiyakin ng Nagpapaupa ang impormasyong ibinigay ng Umuupa at gamitin ang natiyak na impormasyon upang makalkulang muli ang halaga ng paupa at tulong sa pagbabayad ng Umuupa, kung mayroon man.
a. Kung hindi isumite ng Umuupa ang kinakailangang impormasyon para sa muling sertipikasyon sa petsang nakasaad sa kahilingan ng Nagpapaupa, ang Nagpapaupa ay maaaring magpataw ng mga sumusunod na kaparusahan. Maaaring ipatupad ng Nagpapaupa ang mga kaparusahang ito batay lamang sa mga pamamaraang administratibo at mga panahong tinukoy sa mga regulasyon ng HUD, mga manuwal at mga tagubiling kaugnay sa pangangasiwa ng mga programang tulong sa salapi sa iba-ibang pamilya.
(1) Iutos sa Umuupa na magbayad ng mas mataas, ang upa sa merkado na aprobado ng HUD (HUD-approved market rent) para sa yunit.
(2) Ipatupad ang anumang pagtaas sa upa magmula sa pagproseso sa muling sertipikasyon nang hindi nagbibigay ng 30-araw na paunawa kung hindi inaatas ng talata 4 ng Kasunduang ito.
b. Maaaring humingi ng pakikipagkita ang Umuupa sa Nagpapaupa upang mapag- usapan ang anumang pagbabago sa upa o tulong sa pagbabayad na nagmula sa naprosesong muling sertipikasyon. Kung humiling ang Umuupa ng nasabing pulong, sasang-xxxx xxx Nagpapaupa na makipagkita sa Umuupa at pag-usapan kung paano nakalkula ang upa ng Umuupa at tulong sa pagbabayad, kung mayroon man.
16. Pag-uulat ng mga Pagbabago sa Pagitan ng Pirmihang Nakatakdang Muling Sertipikasyon:
a. Kung alinman sa mga sumusunod na pagbabago ang nangyari, sumasang-xxxx xxx Umuupa na agarang ipapaalam sa Nagpapaupa.
(1) Sinuman sa miyembro ng sambahayan ang lumisan sa yunit.
(2) Ang isang miyembro ng sambahayang nasa hustong gulang na naitalang walang trabaho sa pinakabagong sertipikasyon o muling sertipikasyon ay nakakuha ng trabaho.
(3) Ang pinagsama-xxxxxx xxxx ng sambahayan ay tumaas ng $200 o higit pa kada buwan.
b. Maaaring iulat ng Umuupa ang anumang pagbaba sa kita o anumang pagbabago sa ibang mga dahilang isinaalang-alang sa pagkuwenta sa upa ng Umuupa. Maliban kung mayroong pagpapatibay ang Nagpapaupa na ang pagbaba sa kita o pagbabago sa ibang mga dahilan ay tatagal nang hindi lalampas ng isang buwan, titiyakin ng Nagpapaupa ang impormasyon at gagawin ang mga angkop na pagbawas sa upa. Gayon man, kung ang kita ng Umuupa ay bahagi o buong maibabalik sa loob ng dalawang buwan, maaaring patagalin ng Nagpapaupa ang proseso ng sertipikasyon hanggang malaman ang bagong kita, ngunit ang pagbawas sa upa ay magkakabisa simula sa nakaraan na at ang Umuupa ay hindi maaaring paalisin ng Nagpapaupa ng dahil sa hindi pagbayad ng upa na kailangang bayaran sa panahon ng naiulat na pagbaba at sa kabuuang proseso ng sertipikasyon. Ang Umuupa ay mayroong 30 araw pagkatapos makatanggap ng nakasulat na paunawa ng anumang upa na dapat bayaran para sa panahong nabanggit sa itaas na magbayad o ang Nagpapaupa ay maaaring magpaalis dahil sa hindi pagbayad ng upa. (Narebisa 3/22/89)
c. Kung hindi ipinaalam ng Umuupa ang mga ganitong pansamantalang mga pagbabago, ang Nagpapaupa ay maaaring magtaas ng upa ng Umuupa xxxx sa upa sa merkadong aprobado ng HUD (HUD-approved market rent). Maaari lamang itong gawin ng Nagpapaupa batay sa panahong iniukol at mga pamamaraang administratibong nakalahad sa mga regulasyon ng HUD, mga manuwal at tagubilin ukol sa pangangasiwa ng mga programang tulong sa salapi para sa iba-ibang pamilya.
d. Maaaring humiling ang Umuupa na makipagkita sa Nagpapaupa upang makipag- usap kung paano makaka-apekto ang anumang pagbabago ng kita o ibang mga dahilan sa kanyang upa o tulong sa pagbabayad, kung mayroon man. Kung hilingin ng Umuupa ang nasabing pulong, sasang-xxxx xxx Nagpapaupa na makipagkita sa Umuupa at ipapaliwanang kung paano nakalkula ang upa ng Umuupa at tulong sa pagbabayad, kung mayroon man.
17. Pagtanggal ng Tulong sa Salapi:
a. Nauunawaan ng Umuupa na ang tulong na magagamit sa ngalan niya ay maaaring tapusin kung mangyayari ang alinman sa mga aytem 1 o 2 sa ibaba. Ang Pagtatapos ng tulong ay nangangahulugang ang Nagpapaupa ay maaaring gumawa ng tulong na magagamit ng ibang Umuupa at ang upa ng Umuupa ay muling kukuwentahin. Sa karagdagan, kung ang tulong ng Umuupa ay tinapos dahil sa pamantayan (1) sa ibaba, ang Umuupa ay kinakailangang magbayad ng upa sa merkado na aprobado ng HUD (HUD-approved market rent) para sa yunit.
(1) Ang Umuupa ay hindi nagbigay sa Nagpapaupa ng impormasyon o mga ulat na kinakailangan sa talata 15 o 16 sa loob ng 10 kalendaryong araw pagkatapos makatanggap mula sa Nagpapaupa ng paunawang hangaring tapusin ang tulong sa pagbabayad ng Umuupa.
(2) Ang halaga na kakailanganing bayaran ng Umuupa para sa upa at mga utilidad sa ilalim ng mga alituntunin at regulasyon ng HUD ay katumbas ng Family Gross Rent na ipinapakita sa Kalakip 1.
b. Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupang magbigay sa Umuupa ng paunawang nakasulat ng iminungkahing pagtatapos. Ang paunawa ay magpapayo sa Umuupa na, sa loob ng sampung araw sa kalendaryo kasunod ng petsa ng paunawa, siya ay maaaring humiling na makipagkita sa Nagpapaupa upang pag-usapan ang iminungkahing pagtatapos ng tulong. Kung ang Umuupa ay humiling ng isang talakayan ng iminungkahing pagtatapos, ang Nagpapaupa ay sasang-ayong makipagkita sa Umuupa.
c. Ang pagtatapos ng tulong ay hindi makaka-apekto sa ibang mga karapatan ng Umuupa sa ilalim nitong Kasunduan, kasama ang karapatang manirahan sa yunit. Ang tulong ay maaaring muling maibalik sa kalaunan kung ang Umuupa ay magbibigay ng kita o ibang datos na inaatas ng mga pamamaraan ng HUD, tinitiyak ng Nagpapaupa na ang Umuupa ay karapat-dapat para sa tulong, at mayroong magagamit na tulong.
18. Obligasyon ng Umuupa na Muling Magbayad:
Kung ang umuupa ay nagbigay ng maling impormasyon sa anumang aplikasyon, sertipikasyon o kahilingan para sa pansamantalang pag-aakma o hindi nag-ulat ng pansamantalang mga pagbabago sa kita ng pamilya o ibang mga dahilang inaatas sa talata 16 ng Kasunduang ito, at bilang resulta, ay siningil ng upa na mas mababa sa halagang kailangan ng mga pormula ng HUD sa upa, ang Umuupa ay sumasang-xxxx na bayaran ang Nagpapaupa para sa kakulangan sa pagitan ng upa na nararapat niyang binayaran at sa upa na siningil sa kanya. Ang Umuupa ay hindi kinakailangang magbayad sa Nagpapaupa para sa mga kulang na singil na sanhi lamang ng pagkukulang ng Nagpapaupa na sumunod sa mga pamamaraan ng HUD para sa pagkuwenta ng upa o tulong sa pagbabayad.
19. Laki ng Matitiraan Nauunawaan ng Umuupa na inaatas ng HUD sa Nagpapaupang magtakda ng mga yunit alinsunod sa mga nakasulat na mga pamantayan sa paninirahan ng Nagpapaupa. Kasama sa mga pamantayang ito ang mga konsiderasyon sa laki ng yunit, ugnayan ng mga miyembro ng pamilya, edad at kasarian ng miyembro ng pamilya at ninanais ng pamilya. Kung ang Umuupa ay karapat-dapat o naging karapat-dapat para sa ibang laki ng yunit, at nagkaroon ng kinakailangang laki ng yunit, sumasang-xxxx xxx Umuupa na:
a. lumipat sa loob ng 30 araw pagkatapos siyang abisuhan ng Nagpapaupa na nagkaroon sa loob ng proyekto ng kinakailangang laki ng yunit; o
b. manatili sa parehong yunit at bayaran ang upa sa merkado na aprobado ng HUD (HUD-approved market rent).
20. Pagpasok ng Nagpapaupa:
a. Ang Nagpapaupa ay sumasang-xxxx na pumasok lamang sa yunit sa mga makatuwirang oras, upang magbigay ng makatuwirang paunang paunawa ukol sa kanyang hangarin na pumasok sa yunit, at pumasok lamang sa yunit pagkatapos mabigyang pahintulot ng Umuupa na gawin ito, maliban sa mga kalagayang kailangang magmadali kung kaya’t nagiging imposible ang mga ganoong paunawa o maliban sa nakapailalaim sa talata (c) sa ibaba.
b. Ang Umuupa ay nagbibigay ng paunang pahintulot sa mga sumusunod na mga pagpasok sa yunit:
(i) Ang umuupa ay sumasang-xxxx na pahintulutan ang Nagpapaupa, ang kanyang mga kawani o ibang tao, kung awtorisado ng Nagpapaupa, na pumasok sa yunit para sa layuning magsagawa ng mga katamtamang pagkumpuni at mga regular na inspeksiyon.
(ii) Pagkatapos magbigay ang Umuupa ng paunawang hangaring lumisan, ang Umuupa ay sumasang-xxxx na pahintulutan ang Nagpapaupang ipakita ang yunit sa mga nagbabalak mangupahan sa mga makatuwirang oras.
c. Kung ang Umuupa ay lumisan bago matapos ang Kasunduang ito, ang Nagpapaupa ay maaaring pumasok sa yunit upang maglagay ng palamuti, muling mag-ayos, baguhin o kung hindi man ihanda ang yunit sa muling pagpapaupa.
21. Diskriminasyong Ipinagbabawal:
Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na hindi magpapakita ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihiyon, pananampalataya, Bayang pinagmulan, kasarian, edad, estado ng pamilya, at kapansanan.
22. Pagbabago sa Kasunduan sa Pag- upa:
Kung mayroong naunang pahintulot mula sa HUD, ang Nagpapaupa ay maaaring baguhin ang mga termino at kondisyon ng Kasunduang ito. Anumang mga pagbabago ay magkakabisa lamang sa katapusan ng pang-unang termino o magkakasunod na termino.
Dapat ipaalam ng Nagpapaupa sa Umuupa ang anumang pagbabago at dapat mag-alok sa Umuupa ng panibagong Kasunduan o pagsususog sa umiiral na Kasunduan. Dapat matanggap ng Umuupa ang paunawa nang hindi hihigit sa 60 araw bago ang panukalang petsa ng pagkabisa ng pagbabago. Maaaring tanggapin ng Umuupa ang mga nabagong termino at kondisyon sa pamamagitan ng pagpirma sa bagong Kasunduan o ang susog sa umiiral na Kasunduan at pagbabalik nito sa Nagpapaupa. Maaaring tanggihan ng Umuupa ang mga nabagong termino at kondisyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa Nagpapaupa ng paunawang nakasulat na siya ay naghahangad nang tapusin ang pangungupahan. Dapat ibigay ng Umuupa ang ganitong paunawa nang di kukulangin sa 30 araw bago magkabisa ang panukalang pagbabago. Kung hindi tanggapin ng Umuupa ang nasusog na kasunduan, ang Nagpapaupa ay maaaring iatas sa Umuupang umalis mula sa proyekto, na nasasaad sa talata 23.
23. Katapusan ng Pangungupahan:
a. Upang matapos ang Kasunduang ito, ang Umuupa ay dapat magbigay sa Nagpapaupa ng 30-araw na paunawang nakasulat bago lumisan sa yunit.
b. Anumang pagtatapos ng Kasunduang ito ng Nagpapaupa ay dapat isagawa batay sa mga regulasyon ng HUD, pang-estado at lokal na batas, at mga termino ng Kasunduang ito.
c. Maaaring tapusin ng Nagpapaupa ang Kasundang ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. ang materyal na hindi pagsunod ng Umuupa sa mga termino ng Kasunduang ito;
2. ang materyal na hindi pagtupad sa mga obligasyon ng Umuupa sa ilalim ng anumang State Landlord at Tenant Act;
3. kriminal na gawaing kaugnay sa drogang isinasagawa sa loob
o malapit sa lugar, ng sinumang umuupa, miyembro ng sambahayan, o bisita, at anumang ganitong aktibidad na ginagawa sa loob ng lugar ng sinumang tao na nasa pamamahala ng umuupa;
4. ginawang pagtitiyak ng Nagpapaupa na ang miyembro ng sambahayan ay ilegal na gumagamit ng droga;
5. ginawang pagtitiyak ng Nagpapaupa na ang kilos ng ilegal na
paggamit ng droga ay nakakasagabal sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan sa payapang paggamit ng lugar ng ibang mga residente;
6. kriminal na aktibidad ng umuupa, sinumang miyembro ng
sabahayan ng umuupa, isang bisita o isa pang taong nasa pamamahala ng umuupa:
(a) na nagbabanta sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan
sa payapang paggamit ng lugar ng ibang mga residente (kasama ang mga kawaning namamahala sa ari-arian na naninirahan sa lugar); o
(b) na nagbabanta sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan
sa payapang paggamit sa kanilang mga tahanan ng mga taong naninirahan sa pinakamalapit na paligid ng lugar;
7. kung ang umuupa ay tumatakas upang maiwasan ang pag-
uusig, o pag-aalaga o pagkakulong pagkatapos ng paghatol, para sa isang krimen, o tangkang gumawa ng krimen, iyan ay isang krimen sa ilalim ng mga batas ng lugar na kung saan tumatakas ang indibiduwal, o sa kaso ng Estado ng New Jersey, ay isang mataas na antas ng maliit na kasalanan;
8. kung ang umuupa ay lumalabag sa kondisyon ng pagsubok na paglaya o parol sa ilalim ng batas ng Federal o Estado;
9. ginawang pagtitiyak ng Nagpapaupa na ang pag-abuso o kilos
ng paggamit ng alak ng isang miyembro ng sambahayan ay nagbabanta sa kalusugan, kaligtasan, o karapatan sa payapang paggamit ng lugar ng ibang mga residente;
10. kung matitiyak ng Nagpapaupa na ang umuupa, sinumang miyembro ng sambahayan ng umuupa, bisita o isa pang tao na nasa
pamamahala ng umuupa ay nagsagawa ng kriminal na aktibidad, sa kabila ng kung ang umuupa, sinumang miyembro ng sambahayan ng umuupa, bisita o isa pang tao na nasa pamamahala ng umuupa ay naaresto o nahatulan sa nasabing xxxxxx.
d. Maaaring tapusin ng Nagpapaupa ang Kasunduang ito dahil sa ibang magandang kadahilanan, na kasama, ngunit hindi limitado sa, pagtanggi ng umuupa na tanggapin ang mga pagbabago sa kasunduang ito. Ang mga pagtatapos dahil sa “ibang magandang kadahilanan” ay maaari lamang magkabisa sa katapusan ng anumang pang-una o magkakasunod na termino.
Kasama sa terminong materyal na hindi pagsunod sa pagpapaupa ang: (1) isa o higit pang mahalagang mga paglabag sa pagpapaupa; (2) paulit-ulit na mga maliliit na paglabag sa pagpapaupa na (a) nanggugulo ng paninirahan sa proyekto; (b) masamang makaka-apekto sa kalusugan o kaligtasan ng sinumang tao o sa karapatan ng sinumang umuupa sa tahimik na paggamit ng mga inuupahang lugar at mga pasilidad kaugnay ng proyekto, (c) manghimasok sa pamamahala ng proyekto, o (d) magkaroon ng masamang epektong pinansyal sa proyekto (3) hindi pagbigay ng umuupa sa takdang oras ng lahat ng kinakailangang impormasyon sa kita at sa komposisyon, o mga dahilan para maging
karapat-dapat, ng sambahayan ng umuupa (kasama, ngunit hindi limitado sa, hindi makatugon sa mga kinakailangan para sa pagsisiwalat at pagpapatunay para sa Numero sa Social Security, o hindi pagpirma at pagsumite ng mga pormularyo sa pagsang-xxxx para sa pagkuha ng impormasyon para sa suweldo at karapatang pag-angkin mula sa State Wage Information Collection Agencies), at (4) Hindi pagbabayad ng upa o anumang ibang pinansyal na obligasyon na nakatakda sa ilalim ng pagpapaupa nang higit pa sa anumang panahong palugit sa ilalim ng batas ng Estado. Ang pagbayad sa upa o sa anumang ibang obligasyong pinansyal na nakatakda sa ilalim ng pagpapaupa pagkatapos ng takdang petsa ngunit sa loob ng panahong palugit na pinapahintulutan sa ilalim ng batas ng Estado ay bumubuo sa isang munting paglabag.
e. Kung imumungkahi ng Nagpapaupa na tapusin ang Kasunduang ito, sumasang- xxxx xxx Nagpapaupa na magbigay sa Umuupa ng nakasulat na paunawa at ang mga dahilan para sa iminungkahing pagtatapos. Kung tinatapos ng Nagpapaupa ang Kasunduang ito dahil sa “ibang magandang kadahilanan,” ang paunawang pagtatapos ay dapat ipadala sa koreo papunta sa Umuupa at personal na dalhin sa
tinitirahang yunit sa paraang kinakailangan ng HUD nang di kukulangin sa 30 araw bago ang petsa na kung kailan ang Umuupa ay kailangang lumisan sa yunit at xxxx sa mga inaatas ng batas ng Estado. Ang mga paunawang iminungkahing pagtatapos para sa ibang mga dahilan ay dapat maibigay batay sa anumang panahong iniukol na nasasaad sa Estado at lokal na batas. Anumang kailangang panahon sa paunawa ng HUD ay maaaring makasabay sa anumang panahon sa paunawa na inaatas ng batas ng Estado o lokal. Ang lahat ng mga paunawang pagtatapos ay dapat:
• tumukoy sa petsa kung kailan magtatapos ang Kasunduang ito;
• ilahad ang mga dahilan para sa pagtatapos na mayroong sapat na detalye para makapaghanda ng depensa ang Umuupa;
• abisuhan ang Umuupa na siya ay mayroong 10 araw upang pag-usapan ang iminungkahing pagtatapos ng pangungupahan sa Nagpapaupa. Ang panahon ng 10-araw ay magsisimula sa pinakamaagang petsa na kung saan ang paunawa ay personal na dinala sa yunit o sa araw pagkatapos ng petsa na ang paunawa ay ipinadala sa koreo. Kung ang Umuupa ay hihingi ng pakikipagkita, sasang-xxxx xxx Nagpapaupa na pag-usapan ang iminungkahing pagtatapos sa Umuupa; at
• payuhan ang Umuupa na siya ay may karapatang ipagtanggol ang aksyon sa xxxxx.
f. Kung isang pagpapaalis ay sinimulan, sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na aasa lamang siya sa mga dahilan na nakasaaad sa paunawang pagtatapos na inaatas sa talata e.
24. Mga Panganib: Ang Umuupa ay hindi magsasagawa, o magpapahintulot sa kanyang pamilya o mga bisita na magsagawa, ng anumang mga mapanganib na kilos o gumawa ng anumang magtataas ng mga premium sa seguro ng proyekto. Ang naturang aksyon ay bumubuo sa materyal na hindi pagsunod. Kung ang yunit ay napinsala ng sunog, hangin, o ulan hanggang sa ang yunit ay hindi na maaaring tirahan at ang pinsala ay hindi dahil o pinalala ng Umuupa, ang pananagutan ng Umuupa ay ang upa lamang na hanggang sa petsa ng pagkasira. Ang karagdagang upa ay hindi isasama hanggang sa ang yunit ay makumpuni na at maaari nang tirahan.
25. Parusa sa Pagbibigay ng Maling Impormasyon:
Ang sadyang pagbibigay sa Nagpapaupa ng maling impormasyon tungkol sa kita o ibang mga dahilan na isinaalang-alang upang matiyak ang pagiging karapat-dapat ng Umuupa at ang upa ay isang materyal na hindi pagsunod sa pagpapaupa na batay sa pagtatapos ng pangungupahan. Sa karagdagan, ang Umuupa ay maaaring sumailalim sa mga parusa na mayroon sa ilalim ng batas ng Federal. Kasama sa mga parusang iyon ang mga multa hanggang $10,000 at pagkakulong nang hanggang limang taon.
26. Mga Nilalaman ng Kasunduang ito:
Ang Kasunduang ito at ang mga Kalakip ay bumubuo ng buong kasunduan sa pagitan ng Nagpapaupa at ng Umuupa tungkol sa yunit.
Kung ang anumang Xxxxx ay magdeklara na ang isang partikular na probisyon ng Kasunduang ito ay walang-bisa o ilegal, ang lahat ng ibang termino ng Kasunduang ito ay mananatiling may bisa at ang parehong Nagpapaupa at Umuupa ay patuloy na mapapaloob sa mga ito.
27. Mga Kalakip sa Kasunduan:
Pinatototohanan ng Umuupa na siya ay nakatanggap ng kopya ng Kasunduang ito at ng mga sumusunod na Kalakip sa Kasunduang ito at naiintindihan na ang mga Kalakip na ito ay bahagi ng Kasunduang ito.
a. Kalakip Blg. 1 – Owner’s Certification of Compliance sa Tenant Eligibility and Rent Procedures ng HUD, pormularyo HUD-50059
b. Kalakip Blg. 2 – Unit Inspection Report.
c. Kalakip Blg. 3 – Alituntunin sa Yunit (kung mayroon).
28. Karapatan ng Umuupa na Magtatag ng Organisasyon:
Sumasang-xxxx xxx Nagpapaupa na pahihintulutan ang umuupa at mga nagbubuo ng umuupa na magsagawa sa ari-arian ng mga gawaing patungkol sa pagtatatag o pamamalakad ng organisasyon ng umuupa na nakalahad batay sa mga pangangailangan ng HUD.
29. Pagpapatotoo ng Kita ng Umuupa:
Kailangang agarang magbigay ang Umuupa sa Nagpapaupa ng anumang liham o ibang paunawa ng HUD sa isang miyembro ng pamilya na nagbibigay ng mga impormasyon patungkol sa halaga o pagpapatunay ng kita ng pamilya batay sa mga pangangailangan ng HUD.
30. Ang kasunduan sa pagpapaupa ay magwawakas ng kusa, kung ang kontrata sa Seksiyon 8 Housing Assistance ay nagwakas sa anumang dahilan.
“Ang bersyong Ingles ng pagpapaupa lamang ang pipirmahan.”
Pasaning iulat sa publiko – ang HUD ay hindi humihingi ng pag-aproba ng anumang pasaning oras para sa mga modelong pagpapaupa dahil noon pa ang paggamit ng mga pagpapaupa ay isang pamantayan sa negosyong ginagamit na sa industriya ng pag-upa sa pabahay. Ang impormasyong ito ay kailangan upang makakuha ng mga benepisyo at boluntaryo ito. Maaaring hindi kunin ng HUD ang impormasyong ito, at hindi ninyo kinakailangang kumpletuhin ang pormularyong ito, maliban kung ipinapakita nito ang isang kasalukuyang may-bisa na kontrol na numero ng OMB. Ang mga kahilingan at kinakailangang suportang dokumento ay ipinapadala sa HUD o sa Contract Administrator (CA) para sa pag-aproba. Ang pagpapaupa ay isang kontrata sa pagitan ng may-ari ng proyekto at ng (mga) umuupa na nagpapaliwanag ng mga termino para sa paninirahan sa yunit. Ang mga pagpapaupa ay isang pamantayan sa negosyong ginagamit sa industriyang pag-upa sa pabahay. Ang mga may-ari ay kinakailangang gumamit ng modelo ng pagpapaupa ng HUD na kabilang ang mga termino na karaniwang sinasakop ng mga pagpapaupa na ginagamit sa industriya ng pag-upa sa pabahay dagdag ang mga termino na iniaatas ng HUD para sa programa sa ilalim na kung saan ang proyekto ay nagawa at/o programang nagbibigay ng tulong sa pag- upa sa mga umuupa.
Ang impormasyong ito ay awtorisado ng 24 CFR 5.360, 236.750, 880.606, 883.701, 884.215, 886.127, 891.425, 891.625 at 891.765 na sumasakop sa mga pangangailangan at probisyon ng pagpapaupa. Ang impormasyong ito ay itinuturing na hindi sensitibo at hindi nangangailangan ng natatanging proteksiyon.