PAGSASALIN SA TAGALOG NG DEED OF TRUST TAGALOG TRANSLATION OF DEED OF TRUST
PAGSASALIN SA TAGALOG NG DEED OF TRUST TAGALOG TRANSLATION OF DEED OF TRUST
ABISO TUNGKOL SA PAGSASALIN SA TAGALOG
Ang pagsasaling ito sa Tagalog ay hindi isang mabisang legal na dokumento, ibinibigay lang ito para sa kaginhawahan ng Borrower, at hindi ito kailanman maituturing na kontrata o anumang bahagi ng dokumento ng loan sa Ingles. Bagama't sinubukan ng Fannie Mae at Freddie Mac na tiyaking isa itong tumpak na pagsasalin ng dokumento ng loan sa Tagalog, hindi mananagot ang Xxxxxx Xxx x xxx Freddie Mac sa anumang pagkakamali sa Tagalog na pagsasalin na ito o para sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga pagkakaiba sa paggamit ng wika o diyalekto. Kung sakaling magkakaroon ng mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng dokumento ng loan sa Ingles at sa pagsasaling ito sa Tagalog, mananaig ang ipinatupad na dokumento ng loan sa Ingles.
Responsibilidad ng Borrower na ganap na maunawaan ang katangian at mga tuntunin ng mga obligasyon ng Borrower alinsunod sa nakasaad sa mga dokumento ng loan sa Ingles na lalagdaan niya sa pagsasara ng loan. Hindi dapat lagdaan ng Borrower ang pagsasaling ito. Bilang karagdagan, posibleng natanggap lang ng Borrower ang dokumentong ito ng loan bilang halimbawa ng isang tipikal na dokumento ng loan, at wala itong kaugnayan sa isang partikular na transaksyon sa loan. Kung ganito ang sitwasyon, ang dokumentong ito ay hindi puwedeng maging isang pagsasalin ng dokumento ng loan na ipapatupad ng Borrower sa panahong kukuha ang Borrower ng mortgage loan sa bahay.
NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
This Tagalog translation is not a binding legal document, is being provided solely for the Borrower's convenience, and will not in any way be construed as a contract or any part of the English loan document. While Fannie Mae and Freddie Mac have attempted to ensure that this is an accurate Tagalog translation of the loan document, neither Fannie Mae nor Freddie Mac is liable for any inaccuracies in this Tagalog translation or for any misunderstandings due to differences in language usage or dialect. In the event of any inconsistencies between the English loan document and this Tagalog translation, the executed English loan document will govern. The Borrower assumes the responsibility for fully understanding the nature and terms of the Borrower's obligations as set forth in the English loan documents they sign at loan closing. The Borrower shall not sign this translation. In addition, the Borrower may have received this loan document solely as an example of a typical loan document, and not in connection with a specific loan transaction. If this is the case, this document may not be a translation of the loan document that the Borrower will execute at the time the Borrower obtains a home mortgage loan.
Matapos Itala, Ibalik Xxx/Sa:
[Ang Espasyo sa Itaas ng Linyang Ito ay Para sa Pagtatala ng Data]
MGA KAHULUGAN
DEED OF TRUST
Ang mga salitang ginagamit sa maraming seksyon ng dokumentong ito ay pinapakahulugan sa ibaba at ang iba xxxx xxxxxx ay pinapakahulugan sa ilalim ng caption na PAGLIPAT NG MGA KARAPATAN SA PAG-AARI at sa Seksyon 3, 4, 10, 11, 12, 16, 19, 24, at 25. Ang ilang
partikular na tuntunin tungkol sa paggamit ng mga salitang ginagamit sa dokumentong ito ay nakasaad din sa Seksyon 17.
Mga Panig
(A) Ang “Borrower” ay si , na kasalukuyang
nakatira sa . Instrument na ito.
Ang Borrower ay ang trustor sa ilalim ng Security
(B) Ang “Lender” ay si/ang .
Ang Lender ay isang _ na inorganisa at umiiral sa ilalim ng mga batas ng
. Ang address ng Lender ay sa . Ang Lender ay ang benepisyaryo sa ilalim ng Security Instrument na ito. Kasama sa terminong “Lender” ang sinumang successor at itatalaga ng Lender.
(C) Ang “Trustee” ay si/ang . Ang address ng trustee ay sa . Kasama sa terminong “Trustee” ang sinumang kahalili/successor na Trustee.
Mga Dokumento
(D) Ang “Note” ay tumutukoy sa promissory note na may petsang , , at nilagdaan ng bawat Borrower na legal na obligado para sa utang sa ilalim ng promissory note na iyon, iyon ay sa alinman sa (i) papel na anyo, na may pirma ng Borrower na ginamitan ng panulat at tinta, o (ii) electronic form, gamit ang pinagtibay na Electronic Signature ng Borrower alinsunod sa UETA o E-SIGN, gaya ng naaangkop. Ang Note ay nagpapatunay sa legal na obligasyon ng bawat Borrower na lumagda sa Note para bayaran ang Lender ng
Dolyar (U.S. $ ) dagdag pa ang interes. Ang bawat Borrower na lumagda sa Note ay nangangakong bayaran ang utang na ito sa mga regular na buwanang bayad at bayaran nang buo ang utang bago ang
, .
(E) Ang “Mga Rider” ay tumutukoy sa lahat ng Rider sa Security Instrument na ito na nilagdaan ng Borrower. Ang lahat ng naturang Rider ay kasama sa at itinuturing na bahagi ng Security Instrument na ito. Ang mga sumusunod na Rider ay dapat lagdaan ng Borrower [i-check ang naaangkop na kahon]:
🞎 Rider ng Mababagong Rate
🞎 Rider ng Condominium 🞎 Iba pa [tukuyin]
🞎 Rider ng Pamilyang May 1-4 na Unit
🞎 Rider ng Pangalawang Tahanan
🞎 Rider ng Planong Pagtatayo ng Unit
(F) Ang “Security Instrument” ay tumutukoy sa dokumentong ito, na may petsang
, , kasama ang lahat ng Rider sa dokumentong ito.
Mga Karagdagang Kahulugan
(G) Ang “Nalalapat na Batas” ay ang lahat ng kumokontrol na nalalapat na pederal, pang- estado, at lokal na batas, regulasyon, ordinansa, at mga pang-administratibong patakaran at utos (na may bisa ng batas), pati na ang lahat ng nalalapat na pinal na hudisyal na opinyong hindi puwedeng iapela.
(H) Ang “Mga Bayarin, Singil, at Assessment ng Asosasyon ng Komunidad” ay tumutukoy sa lahat ng dapat bayaran, bayarin, assessment, at iba pang singil na ipinapataw sa Borrower o sa Pag-aari ng isang asosasyon ng condominium, asosasyon ng mga may-ari ng bahay, o katulad na organisasyon.
(I) Ang “Default” ay nangangahulugang: (i) ang hindi pagbabayad ng anumang Pana- panahong Pagbabayad o anumang iba pang halagang na-secure ng Security Instrument na ito sa petsang ito ay dapat bayaran; (ii) isang paglabag sa anumang representasyon, warranty, kontrata, obligasyon, o kasunduan sa Security Instrument na ito; (iii) anumang materyal na mali, mapanlinlang, o hindi tumpak na impormasyon o pahayag sa Lender na ibinigay ng Borrower o sinumang tao o entity na kumikilos sa direksyon ng Borrower o nang batid o may pahintulot ng Borrower, o hindi pagbibigay sa Lender ng materyal na impormasyon kaugnay ng Loan, xxxx sa inilalarawan sa Seksyon 8; o (iv) anumang pagkilos o paglilitis na inilalarawan sa Seksyon 12(e).
(J) Ang “Electronic Fund Transfer” ay tumutukoy sa anumang paglilipat ng mga pondo, maliban sa isang transaksyong nagmula sa tseke, draft, o katulad na anyong papel, na pinasimulan sa pamamagitan ng isang electronic terminal, telephonic instrument, computer, o magnetic tape upang mag-utos, magbigay ng direksyon, o pahintulutan ang isang institusyong pampinansyal na mag-debit o mag-credit ng isang account. Kasama sa naturang termino ang, ngunit hindi limitado sa, mga point-of-sale na paglipat, mga transaksyon sa automated teller machine, mga paglilipat na pinasimulan ng telepono o iba pang elektronikong device na may kakayahang makipag-ugnayan sa naturang institusyong pampinansyal, mga wire transfer, at mga automated na paglilipat ng clearing house.
(K) Ang “Electronic Signature” ay tumutukoy sa “Electronic Signature” na pinapakahulugan sa UETA o E-SIGN, gaya ng naaangkop.
(L) Ang ibig sabihin ng “E-SIGN” ay Electronic Signatures in Global and National Commerce Act (15 U.S.C. § 7001 et seq.), at maaari itong baguhin paminsan-minsan, o anumang naaangkop na karagdagang o kahaliling batas na namamahala sa parehong usapin.
(M) Ang “Mga Escrow Item” ay tumutukoy sa: (i) mga buwis at assessment at iba pang bagay na maaaring makakuha ng priyoridad kaysa sa Security Instrument na ito bilang isang lien o encumbrance sa Pag-aari; (ii) mga pagbabayad ng upa sa Pag-aari, kung mayroon man; (iii) mga premium para sa anuman at lahat ng insurance na iniaatas ng Lender sa ilalim ng Seksyon 5; (iv) mga premium ng Insurance sa Mortgage, kung mayroon, o anumang halagang babayaran ng Borrower sa Lender bilang kapalit ng pagbabayad ng mga premium ng Insurance sa Mortgage alinsunod sa mga probisyon ng Seksyon 11; at (v) Mga Bayarin, Singil, at Assessment ng Asosasyon ng Komunidad kung kinakailangan ng Lender na i-escrow ang mga ito simula sa pagsasara ng Loan o anumang oras sa termino ng Loan.
(N) Ang “Loan” ay tumutukoy sa obligasyon sa utang na pinagtibay sa Note, kasama ang interes, anumang singil sa paunang pagbabayad, mga gastos, at mga late charge na dapat bayaran sa ilalim ng Note, at lahat ng halagang dapat bayaran sa ilalim ng Security Instrument na ito, kasama ang interes.
(O) Ang “Loan Servicer” ay tumutukoy sa entity na may kontraktwal na karapatan na tumanggap ng Mga Pana-panahong Pagbabayad ng Borrower at anupamang pagbabayad na ginagawa ng Borrower, at pinangangasiwaan ang Loan sa ngalan ng Xxxxxx. Hindi kasama sa Loan Servicer ang isang sub-servicer, na isang entity na maaaring magserbisyo ng Loan sa ngalan ng Loan Servicer.
(P) Ang “Mga Miscellaneous Proceed” ay anumang kompensasyon, settlement, award ng mga danyos, o proceed na binayaran ng anumang third party (maliban sa mga insurance proceed na binayaran sa ilalim ng mga saklaw na inilarawan sa Seksyon 5) para sa: (i) pinsala sa, o pagkasira ng, Pag-aari; (ii) pagkondena o iba pang pagkuha ng lahat o anumang bahagi ng Pag- aari; (iii) pag-convey bilang kapalit ng pagkondena; o (iv) mga maling representasyon, o mga pagtanggal, ng halaga at/o kundisyon ng Pag-aari.
(Q) Ang “Insurance sa Mortgage” ay tumutukoy sa insurance na nagpoprotekta sa Lender laban sa hindi pagbabayad ng, o Default sa, Loan.
(R) Ang “Partial Payment” ay tumutukoy sa anumang pagbabayad ng Borrower, maliban sa isang boluntaryong paunang pagbabayad na pinahihintulutan sa ilalim ng Note, na mas mababa sa isang buong hindi pa nababayarang Pana-panahong Pagbabayad.
(S) Ang “Pana-panahong Pagbabayad” ay tumutukoy sa regular na nakaiskedyul na halagang dapat bayaran para sa (i) prinsipal at interes sa ilalim ng Note, kasama ang (ii) anumang halaga sa ilalim ng Seksyon 3.
(T) Ang “Pag-aari” ay tumutukoy sa pag-aari na inilalarawan sa ibaba sa ilalim ng heading na “Paglipat ng mga Karapatan sa Pag-aari.”
(U) Ang “Mga Renta” ay tumutukoy sa lahat ng halagang natanggap o dapat bayaran ng Borrower kaugnay ng pag-upa, paggamit, at/o occupancy ng Pag-aari ng isang panig maliban sa Borrower.
(V) Ang “RESPA” ay nangangahulugang Real Estate Settlement Procedures Act (12 U.S.C. § 2601 et seq.) at ang regulasyon nito sa pagpapatupad, ang Regulation X (12 C.F.R. Part 1024), xxxx sa posibleng pana-panahong pag-amyenda sa mga ito, o anumang dagdag o kasunod na pederal na batas o regulasyong sumasaklaw sa parehong paksa. Kapag ginamit sa Security Instrument na ito, ang “RESPA” ay tumutukoy sa lahat ng kinakailangan at mga paghihigpit na nalalapat sa isang “loan sa mortgage na nauugnay sa pederal” kahit na ang Loan ay hindi kwalipikado bilang “loan sa mortgage na nauugnay sa pederal” sa ilalim ng RESPA.
(W) Ang “Successor sa Interes ng Borrower” ay tumutukoy sa anumang panig na nakakuha ng titulo sa Pag-aari, tinanggap man o hindi ng panig na iyon ang mga obligasyon ng Borrower sa ilalim ng Note at/o Security Instrument na ito.
(X) Ang ibig sabihin ng “UETA” ay Uniform Electronic Transactions Act, na pinagtibay ng hurisdiksyon kung saan matatagpuan ang Pag-aari, dahil maaari itong amyendahin paminsan- minsan, o anumang naaangkop na karagdagan o successor na batas na namamahala sa parehong usapin.
PAGLIPAT NG MGA KARAPATAN SA PAG-AARI
Tinitiyak ng Security Instrument na ito sa Lender (i) ang pagbabayad sa Loan, at lahat ng pag- renew, pagpapalawig, at pagbabago ng Note, at (ii) ang pagsunod sa mga kontrata at kasunduan ng Borrower sa ilalim ng Security Instrument na ito at ng Note. Para sa layuning ito, walang kondisyong ipinagkakaloob at ikino-convey ng Borrower sa Trustee, nang may tiwala, at kapangyarihan ng pagbebenta, ang sumusunod na inilalarawang pag-aari na matatagpuan
sa ng : [Uri ng Hurisdiksyon sa Pagtatala] [Pangalan ng Hurisdiksyon sa Pagtatala]
na kasalukuyang may address sa
[Kalye]
, North Carolina (“Address ng Pag-aari”); [Lungsod] [Zip Code]
ARIIN AT HAWAKAN ang pag-aari na ito sa Trustee, habambuhay, kasama ang lahat ng pagpapahusay ngayon o ang mga susunod na itatayo sa pag-aari, kabilang ang mga replacement at dagdag sa mga pagpapahusay sa naturang pag-aari, mga karapatan sa pag-aari, kabilang nang walang limitasyon ang lahat ng easement, kagamitan, royalty, karapatan sa mineral, karapatan o kita sa langis o gas, karapatan sa tubig, at fixture sa kasalukuyan o ang mga susunod na magiging bahagi ng pag-aari. Ang lahat ng nabanggit ay tinutukoy sa Security Instrument na ito bilang "Pag- aari."
KINAKATAWAN, GINAGARANTIYA, IPINAGKAKASUNDO, AT SINASANG-
AYUNAN NG BORROWER na: (i) Pagmamay-arian at aariin ng Borrower ang Pag-aari alinsunod sa halaga sa Security Instrument na ito o legal na may karapatang gamitin at sakupin ang Pag-aari sa ilalim ng isang leasehold estate; (ii) may karapatan ang Borrower na ibigay at i- convey ang Pag-aari o ang interes sa pag-upa ng Borrower sa Pag-aari; at (iii) ang Pag-aari ay
walang hadlang, at hindi napapailalim sa anumang iba pang interes ng pagmamay-ari sa Pag-aari, maliban sa mga sagabal at mga interes ng pagmamay-ari na nakatala. Pangkalahatang ginagarantiyahan ng Borrower ang titulo sa Pag-aari at ipinagkakasundo at sinasang-ayunan na dedepensahan ang titulo sa Pag-aari laban sa lahat ng paghahabol at demanda, nang isinasaalang- alang ang anumang sagabal at interes sa pagmamay-ari na naitala sa pagsasara ng Loan.
SA SECURITY INSTRUMENT NA ITO, isinasama ang mga uniform covenant para sa pambansang paggamit sa mga limitadong variation at non-uniform covenant na sumasalamin sa mga partikular na kinakailangan ng estado ng North Carolina para makabuo ng isang uniform security instrument na sumasakop ng real property.
MGA PARE-PAREHONG KASUNDUAN. Sinasang-ayunan ng Borrower at Lender ang sumusunod:
1. Pagbabayad ng Prinsipal, Interes, Mga Escrow Item, Mga Singil sa Paunang Pagbabayad, at Mga Nahuling Singil. Babayaran ng Borrower ang bawat Pana-panahong Pagbabayad sa takdang petsa. Magbabayad din ang Borrower ng anumang prepayment na singil, at mga late charge na dapat bayaran sa ilalim ng Note, maliban na lang kung ipinagbabawal ng Nalalapat na Batas, at anumang iba pang halagang dapat bayaran sa ilalim ng Security Instrument na ito. Ang mga dapat bayaran sa ilalim ng Note at Security Instrument na ito ay dapat gawin sa
U.S. currency. Kung ang anumang tseke o iba pang instrument na natanggap ng Lender bilang bayad sa ilalim ng Note o Security Instrument na ito ay ibinalik sa Lender nang hindi nabayaran, maaaring hilingin ng Lender na ang anuman o lahat ng kasunod na pagbabayad na dapat bayaran sa ilalim ng Note at Security Instrument na ito ay gawin sa isa o higit pa sa mga sumusunod na paraan, na pipiliin ng Lender: (a) cash; (b) money order; (c) sertipikadong tseke, tseke sa bangko, treasurer's check, o cashier's check, sa kondisyon na ang anumang naturang tseke ay galing sa isang institusyon na ang mga deposito ay sinisiguro ng isang pederal na ahensya, instrumentalidad, o entity ng U.S. o (d) Electronic Fund Transfer.
Ang mga pagbabayad ay ituturing na natanggap ng Lender kapag natanggap sa lokasyong itinalaga sa Note o sa iba pang lokasyon na maaaring italaga ng Lender alinsunod sa mga probisyon ng abiso sa Seksyon 16. Maaaring tanggapin o ibalik ng Lender ang anumang Mga Partial na Pagbabayad sa sarili nitong pagpapasya alinsunod sa Seksyon 2.
Ang anumang offset o claim na maaaring mayroon ang Borrower ngayon o sa hinaharap laban sa Lender ay hindi maglilibre sa Borrower mula sa pagbabayad ng buong halaga ng lahat ng dapat bayaran sa ilalim ng Note at Security Instrument na ito o sa pagtupad sa mga kontrata at kasunduan na na-secure ng Security Instrument na ito.
2. Pagtanggap at Aplikasyon ng Mga Pagbabayad o Nalikom.
(a) Pagtanggap at Aplikasyon ng Mga Partial na Pagbabayad. Ang Lender ay maaaring tumanggap at maaaring mag-apply o mag-hold ng Mga Partial na Pagbabayad sa sarili nitong pagpapasya alinsunod sa Seksyon 2 na ito. Hindi obligado ang Lender na tumanggap ng anumang Mga Partial na Pagbabayad o maglapat ng anumang Mga Partial na Pagbabayad kung kailan tinanggap ang mga naturang pagbabayad, at hindi rin obligadong magbayad ng interes sa mga naturang hindi nailapat na pondo. Maaaring i-hold ng Lender ang mga naturang hindi nailapat na pondo hanggang sa mabayaran ng Borrower ang isang buong Pana-panahong Pagbabayad, kung
saan ang halaga ng buong Pana-panahong Pagbabayad ay ilalapat sa Loan. Kung ang Borrower ay hindi gagawa ng ganoong pagbabayad sa loob ng makatwirang yugto ng panahon, ang Lender ay maglalapat ng mga naturang pondo alinsunod sa Seksyon 2 na ito o ibabalik ang mga ito sa Borrower. Kung hindi inilapat nang mas maaga, ang Mga Partial na Pagbabayad ay ike-credit sa kabuuang halagang dapat bayaran sa ilalim ng Loan sa pagkalkula ng halagang dapat bayaran kaugnay ng anumang paglilitis sa foreclosure, kahilingan sa pagbabayad, pagbabago sa loan, o reinstatement. Maaaring tanggapin ng Lender ang anumang hindi sapat na bayad sa Loan nang walang pagwawaksi sa anumang karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito o pagkiling sa mga karapatan nito na tanggihan ang mga naturang pagbabayad sa hinaharap.
(b) Kautusan sa Paglapat ng Mga Partial na Pagbabayad at Pana-panahong Pagbabayad.
Maliban kung inilalarawan sa Seksyon 2 na ito, kung mag-a-apply ang Lender ng pagbabayad, ang nasabing pagbabayad ay ilalapat sa bawat Pana-panahong Pagbabayad sa pagkakasunud-sunod kung kailan ito dapat bayaran, simula sa pinakamatagal nang hindi pa bayad na Pana-panahong Pagbabayad, tulad ng sumusunod: una sa interes at pagkatapos ay sa prinsipal na dapat bayaran sa ilalim ng Note, at panghuli sa Mga Escrow Item. Kung ang lahat ng hindi pa nababayarang Pana-panahong Pagbabayad noon ay binayaran na nang buo, ang anumang halagang babayaran na natitira ay maaaring ilapat sa mga late charge at sa anumang halagang dapat bayaran sa ilalim ng Security Instrument na ito. Kung ang lahat ng halagang dapat bayaran sa ilalim ng Note at Security Instrument na ito ay binayaran nang buo, ang anumang natitirang halagang babayaran ay maaaring ilapat, sa sariling pagpapasya ng Lender, sa isang Pana-panahong Pagbabayad sa hinaharap o upang mabawasan ang prinsipal na balanse ng Note.
Kung ang Lender ay makatanggap ng bayad mula sa Borrower sa halaga ng isa o higit pang Pana-panahong Pagbabayad at halaga ng anumang late charge na dapat bayaran para sa isang delinquent na Pana-panahong Pagbabayad, ang bayad ay maaaring ilapat sa delinquent na bayad at late charge.
Kapag naglalapat ng mga pagbabayad, ilalapat ng Lender ang mga naturang pagbabayad alinsunod sa Naaangkop na Batas.
(c) Mga Kusang Paunang Pagbabayad. Ang mga kusang paunang pagbabayad ay ilalapat gaya ng inilalarawan sa Note.
(d) Walang Pagbabago sa Iskedyul ng Pagbabayad. Ang anumang paglapat ng mga pagbabayad, mga nalikom sa insurance, o Miscellaneous Proceed sa prinsipal na dapat bayaran sa ilalim ng Note ay hindi magreresulta sa pagpapalawig o pagpapaliban sa takdang petsa, o pagbago sa halaga, ng Mga Pana-panahong Pagbabayad.
3. Mga Pondo para sa Mga Escrow Item.
(a) Kinakailangang Escrow; Mga Escrow Item. Dapat magbayad ang Borrower sa Lender sa araw na dapat bayaran ang Mga Pana-panahong Pagbabayad sa ilalim ng Note, hanggang sa mabayaran nang buo ang Note, isang halaga ng perang ibibigay para sa pagbabayad ng mga halagang dapat bayaran para sa lahat ng Escrow Item (ang “Mga Pondo”). Maaaring magbago ang halaga ng Mga Pondo na kailangang bayaran bawat buwan sa termino ng Loan.
Dapat na agad na ibigay ng Borrower sa Lender ang lahat ng abiso o invoice ng mga halagang babayaran sa ilalim ng Seksyon 3 na ito.
(b) Pagbabayad ng Mga Pondo; Waiver. Dapat bayaran ng borrower ang Lender ng Mga Pondo para sa Mga Escrow Item maliban na lang kung talikdan ng Lender ang obligasyong ito sa pamamagitan ng sulat. Maaaring talikuran ng Lender ang obligasyong ito para sa anumang Escrow Item anumang oras. Sa kaganapan ng naturang waiver, ang Borrower ay dapat bayaran nang direkta, kung kailan at kung saan babayaran, ang mga halagang dapat bayaran para sa anumang Escrow Item na napapailalim sa waiver. Kung tinalikuran ng Lender ang pangangailangan na bayaran ang Lender ng Mga Pondo para sa alinman o lahat ng Escrow Item, maaaring hilingin ng Lender sa Borrower na magbigay ng patunay ng direktang pagbabayad ng mga item na iyon sa loob ng panahong maaaring kailanganin ng Lender. Ang obligasyon ng Borrower na gumawa ng mga napapanahong pagbabayad at magbigay ng patunay ng pagbabayad ay itinuturing na isang kasunduan ng Borrower sa ilalim ng Security Instrument na ito. Kung obligado ang Borrower na bayaran ang mga Escrow Item nang direkta alinsunod sa isang waiver, at hindi mababayaran ng Borrower ang halagang dapat bayaran para sa isang Escrow Item, maaaring gamitin ng Lender ang mga karapatan nito sa ilalim ng Seksyon 9 na magbayad ng naturang halaga at obligado ang Borrower na bayaran sa Lender ang anumang naturang halaga alinsunod sa Seksyon 9.
Maaaring bawiin ng Lender ang waiver sa alinman o lahat ng Escrow Item anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay ng abiso alinsunod sa Seksyon 16; sa naturang pagbawi, dapat bayaran ng Borrower sa Lender ang lahat ng Pondo para sa mga naturang Escrow Item, at sa mga naturang halaga, na inaatas sa ilalim ng Seksyon 3 na ito.
(c) Halaga ng Mga Pondo; Paglapat ng Mga Pondo. Ang Lender ay maaaring, anumang oras, mangolekta at mag-hold ng mga Pondo sa halagang hanggang, ngunit hindi lalampas, sa pinakamataas na halagang maaaring kailanganin ng isang Lender sa ilalim ng RESPA. Tatantyahin ng Lender ang halaga ng mga Pondo na babayaran alinsunod sa Naaangkop na Batas.
Ang mga Pondo ay hahawakan ng isang institusyon na ang mga deposito ay na-insure ng isang pederal na ahensya, instrumentality, o entity ng U.S. (kabilang ang Lender, kung ang Lender ay isang institusyon na ang mga deposito ay naka-insure) o sa alinmang Federal Home Loan Bank. Ilalapat ng Lender ang Mga Pondo para mabayaran ang Mga Escrow Item nang hindi lalampas sa panahong na tinukoy sa ilalim ng RESPA. Maaaring hindi singilin ng Lender ang Borrower para sa: (i) pag-hold at paglalapat ng mga Pondo; (ii) taunang pagsusuri sa escrow account; o (iii) pag- verify sa Mga Escrow Item, maliban kung binabayaran ng Lender ang interes ng Borrower sa Mga Pondo at pinahihintulutan ng Naaangkop na Batas ang Lender na gumawa ng ganoong pagsingil. Maliban kung ang Lender at Borrower ay magkasundo sa pamamagitan ng pagsulat o inaatas ng Naaangkop na Batas na bayaran ang interes sa mga Pondo, hindi kakailanganing bayaran ng Lender ang Borrower ng anumang interes o kita sa mga Pondo. Ang Lender ay magbibigay sa Borrower, nang walang bayad, ng taunang accounting ng mga Pondo xxxx sa hinihingi ng RESPA.
(d) Sobra; Kakulangan sa Mga Pondo. Alinsunod sa RESPA, kung mayroong surplus ng mga Pondo na hawak sa escrow, isasauli ng Lender sa Borrower ang naturang surplus. Kung ang Pana-panahong Pagbabayad ng Borrower ay delinquent nang higit sa 30 araw, maaaring panatilihin ng Lender ang sobra sa escrow account para sa pagbabayad ng Mga Escrow Item. Kung may kakulangan sa mga Pondo na hawak sa escrow, aabisuhan ng Lender ang Borrower at
babayaran ng Borrower ang Lender ng halagang kinakailangan para masapatan ang kakulangan alinsunod sa RESPA.
Kapag nabayaran nang buo ang lahat ng halagang na-secure ng Security Instrument na ito, agad na ire-refund ng Lender sa Borrower ang anumang Pondo na hawak ng Lender.
4. Mga Singil; Mga Lien. Dapat bayaran ng borrower ang (a) lahat ng buwis, assessment, singil, multa, at pagpapataw na maiuugnay sa Pag-aari na may priyoridad o maaaring magkaroon ng priyoridad kaysa sa Security Instrument na ito, (b) mga upa sa Pag-aari, kung mayroon, at (c) Mga Bayad, Singil, at Assessment ng Asosasyon ng Komunidad, kung mayroon man. Kung ang alinman sa mga item na ito ay Mga Escrow Item, babayaran ng Borrower ang mga iyon sa paraang nakasaad sa Seksyon 3.
Ang Borrower ay dapat na agad na ilabas ang anumang lien na may priyoridad o maaaring makamit ang priyoridad sa Security Instrument na ito maliban kung ang Borrower ay: (aa) sasang- xxxx sa pamamagitan ng sulat sa pagbabayad ng obligasyong na-secure ng lien sa paraang katanggap-tanggap sa Lender, ngunit sa kondisyon lang na ang Borrower ay sumusunod sa naturang kasunduan; (bb) tututulan ang lien nang may mabuting hangarin sa pamamagitan ng, o ipagtatanggol laban sa pagpapatupad ng lien sa, mga legal na paglilitis na tinutukoy ng Lender, sa sarili nitong pagpapasya, upang pigilan ang pagpapatupad ng lien habang nakabinbin ang mga paglilitis na iyon, ngunit hanggang sa matapos lang ang mga naturang paglilitis; o (cc) ise-secire mula sa may hawak ng lien ang isang kasunduan na tatanggapin ng Lender na nagpapasakop sa lien sa Security Instrument na ito (sa pangkalahatan, ang “Mga Kinakailangang Pagkilos”). Kung matukoy ng Lender na ang anumang bahagi ng Pag-aari ay napapailalim sa isang lien na may priyoridad o maaaring magkaroon ng priyoridad kaysa sa Security Instrument na ito at ang Borrower ay hindi nagsagawa ng alinman sa mga Kinakailangang Aksyon patungkol sa naturang lien, ang Lender ay maaaring magbigay sa Borrower ng isang abiso na nagpapakilala sa lien. Sa loob ng 10 araw pagkatapos ng petsa kung kailan ibinigay ang abisong iyon, dapat matugunan ng Borrower ang lien o gawin ang isa o higit pa sa Mga Kinakailangang Pagkilos.
5. Insurance ng Pag-aari.
(a) Kinakailangan ng Insurance; Mga Coverage. Dapat ituloy ng Borrower ang mga pagpapahusay na umiiral na ngayon o kasunod na itinayo sa Pag-aari na naka-insure laban sa pagkawala dahil sa sunog, mga panganib na kasama sa loob ng terminong “pinalawig na saklaw,” at anupamang panganib kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, lindol, hangin, at baha, kung saan nangangailangan ng insurance ang Lender. Dapat panatilihin ng borrower ang mga uri ng insurance na kailangan ng Lender sa mga halaga (kabilang ang mga deductible level) at para sa mga panahon na iaatas ng Lender. Ang hinihingi ng Lender alinsunod sa mga naunang pangungusap ay maaaring magbago sa termino ng Loan, at maaaring lumampas sa anumang minimum na saklaw na inaatas ng Naaangkop na Batas. Maaaring piliin ng borrower ang insurance carrier na magbibigay ng insurance, alinsunod sa karapatan ng Lender na hindi aprubahan ang pinili ng Borrower, kung aling karapatan ang hindi gagamitin nang hindi makatwiran.
(b) Pagkabigong Mapanatili ang Insurance. Kung ang Lender ay may makatwirang batayan para maniwala na hindi nagawa ng Borrower na panatilihin ang alinman sa mga kinakailangang insurance coverage na inilarawan sa itaas, ang Lender ay maaaring makakuha ng insurance coverage, sa opsyon ng Lender at sa gastos ng Borrower. Maliban kung iniaatas ng Naaangkop na Batas, ang Lender ay walang obligasyon na mag-advance ng mga premium para sa,
o hilinging ipa-reinstate, ang anumang naunang lumipas na coverage na nakuha ng Borrower. Walang obligasyon ang Lender na kumuha ng anumang partikular na uri o halaga ng coverage at maaaring piliin ang provider ng naturang insurance sa sarili nitong pagpapasya. Bago kumuha ng naturang coverage, aabisuhan ng Lender ang Borrower kung kinakailangan na gawin ito sa ilalim ng Naaangkop na Batas. Ang anumang naturang coverage ay mag-i-insure sa Lender, ngunit maaaring hindi maprotektahan ang Borrower, ang equity ng Borrower sa Pag-aari, o ang mga nilalaman ng Pag-aari, laban sa anumang panganib, o pananagutan at maaaring magbigay ng mas malaki o mas maliit na coverage kaysa sa dating may bisa, ngunit hindi hihigit sa saklaw na kinakailangan sa ilalim ng Seksyon 5(a). Kinikilala ng borrower na ang halaga ng insurance coverage na nakuha ay maaaring lumampas sa halaga ng insurance na maaaring makuha ng Borrower. Ang anumang halagang ibinayad ng Lender para sa mga gastos na nauugnay sa pagpapanumbalik ng insurance policy ng Borrower o sa paglalagay ng bagong insurance sa ilalim ng Seksyon 5 na ito ay magiging karagdagang utang ng Borrower na na-secure ng Security Instrument na ito. Ang mga halagang ito ay magkakaroon ng interes sa Note rate mula sa petsa ng disbursement at babayaran, na may ganoong interes, sa pagkaabiso ng Lender hanggang sa paghingi ng bayad ng Borrower.
(c) Mga Insurance Policy. Ang lahat ng insurance policy na kinakailangan ng Lender at mga pag-renew ng mga naturang policy: (i) sasailalim sa karapatan ng Lender na hindi aprubahan ang mga naturang policy; (ii) dapat magsama ng isang karaniwang clause sa mortgage; at (iii) dapat pangalanan ang Lender bilang mortgagee at/o bilang karagdagang magbabayad sa naging loss. Ang Lender ay may karapatan na hawakan ang mga policy at mga certificate ng pag-renew. Kung kinakailangan ng Lender, agad na magbibigay sa Lender ang Borrower ng patunay ng mga binabayarang premium at mga abiso sa pag-renew. Kung makakakuha ang Borrower ng anumang uri ng insurance coverage, na hindi kinakailangan ng Lender, para sa pinsala sa, o pagkasira ng, Pag-aari, ang naturang patakaran ay dapat na may karaniwang sugnay sa mortgage at dapat pangalanan ang Lender bilang mortgagee at/o bilang karagdagang magbabayad sa naging loss.
(d) Patunay ng Pagkawala; Paglalapat ng Mga Nalikom. Sa kaganapan ng pagkawala, dapat na kaagad na magbigay ng agarang abiso ang Borrower sa insurance carrier at Lender. Ang Lender ay maaaring gumawa ng patunay ng pagkalugi kung hindi ginawa kaagad ng Borrower. Ang anumang nalikom sa insurance, kung ang pinagbabatayan ng insurance ay kinakailangan ng Lender o hindi, ay ilalapat sa pagpapanumbalik o pagkukumpuni ng Pag-aari, kung matutukoy ng Lender na matipid ang pagpapanumbalik o pagkukumpuni at matutukoy na ang seguridad ng Lender ay hindi mababawasan ng naturang pagpapanumbalik o pagkukumpuni.
Kung aayusin o ire-restore ang Pag-aari, babayaran ng Lender, mula sa mga nalikom sa insurance, ang anumang paunang halaga na kinakailangan upang simulan ang pagkumpuni o pagpapanumbalik, alinsunod sa anumang paghihigpit na naaangkop sa Lender. Sa kasunod na panahon ng pagkukumpuni at pagpapanumbalik, ang Lender ay magkakaroon ng karapatang humawak ng mga naturang insurance na nalikom hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang Lender na inspeksyunin ang naturang Pag-aari upang matiyak na ang trabaho ay nakumpleto sa kasiyahan ng Lender (kung saan maaaring kabilang ang kasiyahan sa minimum na mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng Lender para sa mga taong nag-aayos sa Pag-aari, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, paglilisensya, bono, at mga kinakailangan sa insurance) sa kondisyon na ang naturang inspeksyon ay dapat isagawa kaagad. Ang Lender ay maaaring mag-
disburse ng mga nalikom para sa pag-aayos at pagpapanumbalik sa isang pagbabayad o sa isang serye ng mga progreso sa oras na makumpleto ang bayad, depende sa laki ng pagkumpuni o pagpapanumbalik, mga tuntunin ng kasunduan sa pagkukumpuni, at kung ang Borrower ay nasa Default sa Loan. Ang Lender ay maaaring direktang magsagawa ng mga naturang disbursement sa Borrower, sa taong nag-aayos o nagpapanumbalik ng Pag-aari, o magkasamang babayaran sa pareho. Hindi hihilingin sa Lender na bayaran ang Borrower ng anumang interes o mga kita sa mga naturang nalikom sa insurance maliban kung ang Lender at Borrower ay sumang-xxxx sa sulat o kung hindi man ay inaatas ng Naaangkop na Batas. Ang mga bayarin para sa mga pampublikong tagapag-ayos, o iba pang mga third party, na pinapanatili ng Borrower ay hindi babayaran mula sa mga nalikom sa insurance at magiging tanging obligasyon ng Borrower.
Kung itinuring ng Lender na ang pagpapanumbalik o pagkukumpuni ay hindi magagawa dahil sa pinansyal na dahilan o maaapektuhan ang seguridad ng Lender dahil sa naturang pagpapanumbalik o pagkukumpuni, ang mga nalikom sa insurance ay ilalapat sa mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito, nakatakda man itong bayaran o hindi, at kung may sobra ay bayaran sa Borrower. Ang mga nasabing nalikom sa insurance ay ilalapat sa pagkakasunud- sunod na inilapat sa Mga Partial na Pagbabayad sa Seksyon 2(b).
(e) Mga Pagbabayad ng Insurance; Pagtatalaga ng Mga Nalikom. Kung aabandunahin ng Borrower ang Pag-aari, maaaring maghain, makipag-ayos, at ayusin ng Lender ang anumang available na claim sa insurance at mga kaugnay na usapin. Kung hindi tutugon ang Borrower sa loob ng 30 araw sa isang abiso mula sa Lender na inaalok ng insurance carrier na bayaran ang isang claim, maaaring makipag-ayos ang Lender at bayaran ang claim. Magsisimula ang 30 araw na panahon kapag ibinigay ang abiso. Sa alinmang pangyayari, o kung makukuha ng Lender ang Pag-aari sa ilalim ng Seksyon 26 o kung hindi man, walang kundisyon na itatalaga ng Borrower sa Lender ang (i) mga karapatan ng Borrower sa anumang nalikom sa insurance sa halagang hindi lalampas sa mga halagang hindi nabayaran sa ilalim ng Note at Security Instrument na ito, at ( ii) anumang iba pa sa mga karapatan ng Borrower (maliban sa karapatan sa anumang pagbabalik ng bayad sa hindi kinita na mga premium na binayaran ng Borrower) sa ilalim ng lahat ng patakaran sa insurance na sumasaklaw sa Pag-aari, hanggang sa ang mga naturang karapatan ay naaangkop sa saklaw ng Pag-aari. Kung ang Lender ay maghahain, makikipagnegosasyon, o mag-aayos ng isang claim, ang Borrower ay sasang-xxxx na ang anumang nalikom sa insurance ay maaaring direktang bayaran sa Lender nang hindi kinakailangang isama ang Borrower bilang isang karagdagang loss payee. Maaaring gamitin ng Lender ang mga nalikom sa insurance para ayusin o ibalik ang Pag-aari (tulad ng nakasaad sa Seksyon 5(d)) o para bayaran ang mga halagang hindi nabayaran sa ilalim ng Note o Security Instrument na ito, nakatakda mang bayaran o hindi.
6. Pag-okupa. Dapat okupahin, itatag, at gamitin ng borrower ang Pag-aari bilang pangunahing tirahan ng Borrower sa loob ng 60 araw pagkatapos ng pagpapatupad ng Security Instrument na ito at dapat na patuloy na okupahan ang Pag-aari bilang pangunahing tirahan ng Borrower nang hindi bababa sa isang taon pagkatapos ng petsa ng pag-okupa, maliban kung sumasang-xxxx xxx Lender sa pamamagitan ng sulat, kung aling pahintulot ang hindi makatwirang ipagkakait, o maliban kung may mga sitwasyong nagpapababa na higit sa kontrol ng Borrower.
7. Pagpreserba, Pagmentina, at Pagprotekta sa Pag-aari; Mga Inspeksyon. Hindi bubuwagin, pipinsalaan, o sisirain ng Borrower ang Pag-aari, hahayaan ang Pag-aari na palalain o dumihan ang Pag-aari. Naninirahan man o hindi ang Borrower sa Pag-aari, dapat imentina ng
Borrower ang Pag-aari upang maiwasan ang pagkasira o pagbaba ng halaga ng Pag-aari dahil sa kondisyon nito. Maliban kung mapagpasyahan ng Lender alinsunod sa Seksyon 5 na ang pagkukumpuni o pagpapanumbalik ay hindi magagawa dahil sa pinansyal, agad na aayusin ng Borrower ang Pag-aari kung nasira upang maiwasan ang karagdagang pagkasira o pinsala.
Kung ang insurance o mga nalikom sa pagkondena ay babayaran sa Lender kaugnay ng pinsala sa, o pagkuha ng, Pag-aari, ang Borrower ay mananagot lang para sa pag-aayos o pagpapanumbalik ng Pag-aari kung ang Lender ay naglabas ng mga nalikom para sa mga naturang layunin. Ang Lender ay maaaring mag-disburse ng mga nalikom para sa pag-aayos at pagpapanumbalik sa isang pagbabayad o sa isang serye ng mga progreso sa oras na makumpleto ang bayad, depende sa laki ng pagkumpuni o pagpapanumbalik, mga tuntunin ng kasunduan sa pagkukumpuni, at kung ang Borrower ay nasa Default sa Loan. Ang Lender ay maaaring direktang magsagawa ng mga naturang disbursement sa Borrower, sa taong nag-aayos o nagpapanumbalik ng Pag-aari, o magkasamang babayaran sa pareho. Kung ang mga nalikom sa insurance o pagkondena ay hindi sapat para ayusin o ipanumbalik ang Pag-aari, mananatiling obligado ang Borrower na kumpletuhin ang naturang pagkukumpuni o pagpapanumbalik.
Ang Lender ay maaaring gumawa ng mga makatwirang mga pagpasok sa at pag- inspeksyon sa Pag-aari. Kung may makatwirang dahilan ang Lender, maaaring siyasatin ng Lender ang interior na inaayos sa Pag-aari. Ang Lender ay magbibigay ng abiso sa Borrower sa oras ng o bago ang naturang inspeksyon ng interior kung saan tutukuyin ang naturang makatwirang dahilan.
8. Aplikasyon para sa Loan ng Borrower. Magiging Default ang Borrower kung, sa panahon ng proseso ng aplikasyon para sa Loan, ang Borrower o sinumang tao o entity na kumikilos sa direksyon ng Borrower o sa kaalaman o pahintulot ng Borrower ay nagbigay ng materyal na mali, nakakapanlinlang, o hindi tumpak na impormasyon o mga pahayag sa Lender (o nabigong magbigay sa Lender ng materyal impormasyon) na may kaugnayan sa Loan, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, labis na pagtatantya sa kita o mga pag-aari ng Borrower, pagpapaliit o pagkabigong magbigay ng dokumentasyon ng mga obligasyon at pananagutan sa utang ng Borrower, at maling pagkatawan sa pag-okupa ng Borrower o nilalayong paninirahan sa Pag-aari bilang pangunahing tirahan ng Borrower.
9. Pagprotekta sa Interes ng Lender sa Pag-aari at Mga Karapatan sa Ilalim ng Security Instrument na ito.
(a) Pagprotekta sa Interes ng Lender. Kung: (i) nabigo ang Borrower na tuparin ang mga kontrata at kasunduan na nakapaloob sa Security Instrument na ito; (ii) mayroong legal na paglilitis o utos ng pamahalaan na maaaring makaapekto nang malaki sa interes ng Lender sa Pag- aari at/o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito (tulad ng paglilitis sa pagkabangkarote, probate, para sa pagkondena o pag-alis, para sa pagpapatupad ng lien na priyoridad o maaaring makamit ang priyoridad kaysa sa Security Instrument na ito, o para ipatupad ang mga batas o regulasyon); o (iii) makatuwirang naniniwala ang Lender na inabandona ng Borrower ang Pag-aari, pagkatapos ay maaaring gawin at bayaran ng Lender ang anumang makatwiran o naaangkop para protektahan ang interes ng Lender sa Pag-aari at/o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito, kabilang ang pagprotekta at/o pag-assess sa halaga ng Pag- aari, at pag-secure at/o pag-aayos ng Pag-aari. Maaaring kabilang sa mga aksyon ng Lender, ngunit hindi limitado sa, ang: (I) pagbabayad ng anumang halagang na-secure ng isang lien na may
priyoridad o maaaring makakuha ng priyoridad kaysa sa Security Instrument na ito; (II) pagharap sa xxxxx; at (III) pagbabayad: (A) mga makatuwirang bayarin at gastos sa mga abugado; (B) bayad sa inspeksyon at valuation ng pag-aari; at (C) iba pang bayad sa layunin ng maprotektahan ang Interes sa Pag-aari at/o mga karapatan ng Lender sa ilalim ng Security Instrument na ito, kasama ang na-secure na posisyon nito sa isang paglilitis sa pagkabangkarote. Ang pag-secure sa Pag-aari ay kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa, panlabas at panloob na mga inspeksyon ng Pag- aari, pagpasok sa Pag-aari upang magsagawa ng mga pag-aayos, pagpapalit ng mga kandado, pagpapalit o pagsasakay ng mga pinto at bintana, pag-alis ng tubig mula sa mga tubo, pag-aalis ng gusali o iba pang mga paglabag sa code o mapanganib na kundisyon, at pag-on o pag-off ng mga utility. Bagama't maaaring gumawa ng aksyon ang Lender sa ilalim ng Seksyon 9 na ito, hindi kinakailangang gawin ito ng Lender at wala sa ilalim ng anumang tungkulin o obligasyon na gawin ito. Hindi mananagot ang Lender para sa hindi paggawa ng anuman o lahat ng aksyon na pinahintulutan sa ilalim ng Seksyon 9 na ito.
(b) Pag-iwas sa Foreclosure; Pagkontrol sa Mga Pagkalugi. Kung nasa Default ang Borrower, maaaring makipagtulungan ang Lender sa Borrower para maiwasan ang foreclosure at/o makontrol ang mga potensyal na pagkalugi ng Lender, ngunit hindi obligado na gawin ito maliban kung inaatas ng Naaangkop na Batas. Ang Lender ay maaaring gumawa ng mga makatwirang aksyon upang i-evaluate ang Borrower para sa mga magagamit na alternatibo sa foreclosure, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagkuha ng mga credit report, ulat sa titulo, insurance ng titulo, valuation ng pag-aari, kasunduan sa subordination, at pag-apruba ng third party. Pinahihintulutan at sinasang-ayunan ng borrower ang mga pagkilos na ito. Ang anumang gastos na nauugnay sa mga naturang aktibidad sa pagkontrol sa pagkalugi ay maaaring bayaran ng Lender at mabawi mula sa Borrower gaya ng inilalarawan sa ibaba sa Seksyon 9(c), maliban kung ipinagbabawal ng Naaangkop na Batas.
(c) Mga Karagdagang Halaga na Na-secure. Ang anumang halagang ilalabas ng Lender, alinsunod sa Seksyon 9 na ito ay magiging karagdagang utang ng Borrower na itatala ng Security Instrument. Ang mga halagang ito ay maaaring magkaroon ng interes sa rate ng Note mula sa petsa ng disbursement at magiging payable, nang may naturang interes, kapag inabiso ng Lender sa Borrower na nagre-request ng pagbabayad.
(d) Mga Tuntunin ng Upa. Kung ang Security Instrument na ito ay nasa isang leasehold, susundin ng Borrower ang lahat ng probisyon ng pagpapaupa. Kung ang Borrower ay nakakuha ng titulo ng bayad sa Pag-aari, ang leasehold at ang titulo ng bayad ay hindi pagsasamahin maliban kung ang Lender ay sumang-xxxx sa pagsasama sa pamamagitan ng pagsulat.
10. Pagtatalaga ng Mga Renta.
(a) Pagtatalaga ng Mga Renta. Kung ang Pag-aari ay inuupahan, ginagamit ng, o inookupahan ng isang third party (“Nangungupahan”), walang kondisyong itinatalaga at inililipat ng Borrower sa Lender ang anumang mga Renta, kahit kanino babayaran ang Mga Renta. Pinahihintulutan ng Borrower ang Lender na kolektahin ang Mga Renta, at sumasang-xxxx na ang bawat Tenant ay magbabayad ng Renta sa Lender. Gayunpaman, matatanggap ng Borrower ang Mga Renta hanggang sa (i) magbigay ang Lender ng abiso sa Pagka-default sa Borrower alinsunod sa Seksyon 26, at (ii) magbigay ang Lender ng abiso sa Tenant na ang mga Renta ay babayaran sa Lender. Ang Seksyon 10 na ito ay bumubuo ng isang ganap na pagtatalaga at hindi isang pagtatalaga para sa karagdagang seguridad lang.
(b) Abiso sa Pagkaka-default. Kung magbibigay ang Lender ng abiso sa Pagka-default sa Borrower: (i) ang lahat ng Renta na natanggap ng Borrower ay dapat hawakan ng Borrower bilang trustee para sa benepisyo lang ng Lender, para mailapat sa mga halagang na-secure ng Security Instrument; (ii) may karapatan ang Lender na kolektahin at tanggapin ang lahat ng Renta; (iii) sumasang-xxxx xxx Borrower na atasan ang bawat Nangungupahan na babayaran ng Nangungupahan ang lahat ng Renta na dapat bayaran at hindi binayaran sa Lender kapag sumulat ng kahilingan ang Lender sa Nangungupahan; (iv) sisiguraduhin ng Borrower na ang bawat Nangungupahan ay magbabayad ng lahat ng Renta na dapat bayaran sa Lender at gagawin ang anumang aksyon na kinakailangan upang kolektahin ang naturang Renta kung hindi binayaran sa Lender; (v) maliban kung iba ang itinatadhana ng Naaangkop na Batas, ang lahat ng Renta na nakolekta ng Lender ay ilalapat muna sa mga gastos sa pagkontrol at pamamahala sa Pag-aari at pagkolekta ng mga Renta, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga makatwirang bayad at gastos ng mga abogado, mga bayarin ng receiver, mga premium sa mga bono ng tatanggap, mga gastos sa pagkumpuni at pagpapanatili, mga premium ng insurance, mga buwis, assessment, at iba pang singil sa Pag-aari, at pagkatapos ay sa anumang iba pang halagang na-secure ng Security Instrument na ito; (vi) ang Lender, o sinumang tatanggap na itinalaga ng hudikatura, ay mananagot para lang sa mga Renta na aktuwal na natanggap; at (vii) ang Lender ay may karapatan na magtalaga ng isang tatanggap upang angkinin at pamahalaan ang Pag-aari at kolektahin ang mga Renta at mga kita na nakuha mula sa Pag-aari nang walang anumang pagpapakita ng kakulangan ng Pag-aari bilang seguridad.
(c) Mga Pondo na Binayaran ng Lender. Kung ang mga Renta ay hindi sapat upang mabayaran ang mga gastos sa pagkuha ng kontrol at pamamahala sa Pag-aari at pagkolekta ng Mga Renta, ang anumang pondo na babayaran ng Lender para sa mga naturang layunin ay magiging pagkakautang ng Borrower sa Lender na na-secure ng Security Instrument na ito alinsunod sa Seksyon 9.
(d) Limitasyon sa Pagkolekta ng Mga Renta. Ang Borrower ay hindi maaaring mangolekta ng alinman sa mga Renta nang higit sa isang buwan bago ang oras kung kailan dapat bayaran ang mga Renta, maliban sa security o katulad na mga deposito.
(e) Walang Ibang Pagtatalaga ng Mga Renta. Kinakatawan, ginagarantiyahan, pinagkakasunduan, at sinasang-ayunan ng Borrower na hindi lumagda ang Borrower sa anumang naunang pagtatalaga ng mga Renta, hindi na gagawa ng anumang karagdagang pagtatalaga ng mga Renta, at hindi nagsagawa, at hindi magsasagawa, ng anumang pagkilos na maaaring pumigil sa Lender sa paggamit ng mga karapatan nito sa ilalim ng Security Instrument na ito.
(f) Pagkontrol at Pagmementina ng Pag-aari. Maliban na lang kung inaatas ng Naaangkop na Batas, ang Lender, o isang tatanggap na itinalaga sa ilalim ng Naaangkop na Batas, ay hindi obligadong pumasok, kontrolin, o imentina ang Pag-aari bago o pagkatapos magbigay ng abiso ng Pagka-default sa Borrower. Gayunpaman, ang Lender, o isang tatanggap na itinalaga sa ilalim ng Naaangkop na Batas, ay maaaring gawin ito anumang oras kapag ang Borrower ay nasa Default, napapailalim sa Naaangkop na Batas.
(g) Mga Karagdagang Probisyon. Ang anumang paglapat ng Renta ay hindi magtatanggal o magwawaksi sa anumang Pagka-default o magpapawalang-bisa sa anumang iba pang karapatan o remedyo ng Lender. Hindi inaalis ng Seksyon 10 na ito ang mga obligasyon ng Borrower sa ilalim ng Seksyon 6.
Ang Seksyon 10 na ito ay magwawakas kapag ang lahat ng halagang na-secure ng Security Instrument na ito ay binayaran nang buo.
11. Insurance sa Mortgage.
(a) Pagbabayad ng Mga Premium; Substitusyon ng Policy; Reserba ng Pagkalugi; Pagprotekta sa Lender. Kung kailangan ng Lender ang Insurance sa Mortgage bilang kondisyon sa paggawa ng Loan, babayaran ng Borrower ang mga premium na kinakailangan upang mapanatiling may bisa ang Insurance sa Mortgage. Kung kinakailangan ng Borrower na gumawa ng hiwalay na itinalagang mga pagbabayad para sa mga premium para sa Insurance sa Mortgage, at (i) ang saklaw ng Insurance sa Mortgage na kinakailangan ng Lender ay titigil para sa anumang dahilan upang maging available mula sa mortgage insurer na dati nang nagbigay ng naturang insurance, o (ii) tutukuyin ng Lender sa sarili nitong paghuhusga kung ang naturang mortgage insurer ay hindi na karapat-dapat na magbigay ng saklaw ng Insurance sa Mortgage na kinakailangan ng Lender, babayaran ng Borrower ang mga premium na kinakailangan upang makakuha ng coverage na halos katumbas ng Insurance sa Mortgage na dating may bisa, sa halagang katumbas ng halaga para sa Borrower ng Insurance sa Mortgage na dating may bisa, mula sa isang alternatibong mortgage insurer na pinili ng Lender.
Kung ang malaking katumbas na saklaw ng Insurance sa Mortgage ay hindi magagamit, ang Borrower ay patuloy na magbabayad sa Lender ng halaga ng mga hiwalay na itinalagang pagbabayad na dapat bayaran noong ang insurance coverage ay mawalan ng bisa. Tatanggapin, gagamitin, at papanatilihin ng Lender ang mga pagbabayad na ito bilang non-refundable na reserba sa pagkalugi (loss reserve), kung pinapayagan sa ilalim ng Nalalapat na Batas, kapalit ng Mortgage Insurance. Non-refundable ang naturang reserba sa pagkalugi, kahit na mabayaran nang buo ang Loan, at hindi kailangan ng Lender na bayaran ang Borrower ng anumang interes o kita sa naturang reserba sa pagkalugi, kung pinapayagan sa ilalim ng Nalalapat na Batas.
Ang Lender ay hindi na mangangailangan ng mga reserbang bayad sa pagkalugi kung magiging available muli ang saklaw ng Insurance sa Mortgage (sa halaga at para sa panahon na kinakailangan ng Lender) na ibinigay ng isang insurer na pinili ng Lender, makukuha, at ang Lender ay nangangailangan ng hiwalay na itinalagang mga pagbabayad sa mga premium para sa Insurance sa Mortgage.
Kung kailangan ng Lender ng Insurance sa Mortgage bilang kondisyon sa pagbibigay ng Loan at kailangan ng Borrower na gumawa ng mga hiwalay na nakatakdang pagbabayad para sa mga premium ng Insurance sa Mortgage, babayaran ng Borrower ang mga premium na kailangan para manatiling epektibo ang Insurance sa Mortgage, kung pinapayagan sa ilalim ng Nalalapat na Batas, o magbigay ng non-refundable na reserba sa pagkalugi, hanggang sa matapos ang hinihinging Insurance sa Mortgage ng Lender alinsunod sa anumang nakasulat na kasunduan sa pagitan ng Borrower at Lender na magpapatupad ng pagwawakas o hanggang sa kailanganin ng Nalalapat na Batas ang pagwawakas. Wala sa Seksyon 11 na ito ang nakakaapekto sa obligasyon ng Borrower na magbayad ng interes sa rate ng Note.
(b) Mga Kasunduan sa Insurance sa Mortgage. Ire-reimburse ng Insurance sa Mortgage sa Lender ang ilang pagkalugi na maaaring makuha ng Lender kung hindi babayaran ng Borrower ang Loan gaya ng napagkasunduan. Ang Borrower ay hindi isang panig sa policy o saklaw ng Insurance sa Mortgage.
Sinusuri ng mga insurer ng mortgage ang kabuuang panganib ng mga ito sa lahat ng naturang insurance na may bisa nang pana-panahon, at maaaring pumasok sa mga kasunduan sa ibang panig na nagbabahagi o nagpapabago sa kanilang panganib, o nagbabawas sa mga pagkalugi. Ang mga kasunduang ito ay maaaring mag-atas sa mortgage insurer na magbayad gamit ang anumang pinagmumulan ng mga pondo na maaaring mayroon ang mortgage insurer (kung saan maaaring kabilang ang mga pondong nakuha mula sa mga premium ng Insurance sa Mortgage).
Bilang resulta ng mga kasunduang ito, ang Lender, isa pang insurer, sinumang reinsurer, anumang iba pang entity, o anumang affiliate ng alinman sa nabanggit, ay maaaring makatanggap (direkta o hindi direkta) ng mga halaga na nakukuha mula sa (o maaaring ilarawan bilang) isang bahagi ng mga bayad ng Borrower para sa Insurance sa Mortgage, kapalit ng pagbabahagi o pagbago sa panganib ng mortgage insurer, o pagbawas sa mga pagkalugi. Ang anumang naturang kasunduan ay hindi: (i) makakaapekto sa mga halagang napagkasunduan ng Borrower na bayaran para sa Insurance sa Mortgage, o anumang iba pang tuntunin ng Loan; (ii) madaragdagan ang halagang dapat bayaran ng Borrower para sa Insurance sa Mortgage; (iii) magbibigay ng karapatan sa Borrower para sa anumang refund; o (iv) makakaapekto sa mga karapatan ng Borrower, kung mayroon man, patungkol sa Insurance sa Mortgage sa ilalim ng Homeowners Protection Act of 1998 (12 U.S.C. § 4901 et seq.), dahil ito ay maaaring amyendahan paminsan-minsan, o anumang karagdagang o kahalili na pederal na batas o regulasyon na namamahala sa parehong usapin (“HPA”). Maaaring kabilang sa mga karapatang ito sa ilalim ng HPA ang karapatang tumanggap ng ilang partikular na pagsisiwalat, para humiling at makakuha ng pagkansela ng Insurance sa Mortgage, kusang wakasan ang Insurance sa Mortgage, at/o tumanggap ng refund ng anumang premium ng Insurance sa Mortgage na hindi nakuha sa panahong iyon ng naturang pagkansela o pagwawakas.
12. Pagtatalaga at Paglalapat ng Mga Miscellaneous Proceed; Forfeiture.
(a) Pagtatalaga ng Mga Miscellaneous Proceed. Ang Borrower ay walang kundisyon na nagtatalaga ng karapatang tumanggap ng lahat ng Miscellaneous Proceed sa Lender at sumasang- xxxx na ang mga naturang halaga ay babayaran sa Lender.
(b) Paglalapat sa Mga Miscellaneous Proceed Pagkapinsala ng Pag-aari. Kung ang Pag-aari ay nasira, ang anumang Miscellaneous Proceed ay ilalapat sa pagpapanumbalik o pagkukumpuni ng Pag-aari, kung matutukoy ng Lender na matipid ang pagpapanumbalik o pagkukumpuni at ang seguridad ng Lender ay hindi mababawasan ng naturang pagpapanumbalik o pagkukumpuni. Sa panahon ng naturang pagkukumpuni at pagpapanumbalik, ang Lender ay magkakaroon ng karapatang humawak ng mga naturang Miscellaneous Proceeds hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang Lender na inspeksyunin ang naturang Pag-aari upang matiyak na ang trabaho ay nakumpleto sa kasiyahan ng Lender (kung saan maaaring kabilang ang kasiyahan sa minimum na mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng Lender para sa mga taong nag- aayos sa Pag-aari, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, paglilisensya, bono, at mga kinakailangan sa insurance) sa kondisyon na ang naturang inspeksyon ay dapat isagawa kaagad. Ang Lender ay maaaring magbayad para sa pag-aayos at pagpapanumbalik sa isang disbursement o sa isang serye ng mga progreso sa oras na makumpleto ang bayad, depende sa laki ng pagkumpuni o pagpapanumbalik, mga tuntunin ng kasunduan sa pagkukumpuni, at kung ang Borrower ay nasa Default sa Loan. Ang Lender ay maaaring direktang magsagawa ng mga naturang disbursement sa Borrower, sa taong nag-aayos o nagpapanumbalik ng Pag-aari, o
magkasamang babayaran sa pareho. Maliban kung ang Lender at Borrower ay magkakasundo sa pamamagitan ng pagsulat o ang Naaangkop na Batas ay mangangailangan ng pagbayad ng interes sa naturang Miscellaneous Proceed, ang Lender ay hindi kinakailangan na magbayad sa Borrower ng anumang interes o kita sa naturang Miscellaneous Proceed. Kung itinuring ng Lender na ang pagpapanumbalik o pagkukumpuni ay hindi magagawa dahil sa pinansyal na dahilan o maaapektuhan ang seguridad ng Lender dahil sa naturang pagpapanumbalik o pagkukumpuni, ang Miscellaneous Proceeds ay ilalapat sa mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito, nakatakda man itong bayaran o hindi, at kung may sobra ay bayaran sa Borrower. Ang mga nasabing Miscellaneous Proceeds ay ilalapat sa pagkakasunud-sunod na inilapat sa Mga Partial na Pagbabayad sa Seksyon 2(b).
(c) Paglalapat ng Mga Miscellaneous Proceed sa Pagkondena, Pagkasira, o Pagkawala ng Halaga ng Pag-aari. Kung sakaling magkaroon ng kabuuang pagkuha, pagkasira, o pagkawala sa halaga ng Pag-aari, ang lahat ng Miscellaneous Procced ay ilalapat sa mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito, nakatakda mang bayaran o hindi, at kung xxx xxxxx ay babayaran sa Borrower.
Kung sakaling magkaroon ng hindi ganap na pagkuha, pagkasira, o pagkawala sa halaga ng Pag-aari (ang bawat isa ay "Partial Devaluation") kung saan ang fair market value ng Pag-aari bago ang Partial Devaluation ay katumbas o mas malaki sa halaga ng mga sum na na-secure ng Security Instrument na ito bago ang Partial Devaluation, isang porsyento ng Mga Miscellaneous Proceed ay ilalapat sa mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito maliban kung ang Borrower at Lender ay magkakasundo sa pamamagitan ng pagsulat. Ang halaga ng Miscellaneous Proceed na ilalapat ay tinutukoy sa pamamagitan ng pag-multiply sa kabuuang halaga ng Miscellaneous Proceed sa pamamagitan ng porsyento na kinakalkula sa pamamagitan ng pagkuha sa (i) kabuuang halaga ng mga sum na na-secure kaagad bago ang Partial Devaluation, at paghati nito sa (ii ) fair market value ng Pag-aari kaagad bago ang Partial Devaluation. Ang anumang balanse ng Miscellaneous Proceed ay babayaran sa Borrower.
Kung sakaling magkaroon ng Partial Devaluation kung saan ang fair market value ng Pag- aari kaagad bago ang Partial Devaluation ay mas mababa kaysa sa halaga ng mga sum na na-secure kaagad bago ang Partial Devaluation, ang lahat ng Miscellaneous Proceed ay ilalapat sa mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito, kung ang mga kabuuan ay dapat bayaran o hindi, maliban kung ang Borrower at Lender ay magkasundo sa pamamagitan ng pagsulat.
(d) Pag-areglo sa Mga Claim. Ang Lender ay pinahihintulutan na kolektahin at ilapat ang Miscellaneous Proceed sa alinman sa mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito, dapat mang bayaran o hindi, o sa pagpapanumbalik o pagkumpuni ng Pag-aari, kung ang Borrower
(i) ay aabandunahin ang Pag-aari, o (ii) nabigo na tumugon sa Lender sa loob ng 30 araw pagkatapos ng petsa ng pag-abiso ng Lender sa Borrower na ang Sumasalungat na Panig (tulad ng tinukoy sa susunod na pangungusap) ay nag-aalok na bayaran ang isang paghahabol para sa mga pinsala. Ang “Sumasalungat na Panig” ay tumutukoy sa third party na may utang na Miscellaneous Proceed sa Borrower o ang panig kung saan ang Borrower ay may karapatang kumilos patungkol sa mga Miscellaneous Proceed.
(e) Paglilitis na Nakakaapekto sa Interes ng Lender sa Pag-aari. Magiging Default ang Borrower kung magsisimula ang anumang aksyon o paglilitis, sibil man o kriminal, na, sa pasya ng Lender, ay maaaring magresulta sa pagkawala ng Pag-aari o iba pang materyal na
problema sa interes ng Lender sa Pag-aari o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito. Maaaring masolusyunan ng borrower ang naturang Default at, kung nagkaroon ng kaagad na pagpapabayad, ibalik tulad ng nakasaad sa Seksyon 20, sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa aksyon o pagpapatuloy na may desisyon na, sa pasya ng Lender, ay humahadlang sa pag-forfeit ng Pag-aari o iba pang materyal na isyu sa interes ng Lender sa Pag-aari o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito. Walang kondisyong itinatalaga ng Borrower sa Lender ang mga nalikom ng anumang award o claim para sa mga danyos na nauugnay sa pagkaapekto sa interes ng Lender sa Pag-aari, kung saan ang mga nalikom ay babayaran sa Lender. Lahat ng Miscellaneous Proceed na hindi inilapat sa pagpapanumbalik o pagkukumpuni ng Pag-aari ay ilalapat sa pagkakasunud-sunod ng pagkakalapat ng Mga Partial na Pagbabayad sa Seksyon 2(b).
13. Hindi Pinalaya sa Pananagutan ang Borrower; Ang Forbearance ng Lender ay Hindi isang Waiver. Ang Borrower o sinumang Successor sa Interes ng Borrower ay hindi aalisan ng pananagutan sa ilalim ng Security Instrument na ito kung papalawigin ng Lender ang panahon para sa pagbabayad o babaguhin ang amortisasyon ng mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito. Hindi hihingiin sa Lender na simulan ang mga pagdinig laban sa sinumang Successor sa Interes ng Borrower, o tanggihan ang ekstensyon sa oras ng pagbabayad o kaya ay baguhin ang amortization ng mga halagang naka-secure sa ilalim ng Security Instrument na ito, dahil sa anumang demand na isasagawa ng orihinal na Borrower o sinumang Successor sa Interes ng Borrower. Ang anumang forbearance ng Lender sa paggamit ng anumang karapatan o remedyo kasama, nang walang limitasyon, ang pagtanggap ng Lender ng mga bayad mula sa mga ikatlong tao, entity, o Mga Kahalili sa Interes ng Borrower o sa mga halagang mas mababa sa halagang dapat bayaran, ay hindi maituturing na pagwawaksi, o paghadlang sa paggamit ng, anumang karapatan o remedyo ng Lender.
14. Joint at Several Liability; Mga Lumagda; Mga Successor at Assign na Napapailalim. Ang mga obligasyon at pananagutan ng Borrower sa ilalim ng Security Instrument na ito ay magiging joint at several. Gayunpaman, ang sinumang Borrower na lalagda sa Security Instrument na ito ngunit hindi pipirma sa Note ay: (a) nilagdaan ang Security Instrument na ito upang i-mortgage, ikaloob, at i-convey ang naturang interes ng Borrower sa Pag-aari sa ilalim ng mga tuntunin ng Security Instrument na ito; (b) nilagdaan ang Security Instrument na ito upang i- waive ang anumang naaangkop na inchoate na karapatan tulad ng dower at curtesy at anumang magagamit na mga exemption sa homestead; (c) nilagdaan ang Security Instrument na ito upang magtalaga ng anumang Miscellaenous Proceed, Renta, o iba xxxx xxxx xxxx sa Pag-aari sa Lender;
(d) ay hindi personal na obligadong bayaran ang mga halagang dapat bayaran sa ilalim ng Note o Security Instrument na ito; at (e) sumasang-xxxx na ang Lender at ang sinumang iba pang Borrower ay maaaring sumang-xxxx na palawigin, baguhin, tanggihan, o gumawa ng anumang kaluwagan patungkol sa mga tuntunin ng Note o Security Instrument na ito nang walang pahintulot ng Borrower at nang hindi naaapektuhan ang mga naturang obligasyon ng Borrower sa ilalim ng Security Instrument na ito.
Alinsunod sa mga probisyon ng Seksyon 19, ang sinumang Successor sa Interes ng Borrower na aako sa mga obligasyon ng Borrower sa ilalim ng Security Instrument na ito nang nakasulat, at aaprubahan ng Lender, ay makukuha ang lahat ng karapatan, obligasyon, at benepisyo ng Borrower sa ilalim ng Security Instrument na ito. Hindi aalisan ang Borrower ng mga
obligasyon at pananagutan sa ilalim ng Security Instrument na ito maliban kung sasang-xxxx xxx Lender sa naturang pagpapalaya sa pamamagitan ng sulat.
15. Mga Singil sa Loan.
(a) Mga Bayarin sa Pagtukoy sa Buwis at Baha. Maaaring hilingin ng Lender sa Borrower na magbayad ng (i) isang beses na singil para sa isang pag-verify ng buwis sa real estate at/o serbisyo sa pag-uulat na ginamit ng Lender kaugnay ng Loan na ito, at (ii) alinman sa (A) isang beses na singil para sa pagtukoy ng flood zone, sertipikasyon, at mga serbisyo sa tracking, o
(B) isang beses na singil para sa mga serbisyo sa pagtukoy ng flood zone at sertipikasyon at kasunod na mga singil sa tuwing magaganap ang mga remapping o mga katulad na pagbabago na makatuwirang maaaring makaapekto sa naturang pagpapasya o sertipikasyon. Pananagutan din ng borrower ang pagbabayad ng anumang bayarin na ipinataw ng Federal Emergency Management Agency, o anumang successor na ahensya, anumang oras sa termino ng Loan, na may kaugnayan sa anumang pagtukoy ng flood zone.
(b) Mga Default na Singil. Kung pinahihintulutan sa ilalim ng Naaangkop na Batas, maaaring singilin ng Lender ang mga bayarin sa Borrower para sa mga serbisyong isinagawa kaugnay ng Default ng Borrower para protektahan ang interes ng Lender sa Pag-aari at ang mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito, kabilang ang: (i) makatwirang bayad at gastos sa mga abogado; (ii) pag-inspeksyon ng pag-aari, valuation, pamamagitan, at mga bayarin sa pagkontrol sa pagkalugi; at (iii) iba pang kaugnay na bayarin.
(c) Pagpapahintulot ng Mga Bayarin. Kaugnay ng anupamang bayarin, ang kawalan ng malinaw na awtoridad sa Security Instrument na ito upang maningil ng isang partikular na bayad sa Borrower ay hindi dapat ituring na isang pagbabawal sa pagsingil ng naturang bayad. Ang Lender ay hindi maaaring maningil ng mga bayarin na hayagang ipinagbabawal ng Security Instrument na ito o ng Naaangkop na Batas.
(d) Clause sa Savings. Kung itatakda ng Naaangkop na Batas ang mga pinakamalaking singil sa loan, at ipapakahulugan ang batas na iyon para malampasan ng interes o iba pang singil sa loan na nakolekta o kokolektahin kaugnay ng Loan ang mga pinapayagang limitasyon, (i) ang anumang nasabing singil sa loan ay babawasan ng halagang kinakailangan para mabawasan ang singil sa pinapayagang limitasyon, at (ii) ang anumang halagang nakolekta na mula sa Borrower at lampas sa mga pinapayagang limitasyon ay ire-refund sa Borrower. Puwedeng piliin ng Lender na gawin ang refund na ito sa pamamagitan ng pagbabawas sa principal na dapat bayaran sa ilalim ng Note o sa pamamagitan ng direktang pagbabayad sa Borrower. Kung mababawasan ng pag- refund ang principal, ang kabawasan ay ituturing na hindi buong paunang pagbabayad nang walang anumang singil sa paunang pagbabayad (magbigay man o hindi ng singil sa paunang pagbabayad sa ilalim ng Note). Sa lawak na pinahihintulutan ng Naaangkop na Batas, ang pagtanggap ng Borrower sa anumang naturang refund na ginawa sa pamamagitan ng direktang pagbabayad sa Borrower ay bubuo ng isang waiver ng anumang karapatan ng aksyon na maaaring idulot ng Borrower mula sa naturang sobrang singil.
16. Mga Abiso; Aktuwal na Address ng Borrower. Ang lahat ng abiso na ibinigay ng Borrower o Lender na may kaugnayan sa Security Instrument na ito ay dapat nakasulat.
(a) Mga Abiso sa Borrower. Maliban kung ang Naaangkop na Batas ay nag-aatas ng ibang paraan, ang anumang nakasulat na abiso sa Borrower na may kaugnayan sa Security Instrument na ito ay ituturing na ibinigay sa Borrower kapag (i) ipinadala sa pamamagitan ng first
class na koreo, o (ii) aktuwal na inihatid sa Address sa Pag-abiso ng Borrower (tulad ng tinukoy sa Seksyon 16(c) sa ibaba) kung ipinadala sa pamamagitan ng mga paraan maliban sa first class mail o Electronic Communication (tulad ng tinukoy sa Seksyon 16(b) sa ibaba). Ang abiso sa sinumang Xxxxxxxx ay bubuo ng abiso sa lahat ng Borrower maliban kung ang Naaangkop na Batas ay malinaw na nag-aatas ng iba. Kung ang anumang abiso sa Borrower na inaatas ng Security Instrument na ito ay kinakailangan din sa ilalim ng Naaangkop na Batas, ang inaatas ng Naaangkop na Batas ay makakatugon sa kaukulang inaatas sa ilalim ng Security Instrument na ito.
(b) Elektronikong Pag-abiso sa Borrower. Maliban kung ibang paraan ng paghahatid ang inaatas ng Naaangkop na Batas, ang Lender ay maaaring magbigay ng abiso sa Borrower sa pamamagitan ng e-mail o iba pang elektronikong komunikasyon (“Electronic Communication”) kung: (i) sinang-ayunan ng Lender at Borrower nang nakasulat; (ii) ang Borrower ay nagbigay sa Lender ng e-mail ng Borrower o iba pang electronic address (“Electronic Address”); (iii) ang Lender ay nagbibigay sa Borrower ng opsyon na makatanggap ng mga abiso sa pamamagitan ng first class na koreo o ng ibang hindi Electronic Communication sa halip na sa pamamagitan ng Electronic Communication; at (iv) ang Lender ay hindi sumusunod sa Naaangkop na Batas. Ang anumang abiso sa Borrower na ipinadala sa pamamagitan ng Electronic Communication na may kaugnayan sa Security Instrument na ito ay ituturing na ibinigay sa Borrower kapag ipinadala maliban kung malalaman ng Lender na ang naturang abiso ay hindi naihatid. Kung malalaman ng Lender na ang anumang abiso na ipinadala sa pamamagitan ng Electronic Communication ay hindi naihatid, muling ipapadala ng Lender ang naturang komunikasyon sa Borrower sa pamamagitan ng first class mail o sa pamamagitan ng ibang hindi Electronic Communication na paraan. Maaaring bawiin ng borrower ang kasunduan na tumanggap ng Electronic Communications mula sa Lender anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakasulat na abiso sa Lender tungkol sa pagbawi ng Borrower sa pagsang-xxxx sa naturang kasunduan.
(c) Address sa Pag-abiso ng Borrower. Ang address kung saan ipapadala ng Lender ang Abiso sa Borrower (“Address ng Abiso”) ay ang Address ng Pag-aari maliban kung ang Borrower ay nagtalaga ng ibang address sa pamamagitan ng nakasulat na abiso sa Lender. Kung ang Lender at Borrower ay sumang-xxxx na maaaring magbigay ng abiso sa pamamagitan ng Electronic Communication, ang Borrower ay maaaring magtalaga ng Electronic Address bilang Address sa Pag-abiso. Agad na aabisuhan ng Borrower ang Lender tungkol sa pagbago ng Address ng Pag- abiso ng Borrower, kabilang ang anumang pagbabago sa Electronic Address ng Borrower kung itinalaga bilang Address sa Pag-abiso. Kung tinukoy ng Lender ang isang pamamaraan para sa pag-uulat ng pagbabago ng Address sa Pag-abiso ng Borrower, ang Borrower ay mag-uulat ng pagbabago sa Address sa Pag-abiso sa pamamagitan lang ng tinukoy na paraan.
(d) Mga Abiso sa Lender. Ang anumang abiso sa Lender ay ibibigay sa pamamagitan ng paghahatid nito o sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa pamamagitan ng first class mail sa address ng Lender na nakasaad sa Security Instrument na ito maliban kung ang Lender ay nagtalaga ng isa pang address (kabilang ang isang Electronic Address) sa pamamagitan ng abiso sa Borrower. Ang anumang abiso na may kaugnayan sa Security Instrument na ito ay ituturing na ibinigay lang sa Lender kapag aktuwal na natanggap ng Lender sa itinalagang address ng Lender (na maaaring may kasamang Electronic Address). Kung ang anumang abiso sa Lender na inaatas ng Security Instrument na ito ay kinakailangan din sa ilalim ng Naaangkop na Batas, ang inaatas
ng Naaangkop na Batas ay makakatugon sa kaukulang inaatas sa ilalim ng Security Instrument na ito.
(e) Aktuwal na Address ng Borrower. Bilang karagdagan sa itinalagang Address sa Pag- abiso, ibibigay ng Borrower sa Lender ang address kung saan aktuwal na naninirahan ang Borrower, kung iba sa Address ng Pag-aari, at aabisuhan ang Lender sa tuwing magbabago ang address na ito.
17. Namamahalang Batas; Severability; Mga Panuntunan sa Konstruksyon. Ang Security Instrument na ito ay napapailalim sa pederal na batas at batas ng Estado ng North Carolina. Ang lahat ng karapatan at obligasyon na nakapaloob sa Security Instrument na ito ay napapailalim sa anumang inaatas at limitasyon ng Naaangkop na Batas. Kung ang anumang probisyon ng Security Instrument na ito o Note ay sumasalungat sa Naaangkop na Batas (i) ang nasabing salungatan ay hindi makakaapekto sa iba pang probisyon ng Security Instrument na ito o ang Note na maaaring magkabisa nang wala ang sumasalungat na probisyon, at (ii) ang gayong sumasalungat na probisyon, hangga't maaari, ay ituturing na binago bilang pagsunod sa Naaangkop na Batas. Ang Naaangkop na Batas ay maaaring tahasan o tuwirang payagan ang mga panig na sumang-xxxx sa pamamagitan ng kontrata o maaari itong tahimik, ngunit ang gayong pananahimik ay hindi dapat ituring bilang isang pagbabawal laban sa kasunduan sa pamamagitan ng kontrata. Ang anumang aksyon na kinakailangang sa ilalim ng Security Instrument na ito na gawin alinsunod sa Naaangkop na Batas ay gagawin alinsunod sa Naaangkop na Batas nang may bisa sa oras na ang aksyon ay isinagawa.
Gaya ng paggamit sa Security Instrument na ito: (a) ang mga salita sa isahan ay mangangahulugan at isasama ang maramihan at vice versa; (b) ang salitang "maaari" ay nagbibigay ng sariling pagpapasya nang walang anumang obligasyon na gumawa ng anumang aksyon; (c) ang anumang pagbanggit sa "Seksyon" sa dokumentong ito ay tumutukoy sa Mga Seksyon na nakapaloob sa Security Instrument na ito maliban kung iba ang binanggit; at (d) ang mga heading at caption ay inilalagay para sa madaling pagsangguni at hindi tumutukoy, naglilimita, o naglalarawan sa saklaw o layunin ng Security Instrument na ito o anumang partikular na Seksyon, talata, o probisyon.
18. Kopya ng Borrower. Isang Borrower ang bibigyan ng isang kopya ng Note at ng Security Instrument na ito.
19. Pag-transfer ng Pag-aari o Kapaki-pakinabang na Interes sa Borrower. Para sa mga layunin ng Seksyon 19 na ito lang, tumutukoy ang “Interes sa Pag-aari” sa anumang legal o kapaki-pakinabang na interes sa Pag-aari, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, mga kapaki-pakinabang na interes na xxxx-transfer sa isang bond for deed, contract for deed, installment sales contract, o kasunduan sa escrow, kung saan layunin ng Borrower na mag-transfer ng titulo sa isang purchaser sa isang petsa sa hinaharap.
Kung ang lahat ng o ang anumang bahagi ng Pag-aari o Interes sa Pag-aari ay maibebenta x xxxx-transfer (o kung hindi natural na tao ang Borrower at may maibebenta x xxxx-transfer na kapaki-pakinabang na interes sa Borrower) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, puwedeng agarang pabayaran ng Lender nang buo ang lahat ng halagang secured ng Security Instrument na ito. Gayunpaman, hindi gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung ipinagbabawal ng Naaangkop na Batas ang paggamit nito.
Kung gagamitin ng Lender ang opsyong ito, bibigyan ng Lender ang Borrower ng notice of acceleration. Magbibigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa petsa kung kailan ibinigay ang abiso alinsunod sa Seksyon 16 kung saan dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang na-secure ng Security Instrument na ito. Kung hindi mababayaran ng Borrower ang mga halagang ito bago lumipas ang o pagkalipas ng panahong ito, puwedeng gamitin ng Lender ang anumang remedyong pinapahintulutan ng Security Instrument na ito nang walang higit pang abiso o demand sa Borrower at puwede niyang singilin ang lahat ng magagastos sa paggamit sa mga nasabing remedyo, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa: (a) mga makatuwirang bayarin at gastos sa mga abugado; (b) bayad sa inspeksyon at valuation ng Pag-aari; at (c) iba pang bayad para maprotektahan ang Interes sa Pag-aari at/o mga karapatan ng Lender sa ilalim ng Security Instrument na ito.
20. Karapatan ng Borrower na Ibalik ang Loan pagkatapos ng Kaagad na Pagpapabayad. Kung matutugunan ng Borrower ang ilang partikular na kundisyon, ang Borrower ay magkakaroon ng karapatang ibalik ang Loan at ipatigil ang pagpapatupad ng Security Instrument na ito anumang oras hanggang sa huli ng (a) limang araw bago ang anumang foreclosure sale ng Pag-aari, o (b) iba pang panahon na maaaring tukuyin ng Naaangkop na Batas para sa pagwawakas ng karapatan ng Borrower sa pag-reinstate. Ang karapatang ito sa pag- reinstate ay hindi malalapat sa kaso ng kaagad na pagpapabayad sa ilalim ng Seksyon 19.
Upang ma-reinstate ang Loan, dapat matugunan ng Borrower ang lahat ng sumusunod na kondisyon: (aa) bayaran ang Lender ng lahat ng halaga na dapat bayaran sa ilalim ng Security Instrument na ito at ang Note na parang walang naganap na kaagad na pagpapabayad; (bb) solusyunan ang anumang Default ng anumang iba pang kasunduan sa ilalim ng Security Instrument na ito o ng Note; (cc) bayaran ang lahat ng gastos na matatamo sa pagpapatupad ng Security Instrument na ito o ng Note, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: (i) makatwirang bayad at gastos sa mga abogado; (ii) pag-inspeksyon sa pag-aari at mga bayarin sa valuation; at (iii) iba pang bayarin na natamo upang protektahan ang interes ng Lender sa Pag-aari at/o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito o ng Note; at (dd) gumawa ng naturang aksyon na maaaring makatwirang hilingin ng Lender na tiyakin na ang interes ng Lender sa Pag-aari at/o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito o ng Note, at ang obligasyon ng Borrower na bayaran ang mga halagang na-secure ng Security Instrument na ito o ng Note, ay magpapatuloy. hindi magbabago.
Maaaring hilingin ng Lender na bayaran ng Borrower ang mga halaga at gastos sa pag- reinstate sa isa o higit pa sa mga sumusunod na paraan, gaya ng pinili ng Lender: (aaa) cash; (bbb) money order; (ccc) sertipikadong tseke, tseke sa bangko, treasurer's check, o cashier's check, sa kondisyon na ang anumang naturang tseke ay galing sa isang institusyon na ang mga deposito ay insured ng isang pederal na ahensya, instrumentality, o entity ng U.S.; o (ddd) Electronic Fund Transfer. Sa pag-reinstate ng Loan ng Borrower, ang Security Instrument na ito at ang mga obligasyong na-secure ng Security Instrument na ito ay mananatiling ganap na may bisa na parang walang kaagad na pagpapabayad na nangyari.
21. Pagbebenta ng Note. Ang Note o isang partial na interes sa Note, kasama ang Security Instrument na ito, ay maaaring ibenta o kung hindi man ay ilipat nang isa o higit pang beses. Sa nasabing pagbebenta o iba pang paglilipat, ang lahat ng karapatan at obligasyon ng Lender sa ilalim ng Security Instrument na ito ay iko-convey sa mga successor at itinalaga ng Lender.
22. Loan Servicer. Ang Lender ay maaaring gumawa ng anumang aksyon na pinahihintulutan sa ilalim ng Security Instrument na ito sa pamamagitan ng Loan Servicer o ibang awtorisadong kinatawan, tulad ng isang sub-servicer. Nauunawaan ng borrower na ang Loan Servicer o iba pang awtorisadong kinatawan ng Lender ay may karapatan at awtoridad na gumawa ng anumang naturang aksyon.
Ang Loan Servicer ay maaaring magbago nang isa o higit pang beses sa termino ng Note. Ang Loan Servicer ay maaaring o hindi ang may hawak ng Note. Ang Loan Servicer ay may karapatan at awtoridad na: (a) mangolekta ng Mga Pana-panahong Pagbabayad at anumang iba pang halagang dapat bayaran sa ilalim ng Note at Security Instrument na ito; (b) magsagawa ng anumang iba pang obligasyon sa pagseserbisyo sa mortgage loan; at (c) gamitin ang anumang karapatan sa ilalim ng Note, Security Instrument na ito, at Naaangkop na Batas sa ngalan ng Lender. Kung may pagbabago sa Loan Servicer, ang Borrower ay bibigyan ng nakasulat na abiso ng pagbabago na magsasaad ng pangalan at address ng bagong Loan Servicer, ang address kung saan dapat gawin ang mga pagbabayad, at anumang iba pang impormasyong kailangan ng RESPA kaugnay ng isang abiso ng paglilipat ng serbisyo.
23. Abiso sa Karaingan. Hanggang sa maabisuhan ng Borrower o Lender ang kabilang panig (alinsunod sa Seksyon 16) ng isang di-umano'y paglabag at bigyan ang kabilang panig ng isang makatwirang panahon pagkatapos ng pagbibigay ng naturang abiso upang magsagawa ng pagkilos na pagwawasto, ang sinuman sa Borrower o Lender ay hindi maaaring magsimula, sumali, o maging isali sa anumang aksyong panghukuman (alinman bilang isang indibidwal na litigante o miyembro ng xxxxx xxxxx) na (a) nagmumula sa mga aksyon ng kabilang panig alinsunod sa Security Instrument na ito o sa Note, o (b) nag-aatas na ang kabilang panig ay lumabag sa anumang probisyon ng Security Instrument na ito o ng Note. Kung ang Naaangkop na Batas ay nagbibigay ng isang yugto ng panahon na dapat lumipas bago magawa ang ilang partikular na aksyon, ang yugto ng panahon na iyon ay ituturing na makatwiran para sa mga layunin ng Seksyon 23 na ito. Ang abiso sa Pagka-default na ibinigay sa Borrower alinsunod sa Seksyon 26(a) at ang abiso sa kaagad na pagpapabayad na ibinigay sa Borrower alinsunod sa Seksyon 19 ay ituturing na matugunan ang abiso at pagkakataong magsagawa ng mga probisyon sa pagwawasto ng Seksyon 23 na ito.
24. Mga Mapanganib na Substance.
(a) Mga Kahulugan. Gaya ng paggamit sa Seksyon 24 na ito: (i) Ang “Batas sa Kapaligiran” ay tumutukoy sa anumang Mga Naaangkop na Batas kung saan matatagpuan ang Pag-aari na nauugnay sa kalusugan, kaligtasan, o pangangalaga sa kapaligiran; (ii) Kasama sa “Mga Mapanganib na Substance” ang (A) ang mga substance na iyon na natukoy bilang nakakalason o mapanganib na mga substance, pollutant, o basura xxxx sa Batas sa Kapaligiran, at
(B) ang mga sumusunod na substance: gasolina, kerosene, iba pang nasusunog o nakakalason na produktong petrolyo, nakakalason na pesticide at herbicide, volatile solvent, materyales na naglalaman ng asbestos o formaldehyde, corrosive na materyales o ahente, at radioactive na materyales; (iii) Kasama sa “Paglilinis sa Kapaligiran” ang anumang aksyong pagtugon, pagkilos na pang-remedyo, o pagkilos sa pag-aalis, gaya ng tinukoy sa Batas sa Pangkapaligiran; at (iv) ang isang "Kondisyong Pangkapaligiran" ay nangangahulugang isang kondisyon na maaaring
magdulot, makaambag sa, o kung hindi man ay mag-trigger ng isang Paglilinis sa Kapaligiran.
(b) Mga Paghihigpit sa Paggamit ng Mga Mapanganib na Substance. Hindi magiging sanhi o papahintulutan ng borrower ang pagkakaroon, paggamit, pagtatapon, pag-iimbak, o paglabas ng anumang Mapanganib na Sangkap, o pagbabanta na maglalabas ng anumang Mapanganib na Substance, sa Pag-aari. Ang Borrower ay hindi gagawa ng, o papayagan ang sinuman na gawin ang, anumang bagay na makakaapekto sa Pag-aari na: (i) lumalabag sa Batas sa Kapaligiran; (ii) lumilikha ng Kondisyong Pangkapaligiran; o (iii) dahil sa pagkakaroon, paggamit, o paglabas ng isang Mapanganib na Substance, ay lumilikha ng kundisyon na makakaapekto sa halaga ng Pag-aari. Ang naunang dalawang pangungusap ay hindi nalalapat sa pagkakaroon, paggamit, o pag-iimbak sa Pag-aari ng iilang Mapanganib na Substance na karaniwang kinikilala na naaangkop sa mga normal na paggamit sa tirahan at sa pagpapanatili ng Pag-aari (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga mapanganib na substance sa mga produkto ng mamimili).
(c) Mga Abiso; Mga Pang-remedyong Pagkilos. Ang Borrower ay agad na magbibigay sa Lender ng nakasulat na abiso ng: (i) anumang pagsisiyasat, paghahabol, kahilingan, demanda, o iba pang aksyon ng anumang ahensya ng pamahalaan o regulasyon o pribadong panig na kinasasangkutan ng Pag-aari at anumang Mapanganib na Substance o Batas sa Pangkapaligiran kung saan ang Borrower ay may aktwal na kaalaman; (ii) anumang Kondisyong Pangkapaligiran, kabilang ngunit hindi limitado sa, anumang pagtapon, pagtagas, paglabas, paglabas, o pagbabanta ng pagpapakawala ng anumang Mapanganib na Substance; at (iii) anumang kundisyong dulot ng pagkakaroon, paggamit, o pagpapalabas ng isang Mapanganib na Substance na negatibong nakakaapekto sa halaga ng Pag-aari. Kung malalaman ng Borrower, o maabisuhan ng anumang awtoridad ng pamahalaan o regulatoryo o anumang pribadong panig, na ang anumang pag-alis o iba pang remediation ng anumang Mapanganib na Substance na nakakaapekto sa Pag-aari ay kinakailangan, agad na gagawin ng Borrower ang lahat ng kinakailangang pang-remedyong aksyon alinsunod sa Batas sa Kapaligiran. Wala sa Security Instrument na ito ang lilikha ng anumang obligasyon sa Lender para sa isang Paglilinis sa Kapaligiran.
25. Electronic Note na Nilagdaan gamit ang Electronic Signature ng Borrower. Kung ang Note na nagpapatunay sa utang para sa Loan na ito ay electronic, kinikilala at kinakatawan ng Borrower sa Lender na ang Borrower na iyon ay: (a) hayagang pumapayag at nilalayon na lagdaan ang electronic Note gamit ang isang Electronic Signature na pinagtibay ng Borrower (“Electronic Signature ng Borrower”) sa halip na lagdaan ang isang papel na Note gamit ang panulat at tinta ng Borrower; (b) hindi binawi ang hayagang pahintulot ng Borrower na lagdaan ang electronic Note gamit ang Electronic Signature ng Borrower; (c) naunawaan na sa pamamagitan ng pagpirma sa electronic Note gamit ang Borrower's Electronic Signature, nangangako ang Borrower na babayaran ang utang na pinatunayan ng electronic Note alinsunod sa mga tuntunin nito; at (d) nilagdaan ang electronic Note gamit ang Electronic Signature ng Borrower na may layunin at pag- unawa na sa paggawa nito, nangangako ang Borrower na babayaran ang utang na pinatunayan ng electronic Note alinsunod sa mga tuntunin nito.
MGA HINDI PARE-PAREHONG KASUNDUAN. Ang Borrower at Lender ay higit na nakipagtipan at sumasang-xxxx sa sumusunod:
26. Kaagad na Pagpapabayad; Mga Remedyo.
(a) Abiso sa Pagkaka-default. Magbibigay ang Lender ng abisao sa Pagka-default sa Borrower bago ang kaagad na pagpapabayad kasunod ng Pagka-default ng Borrower, maliban kung ang naturang abiso sa Pagka-default ay hindi ipapadala kapag ginamit ng Lender ang karapatan nito sa ilalim ng Seksyon 19 maliban kung iba ang itinakda ng Naaangkop na Batas. Ang abiso ay tutukuyin, bilang karagdagan sa anumang iba pang impormasyong inaatas ng Naaangkop na Batas: (i) ang Default; (ii) ang kinakailangang aksyon para maresolba ang Default;
(iii) isang petsang hindi bababa sa 30 araw (o kaya ay alinsunod sa isinasaad ng Nalalapat na Batas) mula sa petsa kung kailan ibinigay sa Borrower ang abiso, kung kailan dapat maresolba ang Default; (iv) ang hindi pagresolba sa Default hanggang sa petsang tinukoy sa abiso ay puwedeng magresulta sa acceleration ng mga halagang naka-secure sa ilalim ng Security Instrument na ito at pagbebenta ng Pag-aari; (v) karapatan ng Borrower na mag-reinstate pagkatapos ng acceleration; at (vi) karapatan ng Borrower na tumanggi sa pagdinig sa pagremata kung may Default o igiit ang anumang iba pang depensa ng Borrower sa acceleration at pagbebenta.
(b) Kaagad na Pagpapabayad; Kapangyarihan ng Pagbebenta; Mga Gastusin. Kung ang Pagka-default ay hindi naayos sa o bago ang petsang tinukoy sa abiso, ang Lender ay maaaring manghingi ng agarang pagbabayad nang buong halagang na-secure ng Security Instrument na ito nang walang karagdagang pangangailangan at maaaring gumamit ng kapangyarihan ng pagbebenta at anumang iba pang remedyo na pinahihintulutan ng Naaangkop na Batas. Ang Lender ay may karapatan na kolektahin ang lahat ng gastos na natamo sa pagtataguyod ng mga remedyo na ibinigay sa Seksyon 26 na ito, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: (i) mga makatuwirang bayarin at gastos sa mga abugado; (ii) bayad sa inspeksyon at valuation ng pag- aari; at (iii) iba pang bayad para maprotektahan ang interes ng Lender sa Pag-aari at/o mga karapatan sa ilalim ng Security Instrument na ito.
(c) Abiso sa Pagbebenta; Pagbebenta ng Pag-aari. Kung iaapela ng Lender ang kapangyarihang magbenta, at kung matutukoy sa isang pagdinig alinsunod sa Nalalapat na Batas na puwedeng magpatuloy sa pagbebenta ang Trustee, isasagawa ng Trustee ang naturang aksyon tungkol sa abiso ng pagbebenta at ibibigay niya ang mga naturang abiso sa Borrower at iba pang kailangang makatanggap. Sa pinapayagang panahon, alinsunod sa Nalalapat na Batas, at pagkatapos ma-publish ang abiso ng pagbebenta, ibebenta ng Trustee ang Pag-aari, nang wala nang dagdag na demand sa Borrower, sa pampublikong auction sa pinakamataas na bidder sa panahon at lugar at sa ilalim ng mga tuntuning nakasaad sa abiso ng pagbebenta sa isa o higit pang parcel at sa anumang pagkakasunod-sunod na tinukoy ng Trustee. Maaaring bilhin ng Lender o ng itinalaga nito ang Pag-aari sa anumang pagbebenta.
(d) Trustee’s Deed; Mga Nalikom sa Benta. Ihahatid ng Trustee sa bumibili ang isang kasulatan ng Trustee na nagpapaalam sa Pag-aari nang walang anumang kasunduan o warranty, ipinahayag man o ipinahiwatig. Ang mga recital sa deed ng Trustee ay magiging prima facie na ebidensya ng katotohanan ng mga pahayag na ginawa sa deed na iyon. Ilalapat ng Trustee ang mga nalikom sa pagbebenta sa sumusunod na pagkakasunud-sunod: (i) sa lahat ng gastos sa pagbebenta, kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga bayad sa Trustee na % ng gross na presyo ng pagbebenta; (ii) sa lahat ng halagang sine-secure ng Security Instrument na ito; at (iii) anumang karagdagan sa tao o mga taong may legal na karapatan sa mga ito. Ang interest rate na nakasaad sa Note ay dapat mailapat bago o pagkatapos ng anumang hatol sa pagkakautang na nakasaad sa Note.
27. Pag-release. Kapag nabayaran na ang lahat ng halagang naka-secure sa ilalim ng Security Instrument na ito, kakanselahin ng Lender o Trustee ang Security Instrument na ito. Kung hihilingin sa Trustee na i-release ang Security Instrument na ito, isusuko ng Lender ang lahat ng Note na nagpapakita ng utang na naka-secure sa ilalim ng Security Instrument na ito sa Trustee. Babayaran ng Borrower ang anumang gastos sa pagtatala na nauugnay sa naturang pag-release. Maaaring singilin ng Lender ang Borrower ng bayad para sa pag-release ng Security Instrument na ito, kung nabayaran lang sa isang third party para sa mga ibinigay na serbisyong pinahihintulutan ang pagsingil sa ilalim ng Naaangkop na Batas.
28. Kapalit na Trustee. Paminsan-minsan, magagawa ng Lender, nang siya mismo o sa pamamagitan ng Loan Servicer, na mag-alis ng Trustee at magtalaga ng successor trustee sa sinumang Trustee na itinalaga sa ilalim ng Security Instrument na ito sa pamamagitan ng instrument na na-record sa county kung saan na-record ang Security Instrument na ito. Nang walang anumang karagdagang pagkilos o pag-convey ng Pag-aari, ang kapalit, karagdagan o kahalili na trustee ay pagkakalooban ng mga karapatan, titulo, remedyo, kapangyarihan, at mga tungkulin na igagawad sa Trustee sa Security Instrument na ito at ng Naaangkop na Batas.
29. Mga Bayarin sa Abugado. Makatuwiran dapat ang mga bayarin sa abugado.
SA PAMAMAGITAN NG PAGLAGDA SA IBABA, tinatanggap at sinasang-ayunan ng Borrower ang mga tuntunin at kasunduan na nakapaloob sa Security Instrument na ito at sa anumang Rider na nilagdaan ng Borrower at naitala kasama nito.
Mga Saksi:
(Selyo)
- Borrower
(Selyo)
- Borrower
[Ang Espasyo sa Ibaba ng Linyang Ito ay Para sa Pagkilala]