Marymede Catholic College Kasunduan sa Pag- enrol
Marymede Catholic College Kasunduan sa Pag- enrol
Template para sa mga Mataas na Paaralan (Secondary Schools)
Pakibasa ang mga tuntunin at kundisyon na nakabalangkas sa ibaba bago lagdaan ang kasunduan. Ang pagkumpirma ng alok sa pag-enrol ay kailangang tanggapin at lagdaan sa Kasunduan sa Pag- enrol.
Mga Tuntunin at Kundisyon ng Pag-enrol
1. Mga serbisyong pang-edukasyon
1.1. Ang edukasyong Katoliko ay nasa kaibuturan ng misyon ng Simbahan. Ito ay isang paraan upang magampanan ng Simbahan ang tungkulin nito sa pagtulong sa mga tao na matuklasan at yakapin ang kapuspusan ng buhay xxx Xxxxxx. Nag-aalok ang mga kolehiyo ng MACS ng malawak at komprehensibong kurikulum na xxx xxxxx na pagkaunawa ng Katoliko tungkol xxx Xxxxxx at sa kanyang mga aral, gayundin ng isinasabuhay na pagpapahalaga sa pagiging miyembro ng Simbahang Katoliko.
1.2. Kasama sa mga serbisyo sa edukasyong Katoliko ang:
1.2.1.naka-target na suporta sa mga mag-aaral na tinasa ng paaralan na nangangailangan ng karagdagang tulong sa pagbasa't pagsulat (literacy) at pagbilang (numeracy). Ang antas ng suportang ibibigay ay tutukuyin nang may pagsasaalang-alang sa bilang ng mga mag-aaral na makikinabang sa tulong at sa mga mapagkukunang magagamit sa paaralan.
1.2.2. naka-target na suporta sa mga mag-aaral na tinasa ng paaralan na nangangailangan ng tulong sa panlipunan at emosyonal na pag-unlad. Ang antas ng suportang ibibigay ay tutukuyin nang may pagsasaalang-alang sa bilang ng mga mag-aaral na makikinabang sa tulong at sa mga mapagkukunang makukuha sa paaralan.
1.3. Ang mga magulang, guardian at tagapag-alaga, bilang mga unang tagapagturo ng kanilang mga anak, ay makikipagtulungan sa kolehiyo upang itaguyod at suportahan ang edukasyon ng kanilang anak. Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay dapat umako ng responsibilidad sa pagpapanatili ng pagtutulungang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa kolehiyo sa pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak na saklaw ng pagpaparehistro ng kolehiyo at pagpapasulong ng espirituwal at akademikong buhay ng kanilang mga anak.
2.1 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay kinakailangang magbigay ng partikular na impormasyon tungkol sa kanilang anak sa panahon ng pag-enrol, sa yugto ng aplikasyon at kung nag-alok na ng puwesto sa iyong anak ang kolehiyo. Pakitandaan na ang pagsumite ng enrollment form ay hindi garantiya na nakapag-enrol na sa kolehiyo.
Kung hindi naibigay ang impormasyong hinihingi, maaaring hindi makapag-enrol ng kolehiyo ang iyong anak.
2.2 Upang matugunan ang mga kahingian ng MACS at pamahalaan, ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay kailangang magbigay sa kolehiyo ng isang nakumpletong enrollment form kasama, bukod sa iba pang mga bagay, ang impormasyong nakalista sa ibaba:
• katibayan ng petsa ng kapanganakan ng iyong anak (hal. sertipiko ng kapanganakan, pasaporte)
• relihiyong kinabibilangan
• mga nakaraang college report (kung naaangkop)
• mga pangalan at tirahan ng bata at mga magulang/guardian/tagapag-alaga; mga numero ng telepono (tahanan, trabaho, mobile) ng mga magulang/guardian/tagapag- alaga
• mga pangalan ng matatawagan kung may emergency (emergency contacts) at ang kanilang mga detalye
• partikular na kaayusan sa paninirahan
• impormasyon tungkol sa (mga) wikang sinasalita at/o naririnig ng iyong anak sa bahay
• nasyonalidad at/o pagkamamamayan kabilang ang visa sub-class na ipinagkaloob sa pagpasok sa Australya (bago ibigay ang pagkamamamayan), kung saan naaangkop
• pangalan at numero ng telepono ng doktor
• mga pagsusuri, kondisyong medikal, pangangailangan sa kalusugan at kasaysayan ng pagbabakuna
• impormasyon tungkol sa karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral (hal. kung ang iyong anak ay nangangailangan ng karagdagang suporta kaugnay sa kadaliang kumilos, wika, pagpapaunlad ng mga kasanayang panlipunan, mga pangangailangan sa welfare, mapaghamong pag-uugali, mga pag-aangkop sa kurikulum, atbp.)
• mga kasunduan sa pagiging magulang o mga kautusan xx xxxxx, kabilang ang anumang mga kautusan para sa guardian.
Pagkatapos isumite ang enrolment form, maaaring humiling ang mga kawani ng kolehiyo ng karagdagang impormasyon, halimbawa kaugnay ng anumang mga kautusan sa pagiging magulang, mga kondisyong medikal o karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral na naitala sa enrolment form. Bilang karagdagan, kadalasan ay kapaki- pakinabang para sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga na dumalo sa isang pagpupulong kasama ng mga kawani ng kolehiyo bago ang pag-enrol upang talakayin ang anumang karagdagang mga pangangailangan na maaaring mayroon ang iyong anak. Maaaring ayusing magkaroon ng serbisyo ng interpreter, kung kinakailangan.
2.3 Alinsunod sa anumang natatanging paggamit ng pagpapasya ng MACS, ang pagkakasunud-sunod ng prayoridad para sa pag-enrol sa mga kolehiyo ng MACS ay nakadetalye sa Patakaran sa Pag-enrol ng kolehiyo.
3.1 Ang pagtatakda ng mga antas ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at iba pang mga sapilitang ad hoc na singil sa mga kolehiyo ng MACS ay responsibilidad ng paaralan alinsunod sa itinalagang mga kahingian ng MACS, na isinasaalang-alang ang inilaang pondo ng pamahalaan. Kadalasang sakop ng mga bayarin sa paaralan ang karamihan sa mga aktibidad na may kaugnayan sa kurikulum. Sa ilang mga kaso, maaaring kailangan ng mga karagdagang gastos para sa ilang mga ekskursiyon, kampo, aktibidad, at programa. Kung kinakailangan ng mga karagdagang pagbubuwis (levies) at singil, ipapaalam ng paaralan nang maaga sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga ang mga detalye ng gastos.
3.2 Ang paaralan ay nag-aalok ng ilang paraan para sa pagbabayad ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at mga ad hoc na singil upang mabawasan ang anumang pinansiyal na pasanin at upang tumulong sa pagpaplanong pinansyal. Kung nahihirapan kang tugunan ang kinakailangang pagbabayad ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at mga ad hoc na singil, malugod kang inaanyayahang talakayin ito sa punong-guro ng paaralan.
3.3 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay may pananagutan para sa pagbabayad ng lahat ng mga bayarin, pagbubuwis (levies) at mga singil na nauugnay sa pag-enrol at pagpasok ng mag-aaral sa paaralan, gaya ng nakapaloob sa Iskedyul ng Mga Bayarin, Pagbubuwis (levies), at Singil ng paaralan na ibinibigay sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga paminsan-minsan. Ang mga bayarin ay dapat bayaran
para sa isang bata upang makapag-enrol at upang magpatuloy sa pag-enrol sa paaralan. Ang paaralan ay maaaring magpasya kung papayagan ang isang mag-aaral na lumahok sa mga opsyonal o extracurricular na mga kaganapan sa paaralan, tulad ng mga may- bayad na ekskursiyon ng paaralan o mga ekstrakurikular na aktibidad, habang ang mga bayarin ay nananatiling dapat bayaran at mababayaran.
4. Pag-enrol kaugnay ng maximum na iksemsyon sa edad (maximum age exemption)
4.1 Ang mga patakaran at pamamaraan sa pag-enrol ng kolehiyo ay nilayon upang matiyak na kapag nag-eenrol ang mga mag-aaral, ang mga paaralan ng MACS ay sumusunod sa nauugnay na batas sa gobyerno ng Victoria at Australya. Sa pangkalahatan, ang isang taong mahigit sa 18 taong gulang ay hindi dapat ma-enrol sa, o pahintulutang pumasok sa isang paaralan ng MACS, o lumahok sa anumang programa o kursong isinasagawa maliban kung siya ay:
• nabigyan ng iksemsyon ng Executive Director o delegado ng MACS
• nakabilang sa iksemsyon sa mga kahingian sa maximum age.
4.2 Ang pag-apruba para sa iksemsyon sa maximum age ay ibibigay lamang sa mga pambihirang pagkakataon.
4.3 Ang aplikasyon para sa iksemsyon sa maximum age ay dapat gawin sa Maximum Age Exemption Application Form at isumite sa MACS Regional General Manager para sa pag- apruba ng Executive Director (o delegado).
5. Ligtas na kapaligiran ng bata
5.1 Ang mga komunidad ng mga kolehiyong Katoliko ay may responsibilidad na moral, legal, at inuudyok ng misyon na lumikha ng mga maarugang kapaligiran ng kolehiyo kung saan iginagalang ang mga bata, pinakikinggan ang kanilang mga tinig, at lugar kung saan sila ay ligtas at nakadarama na ligtas.
5.2 Bawat taong kaugnay sa edukasyong Katoliko, kabilang ang lahat ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa aming kolehiyo, ay may responsibilidad na unawain ang kahalagahan at partikular na papel na ginagampanan ng bawat isa nang mag-isa at nang sama-sama upang matiyak na ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga bata ay nasa unahan ng lahat ng kanilang ginagawa at bawat desisyon na kanilang gagawin.
5.3 Ang mga patakaran ng kolehiyo sa kaligtasan ng bata, mga koda ng pag-aasal at mga gawi ay nagtatakda ng pangako sa kaligtasan ng bata, at mga proseso para sa pagtukoy, pakikipag-usap, pag-uulat, at pagtugon sa pag-uugali at mga paratang ng pang-aabuso sa bata. Ang mga dokumentong ito ay nagsasaad ng malinaw na mga inaasahan mula sa lahat ng kawani at mga boluntaryo para sa naaangkop na pag-uugali sa mga mag-aaral upang mapangalagaan sila laban sa pang-aabuso.
5.4 Ang kolehiyo ay nagtatag ng mga kagawian sa human resources kung saan nauunawaan ng mga bagong recruit na kawani, kasalukuyang kawani at mga boluntaryo sa kolehiyo ang kahalagahan ng kaligtasan ng bata, sinanay sila upang mabawasan ang panganib ng pang-aabuso sa bata, at nalalaman xxxx xxx mga nauugnay na patakaran at pamamaraan ng kolehiyo. Ang kolehiyo ay nagbibigay din ng patuloy na pagsasanay, pangangasiwa at pagsubaybay sa mga kawani upang matiyak na sila ay angkop na makipagtulungan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng aming mga kagawian sa human resources.
5.5 Ang kolehiyo ay may matatag, nakabalangkas na mga proseso ng pamamahala sa panganib gaya ng itinakda ng MACS na tumutulong sa pagtatatag at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa bata, na kinabibilangan ng pagsasaalang-alang sa mga posibleng dahilan ng mga panganib na malawak ang pinagbabatayan, sa hanay ng mga konteksto, kapaligiran, relasyon, at aktibidad kung saan kasali dito ang mga mag-aaral sa loob ng aming kolehiyo.
5.6 Ang kolehiyo, sa pakikipagtulungan sa mga pamilya, ay tumitiyak na ang mga bata at kabataan ay nakikibahagi at mga aktibong kalahok sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, lalo na sa mga maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan. Nangangahulugan ito na ang mga pananaw ng mga kawani, mga bata, mga kabataan at mga pamilya ay sineseryoso, at ang kanilang mga alalahanin ay tinutugunan sa paraang makatarungan at napapanahon.
5.7 Ang mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo sa kaligtasan ng bata ay madaling makuha at ma-access. Ang karagdagang mga detalye sa pangangako ng MACS at komunidad ng edukasyong Katoliko sa kaligtasan ng bata sa buong Victoria ay maaaring ma-access sa:
• ang pahina sa kaligtasan ng bata ng Catholic Education Commission ng Victoria Ltd (Catholic Education Commission of Victoria) xxx.xxxx.xxxxxxxx.xxx.xx/Xxx- Schools/Child-Safety
• ang Catholic Education Commission ng Victoria Ltd (Catholic Education Commission of Victoria) Statement of Commitment to Child Safety xxxxx://xxx.xxxx.xxxxxxxx.xxx.xx/xxxxxxxx/x0x00000-00x0-0000-x00x- f14e50546a70/Commitment-Statement-A4.aspx (makukuha sa wikang Ingles, Arabo, Simplified Chinese, Tagalog, at Vietnamese)
• ang pahina ng MACS sa kaligtasan ng bata xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxx- Safety.aspx.
6.1 Ang pag-enrol ng mag-aaral, kapag naaprubahan na ng punong-guro ng kolehiyo, ay magsisimula sa taon ng pagpasok at magpapatuloy hanggang sa pagtatapos xx xxxxxx taon sa kolehiyo o hanggang sa bawiin o ipahinto ang pag-enrol ng mag-aaral.
7. Mga patakaran at pamamaraan
7.1 Lahat ng mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo sa pag-enrol ay makukuha sa website ng kolehiyo. Para sa mga layunin ng kasunduang ito, ang sanggunian sa mga Patakaran at Pamamaraan ng kolehiyo ay kinabibilangan din ng mga proseso, alituntunin, at anumang iba pang naaangkop na dokumentasyon ng pamamahala.
7.2 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay dapat sumunod at gawin ang lahat ng makatwirang hakbang upang itaguyod ang mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo, gaya ng ipinakilala o sinusugan paminsan-minsan, kabilang ang mga may kinalaman o tungkol sa:
(a) pangangalaga, kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral
(b) mga pamantayan sa pananamit, pag-aayos at hitsura
(c) mga hinaing at reklamo
(d) social media at paggamit ng mga sistema ng impormasyon, komunikasyon, at teknolohiya
(e) pag-uugali at pag-aasal ng mag-aaral at disiplina ng mga mag-aaral
(f) pag-uugali at pag-aasal ng magulang, kabilang ang anumang Koda ng Pag-aasal ng Magulang/Guardian/Tagapag-alaga na maaaring ilathala paminsan-minsan
(g) pagkapribado.
7.3 Ang kolehiyo ay may ganap na pagpapasya sa lahat ng pagpapatakbo at usaping pang- edukasyon at mga xxxx xxxx na natukoy ng lupong pamunuan nito, ang MACS, at napapailalim sa mga nauugnay na delegasyon sa punong-guro ng kolehiyo.
8. Mga tuntunin sa pag-enrol tungkol sa katanggap-tanggap na pag- uugali o pag-aasal
8.1 Ang kolehiyo ay isang komunidad na nagsisilbing halimbawa ng mga pinahahalagahan sa ebanghelyo na pagmamahal, pagpapatawad, katarungan at katotohanan. Kinikilala ng komunidad ngkolehiyo na ang bawat isa ay may karapatang igalang, magkaroon ng pakiramdam na ligtas at maging ligtas; at, sa bagay na ito, nauunawaan ang kanilang mga karapatan at kinikilala ang kanilang obligasyon na kumilos nang responsable.
8.2 Bawat tao sa kolehiyo ay may karapatang makaramdam na ligtas, maging masaya at matuto, kaya nilalayon naming:
• itaguyod ang mga pinahahalagahan na (tulad ng) katapatan, pagiging patas at paggalang sa iba
• kilalanin ang halaga ng lahat ng miyembro ng komunidad at ang kanilang karapatang magtrabaho at matuto sa isang positibong kapaligiran
• mapanatili ang mabuting kaayusan at pagkakaisa
• pagtibayin ang kooperasyon gayundin ang responsableng pagsasarili (independence) sa pag-aaral
• itaguyod ang disiplina sa sarili at magkaroon ng responsibilidad para sa sariling pag- uugali.
8.3 Ang MACS at ang administrasyon ng kolehiyo, sa pagsangguni sa komunidad ng kolehiyo kung naaangkop, ay magtatakda ng mga pamantayan sa pananamit, hitsura at pag-uugali para sa mga mag-aaral, na isinasaalang-alang ang katutubo, kultura, relihiyon o magkakaibang pinagmulan o kalagayan ng mag-aaral.
8.4 Bilang kondisyon sa pag-enrol ng iyong anak, sumasang-xxxx xxx mga magulang/guardian/tagapag-alaga na ang mag-aaral ay kinakailangang sumunod sa mga layunin ng kolehiyo sa pag-uugali at koda ng pag-aasal, at suportahan ang kolehiyo sa pagtataguyod ng mga itinakdang pamantayan sa pananamit, hitsura at pag-uugali at tiyakin ang pagsunod sa Koda ng Pag-aasal para sa mga Mag-aaral (Code of Conduct for Students).
8.5 Sumasang-xxxx xxx mga magulang/guardian/tagapag-alaga na maging responsable sa pagtiyak na alam ng mag-aaral ang lahat ng mga patakaran at pamamaraan na nalalapat sa mag-aaral, kabilang ang mga nauugnay sa pag-aasal at pag-uugali ng mag-aaral at anumang koda ng pag-aasal para sa mga mag-aaral, at aktibong suportahan ang kolehiyo sa pagpapatupad ng naturang mga patakaran, pamamaraan at mga koda ng pag-aasal.
8.6 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na susunod sa anumang koda ng pag-aasal para sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga o iba pang patakarang ipinapatupad ng kolehiyo paminsan-minsan na nagtatakda ng mga inaasahan ng kolehiyo sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga na may estudyanteng naka-enrol sa kolehiyo.
8.7 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang anumang hindi katanggap-tanggap na pag-uugali ng isang bata, o makabuluhan at/o paulit-ulit na pag- uugali ng isang magulang/guardian/tagapag-alaga na, sa pananaw ng kolehiyo, ay hindi katanggap-tanggap at nakakasira sa samahan ng magulang/guardian/tagapag-alaga at kolehiyo, o kung hindi man ay isang paglabag sa koda ng pag-aasal ng mag-aaral o sa koda ng pag-aasal ng magulang/guardian/tagapag-alaga ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde o pagkahinto ng pag-enrol ng mag-aaral.
9. Mga tuntunin ng pag-enrol hinggil sa pagsunod sa mga prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko
9.1 Bilang provider ng edukasyong Katoliko, isasaalang-alang ng punong-guro ang pangangailangan para sa komunidad ng kolehiyo na kumatawan at sumunod sa mga doktrina, paniniwala at prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko kapag gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga usapin ng pangangasiwa sa kolehiyo, kabilang ang pag- enrol. Ang mga mag-aaral at pamilya na miyembro ng ibang relihiyon ay malugod na tinatanggap sa kolehiyo. Gayunpaman, may karapatan ang MACS na gumamit ng administratibong pagpapasya kung naaangkop sa mga pangyayari upang suspindihin o ipahinto ang pag-enrol, kung kinakailangang gawin ito upang maiwasang makapinsala sa mga relihiyosong saloobin (sensitivity) ng komunidad ng kolehiyong Katoliko.
10. Mga tuntunin ng pag-enrol hinggil sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon
10.1 Napakahalagang alamin ng punong-guro ang mga indibidwal na kalagayan ng bawat mag-aaral hangga't nakakaapekto ang mga ito sa kaniyang pisikal, paggana,
pandamdamin, o pang-edukasyon na mga pangangailangan, lalo na kung ang kolehiyo ay kinakailangang magbigay ng karagdagang suporta sa mag-aaral.
10.2 Ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay dapat magbigay ng tumpak at napapanahon na impormasyon kapag kinukumpleto ang enrolment form at dapat magbigay sa kolehiyo, bago mag-enrol, ng anumang karagdagang impormasyon na maaaring hilingin, kabilang ang mga kopya ng mga dokumento tulad ng mga medikal/espesyalistang ulat (kung saan may kaugnayan sa pag-aaral ng bata), mga ulat mula sa mga nakaraang paaralan, mga kautusan xx xxxxx o mga kasunduan sa pagiging magulang. Ang pagbibigay ng hinihiling na dokumentasyon ay itinuturing na isang
kondisyon sa pag-enrol, at ang pag-enrol ay maaaring tanggihan o ipahinto kung ang isang magulang/guardian/tagapag-alaga ay hindi makatwirang tumatangging magbigay ng hinihiling na impormasyon o sadyang itinago ang mahalagang impormasyon sa kolehiyo.
10.3 Kung, sa panahon ng pag-enrol ng isang bata, ay may bagong impormasyong makukuha na mahalaga sa mga pangangailangang pang-edukasyon at/o kaligtasan at kapakanan ng bata, isang kondisyon sa patuloy na pag-enrol ng mag-aaral ay ibigay kaagad sa kolehiyo ang naturang impormasyon.
Ang hindi pagbibigay ng naturang impormasyon ay ituturing na paglabag sa mga tuntunin at kundisyon ng pag-enrol na ito.
10.4 Ang pabibigay ng hindi tamang address ng tirahan o hindi pagbibigay ng na-update na address ng tirahan para sa bata ay ituturing din bilang isang paglabag sa mga tuntunin ng pag-enrol.
10.5 Anumang paglabag sa mga tuntunin at kundisyon ng pag-enrol hinggil sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon na hindi naitama kapag hiniling ng kolehiyo ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde o pagkahinto ng pag-enrol.
11. Pag-enrol para sa mga batang may karagdagang pangangailangan
11.1 Tinatanggap ng kolehiyo ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga na gustong mag- enrol ng isang bata na may mga karagdagang pangangailangan at gagawin ang lahat ng posible upang matugunan ang mga pangangailangan ng bata, sa kondisyon na nagkaroon ng unawaan sa pagitan ng kolehiyo at mga magulang/guardian/tagapag-alaga bago ang pag-enrol tungkol sa:
• dahilan ng anumang nasuri o pinaghihinalaang medikal na kondisyon/kapansanan, o anumang iba pang mga pangyayari na may kaugnayan sa karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral ng bata, halimbawa, pagiging gifted o nakaranas ng trauma
• ang katangian ng anumang karagdagang tulong na irerekomenda o naaangkop na ibigay sa bata, halimbawa, kagamitang medikal o espesyalista, mga pagsangguni sa espesyalista, partikular na suporta sa welfare, mga pagbabago sa kapaligiran sa silid- aralan o kurikulum, tulong ng aide, mga programa sa pang-indibidwal na edukasyon, mga planong suporta sa pag-uugali o iba xxxx xxxx-edukasyon na interbensyon na maaaring mahalaga
• ang indibidwal na pisikal, paggana (functional), pandamdamin o pang-edukasyon na mga layunin na naaangkop sa bata, at kung paano magtutulungan ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga at ang kolehiyo upang makamit ang mga layuning ito
• anumang limitasyon sa kakayahan ng kolehiyo na magbigay ng karagdagang tulong na hiniling.
11.2 Ang pamamaraan sa pag-enrol ng mga mag-aaral na may mga karagdagang pangangailangan ay pareho sa pag-enrol ng sinumang mag-aaral.
11.3 Dahil maaaring magbago ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng bawat bata sa paglipas ng panahon, kadalasang kinakailangang suriin ng kolehiyo ang anumang karagdagang tulong na ibinibigay sa mag-aaral, sa pagsangguni sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga at sa mga gumagamot na medikal/kaalyadong propesyonal sa kalusugan ng bata, upang tasahin kung:
• ang karagdagang tulong ay nananatiling kailangan at/o naaangkop sa mga pangangailangan ng mag-aaral
• ang karagdagang tulong ay mayroong inaasahang positibong epekto sa indibidwal na pisikal, paggana (functional), pandamdamin o pang-edukasyon na mga layunin ng mag-aaral.
Depende ito sa kakayahan ng kolehiyo na ipagpatuloy ang pagbibigay ng karagdagang tulong, sa pagsasaalang-alang sa anumang umiiiral na mga limitasyon.
11.4 Upang suportahan ang mga pangangailangan sa pag-aaral at kagalingan ng isang bata, ang mga mag-aaral na may mga karagdagang pangangailangan ay maaaring maka- access ng mga serbisyo sa pagkonsulta sa pagtatasa ng pagkakaiba-iba sa pagkatuto na
nakatalaga sa paaralan at sa MACS kung matukoy na kinakailangan upang linawin ang kaniyang profile sa pag-aaral at patatagin ang kapasidad ng guro upang suportahan ang mga pangangailangan ng mag-aaral. Mangyaring sumangguni sa website ng MACS para sa karagdagang impormasyon: xxxxx://xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxxxxx-xxxx- Diverse-Learning-Needs.aspx
12.1 Iba't ibang pagkakataon ang ibinibigay upang panatilihing up-to-date ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa pag-unlad ng kanilang anak. Dalawang komprehensibong nakasulat na ulat ang ibibigay bawat taon at gagawin ang mga pagsasaayos para sa kahit isang panayam kung saan maaaring talakayin ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga ang pag-unlad ng kanilang anak sa guro nito. Bilang karagdagan, isang pulong ang maaaring ayusin kung mayroong anumang mga alalahanin o nais mong makatanggap ng update sa pag-unlad.
13.1 Ang kolehiyo ay may ganap na pagpapasya upang matukoy kung kailan nangangailangan ang pag-aasal ng mag-aaral ng aksyong pandisiplina. Maaaring maglapat ang kolehiyo ng mga hakbang sa pagdidisiplina na sa tingin nito ay angkop alinsunod sa mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo, na maaaring kabilang ang:
• pag-alis ng mga pribilehiyo
• pag-detention sa mga pagkakataong ipinapalagay ng punong-guro na naaangkop
• pag-aatas sa mag-aaral na gumawa ng karagdagang gawain sa kolehiyo sa karaniwang mga oras ng kolehiyo o pagkatapos ng mga ito
• pagsususpinde
• pagpapatalsik
• iba pang mga kahihinatnan na itinuturing ng kolehiyo na makatwiran at naaangkop.
13.2 Anumang malubhang pagkabigo ng mag-aaral na sumunod sa mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo ay maaaring makaapekto sa pag-enrol ng mag-aaral sa kolehiyo. Ang mag-aaral ay maaaring masuspinde sa pag-aaral sa kolehiyo, ang kaniyang pag-enrol ay maaaring ipahinto at/o ang kolehiyo ay maaaring maningil o panatilihin ang lahat o bahagi ng mga bayarin, buwis, o mga singil para sa terminong iyon.
14. Pagpapahinto ng kolehiyo sa pag-enrol ng mag-aaral
14.1 May karapatan ang kolehiyo na hilingin sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga na tanggalin ang mag-aaral sa kolehiyo o kanselahin ang pag-enrol ng mag-aaral anumang oras kung makatuwirang itinuturing ng kolehiyo na:
• hindi kasiya-siya ang pag-uugali, saloobin o pag-aasal ng mag-aaral sa mga gawain sa kolehiyo, iba pang mga aktibidad sa kolehiyo o habang pumapasok sa kolehiyo
• ang mag-aaral ay nagpakita ng hindi kasiya-siyang pag-uugali o pagganap, o maling pag-aasal
• nabigo ang mag-aaral na sumunod sa mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo o anumang koda ng kolehiyo sa pag-aasal ng mag-aaral
• ang ugnayang matiwala at may pagkakaisa na kapaki-pakinabang sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga at sa kolehiyo o alinman sa mga kawani nito ay nasira at nagdulot ng masamang epekto sa kolehiyo, sa sinuman sa mga kawani nito o sa kakayahan ng kolehiyo na magbigay ng kasiya-siyang serbisyong pang-edukasyon sa mag-aaral
• ang pag-unlad at paggampan ng mag-aaral ay nasa punto na hindi nakikinabang ang mag-aaral sa mga kursong akademiko na ibinibigay ng kolehiyo
• ang pag-uugali o pag-aasal ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga sa kolehiyo o sa sinuman sa mga kawani nito ay lumalabag sa anumang Koda ng Pag-aasal ng Magulang/Guardian/Tagapag-alaga
• kung ang anumang mga account o mga bayarin na babayaran ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay hindi nabayaran sa loob ng mga tuntunin ng
pagbabayad sa kolehiyo o sa mga tuntunin ng anumang nakasulat na kasunduan sa pagitan ng kolehiyo at ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga na nagpapahintulot sa nahuhuli o ipinagpaliban na pagbabayad
• may mga pangyayari kung saan ang patuloy na pag-enrol ng mag-aaral sa kolehiyo ay hindi na mapapanatili o hindi para sa pinakamahusay na interes ng mag-aaral o ng kolehiyo.
15. Proseso ng pag-apela sa mga desisyon sa pag-enrol
15.1 Ang Marymede Catholic College ay kinakailangang mapanatili ang isang patas, epektibo at mahusay na proseso ng paghawak ng mga reklamo upang matugunan ang mga reklamo tungkol sa pag-enrol at iba pang mga usapin sa kolehiyo.
15.2 Kung ang isang magulang/guardian/tagapag-alaga ng mag-aaral ay gustong mag-apela hinggil sa proseso ng pag-enrol at/o sa desisyon sa pag-enrol, pag-isipang talakayin ang mga alalahanin sa punong-guro o may-kinalamang tao sa pamamagitan ng pagsulat o paggawa ng appointment. Pakitiyak na ang may-kinalamang (mga) tao ay bibigyan ng makatwirang tagal ng panahon upang gawin ang mga hakbang na kinakailangan upang malutas o matugunan ang mga alalahanin. Mangyaring sumangguni sa patakaran o mga alituntunin sa paghawak ng mga reklamo ng Marymede Catholic College para sa karagdagang impormasyon.
15.3 Kung hindi malulutas ang usapin sa antas ng kolehiyo, pinapayuhan ang mga nagrereklamo na makipag-ugnayan sa may-kinalamang MACS Regional Office. O kaya naman, ang mga magulang/guardian/tagapag-alaga ay maaaring magsampa ng reklamo sa online at basahin ang patakaran ng MACS Complaint Handling sa xxxxx://xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxxxxxx-Xx/Xxxxxxxxxx.xxxx.
16.1 Ang kasunduan sa pag-enrol na ito ay bumubuo sa nag-iisa at buong kasunduan sa pagitan ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga at MACS kaugnay ng pag-enrol ng mag-aaral sa kolehiyo.
16.2 Kinikilala ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga na maaaring paminsan-minsan ay baguhin ng MACS ang mga tuntunin at kundisyon ng kasunduan sa pag-enrol na ito. Ang mga kaugnay na patakaran at mga Koda ng Pag-aasal ay nakalathala sa website ng paaralan. Aabisuhan ng paaralan ang mga magulang kapag na-update na sila.
16.3 Kinikilala ng mga magulang/guardian/tagapag-alaga na ang pag-enrol ng mag-aaral sa kolehiyo at ang kasunduang ito sa MACS ay maaaring wakasan kung sakaling magkaroon ng materyal na paglabag sa kasunduang ito o kung saan ang paglapat ng isa sa mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo ay nangangailangan o pinahihintulutan ang naturang pagpahinto.
16.4 Anumang warantiya, representasyon, garantiya o iba pang termino o kundisyon o anuman na hindi nakasaad sa kasunduang ito ay hindi kasama at walang puwersa o epekto.
16.5 Ang kasunduan ay napapailalim sa mga batas ng Estado ng Victoria, Australya.
• Sa paglagda ng Kasunduan sa Pag-enrol (Enrolment Agreement) na ito, kinikilala ko na papasok ako sa isang kasunduan sa Melbourne Archdiocese Catholic Schools Ltd (MACS), bilang may-ari at awtoridad na namamahala para sa kolehiyo, at naiintindihan at tinatanggap ko ang mga tuntunin at kundisyon ng pag-enrol na nakasaad dito sa Kasunduan sa Pag-enrol. Sumasang-xxxx ako na xxx xxxxx mga inaasahan, obligasyon at garantiya na hinihingi mula sa mga magulang/guardian/tagapag-alaga ng mga mag-aaral ng kolehiyo, upang magkaroon ng maayos na ugnayan.
• Tinatanggap xx xxx xxxx na pag-enrol ng aking anak sa kolehiyo sa taon ng pagpasok at antas ng pagpasok na nakasaad sa enrolment application form.
• Susuportahan at susundin ko ang lahat ng mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo ng MACS (kabilang ang mga proseso, mga alituntunin at iba pang dokumentasyon ng pamamahala), na sinususugan paminsan-minsan, kaugnay ng mga programa ng pag-aaral, palakasan, pangangalagang pastoral, uniporme ng kolehiyo, katanggap-tanggap na pag-uugali, kaligtasan ng bata, disiplina at pangkalahatang pagpapatakbo ng kolehiyo.
• Sisiguraduhin kong napapanatiling napapanahon ang impormasyong ibinigay ko sa buong panahon ng pag-enrol at aabisuhan ko kaagad ang kolehiyo ng anumang pagbabago sa impormasyong iyon (hal. pagbabago ng address ng tirahan, mga pagbabago sa mga kautusan sa pagiging magulang).
• Babayaran ko ang kasalukuyang mga bayarin sa kolehiyo at mga buwis (levies) para sa aking anak at magbabayad din ako ng anumang pag-iiba o pagtaas ng mga bayarin at singil na hinihingi ng kolehiyo, o kung hindi man ay aabisuhan ko kaagad ang kolehiyo kung ako ay nakakaranas ng mga problema sa pananalapi.
• Susuportahan ko ang paglahok ng aking anak sa relihiyosong buhay ng kolehiyo (hal. mga liturhiya sa kolehiyo, mga programang pag-retreat).
• Dadalo ako sa mga gabi ng magulang/guro at impormasyon na nauugnay sa aking anak.
• Lalahok ako sa working bee isang beses sa isang taon o magbibigay ng pinansiyal na kontribusyon.
• Kung sakaling mayroon akong anumang mga alalahanin, sasabihin ko muna ang mga ito sa may-kinalamang guro o sa punong-guro ng kolehiyo.
• Tatratuhin ko ang lahat ng miyembro ng komunidad ng kolehiyo nang may paggalang na nararapat sa isang kolehiyong Katoliko.
• Kung sa oras ng mga emerhensya, aksidente o malubhang karamdaman ay hindi ako makontak, binibigyan ko ng pahintulot ang punong-guro (o ang kaniyang kinatawan) na humingi ng medikal na atensyon para sa aking anak kung kinakailangan (na maaaring kabilang ang transportasyon sa pinakamalapit na ospital, medical centre o doktor sa pamamagitan ng ambulansya o pribadong sasakyan). Naiintindihan ko rin na ang mga lumagda sa ibaba ay kinakailangang matugunan ang anumang mga gastos na natamo.
• Bilang magulang/guardian/tagapag-alaga, susuportahan ko ang pananaw ng MACS, kolehiyo at parokya. Sa pagtanggap ng pag-enrol, sumasang-xxxx akong susunod sa lahat ng mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo at MACS na regular na sinusuri at maaaring magbago alinsunod sa pagpapasya ng kolehiyo. Makikipagtulungan ako sa kolehiyo upang suportahan ang mga pangangailangang pang-akademiko/panlipunan/pag-uugali ng aking anak. Naiintindihan ko na ang kahihinatnan ng hindi pagsunod sa mga patakaran at pamamaraan ng MACS at ng kolehiyo ay maaaring magresulta sa pagpapahinto ng pag-enrol.
• Nabasa at naunawaan ko ang Koda ng Pag-aasal ng Magulang/Guardian/Tagapag-alaga at ang mga pamantayan para sa pagpapahinto ng pag-enrol xxxx sa nakasaad sa mga patakaran at/o pamamaraan ng Marymede Catholic College at sumasang-xxxx na susunod sa inaasahang pag-uugali at pag-aasal ng magulang/guardian/tagapag-alaga, kabilang ang anumang Koda ng Pag-aasal para sa Magulang/Guardian/Tagapag-alaga na maaaring ilathala paminsan-minsan sa website ng paaralan at ipanaaalam sa mga magulang.
• Tinatanggap ko na babasahin at uunawain ng aking anak ang Koda ng Pag-aasal ng Mag-aaral at sasang-xxxx na susunod sa inaasahang pag-uugali at pag-aasal ng mag-aaral, kabilang ang anumang Koda ng Pag-aasal ng Mag-aaral na maaaring ilathala paminsan-minsan sa website ng paaralan at ipinaaalam sa mga magulang.
• Naiintindihan ko na kung may anumang mapanlinlang na impormasyong ibinigay, o anumang pagkukulang sa mahalagang impormasyon na ginawa sa aplikasyon para sa pag-enrol, ang pagtanggap ay hindi ipagkakaloob; o, kung natuklasan ito pagkatapos ng pagtanggap, ang pag- enrol ay maaaring bawiin.
Magulang 1/guardian 1/tagapag-alaga 1 Lagda: | Petsa: |
Magulang 2/guardian 2/tagapag-alaga 2 Lagda:
Petsa:
Lagda ng mag-aaral | Petsa: |