Marymede Catholic College Kasunduan sa Pag- enrol
Marymede Catholic College Kasunduan sa Pag- enrol
Template para sa mga Primary School
Pakibasa ang mga tuntunin at kundisyon na nakabalangkas sa ibaba bago lagdaan ang kasunduan. Ang pagkumpirma ng alok sa pag-enrol ay kailangang tanggapin at lagdaan sa Kasunduan sa Pag- enrol.
Mga Tuntunin at Kundisyon ng Pag-enrol
1. Mga serbisyong pang-edukasyon
1.1 Ang edukasyong Katoliko ay nasa kaibuturan ng misyon ng Simbahan. Ito ay isang paraan upang magampanan ng Simbahan ang tungkulin nito sa pagtulong sa mga tao na matuklasan at yakapin ang kapuspusan ng buhay xxx Xxxxxx. Nag-aalok ang mga paaralan ng MACS ng malawak, komprehensibong kurikulum na xxx xxxxx na pagkaunawa ng Katoliko tungkol xxx Xxxxxx at sa kanyang mga aral, gayundin ng isinasabuhay na pagpapahalaga sa pagiging miyembro ng Simbahang Katoliko.
1.2 Kasama sa mga serbisyo sa edukasyong Katoliko ang:
1.2.1 naka-target na suporta sa mga mag-aaral na tinasa ng paaralan na nangangailangan ng karagdagang tulong sa pagbasa't pagsulat (literacy) at pagbilang (numeracy). Ang antas ng suportang ibibigay ay tutukuyin nang may pagsasaalang-alang sa bilang ng mga mag-aaral na makikinabang sa tulong at sa mga mapagkukunang magagamit sa paaralan.
1.2.2 naka-target na suporta sa mga mag-aaral na tinasa ng paaralan na nangangailangan ng tulong sa panlipunan at emosyonal na pag-unlad. Ang antas ng suportang ibibigay ay tutukuyin nang may pagsasaalang-alang sa bilang ng mga mag-aaral na makikinabang sa tulong at sa mga mapagkukunang magagamit sa paaralan.
1.3 Ang mga magulang, guardian at tagapag-alaga, bilang mga unang tagapagturo ng kanilang mga anak, ay makikipagtulungan sa paaralan upang itaguyod at suportahan ang edukasyon ng kanilang anak. Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay dapat umako ng responsibilidad sa pagpapanatili ng pagtutulungang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa paaralan sa pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak na saklaw ng pagpaparehistro ng paaralan at pagpapasulong ng espirituwal at akademikong buhay ng kanilang mga anak.
2.1 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay kinakailangang magbigay ng partikular na impormasyon tungkol sa kanilang anak sa panahon ng pag-enrol, sa yugto ng aplikasyon at kung nag-alok na ng puwesto sa iyong anak ang paaralan. Pakitandaan na ang pagsumite ng enrollment form ay hindi garantiya na nakapag-enrol na sa paaralan.
Kung hindi naibigay ang impormasyong hinihingi, maaaring hindi makapag-enrol ng paaralan ang iyong anak.
2.2 Upang matugunan ang mga kahingian ng MACS at pamahalaan, ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay kailangang magbigay sa paaralan ng isang nakumpletong enrollment form kasama ang, bukod sa iba pang mga bagay, ang impormasyong nakalista sa ibaba:
• katibayan ng petsa ng kapanganakan ng iyong anak (hal. sertipiko ng kapanganakan, pasaporte)
• relihiyong kinabibilangan
• mga nakaraang school report (kung naaangkop)
• mga pangalan at tirahan ng bata at mga magulang/guardian/tagapag-alaga; mga numero ng telepono (tahanan, trabaho, mobile) ng mga magulang/guardian/tagapag- alaga
• mga pangalan ng matatawagan kung may emergency (emergency contacts) at ang kanilang mga detalye
• partikular na kaayusan sa paninirahan
• impormasyon tungkol sa (mga) wikang sinasalita at/o naririnig ng iyong anak sa bahay
• nasyonalidad at/o pagkamamamayan kabilang ang visa sub-class na ipinagkaloob sa pagpasok sa Australya (bago ibigay ang pagkamamamayan), kung saan naaangkop
• pangalan at numero ng telepono ng doktor
• mga pagsusuri, kondisyong medikal, pangangailangan sa kalusugan at kasaysayan ng pagbabakuna
• impormasyon tungkol sa karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral (hal. kung ang iyong anak ay nangangailangan ng karagdagang suporta kaugnay ng naibagay sa indibidwal (personalised) na pangangalaga at suporta, kadaliang kumilos, wika, pagpapaunlad ng mga kasanayang panlipunan, mga pangangailangan sa welfare, mapaghamong pag-uugali, mga pag-aangkop sa kurikulum, atbp.)
• mga kasunduan sa pagiging magulang o mga kautusan xx xxxxx, kabilang ang anumang mga kautusan para sa guardian.
Pagkatapos isumite ang enrolment form, maaaring humiling ang mga kawani ng paaralan ng karagdagang impormasyon, halimbawa kaugnay ng anumang mga kautusan sa pagiging magulang, mga pangangailangang pangkalusugan, mga kondisyong medikal o karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral na naitala sa enrolment form. Bilang karagdagan, kadalasan ay kapaki-pakinabang para sa mga magulang/guardian/tagapag- alaga na dumalo sa isang pagpupulong kasama ng mga kawani ng paaralan bago ang pag-enrol upang talakayin ang anumang karagdagang mga pangangailangan na maaaring mayroon ang iyong anak. Maaaring ayusing magkaroon ng serbisyo ng interpreter, kung kinakailangan.
2.3 Alinsunod sa anumang natatanging paggamit ng pagpapasya ng MACS, ang pagkakasunud-sunod ng prayoridad para sa pag-enrol sa mga paaralan ng MACS ay nakadetalye sa Patakaran sa Pag-enrol ng paaralan.
3.1 Ang pagtatakda ng mga antas ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at iba pang mga sapilitang ad hoc na singil sa mga paaralan ng MACS ay responsibilidad ng paaralan alinsunod sa itinalagang mga kahingian ng MACS, na isinasaalang-alang ang inilaang pondo ng pamahalaan. Ang mga bayarin sa paaralan ay karaniwang sumasaklaw sa karamihan ng mga aktibidad na nauugnay sa kurikulum. Sa ilang mga kaso, maaaring kailangan ng mga karagdagang gastos para sa ilang mga ekskursiyon, kampo, aktibidad, at programa. Kung kinakailangan ng mga karagdagang pagbubuwis (levies) at singil, ipapaalam ng paaralan nang maaga sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga ang mga detalye ng gastos.
3.2 Ang paaralan ay nag-aalok ng ilang paraan para sa pagbabayad ng mga bayarin, pagbubuwis (levies), mga kampo at ekskursiyon, at mga ad hoc na singil upang mabawasan ang anumang pinansiyal na pasanin at upang tumulong sa pagpaplanong pinansyal. Kung nahihirapan kang tugunan ang kinakailangang pagbabayad ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at mga ad hoc na singil, malugod kang inaanyayahang talakayin ito sa punong-guro ng paaralan.
3.3 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay may pananagutan para sa pagbabayad ng lahat ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at mga singil na nauugnay sa pag-enrol at
pagpasok ng mag-aaral sa paaralan, gaya ng nakapaloob sa Iskedyul ng Mga Bayarin, Pagbubuwis (levies), at Singil ng paaralan na ibinibigay sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga paminsan-minsan. Ang mga bayarin ay dapat bayaran para sa isang bata upang makapag-enrol at upang magpatuloy sa pag-enrol sa paaralan. Ang paaralan ay maaaring magpasya kung papayagan ang isang mag-aaral na lumahok sa mga opsyonal o extracurricular na mga kaganapan sa paaralan, tulad ng mga may- bayad na ekskursiyon ng paaralan o mga ekstrakurikular na aktibidad, habang ang mga bayarin ay nananatiling dapat bayaran at mababayaran.
4. Pag-enrol sa ilalim ng minimum na edad ng pagpasok sa paaralan
4.1 Ang mga patakaran at pamamaraan sa pag-enrol ng paaralan ay nilayon upang matiyak na, kapag nag-eenrol ng mga mag-aaral, ang mga paaralan ng MACS ay sumusunod sa nauugnay na batas ng gobyerno ng Victoria at Australya. Ang isang bata ay dapat maging limang taong gulang sa ika-30 ng Abril sa taon ng pagsisimula ng paaralan maliban xxxx xxx xxx exemption na naaprubahan. Ang pag-enrol ng mga bata alinsunod sa pinakamababang edad ng pagpasok sa paaralan at mga programang pre-Prep ay nangangailangan ng pag-apruba mula sa MACS Executive Director (o ang delegado) sa pamamagitan ng Minimum Age Exemption Application.
4.2 Ang pag-apruba para sa mga exemption ay dapat hingin mula sa MACS Executive Director (o ang delegado) bago mangyari ang pag-enrol alinsunod sa pinakamababang panimulang edad. Ang pag-apruba sa maagang edad na pag-enrol (early-age enrolment) ay ibibigay lamang sa mga pambihirang pagkakataon kung saan ang magulang/guardian/tagapag-alaga ay humihiling na i-enrol ang bata na mas mababa sa minimum ang edad, at sinusuportahan ng punong-guro ang pag-enrol ng batang ito sa paaralan at ang pamantayan ng pinakamabuting interes ay natugunan.
5. Ligtas na kapaligiran ng bata
5.1 Ang mga komunidad ng mga paaralang Katoliko ay may responsibilidad na moral, legal, at inuudyok ng misyon na lumikha ng mga maarugang kapaligiran ng paaralan kung saan iginagalang ang mga bata, pinakikinggan ang kanilang mga tinig, at lugar kung saan sila ay ligtas at nakadarama na ligtas.
5.2 Ang bawat taong kaugnay sa edukasyong Katoliko, kabilang ang lahat ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa ating paaralan, ay may responsibilidad na unawain ang kahalagahan at partikular na papel na ginagampanan ng bawat isa nang mag-isa at nang sama-sama upang matiyak na ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga bata ay nasa unahan ng lahat ng kanilang ginagawa at bawat desisyon na kanilang gagawin.
5.3 Ang mga patakaran ng paaralan sa kaligtasan ng bata, mga koda ng pag-aasal at mga gawi ay nagtatakda ng pangako sa kaligtasan ng bata, at mga proseso para sa pagtukoy, pakikipag-usap, pag-uulat, at pagtugon sa pag-uugali at mga paratang ng pang-aabuso sa bata. Ang mga dokumentong ito ay nagsasaad ng malinaw na mga inaasahan mula sa lahat ng kawani at mga boluntaryo para sa naaangkop na pag-uugali sa mga mag-aaral upang mapangalagaan sila laban sa pang-aabuso.
5.4 Ang paaralan ay nagtatag ng mga kagawian sa human resources kung saan nauunawaan ng mga bagong recruit na kawani, kasalukuyang kawani at mga boluntaryo sa paaralan ang kahalagahan ng kaligtasan ng bata, sinanay sila upang mabawasan ang panganib ng pang-aabuso sa bata, at nalalaman xxxx xxx mga nauugnay na patakaran at pamamaraan ng paaralan. Ang paaralan ay nagbibigay din ng patuloy na pagsasanay, pangangasiwa at pagsubaybay sa mga kawani upang matiyak na sila ay angkop na makipagtulungan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng aming mga kagawian sa human resources.
5.5 Ang paaralan ay may matatag, nakabalangkas na mga proseso ng pamamahala sa peligro gaya ng itinakda ng MACS na tumutulong sa pagtatatag at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa bata, na kinabibilangan ng pagsasaalang-alang sa mga posibleng dahilan ng mga panganib na malawak ang pinagbabatayan sa hanay ng mga konteksto, kapaligiran, relasyon, at aktibidad kung saan kasali dito ang mga mag-aaral sa loob ng aming paaralan.
5.6 Ang paaralan, sa pakikipagtulungan sa mga pamilya, ay tumitiyak na ang mga bata at kabataan ay nakikibahagi at mga aktibong kalahok sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, lalo na sa mga maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan. Nangangahulugan ito na ang mga pananaw ng mga kawani, mga bata, mga kabataan at
mga pamilya ay sineseryoso, at ang kanilang mga alalahanin ay tinutugunan sa paraang makatarungan at napapanahon.
5.7 Ang mga patakaran at pamamaraan ng paaralan sa kaligtasan ng bata ay madaling makuha at ma-access. Ang karagdagang mga detalye sa pangangako ng MACS at komunidad ng edukasyong Katoliko sa kaligtasan ng bata sa buong Victoria ay maaaring ma-access sa:
• ang pahina ng kaligtasan ng bata sa Catholic Education Commission ng Victoria Ltd xxx.xxxx.xxxxxxxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxx-Xxxxxx
• ang Catholic Education Commission of Victoria Ltd Statement of Commitment to Child Safety xxxxx://xxx.xxxx.xxxxxxxx.xxx.xx/xxxxxxxx/x0x00000-00x0-0000-x00x- f14e50546a70/Commitment-Statement-A4.aspx (makukuha sa wikang Ingles, Arabo, Simplified Chinese, Tagalog, at Vietnamese)
• ang pahina ng MACS sa kaligtasan ng bata xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxx- Safety.aspx.
6.1 Ang pag-enrol ng mag-aaral, kapag naaprubahan na ng punong-guro ng paaralan, ay magsisimula sa taon ng pagpasok at magpapatuloy hanggang sa pagtatapos xx xxxxxx taon sa paaralan o hanggang sa bawiin o ipahinto ang pag-enrol ng mag-aaral.
7. Mga patakaran at pamamaraan
7.1 Lahat ng mga patakaran at pamamaraan ng paaralan sa pag-enrol ay makukuha sa website ng paaralan. Para sa mga layunin ng kasunduang ito, ang sanggunian sa mga Patakaran at Pamamaraan ng paaralan ay kinabibilangan din ng mga proseso, alituntunin, at anumang iba pang naaangkop na dokumentasyon ng pamamahala.
7.2 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay dapat sumunod at gawin ang lahat ng makatwirang hakbang upang itaguyod ang mga patakaran at pamamaraan ng paaralan, gaya ng ipinakilala o sinusugan paminsan-minsan, kabilang ang mga may kinalaman o tungkol sa:
(a) pangangalaga, kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral
(b) mga pamantayan sa pananamit, pag-aayos at hitsura
(c) mga hinaing at reklamo
(d) social media at paggamit ng mga sistema ng impormasyon, komunikasyon, at teknolohiya
(e) pag-uugali at pag-aasal ng mag-aaral at pag-disiplina sa mga mag-aaral, kabilang ang mga nakalista sa koda ng pag-aasal ng mag-aaral na maaaring ilathala paminsan-minsan
(f) pag-uugali at pag-aasal ng magulang, kabilang ang anumang Koda ng Pag-aasal ng Magulang/Guardian/Tagapag-alaga na maaaring ilathala paminsan-minsan
(g) pagkapribado.
7.3 Ang paaralan ay may ganap na pagpapasya sa lahat ng pagpapatakbo at usaping pang- edukasyon at mga xxxx xxxx na natukoy ng lupong pamunuan nito, ang MACS, at napapailalim sa mga nauugnay na delegasyon sa punong-guro ng paaralan.
8. Mga tuntunin sa pag-enrol tungkol sa katanggap-tanggap na pag- uugali o pag-aasal
8.1 Ang paaralan ay isang komunidad na nagsisilbing halimbawa ng mga pinahahalagahan sa ebanghelyo na pagmamahal, pagpapatawad, katarungan at katotohanan. Kinikilala ng komunidad ng paaralan na ang bawat isa ay may karapatang igalang, magkaroon ng pakiramdam na ligtas at maging ligtas; at, sa bagay na ito, nauunawaan ang kanilang mga karapatan at kinikilala ang kanilang obligasyon na kumilos nang responsable.
8.2 Bawat tao sa paaralan ay may karapatang makaramdam na ligtas, maging masaya at matuto, kaya nilalayon naming:
• itaguyod ang mga pinahahalagahan na (tulad ng) katapatan, pagiging patas at paggalang sa iba
• kilalanin ang halaga ng lahat ng miyembro ng komunidad at ang kanilang karapatang magtrabaho at matuto sa isang positibong kapaligiran
• mapanatili ang mabuting kaayusan at pagkakaisa
• pagtibayin ang kooperasyon gayundin ang responsableng pagsasarili (independence) sa pag-aaral
• itaguyod ang disiplina sa sarili at magkaroon ng responsibilidad para sa sariling pag- uugali.
8.3 Ang MACS at ang administrasyon ng paaralan, sa pagsangguni sa komunidad ng paaralan kung naaangkop, ay magtatakda ng mga pamantayan sa pananamit, hitsura at pag-uugali para sa mga mag-aaral, na isinasaalang-alang ang katutubo, kultura, relihiyon o magkakaibang pinagmulan o kalagayan ng mag-aaral.
8.4 Bilang kondisyon sa pag-enrol ng iyong anak, sumasang-xxxx xxx mga magulang/guardian/tagapag-alaga na ang mag-aaral ay kinakailangang sumunod sa mga layunin ng paaralan sa pag-uugali at koda ng pag-aasal, at suportahan ang paaralan sa pagtataguyod ng mga itinakdang pamantayan sa pananamit, hitsura at pag-uugali at tiyakin ang pagsunod sa Koda ng Pag-aasal para sa mga Mag-aaral (Code of Conduct for Students).
8.5 Sumasang-xxxx xxx mga magulang/guardian/tagapag-alaga na maging responsable sa pagtiyak na alam ng mag-aaral ang lahat ng mga patakaran at pamamaraan na nalalapat sa mag-aaral, kabilang ang mga nauugnay sa pag-aasal at pag-uugali ng mag-aaral at anumang koda ng pag-aasal para sa mga mag-aaral, at aktibong suportahan ang paaralan sa pagpapatupad ng naturang mga patakaran, pamamaraan at mga koda ng pag-aasal.
8.6 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na susunod sa anumang koda ng pag-aasal para sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga o iba pang patakarang ipinapatupad ng paaralan paminsan-minsan na nagtatakda ng mga inaasahan ng paaralan sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga na may estudyanteng naka-enrol sa paaralan.
8.7 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang anumang hindi katanggap-tanggap na pag-uugali ng isang bata, o makabuluhan at/o paulit-ulit na pag- uugali ng isang magulang/guardian/tagapag-alaga na, sa pananaw ng paaralan, ay hindi katanggap-tanggap at nakakasira sa samahan ng magulang/guardian/tagapag-alaga at paaralan, o kung hindi man ay isang paglabag sa koda ng pag-aasal ng mag-aaral o sa koda ng pag-aasal ng magulang/guardian/tagapag-alaga ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde o pagkahinto ng pag-enrol ng mag-aaral.
9. Mga tuntunin sa pag-enrol ukol sa pagsunod sa mga prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko
9.1 Bilang tagapagbigay ng edukasyong Katoliko, isasaalang-alang ng punong-guro ang pangangailangan para sa komunidad ng paaralan na kumatawan at sumunod sa mga doktrina, paniniwala at prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko kapag gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga usapin ng pangangasiwa ng paaralan, kabilang ang pag- enrol. Ang mga mag-aaral at pamilya na miyembro ng ibang relihiyon ay malugod na tinatanggap sa paaralan. Gayunpaman, may karapatan ang MACS na gumamit ng administratibong pagpapasya kung naaangkop sa mga pangyayari upang suspindihin o wakasan ang pag-enrol, kung kinakailangang gawin ito upang maiwasang makapinsala sa mga relihiyosong damdamin (sensitivity) ng komunidad ng paaralang Katoliko.
10. Mga tuntunin ng pag-enrol ukol sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon
10.1 Napakahalagang alamin ng punong-guro ang mga indibidwal na kalagayan ng bawat mag-aaral hangga't nakakaapekto ang mga ito sa kaniyang pisikal, paggana, pandamdamin, o pang-edukasyon na mga pangangailangan, lalo na kung ang paaralan ay kinakailangang magbigay ng karagdagang suporta sa mag-aaral.
10.2 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay dapat magbigay ng tumpak at napapanahon na impormasyon kapag kinukumpleto ang enrolment form at dapat magbigay sa paaralan, bago mag-enrol, ng anumang karagdagang impormasyon na
maaaring hilingin, kabilang ang mga kopya ng mga dokumento tulad ng mga medikal/espesyalistang ulat (kung saan may kaugnayan sa pag-aaral ng bata), mga ulat mula sa mga nakaraang paaralan, mga kautusan xx xxxxx o mga kasunduan sa pagiging magulang. Ang pagbibigay ng hinihiling na dokumentasyon ay itinuturing na isang kondisyon sa pag-enrol, at ang pag-enrol ay maaaring tanggihan o ipahinto kung ang isang magulang/guardian/tagapag-alaga ay hindi makatwirang tumatangging magbigay ng hinihiling na impormasyon o sadyang itinago ang mahalagang impormasyon sa paaralan.
10.3 Kung, sa panahon ng pag-enrol ng isang bata, ay may bagong impormasyong makukuha na mahalaga sa mga pangangailangang pang-edukasyon at/o kaligtasan at kapakanan ng bata, isang kondisyon sa patuloy na pag-enrol ng mag-aaral ay ibigay kaagad sa paaralan ang naturang impormasyon.
Ang hindi pagbibigay ng naturang impormasyon ay ituturing na paglabag sa mga tuntunin at kundisyon ng pag-enrol na ito.
10.4 Ang pabibigay ng hindi tamang address ng tirahan o hindi pagbibigay ng na-update na address ng tirahan para sa bata ay ituturing din bilang isang paglabag sa mga tuntunin ng pag-enrol.
10.5 Anumang paglabag sa mga tuntunin at kundisyon ng pag-enrol hinggil sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon na hindi naitama kapag hiniling ng paaralan ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde o pagkahinto ng pag-enrol.
11. Pag-enrol para sa mga batang may karagdagang pangangailangan
11.1 Tinatanggap ng paaralan ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga na gustong mag- enrol ng isang bata na may mga karagdagang pangangailangan at gagawin ang lahat ng posible upang matugunan ang mga pangangailangan ng bata, sa kondisyon na nagkaroon ng unawaan sa pagitan ng paaralan at mga magulang/guardian/tagapag-alaga bago ang pag-enrol tungkol sa:
• dahilan ng anumang nasuri o pinaghihinalaang medikal na kondisyon/kapansanan, o anumang iba pang mga pangyayari na may kaugnayan sa karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral ng bata, halimbawa, pagiging gifted o nakaranas ng trauma
• ang katangian ng anumang karagdagang tulong na irerekomenda o naaangkop na ibigay sa bata, halimbawa, kagamitang medikal o espesyalista, mga pagsangguni sa espesyalista, partikular na suporta sa welfare, mga pagbabago sa kapaligiran sa silid-aralan o kurikulum, tulong ng aide, mga programa sa pang-indibidwal na edukasyon, mga planong suporta sa pag-uugali o iba xxxx xxxx-edukasyon na interbensyon na maaaring mahalaga
• ang indibidwal na pisikal, paggana (functional), pandamdamin o pang-edukasyon na mga layunin na naaangkop sa bata, at kung paano magtutulungan ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga at ang paaralan upang makamit ang mga layuning ito
• anumang limitasyon sa kakayahan ng paaralan na magbigay ng karagdagang tulong na hiniling.
11.2 Ang pamamaraan sa pag-enrol ng mga mag-aaral na may mga karagdagang pangangailangan ay pareho sa pag-enrol ng sinumang mag-aaral.
11.3 Dahil maaaring magbago ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng bawat bata sa paglipas ng panahon, kadalasang kinakailangang suriin ng paaralan ang anumang karagdagang tulong na ibinibigay sa mag-aaral, sa pagsangguni sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga at sa mga gumagamot na medikal/kaalyadong propesyonal sa kalusugan ng bata, upang tasahin kung:
• ang karagdagang tulong ay nananatiling kailangan at/o naaangkop sa mga pangangailangan ng mag-aaral
• ang karagdagang tulong ay mayroong inaasahang positibong epekto sa indibidwal na pisikal, paggana (functional), pandamdamin o pang-edukasyon na mga layunin ng mag-aaral.
Depende ito sa kakayahan ng paaralan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng karagdagang tulong, sa pagsasaalang-alang sa anumang umiiiral na mga limitasyon.
11.4 Upang suportahan ang mga pangangailangan sa pag-aaral at kagalingan ng isang bata, ang mga mag-aaral na may mga karagdagang pangangailangan ay maaaring maka- access ng mga serbisyo sa pagkonsulta sa pagtatasa ng pagkakaiba-iba sa pagkatuto na nasa paaralan at nasa MACS kung matukoy na kinakailangan upang linawin ang kanilang profile sa pag-aaral at bumuo ng kapasidad ng guro upang suportahan ang mga pangangailangan ng mag-aaral. Mangyaring sumangguni sa website ng MACS para sa karagdagang impormasyon: xxxxx://xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxxxxx-xxxx- Diverse-Learning-Needs.aspx
12.1 Iba't ibang pagkakataon ang ibinibigay upang panatilihing up-to-date ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa pag-unlad ng kanilang anak. Dalawang komprehensibong nakasulat na ulat ang ibibigay bawat taon at gagawin ang mga pagsasaayos para sa kahit isang panayam kung saan maaaring talakayin ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga ang pag-unlad ng kanilang anak sa guro nito. Bilang karagdagan, isang pulong ang maaaring ayusin kung mayroong anumang mga alalahanin o nais mong makatanggap ng update sa pag-unlad.
13.1 Ang paaralan ay may ganap na pagpapasya upang matukoy kung kailan nangangailangan ang pag-aasal ng mag-aaral ng aksyong pandisiplina. Maaaring maglapat ang paaralan ng mga hakbang sa pagdidisiplina na sa tingin nito ay angkop alinsunod sa mga patakaran at pamamaraan ng paaralan, na maaaring kabilang ang:
• pag-alis ng mga pribilehiyo
• pag-detention sa mga pagkakataong ipinapalagay ng punong-guro na naaangkop
• pag-aatas sa mag-aaral na gumawa ng karagdagang gawain sa paaralan sa karaniwang mga oras ng paaralan o pagkatapos ng mga ito
• pagsususpinde
• pagpapatalsik
• iba pang mga kahihinatnan na itinuturing ng paaralan na makatwiran at naaangkop.
13.2 Anumang malubhang pagkabigo ng mag-aaral na sumunod sa mga patakaran at pamamaraan ng paaralan ay maaaring makaapekto sa pag-enrol ng mag-aaral sa paaralan. Ang mag-aaral ay maaaring masuspinde sa pag-aaral sa paaralan, ang kaniyang pag-enrol ay maaaring ipahinto at/o ang paaralan ay maaaring maningil o panatilihin ang lahat o bahagi ng mga bayarin, buwis, o mga singil para sa terminong iyon.
14. Pagpapahinto ng paaralan sa pag-enrol ng mag-aaral
14.1 May karapatan ang paaralan na hilingin sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga na tanggalin ang mag-aaral sa paaralan o kanselahin ang pag-enrol ng mag-aaral anumang oras kung makatuwirang itinuturing ng paaralan na:
• hindi kasiya-siya ang pag-uugali, saloobin o pag-aasal ng mag-aaral sa mga gawain sa paaralan, iba pang mga aktibidad sa paaralan o habang pumapasok sa paaralan
• ang mag-aaral ay nagpakita ng hindi kasiya-siyang pag-uugali o pagganap, o maling pag-aasal
• nabigo ang mag-aaral na sumunod sa mga patakaran at pamamaraan ng paaralan o anumang koda ng paaralan sa pag-aasal ng mag-aaral
• ang ugnayang matiwala at may pagkakaisa na kapaki-pakinabang sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga at sa paaralan o alinman sa mga kawani nito ay nasira at nagdulot ng masamang epekto sa paaralan, sa sinuman sa mga kawani nito o sa kakayahan ng paaralan na magbigay ng kasiya-siyang serbisyong pang- edukasyon sa mag-aaral
• ang pag-unlad at paggampan ng mag-aaral ay nasa punto na ang mag-aaral ay hindi nakikinabang sa mga kursong akademiko na ibinibigay ng paaralan
• ang pag-uugali o pag-aasal ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa paaralan o sa sinuman sa mga kawani nito ay lumalabag sa anumang Koda ng Pag-aasal ng Magulang/Guardian/Tagapag-alaga
• kung ang anumang mga account o mga bayarin na babayaran ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay hindi nabayaran sa loob ng mga tuntunin ng pagbabayad sa paaralan o sa mga tuntunin ng anumang nakasulat na kasunduan sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga na nagpapahintulot sa nahuhuli o ipinagpaliban na pagbabayad
• may mga pangyayari kung saan ang patuloy na pag-enrol ng mag-aaral sa paaralan ay hindi na mapapanatili o hindi para sa pinakamahusay na interes ng mag-aaral o ng paaralan.
15. Proseso ng pag-apela sa mga desisyon sa pag-enrol
15.1 Ang Marymede Catholic College ay kinakailangang mapanatili ang isang patas, epektibo at mahusay na proseso ng paghawak ng mga reklamo upang matugunan ang mga reklamo tungkol sa pag-enrol at iba pang mga usapin sa paaralan.
15.2 Kung ang isang magulang/guardian/tagapag-alaga ng mag-aaral ay gustong mag-apela hinggil sa proseso ng pag-enrol at/o sa desisyon sa pag-enrol, sila ay pinapayuhan na pag-isipang talakayin ang mga alalahanin sa punong-guro o may-kinalamang tao sa pamamagitan ng pagsulat o paggawa ng appointment. Pakitiyak na ang may-kinalamang (mga) tao ay bibigyan ng makatwirang tagal ng oras upang gawin ang mga hakbang na kinakailangan upang malutas o matugunan ang mga alalahanin. Mangyaring sumangguni sa patakaran o mga alituntunin sa paghawak ng mga reklamo ng Marymede Catholic College para sa karagdagang impormasyon.
15.3 Kung ang usapin ay hindi malulutas sa antas ng paaralan, o kung ang reklamo ay tungkol sa punong-guro ng paaralan, ang mga nagrereklamo ay pinapayuhan na makipag- ugnayan sa may-katuturang MACS Regional Office. O kaya naman, ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay maaaring magsampa ng reklamo sa online at basahin ang patakaran ng MACS Complaint Handling sa xxxxx://xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxxxxxx-Xx/Xxxxxxxxxx.xxxx.
16.1 Ang kasunduan sa pag-enrol na ito ay bumubuo sa nag-iisa at buong kasunduan sa pagitan ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga at MACS kaugnay ng pag-enrol ng mag-aaral sa paaralan.
16.2 Kinikilala ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga na maaaring paminsan-minsan ay baguhin ng MACS ang mga tuntunin at kundisyon ng kasunduan sa pag-enrol na ito. Ang mga kaugnay na patakaran at Mga Koda ng Pag-aasal ay inilathala sa website ng paaralan. Aabisuhan ng paaralan ang mga magulang kapag na-update na sila.
16.3 Kinikilala ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga na ang pag-enrol ng mag-aaral sa paaralan at ang kasunduang ito sa MACS ay maaaring wakasan kung sakaling magkaroon ng materyal na paglabag sa kasunduang ito o kung saan ang paglapat ng isa sa mga patakaran at pamamaraan ng paaralan ay nangangailangan o pinahihintulutan ang naturang paghinto.
16.4 Anumang warantiya, representasyon, garantiya o iba pang termino o kundisyon o anuman na hindi nakasaad sa kasunduang ito ay hindi kasama at walang puwersa o epekto.
16.5 Ang kasunduan ay napapailalim sa mga batas ng Estado ng Victoria, Australya.
• Sa paglagda ng Kasunduan sa Pag-enrol (Enrollment Agreement) na ito, kinikilala ko na papasok ako sa isang kasunduan sa Melbourne Archdiocese Catholic Schools Ltd (MACS), bilang may-ari at awtoridad na namamahala para sa paaralan, at naiintindihan ko at tinatanggap ko ang mga tuntunin at kundisyon ng pag-enrol na nakasaad dito. Kasunduan sa pag-enrol. Sumasang-xxxx ako na xxx xxxxx mga inaasahan, obligasyon at garantiya na hinihingi mula sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga ng mga mag-aaral ng paaralan, upang magkaroon ng maayos na ugnayan.
• Tinatanggap xx xxx xxxx na pag-enrol ng aking anak sa paaralan sa taon ng pagpasok at antas ng pagpasok na nakasaad sa enrollment application form.
• Susuportahan at susundin ko ang lahat ng mga patakaran at pamamaraan ng paaralan ng MACS (kabilang ang mga proseso, mga alituntunin at iba pang dokumentasyon ng pamamahala), na sinususugan paminsan-minsan, kaugnay ng mga programa ng pag-aaral, palakasan, pangangalagang pastoral, uniporme ng paaralan, katanggap-tanggap na pag- uugali, kaligtasan ng bata, disiplina at pangkalahatang pagpapatakbo ng paaralan.
• Sisiguraduhin kong napapanatiling napapanahon ang impormasyong ibinigay ko sa buong panahon ng pag-enrol at aabisuhan ko kaagad ang paaralan ng anumang pagbabago sa impormasyong iyon (hal. pagbabago ng address ng tirahan, mga pagbabago sa mga kautusan sa pagiging magulang).
• Babayaran ko ang kasalukuyang mga bayarin sa paaralan at mga buwis para sa aking anak at magbabayad din ako ng anumang pag-iiba o pagtaas ng mga bayarin at singil na hinihingi ng paaralan, o kung hindi man ay aabisuhan ko kaagad ang paaralan kung ako ay nakakaranas ng mga problema sa pananalapi.
• Susuportahan ko ang paglahok ng aking anak sa relihiyosong buhay ng paaralan (hal. mga liturhiya sa paaralan, mga programang pag-retreat).
• Dadalo ako sa mga gabi ng magulang/guro at impormasyon na nauugnay sa aking anak.
• Lalahok ako sa working bee isang beses sa isang taon o magbibigay ng pinansiyal na kontribusyon.
• Kung sakaling mayroon akong anumang mga alalahanin, sasabihin ko muna ang mga ito sa may-kinalamang guro o sa punong-guro ng paaralan.
• Tatratuhin ko ang lahat ng miyembro ng komunidad ng paaralan nang may paggalang na nararapat sa isang paaralang Katoliko.
• Kung sa oras ng mga emerhensya, aksidente o malubhang karamdaman ay hindi ako makontak, binibigyan ko ng pahintulot ang punong-guro (o ang kaniyang kinatawan) na humingi ng medikal na atensyon para sa aking anak kung kinakailangan (na maaaring kabilang ang transportasyon sa pinakamalapit na ospital, medical centre o doktor sa pamamagitan ng ambulansya o pribadong sasakyan). Naiintindihan ko rin na ang mga lumagda sa ibaba ay kinakailangang matugunan ang anumang mga gastos na natamo.
• Bilang magulang/guardian/tagapag-alaga, susuportahan ko ang pananaw ng MACS, paaralan at parokya. Sa pagtanggap ng pag-enrol, sumasang-xxxx akong susunod sa lahat ng mga patakaran at pamamaraan ng paaralan at MACS na regular na sinusuri at maaaring magbago alinsunod sa pagpapasya ng paaralan. Makikipagtulungan ako sa paaralan upang suportahan ang mga pangangailangang pang-akademiko/panlipunan/pag-uugali ng aking anak. Naiintindihan ko na ang kahihinatnan ng hindi pagsunod sa mga patakaran at pamamaraan ng MACS at ng paaralan ay maaaring magresulta sa pagpapahinto ng pag-enrol.
• Nabasa at naunawaan ko ang Koda ng Pag-aasal ng Magulang/Guardian/Tagapag-alaga at ang mga pamantayan para sa pagpapahinto ng pag-enrol xxxx sa nakasaad sa mga patakaran at/o pamamaraan ng Marymede Catholic College at sumasang-xxxx na susunod sa inaasahang pag-uugali at pag-aasal ng magulang/guardian/tagapag-alaga, kabilang ang anumang Koda ng Pag-aasal para sa Magulang/Guardian/Tagapag-alaga na maaaring ilathala paminsan-minsan sa website ng paaralan at ipanaaalam sa mga magulang.
• Tinatanggap ko na babasahin at uunawain ng aking anak ang Koda ng Pag-aasal ng Mag-aaral ng Marymede Catholic College at sasang-xxxx na susunod sa inaasahang pag-uugali at pag- aasal ng mag-aaral, kabilang ang anumang Koda ng Pag-aasal ng Mag-aaral ng Marymede Catholic College na maaaring ilathala paminsan-minsan sa website ng paaralan at ipinaaalam sa mga magulang.
• Naiintindihan ko na kung may anumang mapanlinlang na impormasyong ibinigay, o anumang pagkukulang sa mahalagang impormasyon na ginawa sa aplikasyon para sa pag-enrol, ang pagtanggap ay hindi ipagkakaloob; o, kung natuklasan ito pagkatapos ng pagtanggap, ang pag- enrol ay maaaring bawiin.
Magulang 1/guardian 1/tagapag-alaga 1 lagda | Petsa: |
Magulang 2/guardian 2/tagapag-alaga 2 lagda
Petsa: