Kolbe Catholic College
Kolbe Catholic College
Kasunduan sa Pagpapatala –
Sekondarya
Xxx Xxxxx Catholic College ay isang kolehiyo na pinapagana na may pahintulot ng Arsobispong Katoliko ng Melbourne at pag-aari, pinatatakbo at pinangangasiwaan ng Melbourne Archdiocese Catholic Schools Ltd (MACS).
Mga Tuntunin at Kondisyon sa Pagpapatala (Enrolment)
1. Mga serbisyong pang-edukasyon
1.1 Ang edukasyong Katoliko ay mahalaga sa misyon ng Simbahan. Ito ay isang paraan kung papaano ginagampanan ng Simbahan ang kanyang tungkulin na tumulong sa mga tao upang matuklasan at mayakap ang kabuuan ng buhay xxx Xxxxxx. Ang mga paaralang MACS ay naghahandog ng malawak, komprehensibong kurikulum na puno ng tunay na pag-uunawang Katoliko ni Kristo at ng kanyang pagtuturo, pati na rin ang mabuhay nang may pagpapahalaga ng pagiging kasapi ng Simbahang Katoliko.
1.2 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga, bilang mga unang guro ng kanilang mga anak, ay papasok sa isang samahan na kasama ang kolehiyo upang isulong at suportahan ang edukasyon ng kanilang anak. Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay kailangang gampanan ang responsibilidad sa pagpapanatili ng samahang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa kolehiyo sa pamimigay ng edukasyon sa kanilang mga anak sa loob ng saklaw ng pagpaparehistro ng kolehiyo at pagpapasulong sa espiritwal at akademikong buhay ng kanilang mga anak.
2. Pagpapatala (Enrolment)
2.1 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay kinakailangang magbigay ng partikular na impormasyon tungkol sa kanilang anak sa panahon ng pagpapatala, pareho habang nag-aaplay at kapag inalok ng kolehiyo ang iyong anak ng puwesto. Tandaan na ang paghahain ng porma ng pagpapatala (enrolment form) ay hindi garantiya ng enrolment sa kolehiyo. Kung ang kahilingang impormasyon ay hindi maibigay, maaaring hindi mapatala ng kolehiyo ang inyong anak.
2.2 Upang matugunan ang mga pangangailangan ng MACS at ng pamahalaan, ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay kailangang magbigay sa kolehiyo ng kumpletong enrolment form, kasama, bukod sa iba pang mga bagay, ang impormasyong nakalista sa ibaba:
• ebidensiya ng petsa ng kapanganakan ng iyong anak (hal. katibayan ng kapanganakan, pasaporte)
• relihiyosong denominasyon
• dating mga ulat ng paaralan (kung naaangkop)
• mga pangalan at mga tirahan ng bata at mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga; mga numero ng telepono (bahay, trabaho, mobile) ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag- alaga
• mga pangalan at detalye ng mga kontak sa emerhensya
• partikular na pagsasaayos ng tirahan
• impormasyon tungkol sa mga wikang sinasalita ng iyong anak at/o naririnig sa bahay
• nasyonalidad at/o pagkamamamayan kabilang ang visa sub-class na ipinagkaloob pagpasok sa Australya (bago maging ganap na mamamayan), kung saan naaangkop
• pangalan at numero ng telepono ng doktor
• mga kondisyong medikal, kabilang ang kasaysayan ng pagbabakuna
• impormasyon tungkol sa karagdagang pangangailangan sa pag-aaral (hal. kung nangangailangan ang iyong anak ng karagdagang suporta kaugnay sa pagkilos, wika, pag-unlad sa pakikisalamuha, mga pangangailangan sa kapakanan, mapaghamong pag-uugali, mga pagsasaayos sa kurikulum, atbp.)
• mga kasunduan sa pagiging magulang (parenting orders) o mga kautusan xx xxxxx (court order), kabilang ang anumang mga kautusan sa pangangalaga.
Pagkatapos maghain ng enrolment form, maaaring humiling ang mga kawani ng kolehiyo ng karagdagang impormasyon, halimbawa, kaugnay sa anumang mga parenting order, mga kondisyong medikal o karagdagang mga pangangailangan sa pag-aaral na nakasaad sa porma ng pagpapatala. Bilang karagdagan, kadalasang nakakatulong para sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na dumalo sa pagpupulong kasama ang mga kawani ng kolehiyo bago ang pagpapatala upang pag-usapan ang anumang karagdagang mga pangangailangan na mayroon ang iyong anak. Maaaring makipag-ayos ng isang interpreter, kung kinakailangan.
2.3 Alinsunod sa anumang espesyal na pagpapatupad ng pagpapasya ng MACS, ang pagkakasunod- sunod ng priyoridad para sa pagpapatala sa mga paaralan ng MACS ay nakadetalye sa Patakaran ng Pagpapatala sa kolehiyo.
3. Mga bayarin
3.1 Ang pagtatakda ng mga antas ng mga bayarin, mga buwis at iba pang mga pansamantalang mga singil sa mga paaralan ng MACS ay responsabilidad ng kolehiyo sa loob ng itinakdang mga pangangailangan ng MACS, isinasang-alang-alang ang alokasyon ng mga pondo ng pampamahalaan. Nagbibigay ang kolehiyo ng ilang paraan sa pagbabayad ng mga bayarin, mga buwis at mga pansamantalang mga singil upang mabawasan ang anumang pasaning pinansiyal at upang makatulong sa pagpaplanong pinansiyal. Kung nahihirapan kang matugunan ang pagbabayad ng mga bayarin, mga buwis at pansamantalang mga singil, maaari mong talakayin ito kasama ang punong-guro ng kolehiyo.
3.2 Ang mga magulang/ mga katiwala/ mga tagapag-alaga ay responsable sa pagbabayad ng lahat ng mga bayarin, mga buwis at mga singil na nauugnay sa pagpapatala at pagpasok ng estudyante sa kolehiyo, gaya ng nakalagay sa Iskedyul ng mga Bayarin, Buwis at Singilin (Fees, Levies and Charges Schedule) ng kolehiyo na ibinibigay sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga sa pana-panahon. Ang mga bayarin ay dapat bayaran upang makapagpatala at makapagpatuloy ng pagpapatala ang bata sa kolehiyo. Ang kolehiyo ang makapagpapasya kung papayagan ang isang estudyante na sumali sa opsyonal o mga pangyayaring ekstrakurikular ng paaralan, gaya ng mga binabayarang ekskursiyon ng kolehiyo o mga ekstrakurikular na aktibidad, habang ang mga bayarin ay nananatiling hindi pa bayad at babayarin pa.
4. Iksemsyon para sa pinakamatandang edad
4.1 Ang mga patakaran at pamamaraan ng pagpapatala sa kolehiyo ay naglalayong matiyak na, kung nagpapatala ng mga mag-aaral, ang mga paaralan ng MACS ay sumusunod sa nauugnay na batas ng pamahalaan ng Victoria at Australya. Sa pangkahalatan, ang taong may edad na higit sa 18 taong gulang ay hindi dapat nakatala, o pinapayagang dumalo sa paaralan ng MACS, o makisali sa anumang programa o kursong isinasagawa maliban kung sila ay:
• binigyan ng iksemsyon ng MACS Executive Director o kinatawan
• sakop sa iksemsyon ng pangangailangan sa pinakamatandang edad.
4.2 Ang pag-apruba ng mga iksemsyon para sa pinakamatandang edad ay ibibigay lamang sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
4.3 Ang aplikasyon sa iksemsyon para sa pinakamatandang edad ay dapat gawin sa Maximum Age Exemption Application Form at isumite sa MACS Regional General Manager.
5. Ligtas na kapaligiran para sa bata
5.1 Ang mga komunidad ng kolehiyog Katoliko ay mayroong pananagutang moral, ligal at himok ng misyon upang bumuo ng mga mapag-arugang kapaligiran sa kolehiyo kung saan ang mga bata ay iginagalang, pinapakinggan at ligtas at nakadarama ng kaligtasan.
5.2 Bawat taong kasama sa edukasyong Katoliko, kabilang ang lahat ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ating kolehiyo, ay may pananagutan na maunawaan ang kahalagahan at partikular na tungkuling ginagampanan xxxx xxxxxx indibidwal at sama-sama upang matiyak na ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga bata ay pangunahin sa lahat ng kanilang ginagawa at sa bawat desisyon na kanilang ginagawa.
5.3 Ang mga patakaran ng kolehiyo para sa kaligtasan ng bata, mga alituntunin ng pag-uugali (Codes of Conduct) at pagsasagawa ay nagtatakda ng pangako sa kaligtasan ng bata, at ang mga proseso para sa pagkilala, pagbibigay-alam, pag-uulat at pagtugon sa nakababahalang asal at mga paratang ng pang-aabuso sa bata. Ang mga dokumentong ito ay nagtatatag nang malinaw na inaasahan para sa lahat ng kawani at mga boluntaryo sa nararapat na pakikitungo sa mga mag- aaral upang mapangalagaan sila laban sa pang-aabuso.
5.4 Nagtatag ang kolehiyo ng mga pagsasagawa ng human resources kung saan ang mga bagong kawani, mga kasalukuyang kawani at mga boluntaryo sa kolehiyo ay nauunawaan ang kahalagahan ng kaligtasan ng bata, sinasanay na mabawasan ang panganib ng pang-aabuso sa bata, at may kamalayan sa mga nauugnay na patakaran at pamamaraan ng kolehiyo. Nagbibigay din ang kolehiyo ng patuloy na pagsasanay, pangangasiwa at pagsusubaybay sa mga kawani upang matiyak na sila ay karapatdapat na magtrabaho kasama ang mga mag-aaral bilang bahagi ng mga pagsasagawa ng human resources.
5.5 Ang kolehiyo ay mayroong mga matatag, nakabalangkas na mga proseso ng pangangasiwa ng panganib (risk management) na iniutos ng MACS na tumulong na magtatag at mapanatili ang ligtas na kapaligiran ng bata, na kinabibilangan ng pagsasaalang-alang sa mga posibleng malawakang kadahilanan ng panganib sa isang malawak na saklaw ng mga konteksto, mga kapaligiran, mga relasyon at mga aktibidad na ginagalawan ng mga mag-aaral sa aming kolehiyo.
5.6 Ang kolehiyo, kasama ang mga pamilya, ay tinitiyak na ang mga bata at mga kabataan ay kasali at aktibong kalahok sa paggawa ng desisyon, lalo na sa mga maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan. Ito ay nangangahulugan na ang mga pananaw ng mga kawani, ng mga bata, mga kabataan at mga pamilya ay sineseryoso at ang kanilang mga alalahanin ay tinutugunan sa isang makatuwiran at napapanahong paraan.
5.7 Ang mga patakaran at pamamaraan ng kolehiyo sa mga bata ay madaling magamit at ma-access. Ang mga karagdagang detalye sa pangako ng MACS at komunidad ng edukasyong Katoliko, sa kaligtasan ng mga bata sa buong Victoria, ay maaaring makuha sa:
• pahina ng Catholic Education Commission of Victoria Ltd sa kaligtasan ng bata xxx.xxxx.xxxxxxxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxx-Xxxxxx
• ang pahina ng MACS sa kaligtasan ng bata xxx.xxxx.xxx.xxx.xx/Xxx-Xxxxxxx/Xxxxx- Safety.aspx.
6. Panahon ng pagpapatala
6.1 Ang pagpapatala ng estudyante, kapag naaprubahan na ng punong-guro ng kolehiyo, ay magsisimula sa taon ng pagpasok at magpapatuloy hanggang sa pagkumpleto xx xxxxxx taon sa kolehiyo o kung hindi man, ay hanggang ang pagpapatala ng estudyante ay binawi o itinigil.
7. Mga patakaran at mga pamamaraan
7.1 Lahat ng mga patakaran at mga pamamaraan ng kolehiyo ay makukuha sa website ng kolehiyo. Para sa mga layunin ng kasunduang ito, kasama rin sa pagsangguni sa mga Patakaran at
Pamamaraan ng kolehiyo, ang mga proseso, mga alituntunin at anumang iba pang naaangkop na dokumentasyon sa pamamahala.
7.2 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay dapat sumunod at gawin ang lahat ng makatwirang mga hakbang upang panindigan ang mga patakaran at mga pamamaraan ng kolehiyo, xxxx sa pinapatupad o binabago sa panapanahon, kabilang ang mga may kinalaman o tungkol sa:
a) pangangalaga, kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral
b) mga pamantayan sa pananamit, pag-aayos at hitsura
c) mga hinaing at mga reklamo
d) social media at ang paggamit ng impormasyon, komunikasyon at mga sistema ng teknolohiya
e) pag-aasal at pag-uugali at disiplina ng mga mag-aaral
f) pag-aasal at pag-uugali ng magulang, kabilang ang anumang Code of Conduct ng Magulang/Katiwala/Tagapag-alaga na maaaring ilathala sa panapanahon
g) pagkapribado.
7.3 Ang kolehiyo ang may ganap na pagpapasya sa lahat ng kanyang mga usaping pang-operasyon at pang-edukasyon at mga handog xxxx sa disisyon ng namamahala nitong lupon, ang MACS, at napapailalim sa mga naaakmang pagtatalaga sa punong-guro ng kolehiyo.
8. Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa wastong pag-uugali o pag-aasal
8.1 Ang kolehiyo ay isang komunidad na nagbibigay ng halimbawa ng pagpapahalaga ng ebanghelyo sa pagmamahal, pagpapatawad, hustisya, at katotohanan. Kinikilala ng komunidad ng kolehiyo na ang bawat isa ay may karapatang igalang, makaramdam ng kaligtasan at maging ligtas; at, patungkol dito, nauunawaan ang kanilang mga karapatan at kinikilala ang kanilang obligasyon na kumilos nang responsable.
8.2 Ang bawat tao sa kolehiyo ay may karapatang makaramdam ng kaligtasan, maging masaya at matuto, kaya layunin namin na:
• itaguyod ang mga prinsipyo ng katapatan, pagkamatarungan at paggalang sa iba
• kilalanin ang halaga ng lahat na miyembro ng komunidad at ang kanilang karapatang magtrabaho at matuto sa isang positibong kapaligiran
• panatilihin ang mabuting kaayusan at pagkakaisa
• pagtibayin ang pagtutulungan at responsableng kalayaaan sa pag-aaral
• Itaguyod ang sariling disiplina at buuin ang pananagutan para sa sariling pag-uugali.
8.3 Ang MACS at ang administrasyon ng kolehiyo, sa pakikipag-talakayan sa komunidad ng kolehiyo kung saan man nararapat, ay magpapatupad ng mga pamantayan sa pananamit, hitsura at pag- uugali para sa mga mag-aaral.
8.4 Bilang isang tuntunin ng pagpapatala ng iyong anak, ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang estudyante ay kailangang sumunod xxxx sa mga layunin ng kolehiyo sa pag-uugali at Code of Conduct, at suportahan ang kolehiyo sa pagpapatupad ng tagubilin sa pamantayan ng pananamit, hitsura at pag-uugali at siguruhin ang pagsunod sa mga Code of Conduct para sa mga Estudyante.
8.5 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na maging responsable na tiyakin na alam ng estudyante ang lahat ng mga patakaran at mga pamamaraan na nalalapat sa estudyante, kabilang iyong mga may kaugnayan sa pag-aasal at pag-uugali ng mag-aaral at anumang Code of Conduct para sa mga mag-aaral, at aktibong suportahan ang kolehiyo sa pagpapatupad ng mga naturang patakaran, mga pamamaraan at mga Code of Conduct.
8.6 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na sumunod sa anumang Koda ng Pag-uugali (Code of Conduct) para sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga o iba pang mga patakaran na ipinapatupad ng kolehiyo nang pana-panahon, na nagtatakda ng mga inaasahan nito sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na mayroong estudyanteng nakatala sa kolehiyo.
8.7 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay sumasang-xxxx na ang anumang hindi katanggap-tanggap na pag-uugali ng bata, o makabuluhan at/o paulit-ulit na pag-uugali ng magulang/ katiwala/tagapag-alaga, na sa paningin ng kolehiyo, ay hindi katanggap-tanggap o makakasira sa samahan ng magulang/katiwala/tagapag-alaga at kolehiyo, o kung hindi man, ay labag sa Code of Conduct ng estudyante o sa Code of Conduct ng magulang/katiwala/tagapag- alaga ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde o pagwawakas ng pagpapatala ng estudyante.
9. Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa pagsunod sa mga prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko
9.1 Bilang tagapagbigay ng edukasyong Katoliko, kapag nagsasagawa ng mga pagpapasya patungkol sa mga usapin ng pamamahala ng kolehiyo, kabilang ang pagpapatala, isasaalang-alang ng punong-guro ang pangangailangan ng komunidad ng kolehiyo upang kumatawan at sumunod sa mga doktrina, paniniwala at prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko. Ang mga mag-aaral at mga pamilya na miyembro ng ibang relihiyon ay malugod na tinatanggap sa kolehiyo. Gayunpaman, inilalaan ng MACS ang karapatan na magsagawa ng desisyong administratibo na naaangkop sa mga pangyayari upang suspindihin o wakasan ang pagpapatala, kung saan man ito ay kinakailangang gawin upang maiwasan ang pinsala sa mga relihiyosong sensibilidad ng komunidad ng Katolikong kolehiyo.
10. Mga tuntunin ng pagpapatala patungkol sa pagbibigay ng tamang impormasyon
10.1 Napakamahalaga na malaman ng punong-guro ang kalagayan ng bawat mag-aaral, dahil ang mga ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pisikal, paggawa, emosyonal o pang-edukasyon na mga pangangailangan, lalo na kung saan ang kolehiyo ay kinakailangang magbigay ng karagdagang suporta sa estudyante.
10.2 Ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay dapat magbigay ng tumpak at pangkasalukuyang impormasyon kapag kinukumpleto ang porma ng pagpapatala at dapat maibigay sa kolehiyo, bago ang pagpapatala, ang anumang karagdagang impormasyon na maaaring hilingin, kabilang ang mga kopya ng mga dokumento tulad ng mga ulat na medikal/espesyalista (kung nauugnay sa pag-aaral ng bata), mga ulat mula sa mga dating paaralan, mga kautusan xx xxxxx (court order) o mga kautusang pangmagulang (parenting order). Ang pagbibigay ng hiniling na dokumentasyon ay itinuturing na kondisyon ng pagpapatala, at ang pagpapatala ay maaaring tanggihan o wakasan kung ang magulang/katiwala/tagapag-alaga ay hindi makatwirang tumangging magbigay ng hinihiling na impormasyon o sadyang hindi nagbigay ng nauugnay na impormasyon sa kolehiyo.
10.3 Kung, sa panahon habang nagpapatala ng isang bata, nagkaroon ng bagong impormasyon na mahalaga sa mga pangangailangang pang-edukasyon at/o kaligtasan at kapakanan, ito ay isang tuntunin sa pagpapatuloy ng pagpapatala ng mag-aaral na ang naturang impormasyon ay maibigay kaagad sa kolehiyo. Ang hindi pagbibigay ng naturang impormasyon ay ituturing na paglabag sa mga tuntunin at mga kondisyon ng pagpapatala.
10.4 Ang pagbibigay ng hindi tumpak na address ng tirahan o hindi pagbibigay ng binagong address ng tirahan para sa bata ay ituturing din na isang paglabag sa mga tuntunin ng pagpapatala.
10.5 Anumang paglabag sa mga tuntunin at mga kondisyon ng pagpapatala patungkol sa pagbibigay ng tumpak na impormasyon na hindi inayos kapag hiniling ng kolehiyo ay maaaring magresulta sa pagsususpinde o pagwawakas ng pagpapatala.
11. Pagpapatala sa mga batang may mga karagdagang pangangailangan
11.1 Tinatanggap ng kolehiyo ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na nais na ipatala ang bata na may mga karagdagang pangangailangan at gagawin ang lahat na posible upang matugunan ang mga pangangailangan ng bata, sa kondisyon na narating ang isang pagkakaunawaan sa pagitan ng kolehiyo at mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga bago ang pagpapatala patungkol sa:
• ang katangian ng anumang na-diagnose o pinaghihinalaang medikal na kondisyon/kapansanan, o anumang ibang mga kalagayan na nauugnay sa karagdagang pangangailangan sa pag-aaral ng bata, halimbawa, pambihirang talino (giftedness) o karanasan ng trauma
• ang katangian ng anumang karagdagang tulong na inirerekomenda o nararapat na ibigay sa bata. Halimbawa, kagamitang medikal o espesyalista, mga pagsangguni sa espesyalista, partikular na suporta sa kapakanan (welfare support), mga pagbabago sa paligid ng silid- aralan o kurikulum, karagdagang katulong, mga indibidwal na programa sa edukasyon, mga planong suporta ng pag-uugali o iba pang mga pamamagitang pang-edukasyon na naaangkop
• ang indibidwal na pisikal, pagsasagawa, emosyonal o pang-edukasyon na mga layunin, na nararapat sa bata, at kung paano magtutulungan bilang samahan ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ang kolehiyo upang makamit ang mga layuning ito
• anumang mga limitasyon sa kakayahan ng kolehiyo na maibigay ang karagdagang tulong na hinihiling.
11.2 Ang pamamaraan para sa pagpapatala ng mga estudyanteng may mga karagdagang pangangailangan, kung hindi man, ay katulad ng pagpapatala ng sinumang mag-aaral.
11.3 Dahil ang pangangailangan sa edukasyon ng bawat bata ay nagbabago sa paglipas ng panahon, kadalasan ay kinakailangang repasuhin ng kolehiyo ang anumang karagdagang tulong na ibinibigay sa mag-aaral, na may pagkunsulta sa mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at mga medikal/kaalyadong mga propesyonal sa kalusugan na gumagamot sa bata, upang masuri kung:
• ang karagdagang tulong ay mananatiling kailangan at/o naaangkop sa mga pangangailangan ng mag-aaral
• ang karagdagang tulong ay magkakaroon ng inaasahang positibong epekto sa indibidwal na pisikal, pagsasagawa, emosyonal o pang-edukasyon na mga layunin ng estudyante.
Mananatili sa loob ng kakayahan ng kolehiyo na ipagpatuloy ang pagbibigay sa karagdagang tulong, kahit anupamang mga limitasyon ang umiiral.
12. Pagtatasa at mga pagbabalita
12.1 Iba’t-ibang mga pagkakataon ang ibibigay upang mapanatiling nababalitaan ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga sa pag-unlad ng kanilang anak. Dalawang komprehensibong sinulat na mga ulat ang ibibigay bawat taon at gagawin ang mga pagsasaayos upang magkaroon ng kahit isa lamang na pakikipanayam kung saan ang mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay maaaring talakayin ang pag-unlad ng kanilang anak sa kanyang guro. Bukod pa dito, maaaring mag-ayos ng isang pagpupulong kung mayroong anumang mga alalahanin o kung nais mong makatanggap ng balita sa pag-unlad.
13. Disiplina
13.1 Ang kolehiyo xxx xxx xxxxxx pagpapasya upang matukoy kung ang pag-uugali ng mag-aaral ay nararapat na bigyan ng aksiyong pagdidisiplina. Maaaring gumamit ang kolehiyo ng mga
hakbang sa pagdidisiplina na sa palagay nito ay nararapat alinsunod sa mga patakaran at mga pamamaraan ng kolehiyo, na maaaring kabilang ang:
• pagbawi ng mga pribilehiyo
• detensyon sa mga pakakataong sa palagay ng punong-guro ay naaangkop
• atasan ang estudyante na gumawa ng karagdagang gawaing pampaaralan habang o pagkatapos ng karaniwang oras ng pag-aaral
• pagsuspinde
• pagpatalsik
• iba pang mga kahihinatnan na itinuturing ng kolehiyo na makatwiran at nararapat.
13.2 Anumang malubhang kabiguan ng estudyante na sumunod sa mga patakaran at mga pamamaraan ng kolehiyo ay maaaring makaapekto sa pagpapatala ng mag-aaral sa kolehiyo. Maaaring masuspinde ang mag-aaral sa kolehiyo, ang kanilang pagpapatala ay maaaring wakasan at/o maaaring singilin o panatilihin ng kolehiyo ang lahat o bahagi ng mga bayarin, mga buwis o singilin para sa terminong iyon.
14. Pagwawakas ng kolehiyo sa pagpapatala ng estudyante
14.1 Inilalaan ng kolehiyo ang karapatan na atasan ang mga magulang/mga katiwala/mga taga-alaga na alisin ang estudyante mula sa kolehiyo o kanselahin ang pagpapatala ng estudyante sa anumang oras kung makatwirang itinuturing ng kolehiyo na:
• ang pag-uugali, pagkilos o pag-asal ng mag-aaral sa gawaing pampaaralan, iba pang mga aktibidad sa kolehiyo o habang pumapasok sa kolehiyo ay hindi wasto
• ang mag-aaral ay nagpapakita ng hindi wastong pag-asal o pagkilos, o masamang ugali
• nabigo ang mag-aaral na sundin ang mga patakaran at mga pamamaraan ng kolehiyo o anumang Code of Conduct ng kolehiyo, para sa estudyante.
• ang kapwa kapaki-pakinabang na relasyon na may pagtitiwala at pagtutulungan sa pagitan ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ng kolehiyo o sinuman sa mga kawani nito, ay nasira hanggang sa magdulot ito ng masamang epekto sa kolehiyo, sinuman sa mga kawani nito o ang kakayahan ng kolehiyo na magbigay ng wastong serbisyong pang- edukasyon sa mag-aaral
• ang pag-unlad at kagalingan ng mag-aaral ay ganoon na ang estudyante ay hindi nakikinabang sa mga kursong akademiko na ibinibigay ng kolehiyo
• ang gawi o asal ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga sa kolehiyo o sa sinumang kawani nito ay labag sa anumang Code of Conduct ng magulang/katiwala/taga- alaga
• kung ang anumang mga pagkakautang o mga babayarang bayarin ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga ay hindi nabayaran xxxx sa mga tuntunin ng kolehiyo sa pagbabayad x xxxx sa mga tuntunin ng anumang sinulat na kasunduan sa pagitan ng kolehiyo at ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na nagpapahintulot ng pagkaantala o pagkaliban na pagbabayad
• may mga pangyayaring umiiral na kung saan ang nagpapatuloy na pagpapatala ng mag-aaral sa kolehiyo ay itinuturing na hindi mapapanatili o hindi sa pinakamabuting kapakanan ng estudyante o kolehiyo.
15. Pangkalahatan
15.1 Ang kasunduan sa pagpapatalang ito ay bumubuo sa nag-iisa at buong kasunduan sa pagitan ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga at ng MACS kaugnay sa pagpapatala ng estudyante sa kolehiyo.
15.2 Kinikilala ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na maaaring baguhin ng MACS ang mga tuntunin at mga kondisyon nitong kasunduan sa pagpapatala, nang pana-panahon.
15.3 Kinikilala ng mga magulang/mga katiwala/mga tagapag-alaga na ang pagpapatala ng mag-aaral sa kolehiyo at ang kasunduang ito sa MACS ay maaaring wakasan kung sakaling magkaroon ng isang materyal na paglabag sa kasunduang ito o kung ang paggamit ng isa sa mga patakaran at mga pamamaraan ng kolehiyo ay nangangailangan o nagpapahintulot sa naturang pagwawakas.
15.4 Ang anumang warranty, representasyon, garantiya o iba pang tuntunin o kondisyon na hindi nakapaloob sa kasunduang ito ay hindi kasama at walang bisa o epekto.
15.5 Ang kasunduan ay pinamamahalaan ng mga batas ng Estado ng Victoria, Australya.