We use cookies on our site to analyze traffic, enhance your experience, and provide you with tailored content.

For more information visit our privacy policy.

Pagwawakas ng paaralan sa pagpapatala ng estudyante na Halimbawang mga Probisyon

Pagwawakas ng paaralan sa pagpapatala ng estudyante. 14.1 Inilalaan ng paaralan ang karapatan na atasan ang mga magulang/mga katiwala/mga taga-alaga na alisin ang estudyante mula sa paaralan o kanselahin ang pagpapatala ng estudyante sa anumang oras kung makatwirang itinuturing ng paaralan na: • ang pag-uugali, pagkilos o pag-asal ng mag-aaral sa gawaing pampaaralan, iba pang mga aktibidad sa paaralan o habang pumapasok sa paaralan ay hindi wasto • ang mag-aaral ay nagpapakita ng hindi wastong pag-asal o pagkilos, o masamang ugali • nabigo ang mag-aaral na sundin ang mga patakaran at mga pamamaraan ng paaralan o anumang Code of Conduct ng paaralan, para sa estudyante. • ang kapwa kapaki-pakinabang na relasyon na may pagtitiwala at pagtutulungan sa pagitan ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ng paaralan o sinuman sa mga kawani nito, ay nasira hanggang sa magdulot ito ng masamang epekto sa paaralan, sinuman sa mga kawani nito o ang kakayahan ng paaralan na magbigay ng wastong serbisyong pang- edukasyon sa mag-aaral • ang pag-unlad at kagalingan ng mag-aaral ay ganoon na ang estudyante ay hindi nakikinabang sa mga kursong akademiko na ibinibigay ng paaralan • ang gawi o asal ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga sa paaralan o sa sinumang kawani nito ay labag sa anumang Code of Conduct ng magulang/katiwala/taga- alaga • kung ang anumang mga pagkakautang o mga babayarang bayarin ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay hindi nabayaran xxxx sa mga tuntunin ng paaralan sa pagbabayad x xxxx sa mga tuntunin ng anumang sinulat na kasunduan sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na nagpapahintulot ng pagkaantala o pagkaliban na pagbabayad • may mga pangyayaring umiiral na kung saan ang nagpapatuloy na pagpapatala ng mag-aaral sa paaralan ay itinuturing na hindi mapapanatili o hindi sa pinakamabuting kapakanan ng estudyante o paaralan.