KASUNDUAN SA PAGBABAGO NG LOAN
[Ang Espasyo sa Itaas ng Xxxxxxx Xxx ay para sa Pagtatala ng Data]
KASUNDUAN SA PAGBABAGO NG LOAN
(Nagbibigay-daan para sa Nakatakdang Rate ng Interes)
Binabago at dinaragdagan ng Kasunduan sa Pagbabago ng Loan (“Kasunduan”) na ito, na ginawa ngayong ika- (na) araw ng , , sa pagitan ni (ang “Borrower”) at ni (ang “Lender”), (1) ang Mortgage, Deed of Trust, o Deed ng Security (ang “Dokumento ng Security”) na may petsang at nakatala sa Aklat o Liber na , sa pahina
ng Mga Talaan ng ng
(Pangalan ng Mga Talaan)
at (2) ang Tala, na kapareho ng petsa at pinoprotektahan ng (County at Estado, o iba pang Hurisdiksyon)
Dokumento ng Security, na sumasaklaw sa tunay at personal na ari-ariang inilalarawan at tinatawag na “Ari-arian” sa Dokumento ng Security. Matatagpuan ang Ari-arian sa
,
(Address ng Ari-arian)
at binibigyang-kahulugan ang inilalarawang tunay na ari-arian gaya ng sumusunod:
Alinsunod sa mga napag-usapang pangako at kasunduan, sumasang-xxxx xxx mga partido sa mga sumusunod (nang hindi napapawalang-bisa ang anumang nilalaman ng Tala o Dokumento ng Security na sumasalungat dito):
1. Mula , ang halagang dapat bayaran sa ilalim ng Tala at ng Dokumento ng Security (ang “Hindi Pa Nababayarang Balanse ng Principal”) ay U.S. $ , na binubuo ng (mga) hindi pa nababayarang halagang na-loan ng Lender (ang nagbigay ng loan) sa Borrower (ang kumuha ng loan), at ng anumang interes at iba pang halagang ibinigay.
2. Ipinapangako ng Borrower na bayaran ang Hindi Pa Nababayarang Balanse ng Principal, at ang interes, kapag hiniling ng Lender. Sisingil ng interes sa Hindi Pa Nababayarang Balanse ng Principal sa taunang rate na
%, mula , . Ipinapangako ng Borrower na magbigay ng mga buwanang bayad na U.S. $ para sa principal at interes, simula sa ika- (na) araw ng
, , at tuluy-tuloy na gawin ito sa parehong araw ng bawat susunod na buwan hanggang sa mabayaran nang buo ang principal at interes. Mananatiling may bisa ang taunang rate na % hanggang sa mabayaran nang buo ang principal at interes. Kung pagsapit ng
(ang “Petsa ng Pag-mature”) ay mayroon pa ring hindi nababayarang halaga ang Borrower sa ilalim ng Tala at ng Dokumento ng Security xxxx sa mga pagbabagong ginawa sa Kasunduang ito, babayaran ng Borrower ang mga halagang ito sa Petsa ng Pag-mature.
3. Kung ibinenta o inilipat ang Ari-arian o anumang bahagi nito, o ang anumang interes sa Ari-arian (o kung ang Borrower ay hindi indibidwal na tao at may kapaki-pakinabang na interes sa Borrower na ibinenta o inilipat) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, maaaring iatas ng Lender na agad na bayaran nang buo ang lahat ng halagang pinoprotektahan sa ilalim ng Dokumento ng Security.
Kung isasagawa ng Lender ang opsyong ito, dapat bigyan ng Lender ang Borrower ng abiso ng agarang pagbabayad. Dapat magbigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa paghahatid o pagpapadala nito, at sa panahong ito, dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang pinoprotektahan sa ilalim ng Dokumento ng Security. Kung hindi makakapagbayad ang Borrower bago matapos ang panahong ito, maaaring patawan ng Lender ng anumang remedyong pinapahintulutan ng Dokumento ng Security ang Borrower, nang walang anumang abiso o pag-aatas.
4. Dapat xxxx xxxxxx ng Borrower ang lahat ng iba pang panata, kasunduan, at pag-aatas ng Dokumento ng Security, kabilang nang walang limitasyon ang mga panata at kasunduan ng Borrower hinggil sa pagbabayad ng mga buwis, premium ng insurance, pagsusuri, item sa escrow, impound, at lahat ng iba pang pagbabayad na obligasyong gawin ng Borrower sa ilalim ng Dokumento ng Security; gayunpaman, tuluyan nang nakansela at pinawalang-bisa ang mga sumusunod na tuntunin at probisyon, mula sa petsang tinukoy sa talata Blg. 1 sa itaas:
(a) lahat ng tuntunin at probisyon ng Tala at ng Dokumento ng Security (kung mayroon man) na nagbibigay-daan, nagpapatupad, o nauugnay sa anumang pagbabago o pagsasaayos sa rate ng interes na dapat bayaran sa ilalim ng Tala; at
(b) lahat ng tuntunin at probisyon ng anumang rider ng naisasaayos na rate, o iba pang dokumentong nakalakip sa, ganap o hindi ganap na kasama sa, o bahagi ng, Tala o Dokumento ng Security, na naglalaman ng anumang tuntunin at probisyon na gaya ng nakasaad sa (a) sa itaas.
5. Nauunawaan at sinasang-ayunan ng Borrower na:
(a) Ang lahat ng karapatan, remedyo, pag-aatas, at kundisyon na sinasaklaw ng Dokumento ng Security kaugnay ng hindi pagbabayad ng mga bayarin sa ilalim ng Dokumento ng Security ay malalapat din sa hindi pagbabayad ng mga bayaring nabago sa Kasunduang ito.
(b) May bisa at mananatiling may bisa ang lahat ng panata, kasunduan, pag-aatas, at kundisyon sa Tala at sa Dokumento ng Security, maliban sa mga bahaging binago sa dokumentong ito, at hindi mababawasan o maaalis ng anumang probisyon dito ang anuman sa mga obligasyon o pananagutan ng Borrower sa ilalim ng Tala at ng Dokumento ng Security, at hindi rin mapipigilan, mababawasan, o maaapektuhan ng Kasunduang ito sa anumang paraan ang anuman sa mga karapatan o remedyo na mayroon ang Lender sa Tala at sa Dokumento ng Security, mag-ugat man ang gayong mga karapatan o remedyo roon o sa pamamagitan ng batas. Gayundin, tahasang nakalaan sa Lender ang lahat ng karapatan sa pag-aatas na magbayad na mayroon ang Lender para sa anumang ari-arian o laban sa sinumang iba pang taong may obligasyon o pananagutan sa ilalim ng Tala at ng Dokumento ng Security.
(c) Walang anumang bahagi ng Kasunduang ito ang dapat intindihin o isipin bilang pagsasawalang- bisa o pagtupad ng obligasyon sa Tala at sa Dokumento ng Security o sa anumang bahagi ng mga ito.
(d) Ang lahat ng nagastos ng Lender kaugnay ng Kasunduang ito, kabilang ang mga bayarin sa pagtatala, pagsusuri sa titulo, at bayarin sa abugado, ay babayaran ng Borrower at poprotektahan sa ilalim ng Dokumento ng Security, maliban kung isinaad ng Lender ang kabaliktaran.
(e) Sumasang-xxxx xxx Borrower na gumawa at magbigay ng iba pang dokumento o papeles na maaaring kinakailangan o iniaatas upang maipatupad ang mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, na kung aaprubahan at tatanggapin ng Lender, ay ipapataw at magtatali sa mga tagapagmana, tagapagpatupad, tagapamahala, at taong itinalaga ng Borrower.
(f) Pinapahintulutan ng Borrower ang Lender, at ang mga tagapagmana at taong itinalaga ng Lender, na ibahagi ang impormasyon ng Borrower, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, (i) pangalan, address, at numero ng telepono, (ii) Social Security Number, (iii) credit score, (iv) kita, (v) history ng pagbabayad, (vi) mga balanse at aktibidad ng account, kabilang ang impormasyon tungkol sa anumang programa ng konswelo sa pagbabago o pagreremata, sa Mga Ikatlong Partidong makakatulong na makakuha ang Lender at ang Borrower ng opsyong makakapigil sa pagreremata, o sa ibang paraan ay makakapagbigay ng mga pansuportang serbisyong nauugnay sa loan ng Borrower. Para sa seksyong ito, kabilang sa Mga Ikatlong Partido ang ahensya sa pagpapayo; pang- estado o lokal na Ahensya sa Pagpopondo ng Pabahay o katulad na entity; anumang insurer, guarantor, o servicer na nag-i-insure, naggagarantiya, o nagbibigay ng serbisyo para sa loan ng Borrower, o anumang iba pang loan sa mortgage na nakuha sa Ari-arian kung saan may obligasyon ang Borrower; o anumang iba pang kumpanyang nagbibigay ng mga pansuportang serbisyo para sa mga ito kaugnay ng loan ng Borrower.
Pinapahintulutan ng Borrower na makipag-ugnayan sa kanya ang Lender o ang Mga Ikatlong Partido hinggil sa tulong sa mortgage kaugnay ng loan ng Borrower, kabilang ang plano ng panahon ng pagsubok para sa pagbabago ng loan ng Borrower, sa anumang numero ng telepono, kabilang ang mobile number, o email address na ibinigay ng Borrower sa Lender o sa Mga Ikatlong Partido.
Sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa kahong ito, pinapahintulutan din ng Borrower ang pakikipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message.
(Selyo) (Selyo)
-Lender -Borrower
Inihanda ni/ng: (Selyo)
-Borrower
Petsa ng Paglagda ng Lender
[Ang Espasyo sa Ibaba ng Linyang Ito ay para sa Mga Pagkumpirma]