Namamahalang Batas; Severability; Mga Panuntunan sa Konstruksyon na Halimbawang mga Probisyon

Namamahalang Batas; Severability; Mga Panuntunan sa Konstruksyon. Ang Security Instrument na ito ay napapailalim sa pederal na batas at batas ng Estado ng North Carolina. Ang lahat ng karapatan at obligasyon na nakapaloob sa Security Instrument na ito ay napapailalim sa anumang inaatas at limitasyon ng Naaangkop na Batas. Kung ang anumang probisyon ng Security Instrument na ito o Note ay sumasalungat sa Naaangkop na Batas (i) ang nasabing salungatan ay hindi makakaapekto sa iba pang probisyon ng Security Instrument na ito o ang Note na maaaring magkabisa nang wala ang sumasalungat na probisyon, at (ii) ang gayong sumasalungat na probisyon, hangga't maaari, ay ituturing na binago bilang pagsunod sa Naaangkop na Batas. Ang Naaangkop na Batas ay maaaring tahasan o tuwirang payagan ang mga panig na sumang-xxxx sa pamamagitan ng kontrata o maaari itong tahimik, ngunit ang gayong pananahimik ay hindi dapat ituring bilang isang pagbabawal laban sa kasunduan sa pamamagitan ng kontrata. Ang anumang aksyon na kinakailangang sa ilalim ng Security Instrument na ito na gawin alinsunod sa Naaangkop na Batas ay gagawin alinsunod sa Naaangkop na Batas nang may bisa sa oras na ang aksyon ay isinagawa. Gaya ng paggamit sa Security Instrument na ito: (a) ang mga salita sa isahan ay mangangahulugan at isasama ang maramihan at vice versa; (b) ang salitang "maaari" ay nagbibigay ng sariling pagpapasya nang walang anumang obligasyon na gumawa ng anumang aksyon; (c) ang anumang pagbanggit sa "Seksyon" sa dokumentong ito ay tumutukoy sa Mga Seksyon na nakapaloob sa Security Instrument na ito maliban kung iba ang binanggit; at (d) ang mga heading at caption ay inilalagay para sa madaling pagsangguni at hindi tumutukoy, naglilimita, o naglalarawan sa saklaw o layunin ng Security Instrument na ito o anumang partikular na Seksyon, talata, o probisyon. 18.