Software na Pangtulong na Halimbawang mga Probisyon

Software na Pangtulong. (a) Ang Nagbibili o isang Associate, bilang isang kondisyon sa pagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Plano ng Seguro, Premium Technical Support o iba pang mga serbisyo, ay maaaring magtagubilin sa iyo na i-download at i-install sa Device ang programang software (ang “Pangtulong na Software”) na nagpapahintulot sa Associate na magkaroon ng remote access sa iyong Device, magtipon ng impormasyon tungkol sa Device at mga operasyon nito, mag- diagnose at magkumpuni ng mga problema, at baguhin ang mga setting ng Device. Maaaring kailanganin mo na sundin ang iba pang mga tagubiling ibinibigay ng Nagbibili o ng Associate. (b) Kung ikaw o ang Associate ay nag-i-install ng Software na Pangtulong sa isang Device, ang Software na Pangtulong ay: (i) Maaaring kailanganin na paganahin mo ito sa iyong Device. Kung hindi mo kukumpletuhin ang proseso ng activation sa loob ng tagal ng panahong hinihiling ng Associate o tulad ng hinihingi ng Software na Pangtulog, maaaring tumigil sa paggana ang Software na Pangtulong hanggang sa makumpleto ang activation. (ii) Maaaring makipag-ugnayan sa mga server ng Nagbibili (o sa partner o kontratista nito) sa isang regular na batayan upang (i) tiyakin na tinatanggap mo ang lahat ng serbisyo at software na may karapatan ka bilang bahagi ng iyong Solusyon, (ii) nagagawa mong maagap na maglunsad ng isang sesyon ng chat kasama ang isang Associate bilang bahagi ng iyong Solusyon, o (iii) nagbibigay sa iyo ng akses sa mga tiyak na kasangkapang pang-self-service bilang bahagi ng iyong Solusyon. (iii) Maaaring sa pamamagitan ng default ay laging tumakbo sa iyong Device at magsagawa ng iba't ibang mga gawain sa background para makatulong panatilihin ang iyong Device sa kondisyong gumagana. Kapag tumatakbo, maaaring kumolekta ito ng iba't ibang data hinggil sa iyong Device, kasama ang mga teknikal na ispesipikasyon nito, impormasyon hinggil sa operating system nito, software na naka-download at/o naka-install, mga pang-update at pang- upgrade, ang kahandaan at estado ng iyong software ng seguridad, mga backup at firewall, iba't ibang walang katulad na pangtukoy, mga mensahe ng error ng system at software, estado ng mga koneksyon ng network, mga nakakonektang pangkabit at iba pang mga nakakonektang devices,