Pangkagipitang Tulong na Kaloob ng Kent para sa Maliit na Negosyo
Pangkagipitang Tulong na Kaloob ng Kent para sa Maliit na Negosyo
Pinamamahalaan ng Craft3 Kasunduan at Sertipikasyon sa Kaloob
ANG KASUNDUAN AT SERTIPIKASYON SA KALOOB NA ITO (“Kasunduan”) ay pinasukan ngayong ng
, 2020 ng at sa pagitan ng Craft3, isang nonprofit na Pinansiyal na Institusyon ng Pagpapaunlad sa Komunidad na inorganisa sa ilalim ng batas ng Estado ng Oregon, (“Tagakaloob”), at
, isang , inorganisa sa ilalim bg mga batas ng Estado ng Washington, (“Recipient”), (pinagsama, ang “Mga Partido”).
Naglunsad ang Lungsod ng Kent (“Kent”) ng programang Pangkagipitang Tulong na Kaloob para sa Maliit na Negosyo (ang “Programa”) para makatulong sa mga negosyong makabawi mula sa epekto ng dineklarang pampublikong kalusugang kagipitan na kaugnay ng pandemikong COVID‐19.
Kinontrata ng Xxxx xxx Tagakaloob para magsilbing independiyenteng administrador ng Programa.
Kasunod ng pagrepaso ng aplikasyon ng mga Tatanggap sa Programa, sumasang‐xxxx xxx Tagakaloob na bigyan ang Tatanggap ng pangkagipitang tulong na kaloob para sa maliit na negosyo sa halagang Anim na Libo't Limang Daang dolyares ($6,500.00) (“Mga Pondong Kaloob”).
Sumasang‐xxxx xxx Tatanggap na tanggapin ang Mga Pondong Kaloob mula sa Tagakaloob.
Kinikilala ng Tatanggap na ang mga negosyong for‐profit ay maaaring atasang iulat ang mga gawad na kaloob bilang mabubuwisang kita at dapat kumonsulta sa propesyonal sa accounting para sa higit na xxxxx.
Ang Mga Pondong Kaloob na nilaan alinsunod sa Programa ay makukuha sa ilalim ng seskiyon 5001 ng CARES Act at Title V at VI ng CARES Act. Sumasang‐xxxx xxx Tatanggap na pangasiwaan ang Mga Pondong Kaloob alinsunod sa Kasunduang xxx, xxxx sa mga angkop na probisyon ng CARES Act, ang anumang xxxxx sa hinaharap na ibinigay ng U.S. Department of Treasury at anumang ibang angkop na pederal na probisyon, xxxx sa kasalukuyang isinalarawan sa Kalakip A (“Mga Pederal na Tuntunin at Kundisyon”).
Ang Pangkagipitang Tulong na Kaloob ng Kent para sa Maliit na Negosyo ay hiwalay mula sa mga ibang utang na kasalukuyang mayroon ang Tatanggap sa Tagakaloob, pederal na ahensiya, o ibang pinansiyal na institusyon.
Sa pagpasok sa Kasunduang ito, ang Tatanggap ay:
Sasang‐xxxx na tanggapin ang Pangkagipitang Tulong na Kaloob ng Kent para sa Maliit na Negosyo mula sa Tagakaloob.
Sumasang‐ayong gamitin ang Mga Pondong Kaloob para sa nararapat na layunin ng kapital sa pagtatrabaho xxxx sa nakalarawan sa Kalakip A “Mga Pederal na Tuntunin at Kundisyon”.
Craft3 2020 Grant Agreement 2.0 07-2010 Pahina 1 ng 3
51338-71261 4818-7348-2691.1
Pinatototohanan na ang mga Pondong Kaloob alinsunod sa Kasunduang ito ay hindi magagamit para sa mga gastos na nakatanggap ang Recipient ng anumang ibang pangkagipitang suplementong pondo sa COVID‐19 kung ito man ay likas sa estado, pederal o pribado, sa parehong gastos na iyon.
Pinatototohanan ang pagsunod ng Tatanggap sa Lungsod ng Kent na pamantayan sa pagiging nararapat sa kaloob na xxxx sa nakalarawan sa Kalakip B “Pamantayan sa Pagiging Nararapat”.
Sumasang‐xxxx na panatiliin ang dokumentasyon ng lahat ng paggamit ng Mga Pondong Kalaob na natanggap sa ilalim ng Kasunduang ito, kasama, pero hindi limitado sa, mga invoice at/o sales receipts, sa paraan na alinsunod sa mga inaatas sa Retensiyon na §200.333 para sa mga talaan ng 2 CFR 200 Uniform Administrative Requirements, Cost Principles, at Audit Requirements para sa Mga Pederal na Paggawad (Uniform Guidance). Ang nasabing dokumentasyon ay ibibigay sa Craft3 o Lungsod ng Kent kapag hiniling at maaaring sumailalim sa audit ng State Auditor.
Kinikilala na ang mga talang kaugnay ng bagong Kasunduang ito ay maaaring sumailalim sa pagsisiwalat sa ilalim ng Batas sa Mga Pampublikong Talaan, Tsapter 42.56 RCW.
Ang mga pahintulot sa pagtanggap ng voluntaryong survey mula sa Tagakaloob sa loob ng anim na buwan ng pagbibigay sa kaloob para tasahin ang epekto ng kaloob na ito sa negosyo ng Tatanggap.
Sumasang‐xxxx na ang Tagakaloob ay maaaring gumamit, maglathala, mmahagi, at ipakit ang mga walang pagkakakilanlang sagot ng Tatanggap, hindi kumpidensiyal na impormasyon at mga komento, kasama ang mga dating nilaan sa aplikasyon ng tatanggap, nang buo o bahagi, sa anumang media para sa impormasyon, promosyon o ibang kaugnay ng negosyo na layunin.
Kinikilala ang pagtanggap ng at sumasang‐xxxx sa mga tuntunin at kundisyon na nakatalaga sa patakaran sa pagkapribado ng Tagakaloob.
Ang Tatanggap ay, sa halaga at gastos nito, ipagtatanggol at hindi pananagutin ang Tagakaloob, mga direktor nito, opisyal, empleyado at ahente, mula sa anuman at lahat ng demanda, pananagutan, dahilan ng pagkilos, halaga at gastos (kasama ang bayad sa abogado), mga paghabol, paghusga, o gawad ng pinsala, mula sa o sa anumang dahilan na nagreresulta mula sa pagkilos o omisyon ng Tatanggap, mga direktor, opisyal, empleyado o ahente niyo, kaugnay sa anumang paraan sa pagganao ng Tatanggap sa ilalim ng Kasunduang ito. Mananatili ang mga obligasyon sa indemnipikasyon sa pagwawakas ng Kasunduang ito. Higit na sasang‐xxxx xxx Tatanggap na pinansiyal na responsable ito para sa at babayaran ang Tagakaloob ng anuman at lahat ng natukoy na halaga kasunod ang pagbubukod sa audit na nagaganap dahil sa kabiguan ng Tatanggap, para sa anumang dahilan, para sumunod sa mga tuntunin ng Kasunduang ito.
SERTIPIKASYON
Sa pagkumpleto at pagsauli ng form na ito, ang taong nagsasagawa ng Kasunduang ito sa ngalan ng Tatanggap ay nagpapatotoo na xxx xxx ssilang pahintulot na isagawa ang Kasunduang ito.
Sa pagkumpleto at pagsauli ng form na ito, ang taong nagsasagawa ng Kasunduang ito ay higit na nagpapatotoo na ang elektroniko at/o digital na lagda ay kanilang sarili at pumapayag sa paggamit nito bilang lega na katumbas ng kanilang nakasulat na lagda para sa lahat ng layunin. Kapag hindi nagbigay ng pahintulot, inaatasan ng Tagakaloob ang indibiduwal na mano‐manong lagdaan ang Kasunduan, at ihatid sa Tagakaloob nang personal o sa pamamagitan ng U.S. mail, nakarehistro o sinertipikahan, paunang binayaran ang koreo sa sumusunod na address: .
Mga lagda sa susunod na pahina.
BILANG SAKSI NITO, isinagawa ng mga Partido ang Kasunduang ito at may bisa sa petsang unang nakasulat sa itaas.
MAY‐ARI/PRINSIPAL NA AHENTE NG TATANGGAP
Unang Pangalan [PRINT] Apelyido [PRINT]
Titulo Petsa
Legal na Pangalan ng Negosyo (“Tatanggap”)
TAGAKALOOB
CRAFT3
00 0xx Xxxxxx, Xxxxx 000
Astoria, OR 97103
Awtorisadong Tagalagda Petsa