Pormularyo ng Pagdesisyon sa Pag-alis sa Internet
Pormularyo ng Pagdesisyon sa Pag-alis sa Internet
Bago magkaroon ng paggamit sa network ng Distrito, ang mga mag-aaral ay kailangang pumirma sa Kasunduan sa Paggamit ng Network na kinabibilangan ng paggamit ng network ng Distrito at paggamit ng internet (Patakaran ng Lupon No. 2022 at Patakaran ng Lupon 3540). Ang Patakaran ng Lupon 3540 ay nagbibigay sa mga magulang /tagapag-alaga ng pagpili ng “desisyon na umalis” sa paggamit ng internet.
Ang paggamit sa network ng Distrito ay nagpapahintulot sa mga mag-aaral na makuha ang kanilang personal na internet email account. Kung ayaw ninyong kunin ng inyong anak ang kanilang personal internet email account, maaari kayong magdesisyon na umalis. Gayunman, pinaaalalahanan namin kayo na sa pag-alis sa email, maaalis din kayo sa internet na serbisyo, at ang inyong mag-aaral ay mawawalan ng paggamit ng internet sa paaralan.
Kung ayaw ninyong magkaroon ang inyong anak ng paggamit ng internet sa paaralan, paki tsek ang kahon sa ibaba, kumpletuhin at pirmahan ang pormularyo at ibalik ito sa tanggapan ng paaralan ng inyong anak.
HINDI, ayaw ko na gumamit ng internet ang aking anak sa paaralan.
Pangalan ng Mag-aaral
Pangalan ng Magulang/Tagapag-alaga Pirma ng Magulang/Tagapag-alaga Petsa-
Para gamit sa paaralan
Inilagay ng Sysop/Analyst ang mag-aaral sa grupo ng paaralan na walang Internet.
Lagda ng Sysop/Analyst Petsa
(Tingnan ang likurang pahina ng pormularyo para sa reperensiya sa impormasyon sa kaligtasan sa internet. )
Ang Mga Pampublikong Paaralan ng Seattle ay naniniwala na ang mga mag-aaral ay kailangang maging mahusay na tagagamit ng impormasyon, midya , at teknolohiya upang magtagumpay sa isang mundo ng digital. Ang layunin ng distrito ay mabigyan ang mga mag-aaral ng mayaman at maraming mga pagkakataon na gumamit ng teknolohiya sa mga paaralan para sa mga importanteng layunin katulad ng pakikipagtulungan sa mga proyekto ng paaralan, pakikihati at/o paglilipat ng mga salansan ng papeles sa pagitan ng paaralan at bahay, at pagsusumite ng mga takdang aralin sa mga tagapagturo sa online.
Xxxxxxxx, kasama ng teknolohiya at pinagkukunan ng online ay dumarating ang tanong sa kaligtasan sa internet. Pinakamahalaga sa Distrito na lahat na mga mag-aaral ay matuto sa tamang paggamit ng teknolohiya at asal sa online. Karagdagan sa pagbibigay ng tamang instruksiyon sa mga mag-aaral sa kaligtasan sa internet, hinihikayat ng SPS ang mga magulang at tagapagturo na gamitin ang mga kasangkapan at mga tip na makikita sa Common Sense Media habang nagsasalita sila sa mga mag-aaral tungkol sa teknolohiya at sa internet.
Pakibisita ang xxx.xxxxxxxxxxxxxxxx.xxx para sa maraming impormasyon.