Kasunduan sa Serbisyo. Bahagi 2
Kasunduan sa Serbisyo. Bahagi 2
May bisa mula Nobyembre 01, 2017
Na-update noong Abril 2, 2020
Mga Nilalaman:
1. Mga Pangkalahatang Probisyon at Paksa ng Kasunduan 2. Mga Termino at Kahulugan
3. Komunikasyon at Pagbibigay ng Impormasyon
4. Mga Tuntunin ng Paggamit para sa mga Serbisyo ng Kumpanya 5. Mga Proseso ng Paghahabol at Paglutas ng Di-pagkakasundo
6. Naaangkop na Batas 7. Force Majeure
9. Tagal at Proseso ng Pagwawakas ng Kasunduan 10. Mga Panghuling Probisyon
11. Listahan ng mga Bansa kung saan Walang Operasyon ang Kumpanya
1. Mga Pangkalahatang Probisyon at Paksa ng Kasunduan
1.1. Ang Kasunduan sa Serbisyo na ito ay napagpasyahan sa pagitan xx Xxxxxx Global LLC, nakarehistro sa First Floor, First St. Xxxxxxx Bank Ltd Building, P. O Box 1574, Xxxxx Street, Kingstown, St. Xxxxxxx & the Grenadines, may numero ng rehistro na 227 LLC 2019 (xxxx xxxx ay tutukuyin bilang ang “Kumpanya”), at ng indibidwal na kumumpleto sa form ng pagrehistro sa website ng Kumpanya o sa platform sa pag-trade at tumanggap sa mga termino ng Kasunduan sa Serbisyo na ito at sa mga apendise nito sa panahon ng pagrehistro (xxxx xxxx ay tutukuying ang “Kliyente”). Ang (mga) Partido sa Kasunduang ito ay ang (mga) Ahente sa Pagbabayad din na kinontrata ng Kumpanya para magsagawa ng mga transaksyong walang kinalaman sa pag-trade sa ilalim ng Kasunduan. Tinukoy sa Kasunduan ang mga kredensyal ng (mga) Ahente ng Pagbabayad. Ang Kumpanya, (mga) Ahente ng Pagbabayad, at ang Kliyente ay sama-samang tinatawag bilang “Mga Partido.”
1.2. Ang mga sumusunod na dokumento ay isang mahalagang bahagi ng Kasunduan sa Serbisyo na ito (Mga Apendise sa Kasunduan sa Serbisyo na ito):
a. ang Patakaran ng Transaksyon sa Pag-trade,
b. ang Patakaran sa Transaksyong Walang Kinalaman sa Pag-Trade at ang Patakaran ng KYC/AML,
c. paghahayag ng panganib, at
d. iba pang dokumento sa seksyong “Legal na Impormasyon” ng website ng Kumpanya at/o terminal sa pag-trade.
Ang Kumpanya ang tanging may karapatang magbago ng listahan, pangalan, at nilalaman ng mga apendise sa Kasunduan. May karapatan ang Kumpanya na magdagdag ng mga bagong apendise bilang bahagi ng Kasunduan o mag-alis ng mga dati nang apendise nang hindi gumagawa ng mga katumbas na pagbabago sa klausulang ito ng Kasunduan.
Ang text ng Kasunduan sa Serbisyong ito at sa mga apendise nito ay sama-samang tinutukoy bilang “Kasunduan.”
1.3. Ang Kasunduang naka-post sa website ng Kumpanya ay binubuo ng isang imbitas xxxx maghain ng mga alok na ituturing bilang panukala sa pagkumpleto sa Kasunduan sa mga itinata g nitong termino. Hindi pampubliko ang na-post na imbitasyon. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na tumanggi sa pagtatapos sa Kasunduang ito nang may paliwanag ng sinuman o nang hindi ipinapaliwanag ang mga dahilan nito para sa pagtanggi, o, kung nakumpleto ang pagrehistro, ang wakasan ang kaugnayang pangkontrata at i-block ang pag- access sa Terminal sa Pag-trade. Ang pagrehistro ng Kliyente sa website ng Kumpanya o sa Terminal sa Pag-trade ay itinuturing bilang lubusan at walang kondisyong pagtanggap sa mga termino ng Kasunduan. Sa mismong oras na matanggap ng Kumpanya ang isang bayad para idagdag xxx xxxxx sa account sa pag-trade, magiging saklaw ng Kasunduang ito ang bawat transaksyon ng Kliyente na ginawa gamit ang Terminal sa Pag-trade o ang personal na area.
1.4. Dapat maingat na suriin ng Kliyente ang mga termino ng Kasunduan. Sa pagtanggap sa Kasunduan, sumasang-xxxx xxx Kliyente sa mga termino ng lahat ng apendise na nakalista sa itaas, kabilang ang mga termino sa mga subdomain ng website ng Kumpanya na available sa Kliyente. Kinukumpirma rin ng Kliyente na isa siyang legal na may kakayahang adulto at hindi residente ng isang bansa kung saan maaaring ituring na ilegal ang pag-trade sa Mga Instrumento ng Kumpanya. Kinakatawanan at ginagarantiyahan din ng Kliyente ang mga sumusunod na item sa Kumpanya.
1.4.1. Ang lahat ng impormasyong ibinigay sa panahon ng pagrehistro ng Kliyente, pati na sa panahon ng pagsasakatuparan ng Kasunduan, ay totoo, tumpak, maaasahan, at kumpleto sa lahat ng aspeto. Hiwalay na pinunan ng Kliyente ang form sa pagrehistro.
1.4.2. Mayroong legal na karapatan ang Kliyente na tapusin ang Kasunduan, magsagawa ng mga kahilingan at utos, at ang isakatuparan ang kanyang mga karapatan at tuparin ang kanyang mga obligasyon nang naaayon sa mga termino ng Kasunduan.
1.4.3. Magsasagawa ang Kliyente ng mga transaksyon sa pag-trade at na walang kinalaman sa pag- trade nang personal, sa kanyang sariling pangalan, at sa kanyang sariling gastusin, at hindi isasagawa ang gayong mga transaksyon gamit ang mga hiniram na pondo na tinanggap mula sa ibang Kliyente ng Kumpanya o sa mga third party. Gagabayan ang Kliyente ng mga prinsipyo ng karangalan, katapatan, at pagkamakatwiran. Hindi magsasagawa ang Kliyente ng anumang pagkilos na napagkasunduan nila ng ibang Kliyente ng Kumpanya para magdulot ng pinsala sa Kumpanya. Hindi gagamitin ng Kliyente ang mga teknikal na feature ng quote-feed na system sa pag-update sa Terminal sa Pag-trade, at hindi gagamit sa anumang error, depekto, at/o kahinaan ng software na natuklasan sa Terminal sa Pag-trade para mapagkakitaan, o para magbahagi ng impormasyon sa mga third party tungkol sa mga nabanggit na kahinaan. Hindi gagamit ang Kliyente ng mga hindi patas at hindi matapat na pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pag-trade (transaksyon) sa Kumpanya. Hindi gagamit ang Kliyente ng insider, kumpidensyal, o iba pang impormasyon na maaaring maging bentaha ng Kliyente kapag nagte-trade sa Kumpanya, at/o maaaring magdulot ng pinsala sa Kumpanya.
1.4.4. Susunod ang Kliyente sa mga legal na pamantayan, kasama na ang mga pang-internasyo nal na pamantayan, na nilayon para labanan ang ilegal na pakikipag-trade, pampinansyal na panloloko, money laundering, at paggawang legal sa pondong nakuha sa ilegal na paraan.
1.4.5. Hindi gagamitin ng Kliyente ang Terminal sa Pag-trade o ang website ng Kumpanya sa intensyong suportahan ang mga ilegal na aktibidad na pampinansyal o anumang ilegal na transaksyon.
1.4.6. May legal na pinagmulan ang pondong ipapadala ng Kliyente sa mga account ng Kumpanya, at legal na pagmamay-ari ng Kliyente ang mga pondo at may karapatan siyang gamitin at pamahalaan ang mga ito. Walang mga deposito ang isasagawa sa account ng Kliyente mula sa mga bank account o electronic na wallet ng mga third party. Hindi magdedeposito ang Kliyente ng pondo sa mga account ng mga Kliyente ng third party, o magpapadala ng pondo mula sa account ng Kliyente papunta sa mga bank account o electronic na wallet ng mga third party.
1.4.7. Walang pagkilos ang Kliyente bilang pagsunod sa Kasunduan ang lalabag sa anumang batas, regulasyon, karapatan, bylaw, x xxxx sa batas na alituntunin at mga regulasyon na nalalapat sa Kliyente o sa hurisdiksyon kung saan naninirahan ang Kliyente, o sa mga probisyon ng anumang iba pang kasunduan kung saan sumasailalim ang Kliyente, o na nakakaapekto sa mga asset ng Kliyente.
1.4.8. Para maisakatuparan ang mga transaksyon, gagamitin ng Kliyente ang data ng kanyang account sa Terminal sa Pag-trade. Hindi ipapadala ng Kliyente ang data ng kanyang account sa mga third party at hindi niya gagamitin ang data ng account ng ibang Kliyente ng Kumpanya para magsagawa ng mga transaksyon sa pag-trade at/o na walang kinalaman sa pag-trade.
1.4.9. Ang Kliyente ay hindi isang lingkod-publiko ng estado o munisipyo, empleyado ng isang institusyon ng estado o munisipyo, empleyado ng organisasyon ng estado o munisipyo, empleyado ng isang organisasyon na may nangingibabaw na pakikibahagi sa estado sa mga kapital nito, isang taong may kaugnayan sa pulitika (politically exposed person o PEP), kapamilya o kamag-anak ng isang PEP. Ang Kliyente ay hindi isang taong malapit na may kaugnayan sa kilalang tao sa pulit ika o sa isang taong may kaugnayan sa USA o iba pang bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya. Kalakip nito, ang mga kahulugan na ginamit sa klausulang ito ay bibigyang-kahul ugan at ilalapat ng Kumpanya sa sarili nitong pagpapasya at nang naaayon sa mga tuntunin ng internasyonal na bata at/o mga batas ng alinmang iba pang bansa, na karaniwang tinatanggap na mga termino, kahulugan, at magagandang kalakaran sa negosyo.
1.5. Ang Paksa ng Kasunduan ay ang kahulugan ng mga pangkalahatang kondisyon may kaugnayan sa pagsasakatuparan ng mga transaksyon (pag-trade) ng Kumpanya, ang mga nilala man at pamamaraan na itinakda sa Kasunduan. Itinatakda at may karapatang amendahan ng Kumpanya, sa sarili nitong pagpapasya, ang mga napakahalagang kondisyon ng mga transaksyon (mga pag- trade), kabilang pero hindi limitado sa termino ng mga pag-trade, maaaring magdagdag ng mga paghihigpit sa bilang ng mga transaksyong sabay-sabay na isinasagawa, magdagdag ng mga paghihigpit sa bilang mga pag-trade na maaaring isagawa ng Kliyente sa loob ng panahong itinakda ng Kumpanya, at maaaring magdagdag ng mga paghihigpit sa mga transaksyong ilang partikular na batayang asset sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon.
1.6. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang kumontrata ng mga third party para isakatuparan ang Kasunduan. Gayunpaman, hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga serbisyong ibibigay ng mga third party na iyon.
2. Mga Termino at Kahulugan
2.1. Ang mga sumusunod na termino ay ginamit sa Kasunduan na may mga sumusunod na kahulugan:
2.2. Pag-trade (kontrata para sa pagkakaiba ng halaga): isang derivative instrumento ng pampinansyal na batay sa pagkakaiba sa presyo ng batayang asset (mga pares ng currency, commodity, future, forward, stock, bond, atbp.). Ang impormasyon tungkol sa available na mga Trade at mga terminal sa pag-trade ay ibinibigay sa Terminal sa Pag-trade.
2.3. Basehang Currency (Base Currency): ang unang currency sa isang pares ng currency, na siyang ang batayang asset ng anumang Pag-trade.
2.4. Batayang Asset (Underlying Asset): ang asset kung saan binabatay ang Trade, ibig sabihin, ang mga pares ng currency, metal, mga commodity, future, forward, bond, atbp.
2.5. Balanse: ang kabuuang halaga sa account ng Kliyente pagkatapos isagawa ang pinakakamakailang nakumpletong Pag-trade at mga transaksyon para magdeposito o mag- withdraw ng pondo.
2.6. Currency ng pag-quote (Quote currency): ang ikalawang currency sa pares ng currency.
2.7. Currency ng Account (Account Currency): ang currency na pinili ng Kliyente sa oras, o pagkatapos, ng pagbubukas ng account sa Kumpanya.
2.8. Pares ng Currency (Currency Pair): isang uri ng batayang asset na binubuo ng dalawang currency (ang basehang currency at ang currency sa pag-quote).
2.9. Mga Kasalukuyang Batas, Alituntunin, at Regulasyon: lahat ng naaangkop na batas, alituntunin, at regulasyon na ganap na ipinapatupad at may bisa nang isagawa, ipinatupad, at kinansela ang mga Pag-trade sa may kaugnayang hurisdiksyon.
2.10. Saradong Posisyon (Closed Position): ang resulta ng pagwawakas ng Pag-trade tungkol sa may kaugnayang Bukas na Posisyon.
2.11. Naka-lock na Posisyon (Locked Position): ang kabuuang halaga ng pagbili at pagbenta ng mga Trade ng parehong dami na binuksan sa parehong account sa isang pag-trade.
2.12. Instrumento (derivative na instrumentong pinansyal o derivative financial instrument (DFI)): ang Pag-trade na binubuo ng dalawang transaksyon (pag-trade at pagsasara ng trade), na nagresulta sa sumusunod: alinman sa ang Kliyente ay nakatanggap ng halaga ng pag-trade at xxx xxxx xxxx o naipatalo ang lahat o bahagi ng halaga ng pag-trade. Samantala, Hindi nagbibigay ang Kumpanya sa mga Kliyente ng pagkakataong sagutin ang mga obligasyong lampas sa halaga ng pag-trade, pero hindi nagbibigay sa Kliyente ang Kumpanya ng pagkakataong gamitin ang Multiplier. Ang kasalukuyang impormasyon tungkol sa mga Trade at ang kanyang mga termino at kundisyon ay ipinapakita sa Terminal sa Pag-trade.
2.13. Komisyon: ang bayaring sinisingil ng Kumpanya para sa pag-carryover ng posisyon ng Kliyente nang 9:00 PM GMT at/o para sa pagbubukas ng Kliyente ng posisyon.
2.14. Quote: ang kasalukuyang halaga ng batayang asset na ipinapakita sa Terminal sa Pag-trade.
2.15. Log Entry: isang entry sa database na ginawa ng server ng Kumpanya na, may katumpakang hanggang millisecond o, sa kawalan ng gayong mga teknikal na kakayahan, may katumpakang hanggang segundo, mga record ng lahat ng kahilingan at order ng Kliyente at sa mga resulta ng kanyang pagpoproseso. Inire-record sa log entry ang lahat ng kahilingan ng Kliyente sa Terminal sa Pag-trade at sa personal na area. Ang server na ito ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyong ginagamit ng mga Partido bilang ebidensiya kung magkaroon ng mga di-
pagkakasundo kaugnay ng pagsasakatuparan ng Kasunduan. Mayroon ang data mula sa mga log entry sa server ng Kumpanya ng hindi kondisyonal na priyoridad sa lahat ng iba pang argumento sa panahon ng pag-aayos ng isang di-pagkakasundo, kasama na ang data mula sa log file ng Terminal sa Pag-trade ng Kumpanya. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang hindi magpanat il i ng mga Log entry.
2.16. Margin: ang halaga ng pera sa Account Balance ng Kumpanya na kinakailangan para magbukas ng posisyon xxxx sa Detalye ng Instrumento (Instrument Specification) para sa bawat batayang asset ng mga Trade.
2.17. Multiplier: ang ratio ng pagbabago ng Halaga ng pag-trade sa Trading Terminal patungo sa pagbabago sa pag-quote ng batayang asset.
2.18. Panimulang Margin (Initial Margin): ang margin na kinakailangan para magbukas ng posisyon.
2.19. Kinakailangan Margin (Required Margin): ang margin na kinakailangan para panatilihin ang mga bukas na posisyon.
2.20. Ilegal na pag-trade: anumang pagkilos na labag sa xxxxx xxx kaugnayan sa mga transaksyon sa pag-trade, kasama, ngunit hindi limitado sa: sniping (pag-trade sa oras na malaki ang posibilidad na kumita dahil sa paggamit ng espesyal na software, paglalagay ng “buy stop” o “sell stop” na order bago mismo ilabas ang data na pampinansyal at balita tungkol sa may kaugnayang batayang asset/market; paggawa ng arbitration na pag-trade; pagmamanipula; ang sabay na paggamit ng mas mabilis at mas mabagal na quote-feed; ilegal na paggamit ng function sa pagkansela ng mga Trade sa Terminal sa Pag-trade; paggamit ng mga software bot, “spider”, at iba pang naka- automate na sorftware tool sa Terminal sa Pag-trade, sinadya man o hindi sinadyang Pag-trades o pangkat ng mga Trade na kinasasangkutan ng pagbubukas ng mga posisyong pagbili at pagbebenta sa pareho o magkaugnay na mga batayang asset nang sabay ng Kliyente mismo o sa pakikipagtulungan ng ibang tao at/o sa magkakaugnay na account, kasama ang mga account na binuksan sa mga magkaibang legal na entity sa loob ng saklaw ng Kumpanya, na magkahiwa lay o magkasamang nilayong ilegal na gamitin ang Terminal sa Pag-trade.
2.21. Force Majeure: anumang kalagayang nakalista sa Seksyon 7 ng Kasunduan.
2.22. Halaga ng Pamumuhunan (Investment Amount): ang halaga ng pera sa Currency ng Account na ipinuhunan ng Kliyente sa pag-trade.
2.23. Dami ng Pag-trade (Trade Volume): xxx xxxx ng mga pamumuhunan na na-multiply gamit ang Multiplier.
2.24. Order: isang kahilingan na ginawa ng Kliyente at ipinadala sa Kumpanya xxxx sa mga termino ng Kasunduan.
2.25. Bukás na Posisyon (Open Position): isang pagbili o pagbebenta na pag-trade na hindi pa naisasara/natatapos.
2.26. Ipinagpalibang Order (Deferred Order): isang order na bumili o magbenta sa presyong naiiba sa kasalukuyang presyo.
2.27. Nakasulat na Abiso (Written Notice): isang abisong ipinadala ng Kumpanya sa Kliyente ay ituturing na abisong ipinadala sa pamamagitan ng email, sa pamamagitan ng internal na sistema
ng pagpapadala ng mensahe sa Terminal sa Pag-trade, sa pamamagitan ng pangkomersyo ng serbisyo ng paghahatid, sa pamamagitan ng air mail, o na-post sa website ng Kumpanya. Ang isang nakasulat na abisong ipinadala ng Kliyente sa Kumpanya ay ituturing na isang abisong ipinadala sa pamamagitan ng email, fax, koreo, o pangkomersyong serbisyo ng paghahatid.
2.28. Kumpirmasyon ng Pag-trade (Trade Confirmation): isang mensahe mula sa Kumpanya na kumukumpirmang naisakatuparan ang order.
2.29. Mga Panuntunan: ang mga batas, alituntunin, regulasyon, proseso, at pamantayang kasalukuyang ganap na ipinapatupad at may bisa.
2.30. Mga Alituntunin Kaugnay ng Pondo ng mga Kliyente (Rules as Regards the Clients’ Funds): mga regulasyong sumasaklaw sa mga pagkilos may kaugnayan sa pondo ng mga Kliyente.
2.31. Slippage: ang mga pagkakaiba sa pagitan ng inaasahang presyo ng Trade ng ipatupad ito at ang aktwal na presyo ng Trade. Maaaring mangyari ang Slippage sa mga panahon na mataas ang antas ng pagiging volatile sa market (halimbawa, dahil sa bagong-bagong balita), na maaaring maging dahilan para maging imposible ang Pag-trade sa gustong presyo; kapag gumagamit ng mg aorder sa market at kapag nagte-trade nang may napakaraming order kapag imposib leng maisakaturan ang order sa gustong presyo dahil sa kakulangan ng sapat na liquidity.
2.32. Araw ng Negosyo: anumang araw maliban sa Sabado, Linggo, Enero 1, at anumang iba pang pampublikong holiday sa bansa ng korporasyon ng Kumpanya, at anumang internasyonal na pampublikong holiday.
2.33. Form sa Pagrehistro: ang form na pinupunan ng Kliyente para makatanggap ng serbisyo sa ilalim ng Kasunduan at mula saan nakukukuha ng Kumpanya, bukod sa iba pang bagay, ang kinakailangang data para matukoy ang Kliyente at ma-verify ang kanyang impormasyon.
2.34. Order sa Market (Market Order): isang order na ipinapatupad agad-agad sa pinakamagandang available na presyo sa market.
2.35. Komisyon para sa Pag-carryover (Carryover Commission): ang halagang sinisingil para i- carry over ang posisyon sa susunod na araw. Ipinapakita ang impormasyon tungkol sa komisyon para sa pag-carryover sa Terminal sa Pag-trade.
2.36. Pagbili na Pag-trade: isang trade kung saan kumikita ang Kliyente kung tataas ang quote para sa batayang asset.
2.37. Pabebenta na Pag-trade: isang trade kung saan kumikita ang Kliyente kung bababa ang quote sa batayang asset.
2.38. Sniping: isang estratehiya sa pag-trade na layuning gamitin xxx xxxxxx quote o nagreresulta sa paglabas nito.
2.39. Mga Detalye ng Instrumento (Instrument Specifications): ang kabuuang halaga ng mga kinakailangang kondisyon ng mga instrumento kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, batayang asset, komisyon sa pagbubukas at pag-carryover, mga kinakailangan sa margin, atbp. na ipinapakita sa Terminal sa Pag-trade.
2.40. Stop Out: isang sitwasyon kung saan may karapatan ang Kumpanya na isara ang isa o higit pang bukas na posisyon ng Kliyente sa kasalukuyang o sa pinakahuling alam na presyo sa market
kung xxxxxxxx o lumampas ang naipatalo ng Kliyente sa halaga ng kanyang ipinuhunan sa pag- trade.
2.41. Mga Pangunaging Kondisyon ng Trade (Essential Conditions of the Trade): ang impormasyong kailangan para makapagbigay ang Kliyente ng order at mag-trade, kasama ang, ngunit hindi limitado sa, impormasyon tungkol sa batayang asset, direksyon (pagbili/pagbebenta), quote sa pagbubukas ng trade, quote sa pagsasara ng trade, uri at halaga ng order, multiplier, at mga komisyon.
2.42. Account (Account ng Kliyente, Account sa Pag-trade): anumang personal na account na binuksan ng Kumpanya para sa Kliyente para mag-trade, kung saan inilalagay ang pondong ipinadala ng Kliyente para magsagawa ng mga pag-trade, kung saan ibinabawas ang mga halaga ng pag-trade kapag nag-trade, at kung saan idinedeposito ang kinita kapag isinara ang trade at natugunan ang mga kinakailangang kondisyon ng trade. Isa lang account ng Kliyente ang maaaring gawin ng isang Kliyente. Sa paglabag sa alituntuning xxx, xxx karapatan ang Kumpanya na tanggihan ang Kliyente sa pagbibigay ng higit pang serbisyo, wakasan ang Kasunduan, at para i- block ang higit pang posibilidad na magsagawa ng mga transaksyon nang hindi ipinapaliwa nag ang mga dahilan nito at nang hindi pini-payout xxx xxxxx sa account ng Kliyente. Hindi itinutur ing na paglabag sa klausulang ito ng Kasunduan kung ibibigay ng Kumpanya, xxxx xxxx sa pagpapasya nito, sa Kliyente ang karapatang gumamit ng ilang currency sa account ng Kliyente, pati na ang karapatang gamitin ang account ng Kliyente may kaugnayan sa pagitan ng Kumpanya at Kliyente na sabay na sinasaklawan ng Kasunduan at iba pang kasunduang napagkasunduan sa pagitan ng Kumpanya at Kliyente, kung saan nasa Kumpanya ang pagpapasya sa pagbibigay sa Kliyente ng karapatang gamitin ang account ng Kliyente para magsagawa ng mga transaksyon sa pag-trade na hindi ibinibigay sa Kasunduan.
2.43. Terminal sa Pag-trade: software kung saan maaaring tingnan ng Kliyente nang real-time ang data sa pag-quote para magsagawa ng mga transaksyon sa pag-trade at na walang kinalaman sa pag-trade, at tumanggap ng mga mensahe mula sa Kumpanya. Ang pag-log in sa Terminal sa Pag- trade ay pinoprotektahan ng isang password na ginawa ng Kliyente sa oras ng pagrehistro sa website ng Kumpanya. Itinuturing na personal na isinagawa ng Kliyente ang lahat ng order na isanagawa sa Terminal sa Pag-trade. Ipinagbabawal ang paggamit ng Terminal sa Pag-trade para sa mga sumusunod indibidwal: mga Kliyente mula sa mga bansa kung saan ilegal ang pag-trade sa mga over-the-counter derivative, pati na mga empleyado, affiliate, ahente, at iba pang kinatawan ng Kumpanya at mga kamag-anak ng mga nabanggit na indibidwal. Ang seksyon ng Terminal sa Pag-trade kung saan maaaring magsagawa ang Kliyente ng mga transaksyong walang kinala man sa pag-trade sa Kasunduan ay maaaring tinutukoy bilang ang kanyang Personal na area.
2.44. Panseguridad na Tawag para sa Karagdagang Margin (Additional Margin Security Call): isang abisong ipanapadala sa Kliyente dahil hindi sapat ang margin na kinakailangan para magbukas o magpanatili ng mga posisyon sa account ng Kliyente.
2.45. Kinakailangang Seguridad para Magbukas at Magpanatili ng mga Posisyon (Required Security to Open and Maintain Positions): ang margin na kinakailangan para magbukas at magpanatili ng mga naka-lock na posisyon.
2.46. Awtorisadong Tao: sinumang legal na entity kung saan maaaring ilipat ng Kumpanya ang awtoridad bilang bahagi ng Kasunduan.
2.47. Mga Serbisyo: ang mga serbisyong ibinibigay ng Kumpanya sa ilalim ng Kasunduan.
3. Komunikasyon at Pagbibigay ng Impormasyon
3.1. Para makipag-ugnayan sa Kliyente, ang Kumpanya ay maaaring gumamit ng:
- email,
- fax,
- telepono (pagtawag at mga text message),
- mga postal mail,
- ilang uri ng mga mensaheng ipinadala sa Kliyente sa Terminal sa Pag-trade, personal na area, window ng browser, atbp. (Mga push notification, paalala, mensahe sa serbisyo, atbp.), at
- opisyal na mga pangkat ng Kumpanya sa social media,
- mga anunsyo sa website ng Kumpanya,
- anumang iba pang paraan at pamamaraan ng komunikasyon na kilala sa kasalukuyan pati na sa mga lalabas pa sa hinaharap.
3.2. Para mabilisang makipag-ugnayan sa Kliyente para lumutas ng mga isyu kaugnay sa mga transaksyon ng Kliyente, gagamitin ng Kumpanya ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng Kliyente na ibinigay sa oras ng pagrehistro x xxxx sa pagbabagong ginawa pagkatapos nito alinsunod sa Klausula 4.4. ng Kasunduan. Sumasang-xxxx xxx Kliyente na tumanggap ng mensahe mula sa Kumpanya anumang oras.
3.3. Ang anumang pakikipag-ugnayan (mga dokumento, abiso, kumpirmasyon, anunsyo, report, atbp.) ay itinuturing na natanggap ng Kliyente:
1) isang (1) oras pagkatapos ng pag-email;
2) agad-agad pagkatapos ng pag-fax;
3) agad-agad pagkatapos ng pagtawag;
4) agad-agad pagkatapos ng pagpapadala ng text message;
5) pitong (7) araw pagkalipas ng pagpapadala sa koreo;
6) agad-agad pagkatapos i-post sa website ng Kumpanya.
3.4. Maaari ding makipag-ugnayan ang Kliyente sa Kumpanya sa pamamagitan ng pag-email sa xxxx@xxxxxxxxxx.xxx at ibang email address, at pagtawag sa mga numerong nakalistang sa Kasunduan at sa website ng Kumpanya.
3.5. Nauunawaan at sumasang-xxxx xxx Kliyente na, kung gagawi ang Kliyente sa hindi naaangkop na paraan habang nakikipag-usap sa kinatawan ng Kumpanya, nakalaan sa Kumpanya ang karapatang wakasan ang Kasunduan xxxx sa sarili lang nitong pagpapasya.
3.6. Maaaring gamitin ng Kumpanya ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ibinigay ng Kliyente para makapagpadala ng mga materyal na nagbibigay- impormasyon, pang-marketing, at pang-advertising at mga mensahe sa serbisyo, at para lutasin ang iba pang gawain. Tutukuyin ng Kumpanya ang dalas ng pagpapadala nito ng mga mensahe sa Kliyente sa sarili nitong pagpapasya. Kung nanaisin ng Kliyente na mag-opt out sa mga nagbibigay ng impormasyong mensahe (at iba pa) ng Kumpanya, dapat siyang mag-unsubscribe dito sa pamamagitan ng pag-click sa “Mag- unsubscribe” na link (kung ibinib igay ng format ng mensahe ang posibilidad na ito) o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Customer Support.
3.7. Lahat ng content na ibinibigay para sa pag-onboard ng kliyente ay ipinapakita lang para sa mga layunin ng demonstrasyon. Posibleng iba ang mechanics ng mga produktong software ng Kumpanya kaysa sa mechanics na ipinresenta sa proseso ng pag-onboard.
4. Mga Tuntunin ng Paggamit para sa mga Serbisyo ng Kumpanya
4.1. Sa panahon ng pagrehistro, ginagarantiyahan ng Kliyente na magbibigay ng tama at maaasahang impormasyon ng pagkakakilanlan nang naaayon sa mga kinakailangan ng form sa pagrehistro ng Kliyente.
4.2. Pagkatapos ng matagumpay na pagrehistro, bibigyan ang Kliyente ng account sa Terminal sa Pag-trade, sa posibilidad na magdeposito ng pondo sa Account Kliyente (magdeposito sa Account ng Kliyente para makapagsagawa ng mga pag-trade gamit ang mga instrumento) at para magsagawa ng iba pang transaksyon.
4.3. Dapat na agad ipaalam ng Kliyente sa Kumpanya ang tungkol sa mga pagbabago sa impormasyon ng kanyang pagkakakilanlan at sa pakikipag-ugnayan (sa loob ng pitong (7) araw pagkatapos ng gayong pagbabago) sa pamamagitan ng paggawa ng angkop na pagbabago sa Terminal sa Pag-trade o sa anumang iba pang paraan iniaalok ng Kumpanya. Para kilalanin ang Kliyente at i-verify ang pinagmulan ng pondo ng Kliyente anumang oras pagkatapos ng pagrehistro, may karapatan ang Kumpanyang humiling ng anumang dokumento ng pagkakakilanlan (kasama ang ID, patunay ng paninirahan, patunay ng katayuang pampinansyal, at iba pang dokumento xxxx sa mapapagpasyahan ng Kumpanya). Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang suspindihin ang mga transaksyon sa pag-trade at/o na walang kinalaman sa pag-trade sa Account ng Kliyente kung mapatunayang hindi tama o hindi tumpak ang mga detalye ng pagkakakilanlan ng Kliyente. Bilang karagdagan, kung hindi magbibigay ang Kliyente ng mga hiniling na dokumento, may karapatan ang Kumpanyang i-block ang access ng Kliyente sa Terminal sa Pag-trade hanggang sa makumpleto ang proseso may kinalaman sa pagkakakilanlan.
May karapatan din ang Kumpanyang mag-atas sa Kliyente na kumpletuhin ang proseso may kinalaman sa pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpunta sa awtorisado ahente ng Kumpanya nang personal at/o pagbibigay ng mga dokumento, na tutukuyin ng Kumpanya xxxx sa pagpapasya nito.
4.4. Ang pag-log in sa Terminal sa Pag-trade ay pinoprotektahan ng password.
4.4.1. Kinukumpirma at sinasang-ayunan ng Kliyente na poprotektahan ang access sa Terminal sa Pag-trade gamit ang password na hiwalay na ginawa ng Kliyente sa oras ng pagrehistro. Hindi maililipat ng Kliyente ang kanyang password sa Terminal sa Pag-trade sa mga third party.
4.4.2. Nakaatang sa Kliyente ang buong responsibilidad para sa pagprotekta sa password at pag- iwas sa hindi awtorisadong pag-access dito ng third-party.
4.4.3. Ipagpapalagay na ginawa ng Kliyente ang lahat ng order sa Terminal sa Pag-trade gamit ang password ng Kliyente maliban kung iba ang tinukoy ng Kumpanya.
4.4.4. Kikilalanin na ang Kliyente ang sinumang makakakuha ng access sa Terminal sa Pag-trade sa pamamagitan ng paglalagay ang password ng Kliyente maliban kung iba ang tinukoy ng Kumpanya.
4.4.5. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang anumang kawalang nangyari sa Kliyente kapag may nangyaring pagnanakaw, pagkawala, o pakakabunyag ng kanyang password sa mga third party, o sa hindi awtorisadong paggamit ng mga third party ng mga detalye sa pagrehistro.
4.5. Maaaring palitan ng Kliyente ang password sa Terminal sa Pag-trade sa kanyang sariling pagkukusa o gumamit ng proseso para sa pag-recover ng password na itinakda ng Kumpanya.
5. Mga Proseso ng Paghahabol at Paglutas ng Di -pagkakasundo
5.1. Xxxxxx-xxxx xxx Mga Partido na gagawin xxxx xxx lahat ng kanilang makakara para ayusin, sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon, ang lahat ng di-pagkakasundo sa pagitan ng Kumpanya at ng Kliyente kaugnay ng mga transaksyon, payout, at iba pang pagkilos na tinukoy sa Kasunduan.
5.2. Kung may bumangong hindi pagkakaunawaan, maaaring magsumite ang Kliyente ng isang paghahabol/reklamo sa Kumpanya at magpadala ng aplikasyon/pag-apela sa Kumpanya. Dapat isumite ng Kliyente ang lahat ng paghahabol/ reklamo/ aplikasyon/ pag-apela kaugnay ng mga transaksyong ipinatupad ng Kliyente nang sinusunod ang mga sumusunod na kinakailangan:
5.2.1. Ang paghahabol/ reklamo/ aplikasyon/ pag-apela ay dapat isumite nang nakasulat;
5.2.2. Ang paghahabol/ reklamo/ aplikasyon/ pag-apela ay dapat magsaad ng sumusunod na impormasyon: pangalan, apelyido, patronymic (kung mayroon man) ng Kliyente, email address ng Kliyente, Account number ng Kliyente, petsa at oras kung kailan nangyari ang sitwasyong hindi pinagkakasunduan, isang maikling paglalarawan ng sitwasyong hindi pinagkakasunduan, mga hinihingi ng Kliyente, ang halagang hinahabol at ang makatuwirang pagkalkula (kung sumasailalim ang paghahabol sa evaluation sa halaga sa pera), mga sitwasyon kung saan binase ng Kliyente ang kanyang mga paghahabol at ebidensyang sumusuporta sa mga ito, kasama ang isang reperensya sa nalabag na mga probisyon sa Kasunduang ito (at ang kaugnay na mga apendise) xxxx sa opinyon ng Kliyente, isang listahan ng mga dokumento at iba pang ebidensya na nakalakip sa paghahabol/reklamo na na-certify ng Kliyente, at iba pang impormas xxxx kailangan para ayusin ang di-pagkakasundo;
5.2.3. ang paghahabol/ reklamo/ aplikasyon/ pag-apela ay dapat na ipadala sa Kliyente nang hindi lalampas sa 5 (limang) araw ng pagtatrabaho mula sa petsa ng pangyayari kung saan ibinase ang may kaugnayang paghahabol (reklamo). Sumasang-xxxx xxx Kliyente na ang pagkaantala sa paghahain ng paghahabol (reklamo) ay ang magiging basehan sa hindi pagtanggap dito;
5.2.4. ang paghahabol/ reklamo/ aplikasyon/ pag-apela ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng e- mail sa xxxxx@xxxxxxxxxx.xxx, o ipadala sa pamamagitan ng nakarehistro/certified na mail, o sa pamamagitan ng komunikasyong nagbibigay ng patunay ng pagpapadala (pati na fax) o na nangangailangan ng lagda. Hindi tatanggapin ang mga paghahabol/reklamo/aplikasyon/pag-ape la sa na-issue at naipadala sa iba pang paraan.
5.3. Hindi dapat magsaad ang mga paghahabol/reklamo/aplikasyon/pag-apela ng:
a) isang evaluation ng sitwasyong hindi pinagkakasunduan na nagsasangkot sa emosyon,
B) mga nakakasakit na pahayag tungkol sa Kumpanya, at/o
c) masasamang pananalita.
5.4. Para makasagot sa paghahabol/reklamo/aplikasyon/pag-apela, nakalaan sa Kumpanya ang karapatang humiling ng mga karagdagang dokumento at/o impormasyon mula sa Kliyente. Ang paghahabol/reklamo/aplikasyon/pag-apela ay susuriin base sa impormasyong ibinigay ng Kliyente at mga log entry mula sa server ng Kumpanya. May lubusang priyoridad ang mga log entry ng
Kumpanya kaysa sa ibang ebidensya at patunay. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga hindi nakumpletong pag-trade at hindi magre-reimburse para sa anumang pinsalang pampinans yal o hindi sangkot xxx xxxx na idinulot ng Kliyente may kinalaman sa itinuturing ng Kliyente na kawalan ng kita. Kapag nagsasaalang-alang ng di-pagkakasundo, hindi isasaalang-alang ng Kumpanya ang mga ibinigay ng Kliyente na reperensya sa data na mula sa ibang kumpanya at site.
5.5. Maaaring tanggihan ng Kumpanya ang paghahabol/ reklamo/ aplikasyon/ pag-apela kung nalabag ang mga termino at kundisyon ng Seksyon 5.
5.6. Hindi isasaalang-alang ng Kumpanya ang paghahabol/ reklamo/ pahayag/ pag-apela sa loob ng hindi lalampas sa 10 araw ng pagtatrabaho pagkatapos ng pagsusumite.
5.7. Kung hindi maaayos ng Kumpanya ang paghahabol/reklamo/aplikasyon/pag-apela ng Kliyente gamit ang proseso ng pag-aayos ng di-pagkakasundo na nabanggit sa itaas, maaaring magsumite ang Kliyente ng isang paghahabol sa Financial Commiss ion (xxx.xxxxxxxxxxxxxxxxxxx.xxx).
5.8. Bilang karagdagan sa proseso ng paglutas sa di-pagkakasundo na itinakda sa Klausula 5.2.- 5.7., maaaring maghain ang Kliyente ng paghahabol sa xxxxx na sumasailalim sa obligator xxxx pagsunod sa nabanggit na proseso ng paglutas sa di-pagkakasundo. Ang proseso ng paglutas sa di- pagkakasundo ay ituturing na nasunod kung:
a) ang anyo at nilalaman ng paghahabol ay nakakatugon sa mga kinakailangan ng Klausula 5.2.1., 5.2.2., at 5.2.3;
b) ipinadala ang paghahabol sa nakarehistrong address ng Kumpanya;
c) ang Kliyente ay may kumpirmasyon ng pagkakatanggap ng Kumpanya sa paghahabol;
d) nakalipas na ang takbang panahon para sumagot sa paghahabol. 60 (animnapong) araw ang takdang panahon para sa pagsagot sa paghahabol pagkatapos matanggap ng Kumpanya ang paghahabol.
5.9. Sa sitwasyon kung saan may anumang di-pagkakasundo, nakalaan sa Kumpanya ang karapatang i-block ang lahat o ang ilang transaksyon sa Account ng Kliyente hanggang sa maayos ang di-pagkakasundo o kapag may napagkasunduang pansamantalang kasunduan ang mga Partido.
6. Naaangkop na Batas
6.1. Napagkasunduan ang Kasunduang ito sa Saint Xxxxxxx and the Granadines (xxxx xxxx ay tutukuyin bilang “Bansa ng Pagrehistro ng Kumpanya”) at sinasaklawan ng mga batas ng Bansa ng Pagrehistro ng Kumpanya. Ibinibigay sa Bansa ng Pagrehistro ng Kumpanya ang Mga Serbisyong saklaw ng Kasunduan.
6.2. Ang Kliyente ay walang kondisyonal na:
a) sumasang-xxxx na ang mga xxxxx ng Bansa ng Pagrehistro ng Kumpanya ay may eksklusibo ng hurisdiksiyon na magpatupad ng anumang legal na pagdinig kaugnay ng Kasunduan;
b) magpapasakop sa hurisdiksyon ng mga xxxxx ng Bansa ng Pagrehistro ng Kumpanya;
c) magsusuko sa anumang pag-apela may kaugnayan sa mga paglilitis sa xxxxx sa alinman sa gayong mga xxxxx;
d) sumasang-xxxx na hindi gagawa ng anumang paghahabol kaugnay ng hindi pagiging kumbinyente ng lokasyon ng pagdinig, at na hindi idedeklara na walang legal na hurisdiksyon sa Kliyente ang lokasyon ng pagdinig.
7. Force Majeure
7.1. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang maghabol para sa mga sitwasyong force majeure kung mayroon itong sapat na mga batayan para gawin iyon. Kasama sa mga sitwasyong force majeure ang, ngunit hindi limitado sa:
a) anumang pagkilos, kaganapan, o pangyayari kasama ang, ngunit hindi limitado sa, mga welga, riot, alitang sibil, gawaing terorismo, giyera, likas na sakuna, aksidente, sunog, pagbaha, bagyo, pagkawala ng kuryente, pagkaputol ng komunikasyon, software, o elektronikong kagamitan, hindi wastong paggana ng anumang uri ng kagamitan i software, hindi pagiging stable ng quote-feed, pagkaantala sa operasyon ng o hindi pagiging stable ng mga provider ng liquidity, atbp., na, sa makatuwarang opinyon ng Kumpanya, ay hahantong sa pagkagambala sa katatagan ng (mga) market para sa isa o higit pang asset (instrumento);
b) pagkakasuspinde ng operasyon, liquidation, o pagsasara ng anumang market, o ang kawalan ng anumang kaganapang kung saan ibinabatay ng Kumpanya ang mga quote, o ang paglalabas ng mga paghihigpit o ng mga pambihira/hindi karaniwan kondisyon sa pag-trade sa anumang market, o may kaugnayan sa anumang gayong kaganapan.
7.2. Kung ang Kumpanya ang nagtakda ng paglitaw ng mga sitwasyong force majeure, may karapatan ang Kumpanya (nang hindi makakaapekto sa iba pang karapatan ng Kumpanya) na isagawa ang alinman sa mga sumusunod na hakbang anumang oras nang walang patiunang nakasulat na abiso:
a) kanselahin ang anuman o ang lahat ng trade ng Kliyente, na may resultang direkta o hindi direktang dinulot ng force majeure;
b) suspindihin o amendahan ang paglalapat ng isa o ng lahat ng probisyon ng Kasunduan hangga’t imposibleng para sa Kumpanya na sumunod sa mga probisyong ito dahil sa kaganapang force majeure;
c) ang magsagawa, o sa kabaligtaran, hindi gumawa ng anumang pagkilos may kinalaman sa Kumpanya, Kliyente o iba pang kliyente, kung ituturing ng Kumpanya, batay sa sapat na mga basehan, na wasto ito sa ilalim ng mga kasalukuyang sitwasyon.
d) xxxxxxxx xxx xxxx ng pagproseso para sa mga order at kahilingan ng Kliyente sa Terminal sa Pag-trade nang hanggang 30 segundo.
7.3. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang paglabag (hindi wastong pagsasakatuparan) ng mga obligasyon kung makakagambala ang mga kaganapang force majeure sa nabanggit na pagsasakatuparan.
8. Responsibilidad ng mga Partido
8.1. Ang mga responsibilidad ng mga Partido sa Kasunduan ay tinutukoy ng mga termino ng Kasunduan at ng mga apendise nito.
8.2. Responsable lang ang Kumpanya para sa mga tunay na kawalan ng Kliyente bilang resulta ng sinadyang hindi pagsasakatuparan ng Kumpanya ng mga obligasyon nito na tinukoy sa Kasunduan. Ang Kumpanya ang may responsibilidad para sa mga pagkilos ng mga empleyado , departamento, at ahente sa pagbabayad nito na parang ito mismo xxx xxx xxxx.
8.3. May responsibilidad sa Kumpanya ang Kliyente para sa mga pinsalang nangyari sa Kumpanya dahil sa kagagawan ng Kliyente, kasama ang:
a) mga pinsalang idinulot ng hindi pagbibigay (o hindi pagbibigay sa tamang oras) ng Kliyente ng anumang dokumentong dapat ibigay sa Kumpanya sa ilalim ng Kasunduan at sa mga apendise nito, at para sa mga pinsalang naidulot sa Kumpanya dahil sa maling pahayag na nasa mga dokumentong ibinigay ng Kliyente;
b) mga pinsalang naidulot sa Kumpanya dahil sa maling paggamit sa mga serbisyo ng Kumpanya na ibinigay sa Kliyente, kasama ang (mga) pinsala na naidulot sa Kumpanya sa pamamagitan ng paggamit sa mga naka-robotize at naka-automate na algorithm ng transaksyon at/o mga espesyal na software tool at iba pang tool device, pamamaraan, at diskarte na tumutulong o nakakapag- ambag sa paglabag sa prinsipyo
ng karangalan, katapatan at pagiging patas sa pagsasagawa ng mga transaksyon;
c) mga pinsalang idinulot ng Kliyente bilang resulta ng mga pagkilos sa pakikipagtulungan sa ibang Kliyente ng Kumpanya at/o affiliate ng Kliyente na layuning magdulot ng mga pagkapinsa la sa Kumpanya; para sa iba pang pinsala na naidulot sa Kumpanya ng Kliyente sa pamamagitan ng paggamit sa ibang hindi patas at hindi matapat na pamamaraan at diskarte sa pag-trade (pagsasagawa ng mga transaksyon) sa Kumpanya, kasama ang paggamit ng mga bonus; (Sa anumang kaganapan, tumutukoy ang “mga affiliate ng Kliyente” sa sinuman sa mga sumusunod na xxx xxx kinalaman sa kanilang relasyon sa Kliyente: sa mga may relasyon sa dugo sa anuman ang antas, mga kapamilya, ka-partner, o iba pang relasyon, sa mga nakatira sa iisang address, sa mga gumagamit ng iisang device, sa mga kaugnay ng mga Kliyente ng Kumpanya sa pamamagita n ng parehong partner o ang Kliyente ng Kumpanya, at sa mga kaugnay sa anumang sama-samang aktibidad nang mayroon o walang pagbuo ng isang legal na entity. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang palawigin ang listahan ng mga sitwasyon at katangiang batayan para ituring na mga affiliate ang Kliyente at mga third party.
d) kung xxx xxxxx na ebidensya na nagpapakitang tinangka ng Kliyente na ilegal na gamitin ang software na ibinibigay ng Kumpanya at xxx xxxxx na inililipat sa account ng Kumpanya;
e) mga pinsalang idinulot sa Kumpanya bilang resulta ng pagkita mula sa paggamit ng mga teknikal na feature ng system ng pag-update ng quote-feed sa Terminal sa Pag-trade, at pagkita mula sa paggamit ng mga error at vulnerability ng system sa Terminal sa Pag-trade;
f) mga pinsala naidulot sa Kumpanya ng paggamit ng Kliyente ng insider, kompidensyal, o iba pang impormasyon na nakapagbigay sa Kliyente ng anumang uri ng bentaha sa pag-trade sa Kumpanya.
May karapatan ang Kumpanya na ibawas ang mga nabanggit na pinsala mula sa account ng Kliyente at/o sa mga account ng ibang tao (kung may katiyakang natukoy na pag-aari ng Kliyente (o mga kasabwat ng Kliyente) ang mga account na iyon sa pamamagitan ng teknikal at iba pang kagamitan at tool ng Kumpanya). May karapatan din ang Kumpanya na i-block ang iba pang transaksyon sa Terminal sa Pag-trade at sa personal na area papunta sa mga Kliyente may kinalaman sa isang tao kung para kanino xxx xxxxx na mga basehan at hinala ang Kumpanya na i-
classify ang mga pagkilos (kabilang ang mga pagkilos na sama-samang ginawa kasama ng ibang Kliyente) ng taong ito na layuning magdulot ng mga pinsala sa Kumpanya, at para magpadala ng pondo mula sa account ng Kliyente papunta sa account ng Kumpanya.
8.4. Kung lalabagin ng Kliyente ang Kasunduan, may karapatan ang Kumpanya, sa sarili nitong pagpapasya, na:
8.4.1. irebisa ang halaga ng mga pinansyal na obligasyon ng Kumpanya sa Kliyente at amendahan ang data (balanse) ng Account ng Kliyente;
8.4.2. suspendihin ang pagbibigay ng mga serbisyo sa Kliyente at i-block ang access sa Terminal sa Pag-trade. Kung iba-block ng Kumpanya ang access ng Kliyente sa Terminal sa Pag-trade, obligado ang Kliyente na isagawa ang lahat ng kinakailangan at makatuwirang hakbang para ayusin ang mga dahilan ng pagkaka-block ng access sa Terminal sa Pag-trade. Kung hindi magsasagawa ang Kliyente ng anumang hakbang o pagkilos para ayusin ang mga nabanggit na dahilan sa loob ng tatlumpong (30) araw, nakalaan sa Kumpanya ang karapatang ibawas ang lahat ng pondo mula sa account sa pag-trade. Hindi obligado ang Kumpanya na bawiin ang binawas na pondo pabalik sa account sa pag-trade ng Kliyente kung matugunan ng Kliyente ang lahat ng kinakailangan para matanggal ang pagkaka-block sa kanyang account sa pag-trade.
8.5. Kung lalabagin ng Kliyente ang anumang termino ng Kasunduan at sa mga kaugnay nitong bahagi na nakalista sa Klausula 1.2., kasama na ang pagtangging sumailalim sa kinakailanga ng pagsusuri at pagbibigay sa kinakailangang impormasyon, may karapatan ang Kumpanya na wakasan ang Kasunduan, pawalang-bisa ang anumang transaksyon ng Kliyente, magsara ng isa, ilang, o lahat ng pag-trade ng Kliyente anumang oras sa pagpapasya nito, at ihinto ang pagbibiga y ng mga serbisyo sa Kliyente, pagbabalik o hindi pagbabalik ng pondo sa Kliyente sa sarili nito pagpapasya. Ang anumang paglabag sa mga termino sa klausulang ito ay nag-aalis sa karapatan ng Kliyente na humiling ng bayad o refund mula sa Kumpanya.
8.5.1. Kung winakasan ng Kumpanya ang Kasunduan sa Kliyente dahil sa paglabag sa mga termino ng Kasunduan, walang karapatan ang Kliyente na magbukas ng bagong account, kasama na ang paglalagay ng data ng third party sa panahon ng pagrehistro. Kung ibubunyag ng Kumpanya ang paglabag ng Kliyente na tinukoy sa klausulang ito, kasunod nito ang mga kahihinat nang itinakda sa Klausula 8.5. ng Kasunduan.
8.6. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga pinsala, kawalan, nawalang kita, naiwala ng oportunidad (kasama na ang, ngunit hindi limitado sa, dahil sa posibleng pagpapabago-bago ng market), gastusin, o pinsalang natamo ng Kliyente bilang resulta ng mga pag-trade alinsunod sa mga termino ng Kasunduan.
8.7. Hindi responsibilidad ng Kumpanya kung magkaroon ng hindi pagkakatulad ng impormasyong ipinakita sa Terminal sa Pag-trade ng Kliyente at sa impormasyon sa server ng Kumpanya sa proseso ng pagtukoy sa pinansyal na resulta ng mga pag-trade ng Kliyente. Para malutas ang gayong hindi pagkakatulad, ia-adjust ng Kumpanya ang data sa Terminal sa Pag-trade nang naaayon sa impormasyong available sa server ng Kumpanya.
8.8. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga pinsala sa Kliyente kung ang gayong mga pinsala ay resulta ng mga pag-atake ng hacker, mga aksidente sa (hindi tamang paggana ng) mga computer network, network ng komunikasyon, linya ng koryente, at/o sistema ng telekomunikasyon, atbp. na direktang ginagamit para pagkasunduan ang mga kinakailanga ng kondisyon ng mga transaksyon ng Kliyente o para maisagawa ang iba pang proseso ng operasyon ng Kumpanya na nangyari nang walang kinalaman ang Kumpanya.
8.9. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga teknikal na pagpalya at/o pagkaantala sa operasyon ng Terminal sa Pag-trade na nangyari bilang resulta ng mga pag-atake ng hacker, mga aksidente sa (hindi tamang paggana ng) mga computer network, network ng komunikasyon, linya ng koryente, at/o sistema ng telekomunikasyon, atbp. at para sa mga pinsala sa Kliyente na resulta ng gayong mga hindi tamang paggana at/o pagkaantala.
8.10. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga resulta ng mga transaksyong napagpasyahan ng Kliyente na isagawa batay sa mga analytical na materyal na ibinigay ng Kumpanya at/o mga third party. Napagbigyang-alam ang Kliyente na ang mga transaksyong isinagawa alinsunod sa Kasunduan ay may kaakibat na panganib na hindi matanggap ang inaasahang kita at ang panganib na maiwala ang ilan o lahat ng perang idineposito sa kanyang Account ng Kliyente. Kinikilala ng Kliyente na maliban kung nagkaroon ng panloloko, sinadyang paglabag sa mga obligasyon, o lantarang kapabayaan sa bahagi ng Kumpanya, hindi responsibilidad ng Kliyente ang anumang nawala, nagastos, gastos at pinsala sa Kliyente bilang resulta ng pagiging hindi tumpak ng impormasyong ibinigay sa Kliyente, kasama ang, ngunit hindi limitado sa, impormasyon tungkol sa mga transaksyon sa pag-trade ng Kliyente. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang kanselahin o isara ang anumang transaksyon ng Kliyente sa ilalim ng mga kondisyong itinakda sa Kasunduan. Gayunpaman, mananatiling may bisa ang lahat ng transaksyong isinagawa ng Kliyente bilang resulta ng hindi tumpak na impormasyon o error at dapat isakatuparan ng Kliyente at Kumpanya.
8.11. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang anumang kawalang nangyari sa Kliyente kapag may nangyaring pagnanakaw, pagkawala, o pakakabunyag sa mga third party ng kanyang password sa Terminal sa Pag-trade. Nakaatang sa Kliyente ang buong responsibilidad para sa pagprotekta sa kanyang password at pag-iingat dito mula sa hindi awtorisadong pag-access ng third-party.
8.12. Walang pananagutan ang Kumpanya para sa pagkabigong isagawa (wastong isagawa) ang mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduan, kung ang naging balakid sa ganoong mga pagsasagawa ay ang mga kaganapang force majeure.
8.13. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang anumang hindi direkta, espesyal, arbitraryo, o matitinding pinsalang natamo ng Kliyente, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagkawala ng kita, pagkawala ng mga inaasahang ipon, o pagkawala ng kita, kahit pa naabisuhan ng Kumpanya ang Kliyente tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng ganoong mga pinsala. Ang pinsalang hindi nagsasangkot ng pera ay hindi babayaran.
8.14. May karapatan ang Kumpanya na isaalang-alang ang mga paglabag ng Kliyente anumang oras, kahit kailan pa nangyari ang nasabing paglabag, at kung natuklasan ng Kumpanya ang mga paglabag, para magsagawa ng hakbang alinsunod sa Kasunduan.
9. Tagal at Proseso ng Pagwawakas ng Kasunduan
9.1. Nagkakaroon ng bisa ang Kasunduan sa sandaling makumpleto ito (sa oras na magrehis tro ang Kliyente sa website o Terminal sa Pag-trade ng Kumpanya) at may bisa sa walang itinakda ng panahon.
9.2. Maaaring wakasan ng sinuman sa Partido ang Kasunduan sa sarili nitong pagkukusa.
9.2.1. Itinuturing na winakasan ang Kasunduan sa pagkilos ng Kumpanya simula sa petsang tinukoy sa abisong ipinadala ng Kumpanya sa Kliyente.
9.3. Itinuturing na nagwakas ang Kasunduan may kinalaman sa mga Partido kapag naisagawa na ang parehong obligasyon ng Kliyente at Kumpanya tungkol sa mga nakaraang ginawang transaksyon at kapag nabayaran na ang lahat ng utang ng bawat Partido.
10. Mga Panghuling Probisyon
10.1. Ginawa ang mga pagbabago at addendum sa Kasunduan at sa mga apendise tanging sa pagkukusa ng Kumpanya. Magkakaroon ng bisa sa petsang tinukoy ng Kumpanya ang lahat ng pagbabago at addendum na ginawa ng Kumpanya at na hindi nauugnay sa mga kalagayang tinukoy sa Kasunduan.
10.2. Ang mga pagbabago at addendum na ginawa ng Kumpanya sa Kasunduang ito at sa mga apendise nito dahil sa mga pagbabago sa batas at mga regulasyong sumasaklaw sa paksa nito at sa mga alituntunin at kontrata ng mga system ng pag-trade na ginamit ng Kumpanya para maisakatuparan ang mga obligasyon nito na tinukoy sa Kasunduan ay magkakaroon ng bisa kasabay ng mga pagbabago sa nabanggit na mga dokumento.
10.3. Kapag nagkabisa ang mga pagbabago at addendum na ginawa ng Kumpanya, pantay-pantay na malalapat ang mga ito sa lahat ng Kliyente, kasama na ang mga pumasok sa Kasunduan bago ang petsa ng pagkakabisa ng gayong pagbabago at addenda.
10.4. Para matiyak na alam ng Kliyenteng pumasok sa Kasunduan ang lahat ng mga pagbabago at addendum sa Kasunduan, bibisita mismo ang Kliyente sa website o platform sa pag-trade ng Kumpanya po o sa tulong ng mga awtorisadong tao kahit man lang isang beses sa isang linggo para makita ang impormasyon tungkol sa mga pagbabago at/o addendum.
10.5. Kapag nagbibigay ng kanyang personal na data sa Kumpanya sa anumang anyo at paraan (kapag nagsasagawa ng anumang pagkilos sa website ng Kumpanya, sa pamamagitan ng iba pang kasangkot na partido ng Kumpanya, atbp.), ang Kliyente (isang tao) ay nagbibigay sa Kumpanya at sa mga partner nito ng kanyang pahintulot sa pagpoproseso sa paraang automated at sa pagpoproseso sa isang hindi automated na paraan ng kanyang personal na data para sa mga layunin ng pagsasakatuparan ng Kasunduan, pagsasagawa ng mga campaign sa pag-advertise, pagpapakita ng advertising, mga materyal na nakakapagbigay ng impormasyon at pang-marketing, at impormasyon tungkol sa mga campaign at event na isinasagawa ng Kumpanya, at para sa iba pang layuning tutukuyin ng Kumpanya, kasama ang: pangongolekta, pag-uulat, pag-oorganisa, pagsasaayos, pag-store, paghalaw o pagbabago, pagbawi, pagkonsulta, paggamit, paghahayag sa pamamagitan ng pagpapadala, pagpapakalat o kaya naman ay paggawang available, pagtutugma o pagsasama, paghihigpit, pagbububura o pagsira, cross-border na pagproseso. Ibinibigay ang pahintulot para sa panahong 75 taon (o hanggang sa pag-expire ng mga panahon ng pagpapanatili para sa nauugnay na data o mga dokumento na naglalaman ng gayong data na tinukoy sa kasalukuyang batas ng pangunahing lugar as pagnenegosyo ng Kumpanya). Babawiin ang pahintulot nang naaayon sa batas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan as Kumpanya sa nakarehistrong address nito. Makukuha ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa website ng Kumpanya. Ginagarantiyahan ng Kumpanya ang pagiging kumpidensyal ng personal na data na
ibinibigay ng Kliyente, maliban sa mga kalagayang itinakda ng anumang nalalapat na batas at sa mga kalagayang force majeure.
10.6. May karapatan ang Kliyente na gamitin ang impormasyong ibinigay sa Kliyente nang bibigan man o nang nakasulat ng Kumpanya o ng mga third party at access sa mga bagay kung para saan siya binigyan nito bilang bahagi ng mga serbisyong tinukoy sa Kasunduan tangi lamang para sa mga transaksyong tinukoy sa Kasunduan. Walang karapatan ang Kliyente na ipamaha gi, baguhin, o xxxxxxxx xxx nabanggit na impormasyon, o i-store ito sa hiwalay na mga archive. Hindi sa anumang kalagayan mahihigitan ng saklaw ng mga kapangyarihang ibinigay sa Kliyente may kinalaman sa impormasyong na-post ng mga third party ang saklaw ng awtoridad na nakuha ng Kumpanya mula sa third party na iyon. Hindi ginagarantiyahan ng Kumpanya na maaasahan, xxxxxx, xxx kaugnayan, o na ibibigay nang patuluyan nang walang patid ang impormasyong na- post ng mga third party. Hindi responsibilidad ng Kumpanya ang mga resulta ng mga transaksyon (pagkawala, nawalang tubo, nawalang kita, mga pinsala sa reputasyon, atbp.) na isinagawa ng Kliyente base sa impormasyong ipinaalam sa Kliyente ng Kumpanya o mga third party sa bibigan man o nang nakasulat.
10.7. Maaaring ilipat ng Kumpanya nang buo o bahagi ng kanyang mga karapatan at obligasyo ng tinukoy sa Kasunduan at sa mga apendise nito sa isang third party kung aakuin para isakatuparan ng gayong partido ang mga termino ng Kasunduan. Hindi kinakailangan ng ganitong paglilipat ng mga karapatan at obligasyon ang paunang abiso ng Kumpanya sa Kliyente at na itinuturing na ginawa sa oras na ilathala ang impormasyong isa website ng Kumpanya.
10.8. Walang karapatan ang Kliyente na italaga ang kanyang sariling mga karapatan, ilipat ang kanyang sariling mga obligasyon o iatang sa iba ang kanyang mga karapatan o obligasyo ng tinukoy sa Kasunduan sa anumang iba pang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Kumpanya. Kung malabag ang kondisyong ito, ituturing na walang bisa ang anumang gayong pagtatalaga, pagbibigay, o paglilipat sa iba.
10.9. Ang Kumpanya, mga partner nito, o anumang iba pang affiliate ay maaaring magkaroon ng materyal na pakinabang, legal na kaugnayan, o kaayusan may kinalaman sa anumang transaksyon sa platform sa pag-trade o sa personal na area, o materyal na pakinabang, legal na kaugnayan, o kaayusan na sumasalungat sa mga interes ng Kliyente. Halimbawa, maaaring isagawa ng Kumpanya ang mga sumusunod:
a) kumilos bilang kasangkot na partido sa anumang transaksyon sa pag-trade may kinalaman sa anumang asset;
b) magbigay ng suhestyon sa isa pang partner ng Kumpanya bilang isang kasangkot na partido para sa isang transaksyon sa pag-trade;
c) magbigay ng mga rekomendasyon at magsagawa ng mga serbisyo sa mga partner nito o sa iba pang kliyente ng Kumpanya may kinalaman sa mga transaksyon sa pag-trade kung saan sila may interes, kahit pa salungat ito sa mga interes ng Kliyente.
10.10. Sumasang-xxxx at pinapahintulutan ng Kliyente ang Kumpanya na kumilos may kinala man sa Kliyente at para sa Kliyente xxxx sa nakikita ng Kumpanya na angkop, kahit pa posibleng mayroong salungatan ng interes o ang pagkakaroon ng ilang materyal na interes kaugnay ng anumang transaksyon sa Terminal sa Pag-trade o sa personal na area nang walang paunang abiso ng Kliyente. Ang pagkakaroon ng salungatan ng interes o materyal na pakinabang may kinala ma n sa anumang transaksyon sa Terminal sa Pag-trade o sa personal na area ay hindi dapat makaapekto sa pagbibigay ng mga empleyado ng Kumpanya ng mga serbisyo sa Kliyente. May karapatan ang
Kumpanya na kumilos paminsan-minsan sa ngalan ng Kliyente sa mga partido kung kanino may kasunduan ang Kumpanya o sinuman sa mga partido kung kanino xxx xxx kaugnayan para makatanggap ng mga produkto o serbisyo.
Ginagarantiyahan ng Kumpanya na ang mga kasunduang ito ay ginawa hangga’t posible para sa kapakinabangan ng Kliyente, halimbawa, ginagawang posible ng gayong mga kasunduan para ma- access ang impormasyon at iba pang serbisyo na hindi sana maa-access kung wala ang mga kasunduang ito.
10.11. Kung idedeklara ng isang korteng may wastong hurisdiksyon na walang puwersa at napawalang-bisa ang anumang probisyon sa Kasunduan (o anumang bahagi ng anumang probisyon), ituturing ang probisyong iyon bilang hiwalay na bahagi ng Kasunduan, at patuloy na ganap na maipatutupad at may bisa ang nalalabing bahagi ng Kasunduang ito.
10.12. May karapatan ang Kumpanyang suspindihin ang pagkakaloob ng mga serbisyo sa Kliyente anumang oras (hindi kinakailangan ang paunang abiso sa Kliyente).
10.13. Sa mga sitwasyong hindi inilarawan sa Kasunduan, kikilos ang Kumpanya nang naaayon sa mga katanggap-tanggap na kalakaran sa pagnenegosyo batay sa mga prinsipyo ng katapatan at pagiging patas.
10.14. Nakalaan sa Kumpanya ang karapatang maghanda at gumamit ng text ng Kasunduan at sa mga apendise nito sa mga wika maliban sa English. Kung may mga salungatan sa pagitan ng text ng Kasunduan at ng mga apendise nito sa English sa mga katumbas na text sa ibang xxxx, xxx text sa English ang mananaig. Ang inilathalang text ng Kasunduan sa website ng Kumpanya ay mananaig kaysa sa text ng Kasunduan na inilatha la sa iba xxxx xxxxx.
11. Listahan ng mga Bansa kung saan Walang Operasyon ang Kumpanya
11.1. Walang operasyon ang Kumpanya sa o nagbibigay ng mga serbisyo sa mga taong nauugnay sa mga sumusunod na bansa at (o) sa mga umaasa, kaugnay o affiliated na teritoryo: Gibraltar, the Isle of Man, Guernsey, Jersey, Australia, Canada, the United States of America, Japan, Austria, Belgium, Bulgaria, Croatia, Cyprus, Liechtenstein, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Iceland, Italy, Israel, Latvia, Lithuania, Luxembo urg, Malta, the Netherlands, Norway, New Zealand, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Switzerland, Sweden, the Islamic Republic of Iran, or the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Lebanese Republic, Republic of Zimbabwe, Republic of Mauritius, Republic of Côte d'Ivoire, Republic of Iraq, Commonwealth of Puerto Rico, Republic of Yemen, Federal Republic of Somalia, Republic of Congo, State of Libya, Republic of Sudan, Federal Democratic Republic of Ethiopia, Republic of Liberia, Syrian Arab Republic, Republic of the Union of Myanmar, Central African Republic, State of Eritrea, Democratic People's Republic of Korea, Republic of Mali, Republic of Vanuatu, Saint Xxxxxxx and the Grenadines, Russian Federation, Republic of Turkey, Republic of Belarus, pati na ang mga umaasa, may kinalaman at
(o) kaugnay na teritoryo ng mga nabanggit sa itaas na mga Estado;
11.2. Karagdagan pa, ang mga taong nauugnay sa mga nabanggit na bansa (teritoryo) ay tinutuko y na mga taong:
11.2.1. may pagkamamamayan (citizenship)/pahintulot bilang permanenteng residente/iba ng katulad na dokumento mula sa isang bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya;
11.2.2. naninirahan/mga residente/may address ng koreo o address ng tirahan sa isang bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya;
11.2.3. ipinanganak sa isang bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya;
11.2.4. may IP address o numero ng telepono (area code) na nauugnay sa isang bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya;
11.2.5. may iba pang kaugnayan sa isang bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya na tinukoy ng Kumpanya sa pagpapasya nito.
11.3. Kung matuklasan na nagbibigay ang Kumpanya ng mga serbisyo sa mga taong nauugnay sa mga bansa kung saan walang operasyon ang Kumpanya, maaaring ilapat ng Kumpanya ang mga kahihinatnang nakalista sa Klausula 8.5. Kasunduan.