Sa Paggawa ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang (Pagbabayad nang Hulugan)
Sa Paggawa ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang (Pagbabayad nang Hulugan)
Base sa Impormasyon sa Nobyembre 2018 (AAS0089)
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng mahahalagang bagay na kailangang bigyang-pansin sa pagpasok sa kontrata na magbayad nang hulugan para sa halaga ng mga produkto tulad ng mobile phone (Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang).
Pakisuyong ingatang mabuti ang application form Para sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang at ang dokumentong ito.
(Pagkatapos ng paggawa ng kontrata, ang mga ito ay magiging opisyal na dokumento base sa Installment Sales Act.)
Sa panahon ng pag-aaplay
Pag-aaplay sa Pagtiyak at
pagbabayad pagpaparehistro
nang hulugan ng impormasyon
KDDI
Resulta ng pagsusuri
Mamimili
Sagot pagkatapos ng pagtiyak ng impormasyon
KDDI
Buwanang pagbabayad, atbp
Pagpaparehistro ng impormasyon
Miyem- brong ahensiya ukol sa pagpa- pautang / Konek- tadong ahensiya ukol sa pagpa- pautang
Pagkatapos ng pagpasok sa kontrata
Buwanang pagbabayad
Pagpapahuli sa pagbabayad
Pagpaparehistro ng impormasyon ng pagpapahuli
KDDI
Xxxxxxxx Xxx-aaplay sa kontrata sa pag-utang
tulad ng pagbabayad nang hulugan atbp.
Ibang mga kompanya※
Pagtiyak ng impormasyon para sa pagsusuri
Pagtanggi sa aplikasyon
Kalagayan ng pagbabayad tulad ng impormasyon ng pagpapahuli
Miyem- brong ahensiya ukol sa pagpa- pautang / Konek- tadong ahensiya ukol sa pagpa- pautang
Pagkatapos ng pagpapahuli sa pagbabayad
1 Pakisuyong unawain ang tungkol sa pagbibigay ng iyong personal na impormasyon sa ahensiya ukol sa pagpapautang.
Xxxx sa probisyon ng Installment Sales Act, gagawin ang pagtiyak at pagpaparehistro ng personal na impormasyon ng makikipagkontratang panig (kasama dito ang kalagayan ng pagbabayad atbp.) sa ahensiya ukol sa pagpapautang na itinalaga ng Ministry of Economy, Trade and Industry sa panahon ng pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang at pagkatapos gumawa ng kontratang iyon.
2 Pakisuyong mag-ingat na hindi mahuli sa pagbabayad!
① Ang rekord ng pagpapahuli sa pagbabayad ay mananatili nang 5 taon sa itinalagang ahensiya ukol sa pagpapautang pagkatapos bayaran ang lahat ng utang.
② Ang impormasyon na inirehistro sa itinalagang ahensiya ukol sa pagpapautang ay gagamitin ng ibang mga kompanya na miyembro rin ng ahensiya ukol sa pagpapautang. Dahil dito, ang taong may rekord ng pagpapahuli sa pagbabayad ay maaaring hindi makapasok sa ibang kontrata sa pag-utang (tulad ng pagbabayad nang hulugan para sa mobile phone o iba pang produkto, paggawa ng credit card, at pakikipagkontrata sa bayad na hulugan atbp.).
※Pakisuyong mag-ingat na kapag ang makikipagkontratang panig ay menor-de-edad at ang may kustodiya sa kaniya ay nagpahuli sa pagbabayad para sa kaniya, ito ay ituturing bilang rekord ng pagpapahuli sa pagbabayad ng menor-de-edad na nakikipagkontratang panig.
3 Pakisuyong mag-ingat sa pagbabayad pagkatapos ikansela ang kontrata!
Ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang ay magkaiba sa kontrata ng serbisyo sa komunikasyon ng au.
Kailangan pang magbayad ng lahat para sa natitirang utang na hulugan kahit ikinansela ang serbisyo sa
komunikasyon ng au.
※Puwede ring bayaran nang isahan ang natitirang utang na hulugan upang tapusin agad ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang.
1 Pagtiyak at Pagpaparehistro ng Impormasyon sa Pag-utang 2 Magkasamang Paggamit ng Impormasyon sa Pagbabayad
Pagsusuri
Pagsusuri
※ Miyembro ng ahensiya ukol sa pagpapautang tulad ng kompanya ng credit card, pinansiyal na institusyon, atbp
〈販売店様へお願い〉 本紙の内容をお客さまにご説明のうえ、必ずお渡しください。 1
【Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang】
Ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang ay isang paraan ng pagbili na kapalit ng mamimili ang KDDI ang mag-aabono muna sa tindahan ng au ng halaga ng mga produkto tulad ng mobile phone atbp. na bibilhin ng mamimili (hindi kasama ang paunang
bayad ng mamimili), at saka na lamang ang mamimili ang magbabayad sa KDDI nang hulugan para sa halagang iyon (ang paunang bayad ay kailangang bayaran ng mamimili sa tindahan ng au).
●Sisingilin ng KDDI ang unang halaga para sa pagbabayad nang hulugan kasama ng halaga para sa serbisyo sa komunikasyon ng au na ginamit ng mamimili pagkalipas ng dalawang buwan mula sa buwan kung kailan ginawa ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang. Ang paraan at petsa ng pagbabayad nito ay sa parehong paraan at petsa para sa halaga sa serbisyo sa komunikasyon ng au.
※Depende sa iyong paggamit ng serbisyo sa komunikasyon ng au, ang unang pagsingil ay maaaring gawin sa susunod pang buwan.
●Kung gagamitin ang mga point para sa kaagad na pagdidiskuwento / point na makukuha sa paggamit sa panahon ng pagbili ng mga produkto tulad ng mobile phone atbp. sa ilalim ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, ang mga point na iyan ay magagamit para sa paunang bayad at buwanang bayad na hulugan. Ang paggamit ng mga point para sa buwanang bayad na hulugan ay magagamit mula sa unang bayad, at ang natitirang point ay kukunin pa para sa bayad sa susunod na mga buwan. Ang halaga na kukunin mula sa mga point ay xxxx lamang sa iyong inaplay sa panahon ng pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at pagkatapos ng pagkokontrata ay hindi na ito puwedeng baguhin. At pakisuyong tandaan na ang mga point para sa kaagad na pagdidiskuwento / point na makukuha sa paggamit ay kukunin agad nang isahan sa panahon ng paggawa ng kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang.
●Kung ipapasa sa iba ang karapatang gumamit ng serbisyo sa komunikasyon ng au, ang mamimili ay kailangang magbayad muna nang isahan ng natitirang utang na hulugan sa ilalim ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang. Bukod pa dito, kapag minana ng isa ang serbisyo sa komunikasyon ng au mula sa iba, mamanahin din niya nang sabay-sabay ang kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang.
※Xxxxxx rin ito sa pagpasa / pagmana sa loob ng pamilya.
2
Mamimili
Ibibigay ang produkto
Pagbabayad nang hulugan sa inabunuhan ng au
Kontrata ng pagbili
Kontrata sa pag-aabono
Kasunduan sa pagiging ahente ng au
Tindahan ng au
KDDI
Pag-aabono para sa halaga ng produkto (hindi kasama ang paunang bayad)
<Mga Probisyon sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang> 〈Nobyembre 1, 2018〉
(Pagpapatupad ng Kontrata at Detalye ng mga Probisyon atbp.)
Artikulo 1
1 Ang KDDI Corporation (simula dito tinutukoy bilang ang "Kompanya") ay magtatakda ng mga probisyon sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang (simula dito tinutukoy bilang ang "Mga Probisyon"), at sa pamamagitan nito papasok sa kontratang may kinalaman sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang (simula dito tinutukoy bilang ang "Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang").
2 Xxx xxxxx ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang ay na ipagkakatiwala ng mamimili na ang Kompanya ay magbabayad muna sa tindahan ng au (simula dito tinutukoy bilang "Tindahan") bilang kapalit ng mamimili ng halaga ng kabuuang bayad sa salapi na hindi kasama dito ang paunang bayad (simula dito tinutukoy bilang ang "Utang na Hulugan"), ng mobile phone, mga aksesorya, at iba pang produkto (ang mga itinalaga lamang ng Kompanya, at simula dito tinutukoy bilang ang "Produkto") na nakalagay sa application form para sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang (simula dito tinutukoy bilang ang "Application Form") na bibilhin ng mamimili base sa kontrata ng pagbili na gagawin sa Tindahan na nakatalaga sa Application Form.
3 Ang Kompanya ay may karapatang magbago ng Mga Probisyon. Sa kasong iyon, ang mga kundisyon ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang ay xxxx sa Mga Probisyon na binago.
(Mga Kundisyon Para sa Pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang)
Artikulo 2
Ang pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang ay maaaring gawin ng isa na papasok sa kontratang may kinalaman sa uri ng serbisyo na bukod na itinalaga ng KDDI (simula dito tinutukoy bilang ang "Itinalagang Serbisyo") base sa mga probisyon sa kontrata sa serbisyo sa komunikasyon ng au (WIN) o ng au (LTE) (simula dito tinutukoy bilang ang "Mga Probisyon ng au") ng Kompanya o Okinawa Cellular Telephone Company (simula dito tinutukoy bilang "XXX"), at bibilhin niya ang mga Produkto sa mga Tindahan lamang na itinalaga ng KDDI.
(Paraan ng Pag-aaplay sa Kontrata at Pag-aproba Nito)
Artikulo 3
1 Sa pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, isusumite ng mamimili sa Tindahan ang Application Form kung saan nakatalaga ang mga bagay na binanggit sa mga sumusunod.
(1) Pangalan ng mamimili na nakikipagkontrata sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang
(2) Numero ng telepono ng linya ng mamimili na nakakontrata sa Itinalagang Serbisyo (ang linyang iyon ay dapat na pangunahing nakakonekta sa pamamatigan ng mobile phone para sa pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang na may kinalaman sa pagbili ng mobile phone, at simula dito tinutukoy bilang ang "Itinalagang Linya ng au")
(3) Iba pang bagay na nakatalaga sa Application Form
2 Sa kasong nabanggit sa naunang parapo, ang mamimili ay magsusumite ng mga dokumento na sa pamamagitan nito ay matitiyak ng Kompanya ang pagiging tunay ng mga impormasyon na nakasulat sa Application Form. Xxxxxxxx, hindi ito ipapatupad kung matitiyak ito ng Kompanya sa paraan na bukod na itinalaga.
3 Maaaring hindi aprobahan ng Kompanya ang pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang sa sumusunod na mga kaso.
(1) Kung ang nag-aaplay ay nagpapabaya sa pagbabayad sa Utang na Hulugan, o maaaring magpapabaya.
(2) Kung lalampas sa pamantayan na itinakda ng Kompanya ang kabuuang bilang ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang at iba pa (Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang o kontrata sa pagbili sa bayad na hulugan sa bawa't produkto na ginawa sa pagitan ng nag-aaplay at Kompanya, at Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang o kontrata sa pagbili sa bayad na hulugan sa bawa't produkto na ginawa sa pagitan ng nag-aaplay at XXX) ng taong nag-aaplay sa pag-aaproba sa pag-aaplay.
(3) Kung ang nag-aaplay ay nagpapabaya sa pagbabayad para sa Itinalagang Serbisyo at iba pang utang, o maaaring magpapabaya.
(4) Kung ang pag-aaplay na iyon ay makakahadlang sa operasyon ng Kompanya.
(5) Kung ipapasiya ng Kompanya na ang pag-aaplay na iyon ay hindi wasto.
(Kung Kailan Mabubuo ang Kontrata)
Artikulo 4
1 Ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang ay mabubuo sa panahon kung kailan inaprobahan ng Kompanya ang pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at saka iyon ay naipaalam na sa Tindahan. Sa kasong ito, ang pagpapaalam sa mamimili ay gagawin ng Tindahan.
2 Bagaman ang kontrata sa pagbili para sa produkto sa pagitan ng mamimili at Tindahan (simula dito tinutukoy bilang ang "Kontrata sa Pagbili") ay mabubuo pagkatapos ng pag-aaplay, na ang Tindahan ay nag-aplay na sa Kompanya bilang kapalit ng mamimili ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, ang bisa nito ay magsisimula sa panahon ng pagbuo ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang. Bukod pa dito, kapag hindi nabuo ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, ang Kontrata sa Pagbili rin ay ituturing na hindi nabuo balik sa panahon ng pag-aaplay sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang.
(Pagbibigay ng Produkto at Paglilipat ng Pagmamay-ari)
Artikulo 5
Ang Produkto ay ibibigay ng Tindahan sa mamimili sa panahon ng pagsulat sa Application Form pagkatapos mabuo ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at pagkatapos ng aktuwal na pagbibigay ng Produkto ay ililipat ang pagmamay-xxx xxxx sa mamimili mula sa Tindahan.
(Paraan ng pagbabayad sa Utang na Hulugan)
Artikulo 6
Ang mamimili ay magbabayad ng Utang na Hulugan sa Kompanya (o sa kompanyang papasahan kung ang utang ay ipapasa xxxx sa probisyon ng Artikulo 16 Parapo 1), hanggang sa itinakdang petsa ng pagbabayad na nakalagay sa Application Form (simula dito tinutukoy ang bilang ng "Itinakdang Petsa ng Pagbabayad"), at sa paraan ng pagbabayad na nakalagay din sa Application Form.
(Pagpapatuloy ng Pagbabayad sa Utang)
Artikulo 7
1 Ang mamimili ay magpapatuloy sa pagbabayad sa utang xxxx sa paraan ng pagbabayad na nakalagay sa Application Form hanggang sa matapos magbayad ng lahat ng utang base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, kahit pinaputol ang kontrata para sa Itinalagang Linya ng au o hininto ang mamimili nang sandali sa Itinalagang Serbisyo sa Itinalagang Linya ng au, sa anupamang dahilan.
2 Ang Kompanya o XXX ay magpapawalang-bisa sa kontrata sa Itinalagang Linya ng au kapag ang mamimili ay nagpabaya sa pagbabayad sa utang base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, kahit hininto niya nang sandali ang paggamit ng Itinalagang Serbisyo sa Itinalagang Linya ng au. Sa kasong ito, ipapaalam muna iyon ng Kompanya o XXX sa mamimili.
(Pagbabago ng Iniulat na Impormasyon)
Artikulo 8
1 Kapag nagbago na ang pangalan, tirahan, numero ng telepono para sa pagkontak sa kaniya na iniulat ng mamimili sa Kompanya, agad niyang ipapaalam iyon sa Kompanya.
2 Sa kasong xxxxxx dumating o hindi nakarating ang pagpapaalam o mga dokumentong ipinadala ng Kompanya dahil hindi ginawa ng mamimili ang pag-uulat ng bagong tirahan na binanggit sa naunang parapo, ang mamimili ay sasang-xxxx na ituturing ng Kompanya na nakarating na ang mga iyon sa mamimili sa panahon kung kailan ang mga iyon ay dapat na nakarating na.
(Pagpasa ng Katayuan sa Kontrata, Atbp)
Artikulo 9
1 Ang mamimili ay hindi makapapasa ng katayuan sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang maliban sa kasong nakasaad sa sumusunod na parapo.
2 Kapag hinihingi ng mamimili ang pag-aproba sa pagpasa ng karapatang gumamit ng Itinalagang Serbisyo sa Itinalagang Linya ng au base sa Mga Probisyon ng au, gagawin muna ng mamimili ang kinakailangang hakbang upang bayaran nang minsanan ang lahat ng natitirang Utang na Hulugan.
3 Ang binanggit sa naunang dalawang parapo ay hindi ipapatupad kung ipapasa ang katayuan sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang dahil sa pagmamana o pagsasama ng legal na korporasyon.
(Pagkawala ng Benepisyo ng Panahon sa Pagbabayad)
Artikulo 10
1 Mawawalan ang mamimili ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad ukol sa utang base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at agad niyang babayaran ang lahat ng utang, ang mamimili ay magiging nasa alinman sa sumusunod na mga kalagayan.
(1) Kung mahuhuli sa Itinakdang Petsa ng Pagbabayad ang mamimili sa pagbabayad sa Utang na Hulugan, at kahit ang Kompanya (o ang kompanyang papasahan kung ang utang ay ipapasa xxxx sa probisyon ng Artikulo 16 Parapo 1) ay nagtakda ng sapat na panahon na mahigit 20 pang araw at ang kahilingan ng pagbabayad ay ipinaalam sa pamamagitan ng sulat, gayunman hindi nakapagbayad ang mamimili sa itinakdang panahong iyon.
(2) Kung di-natanggap ang kasulatan o tseke na ginawa ng mamimili, o huminto siya sa karaniwang paraan ng pagbabayad.
(3) Kung natanggap ng mamimili ang petisyon ng pag-ilit, pansamantalang pag-ilit, pag-ilit para sa pag-iingat sa ari-arian, at pansamantalang pagpigil noon, o ang kautusan na magbayad ng buwis, atbp na hindi nabayaran.
(4) Kapag natanggap ng mamimili ang petisyon ng pagkabangkarote, civil rehabilitation, special liquidation, muling pag-organisa sa korporasyon, at iba pang hudisyal na proseso pagkatapos ng pagkabangkarote, o ang mamimili mismo ang magsusumite ng mga iyon.
(5) Kung ang mamimili ay papasok sa Kontrata sa Pagbili para sa negosyo (hindi kasama dito ang personal na kontrata para sa pagbebenta sa pagkakataon ng negosyo), at magpapahuli siya kahit minsan ng pagbabayad sa Utang na Hulugan.
2 Mawawalan ang mamimili ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad ukol sa utang base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at agad niyang babayaran ang lahat ng utang xxxx sa paghingi ng Kompanya (o kompanyang papasahan kung ang utang ay ipapasa xxxx sa probisyon ng Artikulo 16 Parapo 1), kung ang mamimili ay magiging nasa alinman sa sumusunod na mga kalagayan.
(1) Kung lalabag ang mamimili sa mga pananagutang may kinalaman sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at iyon ay magiging mabigat na paglabag sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang.
(2) Kung bumaba nang matindi ang reputasyon ng mamimili sa pagbabayd ng utang.
(Pinsala Para sa Nahuling Pagbabayad)
Artikulo 11
1 Kapag nahuli ang mamimili sa pagbabayad sa Utang na Hulugan, siya ay magbabayad ng dagdag na pinsala para sa nahuling pagbabayad, na katumbas ng halaga ng tubo xxxx sa naitakda sa batas ng negosyo para sa Utang na Hulugan na hindi pa nabayaran mula sa sumunod na araw ng Itinakdang Petsa ng Pagbabayad hanggang sa araw kung kailan matapos magbayad. Gayunman, hindi ito ipapatupad kapag nabayaran na sa loob ng 15 araw mula sa sumunod na araw ng Itinakdang Petsa ng Pagbabayad. Bukod pa dito, kapag nawalan ang mamimili ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad, ang probisyon na binabanggit sa susunod na parapo ay ipapatupad pagkatapos ng petsa ng pagkawala ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad.
2 Kapag nawalan ang mamimili ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad, siya ay magbabayad ng dagdag na pinsala para sa nahuling pagbabayad, na katumbas ng halaga ng tubo xxxx sa naitakda sa batas ng negosyo para sa kabuuang Utang na Hulugan mula sa araw ng pagkawala ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad hanggang sa araw kung kailan matapos magbayad nang buo.
(Pagbabayad sa Mga Gastos)
Artikulo 12
Ang mamimili ay magbabayad ng mga gastos na may kinalaman sa pagbabayad ng Utang na Hulugan. At, ang halaga ng mga gastos na iyon at ang paraan ng pagbabayad ay tulad sa pagbabayad ng mamimili para sa Itinalagang Serbisyo.
(Pagkansela ng Kontrata Dahilan sa Pagkakaiba ng Sampol, Paliwanag sa Katalogo, atbp at Aktuwal na Produkto)
Artikulo 13
Kapag ang mamimili ay nag-aplay base sa sampol, paliwanag sa katalogo, atbp, at pagkatapos tanggapin ang Produkto ay nakikita ang malinaw na pagkakaiba sa sampol, paliwanag sa katalogo, atbp, ang mamimili ay agad na makakahiling sa Tindahan ng pagpapalit ng Produkto, o makakapagkansela ng Kontrata sa Pagbili na iyon. At kapag kinansela ang Kontrata sa Pagbili, agad na ipapaalam ito ng mamimili sa Kompanya.
(Paghinto sa Pagbabayad)
Artikulo 14
1 Kapag nangyari ang sumusunod na mga problema, ang mamimili ay puwedeng huminto sa pagbabayad sa Kompanya para sa Produkto, hanggang sa malutas ang problema.
(1) Kapag ang Produkto ay hindi ibinigay.
(2) Kapag ang Produkto ay xxx xxxx, dumi, diperensiya, o iba pang depekto.
(3) Kapag may ibang problemang may kinalaman sa pagbebenta ng Produkto na ang pananagutan ay nasa Tindahan.
2 Kapag ang mamimili ay humiling sa Kompanya ng paghinto sa pagbabayad na binanggit sa naunang parapo, agad na gagawin ng Kompanya ang kinakailangang proseso.
3 Kung hihiling ang mamimili xxxx sa binanggit sa naunang mga parapo, sisikapin muna niyang gawin ang negosasyon sa Tindahan upang lutasin xxx xxxx't problema na binanggit sa Parapo 1.
4 Kapag hiniling ng mamimili xxx xxxx sa binanggit sa Parapo 2, sisikapin niyang agad na ihanda ang dokumento at materyal na nagpapaliwanag ng problema na nabanggit sa Parapo 1, at isumite iyon sa Kompanya. Kung kailangan ng Kompanya na gawin ang imbestigasyon sa problema na nabanggit sa Parapo 1, ang mamimili ay handang makipagtulungan sa imbestigasyon.
5 Kung maaangkop ang isa sa mga sumusunod sa kabila ng probisyon sa Parapo 1, hindi puwedeng ihinto ng mamimili ang pagbabayad.
(1) Kapag ang Kontrata sa Pagbili ay ginawa para sa negosyo ng mamimili o bilang kontrata sa negosyo.
(2) Kapag ang kabuuang bayad na nakalagay sa Application Form ay hindi umaabot sa ¥40,000.
(3) Kapag ang paghinto ng mamimili sa pagbabayad ay naituturing bilang paglabag sa moral.
(4) Kapag ang mamimili mismo ay may pananagutan sa problema na binanggit sa Parapo 1.
(Xxxxx ng Hurisdiksyon)
Artikulo 15
Sasang-xxxx xxx mamimili na kapag nangyari ang pagtatalong may kinalaman sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, aatasan ang summary court o district court bilang xxxxx ng hurisdiksyon para sa unang paghukom, na sumasakop sa tirahan ng mamimili, lugar ng pagbili at paggawa ng kontrata, at punong tanggapan, bawa't tanggapang pangsangay, at opisina ng negosyo ng Kompanya, kahit magkano ang kinasuhang halaga.
(Pagpasa ng Utang)
Artikulo 16
1 Maaaring ipasa ng Kompanya sa XXX o ibang ikatlong partido ang utang ng mamimili base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang. Sa kasong ito, sasang-ayunan muna ng mamimili ang pagpasa ng utang na iyon at pagbibigay ng Kompanya ng personal na impormasyon ng mamimili sa papasahan.
2 Sa kasong nabanggit sa naunang parapo, xxx XXX ay napiling pasahan ng utang, maaaring ligtaan ng Kompanya ang pagpapaalam sa bawa't mamimili o paghingi ng pag-aproba ng pagpasa.
(Pagtanggi sa Anti-social Forces)
Artikulo 17
1 Titiyakin ng mamimili na siya ay hindi na ngayon, at hindi rin sa hinaharap na magiging alinman sa mga sumusunod.
(1) Sindikato sa krimen
(2) Miyembro ng sindikato sa krimen, o dating miyembro niyan at hindi lumampas sa 5 taon mula nang pag-alis sa sindikato
(3) Di-regular na miyembro ng sindikato sa krimen
(4) Kompanya na may kaugnayan sa sindikato sa krimen
(5) "Sokaiya" na mandaraya sa miting ng stockholders, atbp
(6) Mangunguwalta na nagtataguyod ng panlipunang kilusan, atbp
(7) Grupo na eksperto sa intelektuwal na krimen, atbp
(8) Taong nakikinabang sa alinman na nabanggit sa itaas
(9) Iba pa na katulad ng nabanggit sa itaas
2 Titiyakin ng mamimili na hindi siya gagawa ng alinman sa mga sumusunod, o gagawa sa pamamagitan ng ikatlong partido.
(1) Paghingi sa pamamagitan ng karahasan
(2) Di-makatuwirang paghingi na lampas sa legal na pananagutan
(3) Paggawa ng transaksiyon gamit xxx xxxxxx at gawa na pananakot, o ang karahasan
(4) Pagsira sa kredibilidad ng Kompanya, o paghadlang sa operasyon ng Kompanya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng maling impormasyon, o paggamit ng mapandayang pamamaraan o puwersa
(5) Iba pang paggawi na katulad ng nabanggit sa itaas
3 Ang Kompanya ay may karapatang tumanggi sa pagpasok sa kontrata sa mamimili o magpawalang-bisa sa kontrata na walang abiso, kapag natuklasan ng Kompanya na ang mamimili ay nagiging nasa alinmang nabanggit sa Parapo 1, o gumagawa ng alinmang nabanggit sa Parapo 2, o na ang mamimili ay nagsinungaling na may kinalaman sa pagtiyak base sa probisyon sa Parapo 1 at 2, o ang mamimili ay hindi tutugon sa kinakailangang imbestigasyong may kinalaman dito o magsisinungaling sa pagsagot sa imbestigasyong iyon, at ipapasiya ng Kompanya na hindi angkop na gawin o ipagpatuloy ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang. Kapag pinaputol ang Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, ang mamimili ay mawawalan ng benepisyo ng panahon sa pagbabayad ukol sa utang base sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang, at agad niyang babayaran ang lahat ng utang.
4 Kapag ang Kompanya ay nagkaroon ng anumang pagkalugi, pinsala o paggastos (simula dito tinutukoy bilang ang "Mga Pinsala") dahil sa pagpapatupad ng mga probisyon na nabanggit sa naunang mga parapo, ang mamimili ay may pananagutan na magbayad sa mga iyon. Bukod pa dito, kapag ang mamimili ay nagkaroon ng Mga Pinsala dahil sa pagpapatupad ng mga probisyon na nabanggit sa naunang mga parapo, ang mamimili ay hindi hihingi ng bayad para sa Mga Pinsala.
3
<Mga Tuntunin sa Paggamit ng Personal na Impormasyong May Kinalaman sa Transaksiyon sa Pag-utang Tulad ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang>
〈Nobyembre 1, 2018〉
(Pagkuha, Pagpapanatili, at Paggamit ng Personal na Impormasyon)
Artikulo 1
1 Sa mga transaksiyon sa KDDI Corporation kalakip ang kontratang may kinalaman sa transaksiyon sa pag-uutang tulad ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa't Produktong Bibilhin sa Utang (simula dito tinutukoy bilang ang "Kontrata"), sasang-ayunan ng nakikipagkontratang panig (simula dito kasama rin ang nag-aaplay sa Kontrata) na ang KDDI ay kukuha, magpapanatili, at gagamit ng mga impormasyon (simula dito tinutukoy bilang ang "Personal na Impormasyon") na nakatalaga sa sumusunod, nang may ginawang hakbang para protektahan iyon, upang matiyak ng KDDI ang kredibilidad at pangangasiwa pagkatapos ng pagtiyak.
(1) Pangalan, araw ng kapanganakan, tirahan, numero ng telepono, pinagtatrabahuhan, telepono ng pinagtatrabahuhan, numero ng lisensya sa pagmamaneho, kita, utang, miyembro ng pamilya na isinulat ng nakikipagkontratang panig sa itinakdang application form
(2) Petsa ng pag-aaplay at paggawa ng kontrata, pangalan ng produkto, halaga para sa kontrata, at ulit ng pagbabayad na may kinalaman sa Kontrata
(3) Ipon sa bangko at kalagayan ng pagbabayad buwan-buwan pagkasimula ng pagbabayad na may kinalaman sa Kontrata
(4) Rekord ng pagbili sa pag-uutang at kalagayan ng pagbabayad ng nakaraang utang na kinuha ng KDDI upang imbestigahan ang kakayahang magbayad ng nakikipagkontratang panig na may kinalaman sa Kontrata at ang kakayahan niyang magbayad para sa binabayaran ngayon sa mga utang
2 Sasang-ayunan ng nakikipagkontratang panig na pahintulutan ang KDDI na gumamit ng Personal na Impormasyon para sa sumusunod na mga layunin, bukod pa sa mga layuning nabanggit sa naunang parapo.
(1) Para sa paglalaan ng impormasyon tungkol sa kasalukuyan at bagong serbisyo, atbp
(2) Para sa pag-iimbestiga sa pamamagitan ng mga tanong
(3) Para sa mga produkto at kampanya upang hikayating gamitin ang mga iyon
(4) Para sa pagbuo ng bagong serbisyo, pagsusuri at pagpapasulong ng kalidad ng serbisyo
3 Sasang-ayunan ng nakikipagkontratang panig na ang KDDI at ang Okinawa Cellular Telephone Comapany ay magkasamang gagamit ng Personal na Impormasyon na nakatalaga sa Parapo 1, nang may ginawang hakbang para sa seguridad ng mga iyon, sa parehong layunin sa artikulong ito.
(Pagtiyak at Pagpaparehistro sa Ahensiya Ukol sa Pagpapautang sa Indibiduwal)
Artikulo 2
1 Kapag nakarehistro ang Personal na Impormasyon ng nakikipagkontratang panig sa pagtiyak sa miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal (ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal kung saan kasama ang KDDI na kumukuha ng impormasyon tungkol sa kakayahang magbayad ng indibiduwal, at nagbibigay ng impormasyong iyon sa mga miyembro nito) at konektadong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal (ahensiya ukol sa pagpapautang na konektado sa miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal), sasang-ayunan ng nakikipagkontratang panig na ang KDDI ay bibigyan ng impormasyon mula sa mga ahensiyang iyon at gagamitin iyon upang imbestigahan ang kakayahan ng nakikipagkontratang panig na magbayad para sa serbisyo at ng utang.
2 Sasang-ayunan ng nakikipagkontratang panig na ang Personal na Impormasyon at makatotohanang deskripsiyon sa transaksiyon base sa Kontrata na may kinalaman sa nakikipagkontratang panig ay irerehistro sa miyembrong
ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal sa loob ng panahon na hindi lalampas sa haba na nakatalaga sa tsart sa ibaba, at ang mga impormasyon ay gagamitin ng miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal at mga miyembro ng konektadong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal, upang imbestigahan ang kakayahan ng nakikipagkontratang panig na magbayad para sa serbisyo at ng utang.
Impormasyong ipaparehistro | Panahon na nakarehistro |
1 Katotohanan ng pag-aaplay na may kinalaman sa Kontrata | 6 na buwan mula sa araw ng pagtiyak ng KDDI sa miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal |
2 Makatotohanang deskripsiyon sa transaksiyong may kinalaman sa Kontrata | Panahon ng kontrata at sa loob ng 5 taon pagkatapos ng panahon ng kontrata |
3 Pagpapahuli sa pagbabayad sa utang | Panahon ng kontrata at 5 taon pagkatapos ng panahon ng kontrata |
3 Ang miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal, ng KDDI ay Credit Information Center Corp. At kung ang KDDI ay magiging miyembro ng bagong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal habang nasa panahon ng Kontrata sa layuning iparehistro at gamitin ang mga impormasyon, ang KDDI ay magpapaalam muna sa nakikipagkontratang panig at kukuha ng kaniyang pagsang-xxxx sa paraang bukod na itinalaga.
4 Ang mga konektadong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal ay Personal Credit Information Center, Japan Bankers Association at Japan Credit Information Reference Center Corp.
5 Ang impormasyon na ipaparehistro sa miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal ay xxxx sa nakatalaga sa mga sumusunod.
(1) Impormasyon at iba pang bagay upang matiyak ang nakikipagkontratang panig tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, tirahan, numero ng telepono, pinagtatrabahuhan, telepono ng pinagtatrabahuhan, numero ng lisensya sa pagmamaneho
(2) Impormasyon at iba pang bagay na may kinalaman sa kontrata tulad ng uri ng kontrata, petsa ng paggawa ng kontrata, halaga ng kontrata at ng utang, pangalan / bilang / beses / panahon ng produkto, at ulit ng pagbabayad
(3) Impormasyon at iba pang bagay na may kinalaman sa pagbabayad tulad ng ipon sa bangko, natitirang utang, tinatayang halaga ng pagbabayad sa loob ng taon, petsa ng pagbabayad, petsa kung kailan matapos magbayad ng lahat na utang, pagpapahuli sa pagbabayad
(4) Kung mayroon, reklamong may kinalaman sa impormasyon sa kalagayan ng pagbabayad (kasama dito ang paghiling ng paghinto sa pagbabayad), at ang pag-iimbestiga dito
(Pagsisiwalat, Pagtutuwid, at Pag-aalis ng Personal na Impormasyon)
Artikulo 3
1 Puwedeng humingi ang nakikipagkontratang panig sa KDDI at miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal, ng pagsisiwalat ng Personal na Impormasyong may kinalaman sa kaniyang sarili. Sa kasong ito, ang paghingi ng pagsisiwalat ay gagawin sa sumusunod na mga paraan.
(1) Kung nanaisin, maaaring humingi sa tanggapan ng kumpanya ang nakikipagkontratang panig hinggil sa Pagsisiwalat ng Personal na Datos at Impormasyon. Sa kasong ito, ipapaliwanag sa opisinang iyon ang tungkol sa proseso ng paghingi (tulad ng kung anong opisina ang kailangang lapitan, paraan ng pag-aaplay, kinakailangang dokumento, at mga gastos).
(2) Kung hihingi ang nakikipagkontratang panig ng pagsisiwalat sa miyembrong ahensiya ukol sa pagpapautang sa indibiduwal, magkokontak siya nang tuwiran sa ahensiyang iyon.
2 Kapag natuklasan na hindi totoo ang detalye ng Personal na Impormasyon ng nakikipagkontratang panig, agad na itutuwid o aalisin ng KDDI ang mga iyon.
(Kapag Hindi Sang-xxxx sa Kasunduang Ito)
Artikulo 4
Kapag ang nakikipagkontratang panig ay hindi nagnanais na punan ang lahat ng bagay na kailangan para sa Kontrata (mga bagay na dapat isulat ng nakikipagkontratang panig sa application form sa Kontrata), o hindi sumasang-xxxx sa lahat o ilan sa kasunduang ito, tatanggihan ng KDDI ang paggawa ng Kontrata.
(Paghingi ng Paghinto sa Paggamit / Paglalaan)
Artikulo 5
Kapag humihingi ang nakikipagkontratang panig ng paghinto sa pagpapadala ng mga anunsiyo mula sa KDDI bagaman ginagamit o ibinibigay ng KDDI ang Personal na Impormasyon xxxx sa sinang-ayunan ng
nakikipagkontratang panig sa Artikulo 1, Parapo 2, ang KDDI ay gagawa ng hakbang upang ihinto ang pagpapadala ng mga anunsiyo.
(Opisina Para sa Pagtatanong Tungkol sa Personal na Impormasyon)
Artikulo 6
Para sa mga paghingi tulad ng pagsisiwalat, pagtutuwid, at pag-aalis ng Personal na Impormasyon, at ng paghinto sa pagpapadala ng mga anunsiyo, aasikasuhin ang mga iyon sa opisinang bukod na nakatalaga ng KDDI.
(Kapag Hindi Natuloy ang Kontrata)
Artikulo 7
Kahit hindi natuloy ang Kontrata, ang katotohanan ng pag-aaplay sa kontrata at ang Personal na Impormasyon ng nag-aaplay ay gagamitin sa loob ng itinakdang panahon xxxx sa Artikulo 1 at 2, at kahit anuman ang dahilan na hindi natuloy ang kontrata.
(Pagbabago sa Mga Artikulo)
Artikulo 8
KDDI ang may karapatan na magbago ng mga tuntunin sa kontratang ito. Sa kasong iyon, ang tuntunin pagkatapos ng pagbabago ay ipapatupad para sa kontratang ito.
<Miyembrong Ahensiya Ukol sa Pagpapautang sa Indibiduwal> Credit Information Center Corp.
(Itinalagang ahensiya ukol sa pagpapautang batay sa Installment Sales Act)
Shinjuku First West Bldg., 15th Floor, 0-00-0 Xxxxx-Xxxxxxxx, Xxxxxxxx-xx, Xxxxx 160-8375 Telepono: 0000-000-000 (kailangan ng bayad)
*Hindi ito magagamit mula sa ilang IP phone.
※Kung tungkol sa detalye tulad ng kuwalipikasyon para maging miyembro ng Credit Information Center Corp. at pangalan ng mga kompanya na miyembro nito, bumisita sa website na nakalagay sa itaas.
<Konektadong Ahensiya Ukol sa Pagpapautang sa Indibiduwal> 1)Personal Credit Information Center, Japan Bankers Association
2-5-1 Marunouchi, Xxxxxxx-xx, Xxxxx 100-0005
Telepono: 0000-000-000 (Libreng Tawag)
00-0000-0000 (kailangan ng bayad) *Kapag tatawag mula sa mobile phone, PHS atbp.
URL: xxxxx://xxx.xxxxxxxxx.xx.xx/xxxx/
※Kung tungkol sa detalye tulad ng kuwalipikasyon para maging miyembro ng Personal Credit Information Center, Japan Bankers Association at pangalan ng mga kompanya na miyembro nito, bumisita sa website na nakalagay sa itaas.
2)Japan Credit Information Reference Center Corp.
Xxxxxxxx Xxxxxxxx Xxxx Xxxx. No. 5, 1-10-14 Xxxxxxxx, Xxxxx-xx, Xxxxx 000-0000 Telepono: 0000-000-000 (kailangan ng bayad)
※Kung tungkol sa detalye tulad ng kuwalipikasyon para maging miyembro ng Japan Credit Information Reference Center Corp. at pangalan ng mga kompanya na miyembro nito, bumisita sa website na nakalagay sa itaas.
<Opisina ng KDDI Para sa Pagtatanong>
Pagtatanong tungkol sa Personal na Impormasyon tulad ng pagsisiwalat, pagtutuwid, at pag-aalis nito
Tanggapan ng Pagsisiwalat ng Personal na Datos at Impormasyon ng KDDI Corporation KDDI Bldg., 2-3-2 Nishi-Shinjuku, Shinjuku-ku, Tokyo 163-8509
Telepono: 00-0000-0000 (kailangan ng bayad)
Oras ng operasyon: 9:00 ~ 17:00
(walang operasyon sa Sabado at Linggo at mga pista opisyal)
Pagtatanong tungkol sa pagputol sa pagpapadala ng mga anunsiyo
KDDI Customer Support Center
KDDI Bldg., 2-3-2 Xxxxx-Xxxxxxxx, Xxxxxxxx-xx, Xxxxx 163-8509 Telepono: Mula sa mobile phone ng au: 157
(walang area code na kailangan at libre ang tawag) Mula sa landline: 0000-0-000 (libre ang tawag)
Oras ng operasyon: 9:00 ~ 20:00
※Personal na pagbisita sa opisina ng KDDI upang magtanong
Makikisuyo kami ng iyong pag-unawa na hindi namin matatanggap ang iyong personal na pagbisita sa opisina ng KDDI para sa pagtatanong.
<Kompanyang Magkasamang Gumamit ng Personal na Impormasyon>
Okinawa Cellular Telephone Company
1-2-1 Matsuyama, Naha-shi, Okinawa 900-8540
〈受付店〉
KDDI Corporation
【Pagtatanong】KDDI Customer Support Center | ||||||
[Mula sa mobile phone ng au] | 157 (walang area code na kailangan at libre ang tawag) | [Mula sa landline] | 0000-0-000 (libre) | |||
[Kompyuter] [Smartphone] [Tablet] [4G LTE mobile phone] | TOP sa au website Suporta Mga Tanong Mga tanong tungkol sa smartphone/mobile phone | |||||
[3G mobile phone] | EZ button | TOP menu o au portal TOP | My au | Mga Tanong |
※Puwedeng makipag-usap sa opereytor sa 9:00~20:00 ※Puwedeng makipag-ugnayan nang 24 oras maliban sa ilang serbisyo. (Maaaring hindi magagamit ang lahat ng serbisyo dahilan sa pagkukumpuni o depende sa panahon.)
4