Mga kinakailangang serbisyo para sa pang-araw- araw na pamumuhay
3-3
Mga kinakailangang serbisyo para sa pang-araw- araw na pamumuhay
(1) Kuryente
Para masimulan ang paggamit ng kuryente
Para masimulan ang paggamit ng kuryente, kailangang gawin ang mga sumusunod.
① Magpasya kayo kung kailan kayo mag-uumpisang gumamit ng kuryente.
② Tumawag kayo o kumontak sa pamamagitan ng Internet sa kompanya ng kuryente para sa kontrata.
③ Sa araw ng pagsisimula ng paggamit ng kuriyente, buksan ninyo ang breaker.
Depende sa kontrata at pasilidad ng tirahan, kailangang bumisita sa tirahan ang taga- kompanya ng kuryente. Sa ganitong kaso, magbibigay ng abiso ang kompanya ng kuryente.
Pagbabayad ng kuryente
• Maraming mapagpipiliang kontrata depende sa paggamit. Piliin ang kontrata na nababagay sa inyo.
• Ang bayad sa kuryente ay nababatay sa laki ng konsumo. Pero kailangang bayaran ang basic charge buwan-buwan kahit na kaunti lang ang ginamit.
• Maaaring magbayad ng kuryente sa mga convenience store o bangko o sa pamamagitan ng automatic bank transfer o credit card.
* Nagtsetsek nang remote o sa site ang taga-kompanya ng kuryente sa numero ng meter na nasa labas ng tirahan buwan-buwan para maningil sa ginamit na kuryente.
* Ipinaaalam ng kompanya ng kuryente buwan-buwan ang bayad at laki ng konsumo ng ginamit na kuryente.
* Makikita sa dokumentong galing sa kompanya ng kuryente ang mga nilalaman ng kontrata.
Pagpapatigil ng serbisyo ng kuryente
Para magpatigil ng serbisyo ng kuryente, kailangan ninyong gawin ang mga sumusunod.
① Magpasya kung kailan magpapatigil ng serbisyo ng kuryente.
② Tumawag kayo o kumontak sa pamamagitan ng Internet sa kompanya ng kuryente para ipatigil ang serbisyo.
Kadalasan, hindi darating sa tirahan ninyo ang taga-kompanya ng kuryente sa araw na itinigil ang serbisyo. Pero kapag hindi nakikita ang meter sa labas ng tirahan, kailangang bumisita sa tirahan ang taga-kompanya ng kuryente. Sa ganitong kaso, magbibigay ng abiso ang kompanya ng kuryente.
Narito ang tanggapan ng konsultasyon para sa mga nagkaproblema sa pag-uugali ng negosyo, kontrata atbp. ng kompanya ng kuryente
(2) Gas
Mga uri ng gas
• Xxx xxxxx uri ng gas na ginagamit sa bahay katulad ng city gas (13A) at LPG. Depende sa uri ng gas, iba-iba ang mga component at combustion characteristic ng mga ito.
• Piliin xxx xxxxxx gas appliance na nababagay sa uri ng gas.
* Kapag gagamit ng gas appliance na di-nababagay sa uri ng gas, maaaring magkaroon ng sunog o incomplete combustion kaya mapanganib.
Para masimulan ang paggamit ng gas
• Para masimulan ang paggamit ng gas, kailangan ninyong gawin ang mga sumusunod.
① Magpasya kayo kung kailan kayo magsisimulang gumamit ng gas.
② Tumawag kayo o kumontak sa pamamagitan ng Internet sa kompanya ng gas sa xxxxxx xxxxx.
* Sa araw ng pagsisimula ng serbisyo, darating ang taga-kompanya ng gas para itsek ang pasilidad, buksan ang gas at ituro sa inyo xxx xxxxxx paggamit ng gas applinace.
Pagbabayad ng gas
• Inihahanda ng kompanya ng gas sa inyong tinitirahang lugar ang menu ng bayad sa gas depende sa paggamit.
• Sinisingil buwan-buwan ang basic charge at bayad na batay sa laki ng konsumo ng ginamit na gas.
• Maaaring magbayad ng gas sa mga convenience store o bangko o sa pamamagitan ng automatic bank transfer o credit card.
* Makikita sa dokumentong galing sa kompanya ng gas ang mga nilalaman ng kontrata.
Pagpapatigil ng serbisyo ng gas
• Para magpatigil ng serbisyo ng gas, kailangan ninyong gawin ang mga sumusunod:
① Magpasya kayo kung kailan ninyo ipapatigil ang serbisyo ng gas.
② Tumawag kayo o kumontak sa pamamagitan Internet sa kompanya ng gas para magpatigil ng serbisyo.
* Mas mainam na sabihin ang customer number na nakalagay sa meter-reading slip.
Sa araw ng pagtatapos ng serbisyo, darating ang taga-kompanya ng gas sa bahay ninyo para ihinto ang gas meter. Kapag hindi makakapasok sa bahay ninyo ang taga-kompanya ng gas para makita ang gas meter, kailangan kayong naroroon o ang kinatawan ninyo.
Narito ang tanggapan ng konsultasyon para sa mga nagkaproblema sa pag-uugali ng negosyo, kontrata atbp. ng kompanya ng gas
(3) Tubig
Paggamit ng tubig
Kung magsisimula kayong gumamit ng tubig dahil sa lumipat kayo ng bahay atbp, kailangan muna ninyong mag-apply sa waterworks bureau o kompanya ng tubig sa xxxxxx xxxxx para masimulang gamitin ang tubig.
Para sa detalye, xxxxxxxxx xxxx sa xxxxxx xxxx office o city hall.
Pagbabayad ng tubig
Xxx ang tungkol sa pagsingil at pagbabayad ng tubig.
① Ang bayad sa tubig ay itinatakda ng kompanya ng tubig sa xxxxxx xxxxx. Tsinetsek ng kompanya ng tubig ang meter para maningil sila, batay sa laki ng konsumo ng ginamit na tubig.
② Ang bayad sa tubig ay nababatay sa basic charge at laki ng konsumo ng ginamit na tubig. Naiiba ang basic charge depende sa laki ng diameter ng supply pipe. Kapag malaki ang diameter ng supply pipe, mahal ang bayad. Iba-iba ang konsumo ng ginamit na tubig buwan-buwan. Kapag marami ang ginamit na tubig, mahal din ang bayad.
③ Depende sa kompanya ng tubig ang paraan ng pagbabayad. Kadalasan, puwedeng magbayad sa bangko at convenience store o sa pamamagitan ng automatic bank transfer.