Sa Paggamit ng mga Serbisyo sa Komunikasyon ng au
Sa Paggamit ng mga Serbisyo sa Komunikasyon ng au
Base sa impormasyon sa Nobyembre, 2016 (AAS0073) Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng mahahalagang bagay na kailangang bigyang-pansin sa paggamit ng mga serbisyo sa komunikasyon ng au. Pakisuyong basahing mabuti ang detalye ng kontrata bago pumasok sa kontrata.
TINGNAN ITONG MABUTI at bumisita sa aming website. |
*Kung hindi makakakonekta sa pamamagitan ng QR code sa itaas, bumisita mula sa iyong PC, o makipag-ugnayan sa KDDI Customer Support Center. | |
Mula sa PC | Opisyal na website ng au Smartphone / mobile phone Pagpapaliwanag ng mahahalagang bagay, atbp (Sa Paggamit ng mga Serbisyo sa Komunikasyon ng au) (xxxx://xxx.xx.xxxx.xxx/) "Mobile Phones" "Notice for using the au communication service" |
A
Maaaring singilin ANG HALAGA PARA SA PAGKANSELA. ...........................................................
Pakisuyong tiyakin kung magkano ang kailangang bayaran sa panahon ng pagbabago o pagkansela ng plan ng serbisyo.
B
Pakisuyong tiyakin ang "FLAT-RATE PARA SA PAGPAPADALA NG PACKET". .......................
Mahalaga munang tiyakin ito upang maiwasang singilin sa iyo ang napakalaking halaga.
C
May probisyon ng tulong PARA SA PROBLEMA NG MOBILE PHONE NG AU. .........................
Inilalaan ang tulong para sa pagkukumpuni at kabayaran sa panahon ng problema.
D
Paggamit habang nasa IBANG BANSA, o pagtawag sa IBANG BANSA ............................................
Maaaring singilin ang napakalaking halaga kung gagamit sa ibang bansa, o tatawag sa ibang bansa.
Maaaring singilin ang halaga para sa pagkansela sa panahon ng pagbabago, pagputol, at pagkansela ng kontrata, depende sa haba ng panahon ng kontrata.
A Mga plan sa pagbabayad, diskuwentong serbisyo, atbp
Uri ng plan na inirerekomenda
LTE/VoLTE | VoLTE | WIN | ||||
Smartphone ng au | Mobile phone ng au | Mobile phone ng au | ||||
Uri ng plan | Basic charge (Kapag inilalapat ang "Everybody Discount" *1) | Super Kakeho (Unlimited Calling Plan S) *2 | VK Plan | VK Plan S | Kakeho (Unlimited Calling Plan / mobile phone ng au) | Kakeho (Unlimited Calling Plan / mobile phone na may serbisyo ng komunikasyon ng data) *3 |
¥1,700 / isang buwan | ¥998 / isang buwan | ¥998 / isang buwan May kalakip na libreng pagtawag nang ¥1,100 | ¥2,200 / isang buwan | ¥2,200 / isang buwan | ||
Bayad sa pagtawag sa loob ng Japan | 5 minuto o mas maikli: Libre *4 Sobra sa 5 minuto: ¥20 / 30 segundo *5 | Sa mobile phone ng au (1:00-21:00): Libre Ibang panahon: ¥20 / 30 segundo | ¥20 / 30 segundo | Libre *4 | Libre *4 | |
Serbisyo ng pagkokonekta sa internet | LTE NET: ¥300 / isang buwan | EZ WIN: ¥300 / isang buwan | ||||
Data Flat *6 / Serbisyo ng Flat-rate sa pagpapadala ng packet | Data flat 1: ¥2,900 / isang buwan | LTE Double Flat: ¥500-4,200 / isang buwan | — (Bayad kada tawag) | ¥3,500 / isang buwan *7 | ||
Data flat 3: ¥4,200 / isang buwan | ||||||
Data flat 5: ¥5,000 / isang buwan | ||||||
Data flat 20: ¥6,000 / isang buwan | ||||||
Data flat 30: ¥8,000 / isang buwan |
*1 Ang basic charge bago ilapat ang "Everybody Discount" ay ¥3,200 / isang buwan para sa "Super Kakeho (Unlimited Calling Plan S)", at ¥3,700 / isang buwan para sa "Kakeho (Unlimited Calling Plan)" ng WIN mobile phone ng au.
*2 Kailangang magkasamang makipagkontrata ng "Super Kakeho (Unlimited Calling Plan S)" at "Data Flat". Para sa VoLTE naman, kailangang magkasamang makipagkontrata ng "Super Kakeho (Unlimited Calling Plan S / V)" at "Data Flat (V)".
*3 Ang halaga para sa "Kakeho (Unlimited Calling Plan / mobile phone na may serbisyo ng komunikasyon ng data) ay ikakalkula base sa kabuuan ng basic charge at bayad para sa Data Flat.
*4 Hindi mailalapat ang flat rate na pagtawag ng "Super Kakeho (Unlimited Calling Plan S)" at "Kakeho (Unlimited Calling Plan)" sa pagtawag sa numero ng telepono na nagsisimula sa 0180, 0570, atbp. na itinakda ng ibang kompanya ang bayad ng mga iyan, pagtawag sa directory assistance (104), pagtawag sa satellite phone / satellite phone sa barko, at pagtawag sa mga numero ng telepono na tinutukoy na bukod ng KDDI.
Serbisyo ng Pagkokonekta sa Internet
⭘ Kung gagamitin ang serbisyo ng pagkokonekta sa internet sa mobile phone o smartphone mismo, kailangang mag-aplay sa alimman sa serbisyo ng EZ WIN course, IS NET course, xx.XXX, LTE NET, at LTE NET for DATA (pareho rin sa paggamit sa ibang bansa).
⭘ Sa pag-aaplay sa serbisyo ng pagkokonekta sa internet, kailangang aprobahan ng mamimili na tumanggap ng "Hot Info" (serbisyo na tumanggap ng mga impormasyon ng anunsiyo) na puwedeng ikansela kung nais ng mamimili.
⭘ Sa oras ng pag-aaplay para sa content service na “Select pack” at “Bookpass”, magiging kabilang ang pahintulot ng pagtanggap ng e-mail na nagbibigay-abiso ng sinalihang serbisyo (kabilang ang mga anunsyo) (maaaring kanselahin ng mamimili).
Pagkokontrata sa "Router para sa WiMAX 2+"
★ Ang “WiMAX 2+Flat for DATA EX (2 taon)”, “WiMAX 2+Flat for DATA (2 taon – a)”, at “WiMAX 2+Flat for DATA (4 na taon)” ay uri ng plan para sa 2 taon / 4 na taong kontrata. Hangga’t hindi ipaaalam ang hiling na ipatanggal ang mga ito, awtomatiko silang ipapanibago nang bawa’t 2 taon / 4 na taon. Sisingilin ang halaga para sa pagkansela na ¥9,500 kapag kinansela, pansamantalang hininto, o binago ang uri ng serbisyo sa gitna ng panahon ng kontrata (Hindi kabilang ang
dalawang buwang palugit ng pagpapanibago ng kontrata). Xxxxxxxx, hindi sisingilin ang halaga para sa pagkansela kung babaguhin ang kontrata ng "WiMAX 2 + Flat for DATA EX (2 taon)", "WiMAX 2 + Flat for DATA (2 taon)" o "WiMAX 2 + Flat for DATA (2 taon a)" sa kontrata ng "WiMAX 2 + Flat for DATA (4 na taon)".
“Tulong ng au sa Pagbili”
★ Kapag bumili ang mamimili ng mobile phone sa paglalapat ng “Tulong ng au sa Pagbili”, sisingilin ang "Halaga Para sa Pagkansela ng Tulong ng au sa Pagbili” depende sa bilang ng buwan ng paglalapat ng “Tulong ng au sa Pagbili” at modelo ng mobile phone, sa pagkansela o sandaling paghinto ng kontrata sa linya ng au, o sa pagbabago ng mobile phone dahil sa pagbili ng bagong modelo. Tungkol sa detalye, tingnan ang "Mga Kahilingan at Kundisyon" na bukod na ibibigay.
〈販売店様へお願い〉 本紙の内容をお客様にご説明のうえ、必ずお渡しください。
Hindi rin mailalapat sa internasyonal na pagtawag at pagtawag habang nasa ibang bansa.
*5 Kung tungkol sa pagtawag sa miyembro ng pamilya sa “Everybody Discount + Family Discount”, at sa pagtawag sa sariling bahay sa “au →My Home Discount" (kung mailalapat ang libreng pagtawag), xxx xxxx’t serbisyo ay pangunahing mailalapat at magiging libre rin ang pagtawag kahit sobra sa 5 minuto.
*6 Kapag lumampas na sa takdang dami para sa isang buwan ang kabuuan ng dami ng komunikasyon sa buwang iyon, lilimitahan ng KDDI ang bilis sa komunikasyon hanggang sa katapusan ng buwang iyon. Pakisuyong tiyakin ang detalye sa "Paglimita sa bilis sa komunikasyon" sa pahina 5.
*7 Idaragdag ang bukod na halaga para sa komunikasyon ng data malibang para sa komunikasyon gamit ang EZ Web at pagpapadala ng Email. Ang pinakamataas na halaga ng dagdag para sa paggamit sa mismong smartphone lamang ay ¥2,200 / isang buwan, at para sa pagkokonekta sa mobile PC / PDA / car navigation system, atbp (kung ang modelo ay para sa serbisyo*8) naman ay ¥6,400 / isang buwan.
*8 Pakisuyong tiyakin sa opisyal na website ng au kung aling modelo ang para sa serbisyong ito.
Pagkokontrata sa "Everybody Discount"
★ 2 taon na kontrata ang "Everybody Discount". Hangga’t hindi ipaaalam ang hiling na ipatanggal ito, awtomatikong ipapanibago nang bawa’t 2 taon ang “Everybody Discount”. Sisingilin ang halaga para sa pagkansela na ¥9,500 kapag kinansela, hininto, o pinutol ang "Everybody Discount" sa gitna ng panahon ng kontrata, kahit ilang taon nakakontrata ang mamimili dito (Hindi kabilang ang 2 buwang palugit ng pagpapanibago ng kontrata). Ngunit kapag ang mamimili ay magkasamang nakakontrata sa “Everybody Discount” at “Family Discount / Business Discount”, mula sa ika-11 taon ng pagkontrata sa au, ang singil sa pagkansela ay magiging ¥3,000.
Pagkokontrata sa “Everybody Discount Lite”
★ Mula sa buwan ng pagpirma ng kontrata ng “Everybody Discount Lite” hanggang sa katapusan ng sumunod na buwan ay ituturing na ikaunang buwan ng serbisyo. May karampatang singil na 9,500 yen kung magpapaputol ng linya o pansamantalang magpapatigil ng serbisyo o magpapatanggal ng “Everybody Discount Lite” sa loob ng 24 buwan. Walang singil kung sakaling ikansela ang kontrata mula sa ika-25 buwan o higit pa.
Kontrata ng Tablet Plan ds na 3 taon o 2 taon
★ Ang “Tablet Plan ds (3 taong kontrata)” at “Tablet Plan ds (2 taong kontrata)” ay uri ng plan para sa 3 taon / 2 taon na kontrata. Hangga’t hindi ipaaalam ang hiling ng pagpapatanggal, xxx xxxx’t plan ay awtomatikong ipapanibago nang bawa’t 2 taon mula sa ikalawang pagpapanibago ng plan. Sisingilin ang halaga para sa pagkansela (¥9,900 para sa 3 taong kontrata, at ¥9,500 para sa 2 taong kontrata) kapag kinansela, pansamantalang hininto, o binago ang uri ng serbisyo sa gitna ng panahon ng kontrata. (Hindi kabilang ang 2 buwang palugit ng pagpapanibago ng kontrata).
1
B Pagpapadala ng Packet
Malaking Halaga Dahil sa Pagpapadala ng Packet Pagpapadala ng packet
⭘ Sisingilin ang halaga ng pagpapadala ng packet depende sa dami ng packet na ipinadala at ⭘ Hindi saklaw sa pinakamataas na halaga ng serbisyo ng flat-rate sa pagpapadala ng packet tinanggap (1 packet = 128 bytes). ang anumang halaga para sa pagpapadala ng packet (komunikasyon gamit ang PC, PDA,
★ Hinihimok ng KDDI ang mamimili na makipagkontrata sa serbisyo ng flat-rate sa car navigation system, atbp.) maliban sa paggamit ng komunikasyon sa WIN smartphone pagpapadala ng packet dahil tataas ang halaga ng komunikasyon para sa pagpapadala mismo (kasama dito ang komunikasyon sa Wi-Fi / USB tethering ng smartphone na may ng malalaking data gamit ang pagpapadala ng packet, tulad ng pagtingin sa website na +WiMAX), EZweb, Email (maliban sa ilang espesipikong modelo).
may mga larawan, pagpapadala at pagtanggap ng Email na may kalakip na attachment, at ⭘ Sisingilin ang halaga para sa komunikasyon kapag tinanggap ng smartphone ang "Email ng pagda-download ng data. Mahalagang Impormasyon", "Hot Info", at "Web de Seikyu-syo (online na kuwenta sa bayad)
⭘ Maaaring pansamantalang ihinto ng KDDI ang linya ng mamimili kapag naging mataas na na Mail".
ang halaga para sa pagpapadala ng packet. ⭘ Ang +WiMAX ay ang serbisyo na gumagamit ng komunikasyon sa mabilis na mobile
★ Maaaring singilin nang buo ang flat-rate, hindi hanggang lamang sa araw ng pagkansela o broadband. Sisingilin ang buwanang bayad na ¥500 kung gagamitin ang komunikasyon ng pansamantalang paghinto. WiMAX sa smartphone na may +WiMAX. Kung ibabalik ito sa default setting, maa-activate
ito na naka-ON ang WiMAX nang awtomatiko (maliban sa ilang modelo).
⭘ Dahil sa "best-effort” na sistema na ginagamit para sa pagpapadala ng packet, ang bilis ng komunikasyon ay magbabago depende sa sikip ng linya at iba pang kadahilanan.
Lubos na inirerekomendang i-apply ang serbisyong Flat-rate sa pagpapadala ng packet, dahil ang smartphone at 4G LTE mobile phone ay nakadisenyong patuloy na kumokonekta sa internet at awtomatikong magpadala ng data.
C Serbisyo pagkatapos ng pagbili
Serbisyo ng Paggagarantiya Data sa Loob ng Mobile Phone
⭘ Matatanggap ng mamimili ang sapat na serbisyo pagkatapos ng pagbili kung nakakontrata sa Keitai Guarantee Service Plus.
⭘ Ang pagkokontrata dito ay magagawa lamang sa panahon ng pagbili ng mobile phone ng au.
⭘ Iniimbak nang 4 na taon ang mga piyesa para sa pagkukumpuni ng mobile phone ng au at ng mga aksesorya matapos ang paggawa ng mga iyan. Pagkalampas sa panahon ng pag- iimbak ng mga piyesa para sa pagkukumpuni, hindi na matatanggap ang pagkukumpuni. Kahit sa loob ng panahong iyan, maaaring hindi rin matatanggap ang pagkukumpuni dahil sa kawalan ng mga piyesa para sa pagkukumpuni. Hindi matatanggap ang ilan lamang
na pagkukumpuni kung may iba pa ring kailangang ayusin. Sa kasong ito, ikukumpuni ang lahat at ibabalik iyon sa mamimili, dahil hindi maigagarantiya ang kalidad ng produkto kung sa pagkukumpuni sa ilang bahagi lamang (Maaaring sisingilin ang bayad depende sa uri ng pagkukumpuni). Kung tungkol sa mga ginawan ng pagbabago (kasama rin ang mga software) at mga ikinumpuni maliban sa dakong inawtorisahan ng KDDI para sa pagkukumpuni, ang mga iyan ay tatanggihang ikumpuni.
⭘ Ang panahon ng paggagarantiya ng au mobile phone ay isang taon mula sa araw ng pagbili nito.Dahil hindi lahat ng phone ay may kalakip na kard ng garantiya, humingi mula sa pinagbilhang tindahan ng anumang patunay (resibo atbp.) na nagsasaad kung kailan ito binili at itago itong mabuti.
⭘ Sa oras ng pagtanggap ng pagkukumpuni, sa pagdala ng yunit ng terminal, mangyaring ipaalam sa amin ang serial number na makikita sa labas ng kahon ng terminal (IMEI number).
⭘ Mangyaring kumpirmahin sa instruction manual ang tungkol sa mga probisyon sa libreng pagkumpuni ng au mobile phone.
⭘ Maaaring mabago o mawala ang mga data at setting na nasa mobile phone ng au dahil sa diperensiya, pagkukumpuni, at pagkawala ng mobile phone na iyan. Hindi mananagot ang KDDI sa anumang pinsalang dulot ng pagbabago at pagkawala ng mga data at setting. At sa panahon ng pagkukumpuni ng smartphone, matatanggap iyan kapag inalis na ng mamimili mismo ang lahat ng data mula doon. Sa dahilang ito, ang mamimili mismo ay kailangang gumawa ng regular na pagbabackup ng data ng telepono para ilipat ang mga iyon sa ibang imbakan ng data, at pagbabackup din bago ng pagkukumpuni.
⭘ Kapag mag-aaplay ang mamimili sa KDDI ng pagkukumpuni ng Osaifu-Keitai®, kailangan munang mag-alis ng data sa loob ng Xxxxxx xxxx x xxxxxx-xxxx na alisin ng KDDI o ng ahente ng KDDI ang data sa loob ng Felica chip. Ang mamimili mismo ang dapat gumawa ng paglilipat ng data.
Makipag-ugnayan Kapag Nawala o Ninakaw
<Kapag ninakaw, nawala, at may diperensiya> Puwedeng makipag-ugnayan nang 24 oras at araw-araw (libre ang tawag) Mula sa mobile phone ng au: 113
Mula sa mobile phone maliban sa au, at mula sa landline: 0000-0-000 (libre ang tawag)
* Kapag hindi nagagamit ang mga numero ng telepono sa itaas: 0000-000-000
● Hindi matatanggap ang ilan lamang na pagkukumpuni kung may iba pa ring kailangang ayusin.
● Kailangan ng mamimili mismo na gumawa ng regular na pagbabackup ng data sa telepono at pagbabackup din bago ng pagkukumpuni.
Hindi mailalapat sa paggamit ng ibang bansa xxx xxxx’t flat-rate at diskuwentong serbisyo sa loob ng Japan. Kailangan ng mamimili na tiyakin at baguhin ang setting bago umalis ng Japan (bago ng paggamit) para maiwasan ang pagtaas ng halaga para sa pagpapadala ng packet.
D Paggamit sa Ibang Bansa
Paggamit sa Ibang Bansa
⭘ Kung gagamitin sa ibang bansa, tiyakin na ang modelo ng telepono ay sakop ng serbisyo ng au World Service.
⭘ Hindi mailalapat sa halaga ng pagtawag at pagpapadala ng packet sa ibang bansa xxx xxxx’t flat-rate at diskuwentong serbisyo sa loob ng Japan, at maaaring maiiba sa kaso ng paggamit sa loob ng Japan.
★ Sisingilin ang halaga ng pagtawag kahit na tinawagan lamang ang mamimili habang siya ay
⭘ Halimbawang halaga para sa pagtawag sa loob ng isang minuto
Pagtawag sa teleponong nasa parehong bansa | Internasyonal na pagtawag patungo sa Japan | Internasyonal na pagtawag malibang patungo sa Japan | Kapag tinawagan habang nasa ibang bansa | |
United States | ¥120 | ¥140 | ¥210 | ¥165 |
<Halaga para sa pagpapadala ng data (eksemsiyon sa buwis)>
(Eksemsiyon sa buwis)
nasa ibang bansa.
★ Dahil maaaring singilin ng napakataas na halaga kung ang singil sa pagpapadala ng packet ay hindi sakop ng serbisyo ng World Data Flat o Overseas Double Teigaku, inirerekomendang patayin ang awtomatikong pagpapatugma, awtomatikong pagtanggap ng email, mga apps o tungkulin na awtomatikong gumagamit ng pagpapadala ng packet, kung sakaling gagamit ng data roaming sa labas ng bansa.
<World Data Flat>
⭘ Kung ia-apply ang data charge option, at kung sakop ng flat-rate ang bansa o rehiyon, maaaring gumamit ng pagpapadala ng data na sakop ng data flat-rate service gaya sa Japan kung magbabayad ng flat-rate na 980 yen/24 oras (eksemsiyon sa buwis). Xxx xxxx ng datang ginagamit sa World Flat Data ay kukunsumuhin mula sa "Data flat 1-30", "Data flat 2(VK) - 5(VK)” at "LTE flat", at iba pang buwanang dami ng data service at biniling dami ng data charge. Para sa detalye at kondisyon ng paggamit, bisitahin ang website ng au.
* Hindi sakop ang tawag sa telepono (voice call) at SMS. Ang halaga ng babayaran ay para sa pagpapadala ng data mula sa sandaling gamitin ito hanggang 24 oras.
<Overseas Double-Teigaku (Flat-rate)>
⭘ Kung kasama sa kontrata ang internet connection service at gagamit sa bansa/rehiyon/ provider na sakop ng flat-rate, ilalapat ang pinakamataas na singil na 2,980 yen/araw (eksemsiyon sa buwis).Pakisuyong bumisita sa opisyal na website ng au at iba pa tungkol sa detalye ng mga kundisyon para magamit ang serbisyong ito.
* Hindi ito mailalapat sa pakkikipag-usap sa telepono at paggamit ng SMS. Ang halaga na nakalagay sa itaas ay para sa pagpapadala ng packet na gagawin sa kada isang araw sa oras sa Japan (0:00 - 23:59).
⭘ Ang halaga ng pagpapadala ng packet gamit ang smartphone ay ¥0.2 / packet para sa kontrata ng IS NET, ¥1.6 / packet para sa kontrata sa LTE NET. Ang halaga para sa
pagpapadala ng packet ng iba pang modelo (au mobile phone) ay ¥0.35 / packet para sa au World Service CDMA at ¥0.2 / packet para sa au World Service GSM. *
* Sisingilin ng pinakamababang halaga (¥50) bawa’t gamit ng pagpapadala ng data para sa au World Service GSM.
⭘ Ang halaga para sa pagpapadala ng SMS (C-mail) ay ¥100 / mail. Libre ang pagtanggap ng SMS.
Pagtawag at Pagpapadala ng SMS (C-mail) sa Ibang Bansa (sa Serbisyo ng au Internasyonal na Pagtawag)
⭘ Halimbawang halaga ng pagtawag nang 30 segundo (walang pagbabago ng halaga sa 24 oras)
(Eksemsiyon sa buwis)
Kontinente ng United States | Korea | China | Philippines | Thailand |
¥20 | ¥55 | ¥55 | ¥65 | ¥65 |
⭘ Itinakda ng KDDI ang hangganan sa halaga ng paggamit na ¥30,000 sa isang buwan. Kapag natiyak na nakalampas sa hangganan ang bayad para sa paggamit ng mamimili, ititigil ng KDDI ang serbisyo. Bukod pa, maaaring ihinto ang paggamit ng serbisyong
ito hanggang sa matiyak na nabayaran na ang halaga para sa pagtawag na umabot sa hangganang iyan.
⭘ Ang halaga para sa pagpapadala ng internasyonal na SMS (C-mail) ay ¥100 / mail (eksemsiyon sa buwis). Libre ang pagtanggap ng SMS.
Sa Pagkokontrata at Paggamit
Gastos Para sa Pagkokontrata
Paggamit ng Smartphone
⭘ Sa bagong pagkokontrata, sisingilin ang gastos para sa pagkokontrata na ¥3,000. Sisingilin ito kasama ng unang halaga para sa paggamit ng serbisyo.
⭘ Sa LTE Dual / VoLTE, kung babaguhin ng mamimili ang uri ng plan nang tatlong beses o higit pa sa loob ng isang buwan, sisingilin ang gastos para sa kontrata na ¥1,000.
Universal Service Charge
⭘ Pakisuyong tiyakin sa website ng au tungkol sa mga gastos na kailangan para sa iba pang mga proseso.
⭘ Sisingilin and ¥3 kada buwan para sa bawa’t numero ng telepono, at sisingilin nang buo, hindi depende sa bilang ng araw ng paggamit. (Maaaring magbago ang halaga sa hinaharap.)
⭘ Xxx ay programa na hatiin xxxx sa proporsiyon sa lahat ng kompanya ng telepono ang kinakailangang gastos upang magamit ang serbisyo ng pagtawag tulad ng suskripsiyon na telepono (tinatawag itong Universal Service) ng lahat ng sambahayan sa buong Japan nang pantay-pantay at matatag.
⭘ Ang smartphone ay mobile phone na may mataas na kakayahan na dinisenyo para sa paggamit ng internet. Kadalasan, ito ay ginagamit na malayang i-install ang mga application, at may magkaibang katangian sa karaniwang mobile phone sa iba't ibang aspekto.
Tatlong prinsipyo para sa seguridad ng impormasyon sa paggamit ng smartphone
1) I-update ang OS (operating system)
Kailangan ng smartphone na i-update ang OS nito. Kapag gumagamit ng lumang OS, lalong may panganib na mahawaan ng virus. Kaya, kapag ipinaalam ang tungkol sa pag-a-update ng OS, kailangan itong gawin agad.
2) Tiyakin ang paggamit ng anti-virus na software dahil natutuklasan ang ilang application na may halong virus. Kapag gumagamit ng smartphone na may AndroidTM bilang OS, kailangang gamitin ang "Virus BusterTM for au" na inilalaan sa au Smart Pass.
3) Mag-ingat sa pag-iinstall ng mga application
Ang ilang website na naglalaan ng mga application (pinanggalingan ng mga application) ay hindi gaanong gumagawa ng paunang pagsusuri para sa seguridad, atbp. Ang mga application na may halong virus ay paminsan-misang natutuklasan mula sa ganiyang website. Kaya, sa pag-iinstall ng mga application, kailangang gamitin ang mapagkakatiwalaang website na para doon ay ginagawa ng kompanyang naglalaan ng OS o kompanya ng mobile phone ang pagsusuri para sa seguridad.
At, mag-ingat din sa kakayahan at mga kundisyon sa paggamit ng application sa panahon ng pag-iinstall.
⭘ Ang ilang libreng application ay maaaring magpadala ng impormasyon ng gumagamit sa mga kompanyang nangongolekta ng impormasyon at mga kompanyang nagbibigay ng mga anunsiyo. Kailangan ng mamimili na tiyaking mabuti at unawain ang paliwanag sa pagsang-xxxx at sa mga kundisyon para sa paggamit ng mga application na may kinalaman sa impormasyon bago sumang-xxxx at gumamit ng mga iyon.
Mga Proseso Para sa Pag-aaplay at Pagbabago
⭘ Ang mga proseso para sa pagbabago ng modelo, pagkansela, pagpasa, at pagmamana ay matatanggap sa mga tindahan ng au o Pipit.
⭘ Ang mga proseso para sa pagbabago ng uri ng plan at ng mga serbisyo ay matatanggap sa mga tindahan ng au o PiPit, KDDI Customer Support Center, web, at opisyal na website ng au.
⭘ Kung pag-iisahin ang au ID, hindi magagamit ang mga serbisyong ginagamit sa bawa’t au ID bago ng pag-iisa. At sa kasong ito, awtomatikong matatapos ang mga serbisyo para sa mga gumagamit nang matagal na panahon, na dahil dito ay binabayaran nang isahan ang halaga para sa komunikasyon sa pamamagitan ng au Simple Payment.
⭘ Kapag ang isang au ID ay nakarehistro para sa mga linya ng au (o pinag-iisa sa isang au ID), babaguhin ang impormasyon ng lahat ng linya ng au sa panahon ng pagbabago ng impormasyon ng kontrata (pangalan, tirahan sa panahon ng pagkokontrata, at personal identification number ng nakikipagkontrata).
★ Ang mga content at application na binabayaran ng halaga para sa paggamit ay hindi awtomatikong matatapos o puputulin. Kung hindi na kakailanganin ang mga iyon dahil sa pagbabago ng modelo at pagkansela, ang mamimili mismo ang dapat gumawa ng hakbang para sa pagtatapos o pagpapaputol.
⭘ Ang nilalaman ng kontrata ay maaaring basahin sa “au Customer Support” maliban sa ilang bahagi nito. Ngunit ang panahon ng pagtitiyak sa ilang bahagi ng nilalaman ng pinirmahang kontrata ay hanggang anim na buwan mula sa sumunod na araw matapos pirmahan ang kontrata. I-download o i-print at itabi kung kinakailangan.
⭘ Depende sa ginagamit na PDF software, maaaring hindi maayos ang pagpapakita ng PDF file sa “au Customer Support”. Kung sakaling mangyari ang ganito, i-download mula sa PC o gumamit ng “Adobe®Reader®” upang mabasa nang maayos ang PDF file.
Mobile Phone at au IC Card
⭘ Kakayahan at serbisyo na magagamit ay naiiba depende sa modelo ng telepono.
⭘ Ang KDDI ang may-ari ng au IC Card.
⭘ Sisingilin ng KDDI ang ¥2,000 para sa muling paggawa ng au IC Card dahil sa pagkawala, pagkasira, atbp.
PIN (Personal Identification Number)
⭘ Ang PIN ay numero na kailangan para gamitin ang iba't ibang serbisyo ng au. Ang default na PIN ay ang apat na numero na inilagay ng mamimili sa panahon ng bagong pagkokontrata. Kailangan ng mamimili na ingatang mabuti ang kaniyang PIN, dahil ituturing ng KDDI na ang nakikipagkontrata ang gumamit nito kahit ginamit ito ng iba.
Petsa Kung Kailan Magsisimulang Ilapat ang Halaga at Serbisyo
⭘ Kung magsisimula ang kontrata sa kalagitnaan ng buwan, ang basic charge (kasama rin ang libreng pagtawag) ay sisingilin xxxx sa bilang ng araw ng paggamit.
Pagbabayad ng Halaga
⭘ Sisingilin sa pamamagitan ng "Web de Seikyu-syo (online na kuwenta sa bayad)" na makikita ang bayad para sa paggamit sa internet (hindi ipapadala ang bayarin sa papel, atbp.).
* Kung nais ng mamimili ang pagpapadala ng "Bayarin sa Papel", kailangan ng bukod na pag-aaplay. At sisingilin ang gastos para sa paggawa at pagpapadala ng bayarin sa papel, na ¥200 / isang singil.
⭘ Kapag ang halaga para sa paggamit ay hindi nakakaabot sa halaga na itinalaga ng KDDI, sa pagbabayad maliban sa paggamit ng credit card, maaaring singilin nang isahan kada 2 buwan (Gayunman, hindi ito mailalapat habang binabayaran ang utang tulad ng utang na hulugan, o kapag nakikipagkontrata sa Okinawa Cellular Telephone Company.
⭘ Kapag hindi natiyak ang pagbabayad hanggang sa petsa ng pagbabayad na itinakda ng KDDI, maaaring singilin ang halaga para sa pagpapahuli sa pagbabayad, at ihinto ang serbisyo para sa pagtawag xxxx sa mga probisyon ng au para sa kontrata. Sisingilin pa ang basic charge, atbp. kahit habang inihihinto ang pagtawag. Kapag hindi nababayaran ang halaga para sa paggamit ng alinman sa serbisyo ng telekomunikasyon ng KDDI (kasama rin ang bukod pa sa mobile phone ng au) na nakakontrata ngayon o noon, ihihinto ang paggamit para sa lahat ng kontrata, at puputulin ang mga kontratang iyon.
⭘ Kapag mataas na ang halaga para sa paggamit, maaaring singilin ang halaga nang pana-panahon xxxx sa hurisdiksyon ng KDDI.
Paggamit ng Serbisyo ng LTE / VoLTE
⭘ Sa pagpapadala ng packet ng LTE NET, maaaring i-optimize ang komunikasyon upang mapabilis ang pagpapakita o ang pagsisimula ng video para sa sumusunod na mga file. Mga file na larawan: Format ng BMP, jpg, gif, at PNG
Mga file na video: Format ng MPEG, AVI, MOV, FLV, MP4, 3GP, WebM, ASF, at WMV
* Ang pagpapa-optimize ay tumutukoy sa pagpapa-compress ng mga larawan sa laki na angkop sa display ng smartphone, at pagpapa-convert ng mga video sa format ng codec para sa mas epektibong pagpapadala. Ang mga data na kinompress o kinonvert ay hindi puwedeng ibalik sa dating format.
* Ang komunikasyon ng HTTPS at mga file na kalakip sa Email ay hindi i-ooptimize.
* Sa LTE NET para sa DATA din, mailalapat ang pagpapa-optimize sa komunikasyon sa smartphone.
* Ang mga hindi nangangailangan ng pagpapa-optimize ng komunikasyon ay maaaring mag-aplay sa Customer Support Center upang hindi ilapat ang pagpapa-optimize.
⭘ Para pasulungin ang kalidad sa lugar ng serbisyo, maaaring i-rekord ang kalidad, kalagayan ng signal, at lokasyon (impormasyon ng GPS) sa panahon ng pagpapadala ng data. Ang mga impormasyon na nakuha ay gagamitin para lamang sa pagpapasulong ng kalidad sa lugar ng serbisyo. Hindi ito gagawin upang kunin xxx xxxxx ng ipinadala o tiyakin ang sinumang mamimili.
* Ang kakayahang ito ay puwedeng ipawalang-bisa sa modelo para dito.
<Modelo para sa VoLTE>
⭘ Magagamit ng mamimili na gumagamit ng modelo para sa VoLTE ang Sync-call.
⭘ Ang Sync-call ay may "kakayahang tumanggap ng tawag sa telepono at sabay-sabay makakagamit ng telepono na may ipinakikita sa display" at "kakayahang ibahagi sa kausap sa telepono ang ipinakikita sa display, lokasyon ng bawa’t isa, mga video na inirerekord sa kamera, at mga isinulat sa kamay (simula dito tinutukoy bilang ang "Kakayahan ng Sync"). Sisingilin ang halaga para sa pagpapadala ng packet habang ginagamit ang serbisyo sa komunikasyon ng data at ang Kakayahan ng Sync sa panahon ng pakikipag-usap sa telepono.
⭘ Gagamitin ng application ng Sync-call ang impormasyon sa address book ng telepono ng mamimili upang maipakita ang impormasyon ng kausap sa panahon ng pagtanggap ng tawag at habang nakikipag-usap.
⭘ Sa paggamit ng Kakayahan ng Sync, regular na ipapadala ng telepono ng mamimili sa pagpapadala ng packet ang impormasyon na nakarehistro sa pamamagitan ng numero ng telepono na ginawang ID, sa server ng KDDI.
⭘ Upang mapasulong ang pagiging kumbinyente ng Kakayahan ng Sync, titiyakin sa server ng KDDI ang nakarehistrong impormasyon kung magagamit ang Kakayahan ng Sync para sa numero ng telepono na nakarekord sa address book ng telepono at rekord ng pagtawag, at kung sakaling may impormasyon sa server ay ipapakita sa display ng telepono na magagamit ang Kakayahan ng Sync para sa numero ng
telepono na iyan. Sisingilin ang halaga para sa pagpapadala ng packet sa panahon ng pagkuha ng impormasyon mula sa server ng KDDI.
⭘ Para mapasulong ang pagiging kumbinyente ng Sync-call, kukunin at susuriin ng KDDI ang data tulad ng ulit ng pagtanggap ng tawag sa telepono, setting ng application
ng Sync-call, at kalagayan ng paggamit nito (kasama dito ang tulad ng rekord ng komunikasyon), sa pamamagitan ng pagpapadala ng packet.
⭘ Sisingilin ang halaga para sa pagpapadala ng packet sa panahon ng paggamit ng Sync-call.
⭘ Matitigil ang Sync-call sa “setting”「設定」ng application.
Data Charge
⭘ Kung mag-aaplay sa Data Charge, puwedeng ibahagi xxx xxxx ng data na nakakontrata sa ibang miyembro ng pamilya, o tanggapin mula sa kanila, na kapuwa nakatali para sa "au Smart Value" o "Isahang Pagsingil ng au / Magkasamang Pagsingil ng KDDI" sa pamamagitan ng serbisyo ng "Data Gift" .
⭘ Sa pamamahagi ng dami ng data, ang pangalan at numero ng mobile phone ng mamimili na tatanggap ng pamamahagi ay makikita ng mamimili na pinanggalingan ng pamamahaging ito.
⭘ Hindi magagamit ang Data Gift mula 23:00 sa panghuling araw ng buwan hanggang sa 9:00 sa unang araw ng susunod na buwan para sa regular na pagpapanatili.
Pagkokontrata ng Menor-de-edad
⭘ Kapag wala pang 20 anyos ang makikipagkontratang panig, kailangan ng pagsang- xxxx ng may kustodiya niya sa mga bagay na sasang-ayunan ng may kustodiya sa ibaba para sa pag-aaplay.
[Mga Bagay na Sasang-ayunan ng May Kustodiya]
Ako ay paunang sumasang-xxxx bilang legal na kinatawan ng mga may kustodiya na ang mag-aaplay ay gagawa sa KDDI Corporation ng kontrata sa paggamit base sa mga probisyon sa kontrata sa serbisyo sa komunikasyon ng au (WIN) o ng au (LTE), at pagkasimula ng paggamit ay gagawa siya ng pagbabago ng uri ng plan, pagbabago ng modelo, at bawa’t pag-aaplay na may kinalaman sa serbisyo sa komunikasyon ng au*1
(hindi kasama dito ang pag-aaplay sa pagbabago at pagputol ng serbisyo ng filtering tulad ng Safety Access Service, at pagbabago ng numero ng telepono)*2. Bukod pa dito, kung ang mag-aaplay ng kontrata ay bibili ng mobile phone at iba pa mula sa ikatlong partido para sa bawa’t produktong bibilhin sa utang o kaya sa mga nagbebenta ng hulugan, paunang sasang-ayunan ko na makipagkontrata ang mag-aaplay sa KDDI Corporation batay sa "Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang"
o kaya sa "Kontrata sa Pagbili sa Bayad na Hulugan”, at mag-aplay sa minsanang pagbabayad ng pinaghatiang bayad o hulugang bayad ng kaukulang kontrata sa kalagitnaan ng panahon ng pagbabayad nito.
Kung ang mag-aaplay mismo ay magtatakda ng credit card o account sa bangko*3 sa aking pangalan para sa pagbabayad ng halaga sa paggamit ng serbisyo sa komunikasyon ng au, sasang-xxxx ako na bayaran ang halaga ng serbisyo sa komunikasyon ng au*1 na ginagamit ng makikipagkontrata mula sa itinakdang credit card o account, at kung sakaling magpapahuli siya sa pagbabayad, ako ang magsisikap upang matapos ang pagbabayad.
*1: Kasama dito ang serbisyo para sa pagbabayad tulad ng au Simple Payment na makakapagbayad nang magkasama ng halaga para sa serbisyong may bayad o mga bagay na binili sa bawa’t website at ng halaga ng serbisyo sa komunikasyon ng au.
*2: Inilalaan ng KDDI ang serbisyo na nakakapagbago ng bawa’t pag-aaplay sa pamamagitan ng komunikasyon mula sa mobile phone ng au, atbp.
*3: Mailalapat ito sa credit card at account sa bangko sa pangalan ng may kustodiya na nakalagay din sa kolum ng pagsang-xxxx ng may kustodiya sa application form.
⭘ Sa kaso ng pag-aaplay ng menor-de-edad, ipapadala sa may kustodiya sa kaniya ang pagpapaalam upang matiyak ang kaniyang pagsang-xxxx sa pagkokontrata.
At maaaring ikontak ang may kustodiya sa kaniya sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Kapag hindi nababayaran ang halaga para sa kontrata sa menor-de-edad, maaaring ipaalam ang halaga, atbp. sa may kustodiya sa kaniya.
Serbisyo ng Filtering
⭘ Sa simulain, hinihiling ng KDDI ang pag-aaplay sa serbisyo ng filtering (Safety Access) kung gagamit ang menor-de-edad ng internet sa mobile phone, base sa "Batas Para sa Maayos na Kalagayan sa Paggamit ng Menor-de-edad ng Internet Nang Ligtas".
* Dapat magpaalam sa kompanya ng mobile phone ang mga may kostudiya kung ipapagamit niya ang internet sa mobile phone sa mga anak na menor-de-edad na wala pa sa 18 anyos.
⭘ Kung puputulin (o hindi aaplayan) ang serbisyo ng filtering, ang may kostudiya ay kailangang magsumite ng ”Pagpapaalam na Hindi Gagamit ng Serbisyo ng Filtering". Matatanggap ito sa mga tindahan ng au at PiPit (maliban sa ilang tindahan).
⭘ Kung tungkol sa paggamit ng internet ng menor-de-edad, ang may kostudiya sa kaniya ang dapat magpasiya xxxx sa sapat na pag-uunawa at pananagutan.
Pagpaparehistro ng Impormasyon ng Gumagamit
⭘ Kapag magkaiba ang nakikipagkontrata at ang gumagamit ng mobile phone ng au, irerehistro ang impormasyon ng gumagamit xxxx sa pag-aaplay ng nakikipagkontrata (para lamang sa indibiduwal at tao sa ilalim ng Family Discount). Kung ipapagamit sa menor-de-edad, irerehistro ang gumagamit.
⭘ Ang nakikipagkontrata ay kailangang magpaliwanag sa gumagamit na ang kaniyang pangalan, petsa ng kapanganakan ay irerehistro sa KDDI, at magpaliwanag din ng mga bagay na kailangang bigyan-pansin na may kinalaman sa paggamit ng mobile phone ng au upang kumuha ng kaniyang pagsang-xxxx.
⭘ Ang nagkokontra ay mag-aaplay sa lahat ng mga proseso (tulad ng pagbabago ng kontrata, pagpili ng mga opsiyon) na may kinalaman sa kontrata ng mobile phone ng au. Xxxxxxxx, kailangan ng paunang pagkuha ng pagsang-xxxx ng gumagamit para sa sumusunod na mga bagay kung sa pag-aaplay sa detalyadong rekord ng pagtawag.
(1) Ipapakita sa detalyadong rekord ng pagtawag ang araw, petsa ng bawa’t pagtawag, mga numero ng tinawagan at iba pang mga bagay.
(2) Ang detalyadong rekord ng pagtawag ay ipapadala kasama ng bayarin sa tirahan na itinalaga ng nakikipagkontrata.
(3) Ang nakikipagkontrata ay maaaring humingi ng pagbabago ng uri ng detalyadong rekord ng pagtawag at pagputol nito.
Kapag binago ang impormasyon ng gumagamit, puputulin ang paggawa ng rekord ng pagtawag.
⭘ Kahit ipapagamit ang mobile phone ng au maliban sa taong nakikipagkontrata, ang nakikipagkontrata ay may pananagutan sa pagbabayad. At kapag ginawa ng gumagamit ang paglabag sa mga pananagutang may kinalaman sa kontrata tulad
ng pagpapadala ng spam mail gamit ang linyang iyon, ituturing ito bilang ginawa ng nakikipagkontrata, at gagawin ang paghinto sa paggamit, pagpapawalang-bisa ng kontrata, pakikipagpalitan sa ibang mga kompanya ng impormasyon ng nagpapadala ng spam mail, atbp. sa pangalan ng nakikipagkontrata. Dahil dito, kailangan ng nakikipagkontrata na mag-ingat sa pagpapagamit.
⭘ Ang halaga para sa serbisyong may bayad o mga bagay na binili sa bawa’t website ay sisingilin sa nakikipagkontrata kasama ng halaga sa komunikasyon. Kailangan ng nakikipagkontrata na ingatang mabuti ang PIN sa au Combined Billing / serbisyo ng impormasyong may bayad ng EZ na gagamitin para sa pagbili, atbp.
Mga Hakbang Laban sa Spam Mail
⭘ Para sa paggamit ng mamimili ng Email (xxxxx.xx.xx), ang "Awtomatikong Pagkontrol sa Spam Mail" bilang isang hakbang laban sa mga spam mail. Ang "Awtomatikong Pagkontrol sa Spam Mail" ay awtomatikong titiyak sa mga mail na ipinapadala bilang spam mail at kokontrol upang hindi makarating ang mga iyon sa mamimili*, gayunman
maaaring kontrolin din nito ang mga hindi spam mail para sa mamimili. Ang impormasyon ng mga mail na hindi ipinadala (petsa at oras ng pagtanggap, tirahan ng nagpadala, at paksa ng mail) ay matitiyak ng mamimili mismo kung gagamitin niya ang kakayahan na magbibigay-alam sa kaniya ng mga iyon sa mail (kailangan ng bayad) minsan sa isang araw. At, ang "Awtomatikong Pagkontrol sa Spam Mail" ay puwedeng ikansela.
* Titiyakin nito ang mga katangian ng spam mail na nakikita sa internet na uuriin sa sumusunod na kategorya, at saka hindi nito ipaparating sa mamimili ang mga mail na nagkakatugma sa mga katangian ng spam mail sa pamamagitan ng paghahambing ng mga iyon sa impormasyon tulad ng paksa at teksto ng mail na ipinadala sa mamimili.
[Kategorya] pakikipag-date / droga / pang-adulto / sugal / pandaraya tulad ng phishing site / malware (malicious na software na naka-programa para sa mapanlinlang na pagkilos)
Paggamit ng au Simple Payment (Google PlayTM) sa Dating Modelo (Modelo ng AndroidTM)
⭘ Dahil ang pagbabayad ng au Simple Payment (Google PlayTM) ay nakatali sa kontrata sa serbisyo sa komunikasyon ng au, ang halaga para sa paggamit ng au Simple Payment (Google PlayTM) sa dating modelo (modelo ng AndroidTM) pagkatapos din ng pagbabago ng modelo ay sisingilin kasama ang halaga para sa paggamit ng mobile phone ng au pagkatapos ng pagbabago ng modelo. Kapag nagnanais na ihinto ang paggamit ng au Simple Payment (Google PlayTM) sa dating modelo (modelo ng AndroidTM), magagawa ito sa pamamagitan ng pagtanggal ng au IC card sa modelong iyon.
Mobile Phone / PHS Number Portability (MNP)
⭘ Hindi puwedeng ilipat ang mga serbisyo na inilalaan ng kompanya ng telepono na kasalukuyang kinokontrata ng mamimili maliban sa numero ng telepono.
⭘ Sisingilin ang gastos para sa pagbabago ng kompanya ng telepono mula sa kompanyang kasalukuyang kinokontrata gamit ang MNP. Kung lilipat mula sa au, sisingilin ang nakatakdang halaga ng reserbasyon sa paglipat sa MNP.
au Flat Rate sa Internasyonal na Pagtawag
⭘ Kapag humihingi ang nakikipagkontrata ng au Flat Rate sa Internasyonal na Pagtawag na tiyakin ang ulit ng pagtawag na saklaw sa buwanang flat-rate, isisiwalat ng KDDI ang ulit ng pagtawag kapag natiyak lamang na iyon ay ginagawa ng nakikipagkontrata mismo.
au Smart Value
⭘ Kapag hindi puwedeng gamitin ang serbisyo ng komunikasyon sa landline dahil ang bahay ng mamimili ay nasa labas ng lugar na sineserbisyuhan, atbp., magagamit ang au Smart Value kasama ng paggamit ng itinalagang Wi-Fi router.
Xxxxxxxx, para dito, paunang sasang-ayunan ng mamimili na makipagkontrata sa serbisyo ng komunikasyon sa landline kapag nagagamit na sa hinaharap ang
serbisyong ito sa bahay. Kung hindi makikipagkontrata sa serbisyo ng komunikasyon sa landline, tatapusin ang diskuwento sa pamamagitan ng au Smart Value.
⭘ Kapag nakakontrata ang mamimili sa au Smart Value (diskuwento sa router), at hindi nabuksan ang serbisyo ng komunikasyon sa landline para dito, at ikinansela iyon, at ang dahilan nito ay nasa kompanyang naglalaan ng serbisyo, babaguhin ang halaga ng diskuwento mula sa pang- apat na buwan sa susunod na buwan ng buwan kung kailan ikinansela.
[Kung Paano Gagamitin ang Impormasyon ng Mamimili na May Kinalaman sa Paglalaan ng au Smart Value]
⭘ Base sa kasunduan sa mga kompanya ng komunikasyon sa landline (tumutukoy ito sa mga kompanya ng komunikasyon na naglalaan ng serbisyo ng komunikasyon sa landline para sa au Smart Value) na kinokontrata ng mamimili, ang KDDI (simula dito tumutukoy din sa Okinawa Cellular Telephone Company) ay pinagkakatiwalaang kumuha ng pagsang-xxxx ng mamimili tungkol sa sumusunod na bagay na may kinalaman sa paraan ng paggamit ng personal na
impormasyon ng mamimili. Pakisuyong tiyakin ang puntong ito kasama ng sumusunod na bagay.
* Upang maipaliwanag ang tungkol sa au Smart Value at mailaan ito, magkasamang maglalaan at gagamit ang KDDI at ang mga kompanya ng komunikasyon sa landline ng impormasyon tungkol sa mamimili na nakuha base sa kontrata sa mamimili, sa pamamagitan ng sistema
ng impormasyon (kasama rin ang komunikasyon sa telepono) sa pagitan ng KDDI at ng mga kompanya ng komunikasyon sa landline.
* Ang impormasyon tungkol sa mamimili na magkasamang ilalaan at gagamitin ay pangalan, tirahan, numero ng telepono para sa pagkokontak, araw ng kapanganakan ng mamimili, at mga impormasyong may kinalaman sa aplikasyon at kalagayan ng kontrata tulad ng detalye ng mga serbisyo ng internet, telepono at TV na inaplay o ginagamit ng mamimili, araw ng pag-aaplay, pagsisimula ng serbisyo, at ng pagkansela ng mga iyon.
* Base sa kontratang may kinalaman sa pagpoprotekta ng personal na impormasyon na ginawa sa pagitan ng dalawang panig, iingatang mahigpit ng KDDI at mga kompanya ng komunikasyon sa landline ang personal na impormasyon ng mamimili, at gagawin ang kinakailangang hakbang para sa pag-iingat sa seguridad nito.
* Kung tungkol sa pagsisiwalat na may kinalaman sa personal na impormasyon, paghingi tulad sa pagtutuwid, paghinto sa paggamit, iba pang mga tanong, at mga opinyon, atbp, pakisuyong makipag-ugnayan sa opisinang itinalaga ng kompanya ng komunikasyon sa landline na kinokontrata ng mamimili. Puwede ring makipag-ugnayan sa opisina ng KDDI para sa pagtatanong at paghingi ng pagpapaliwanag.
⭘ Kung tungkol sa mamimili na nag-aaplay sa au Smart Value mine, ang KDDI at ang mga kompanya ng mobile na komunikasyon (tumutukoy sa kompanya ng komunikasyon na naglalaan ng serbisyo ng mobile na komunikasyon para sa au Smart Value mine at kompanya ng komunikasyong may kaugnayan sa paglaaan nito) ay magkasamang maglalaan at gagamit ng impormasyon ng mamimili xxxx sa itinakda sa mga probisyon ng kontrata.
⭘ Kapag magkaiba ang nakikipagkontratang panig sa serbisyo ng komunikasyon sa landline at ang nakikipagkontrata sa serbisyo sa komunikasyon ng au, ang nakikipagkontratang panig ay puwedeng mag-aplay kung siya ay nakakakuha mula sa nakikipagkontrata ng serbisyo ng komunikasyon sa landline ng kaniyang pagsang-xxxx na kailangan para sa pag-aaplay tulad ng kung paano gagamitin ang kaniyang personal na impormasyon
Paglimita sa Bilis sa Komunikasyon
⭘ Upang maiwasan ang sikip ng network, lilimitahan ang bilis sa komunikasyon ng mamimili na nasa sumusunod na kalagayan.
Mga kundisyon | Panahon ng paglimita | |
EZ WIN / IS NET course | Mga mamimili na gumamit ng mahigit 3 milyon packet o higit pa sa xxxxxx 3 araw (hindi kasama ang araw mismo) | Buong araw |
LTE NET course / LTE NET for DATA*1 | Mga mamimili na gumamit ng mahigit 3GB o higit pa sa xxxxxx 3 araw (hindi kasama ang araw mismo) *2 | Buong araw |
*1 Kasama rin sa paglimita xxx xxxx ng data na binili sa pamamagitan ng Data Charge.
*2 Kapag kontrata sa 4G LTE Smartphone・4G LTE Tablet・PC na akma sa 4G LTE, ito ay magiging "kabuuang 6G at pataas".
⭘ Kung tungkol sa pagpapadala ng packet gamit ang modelo para sa "WIN Single- Teigaku WiMAX" at "WIN Single-Teigaku", smartphone, at modelo para sa paglimita ng pinakamataas na halaga sa komunikasyon ng data na nakakonekta sa PC, lilimitahan ang pinakamataas na bilis ng komunikasyon depende sa kalagayan ng sikip sa network sa kaso ng pagpapadala at pagtanggap ng malalaking data tulad ng paglalakip ng video at pagda-download ng mga file, o pagpapadala at pagtanggap ng sunud-sunod na data tulad ng streaming at pagpapalabas ng video upang maiwasan ang sobrang pagpapabigat sa network.
Paunang humihingi ng iyong pang-unawa na dahil dito ay maaaring magtagal hanggang sa pagtatapos ng komunikasyon o hindi maipapakita ang video nang maayos, atbp.
⭘ Maaaring putulin ang komunikasyon na tuloy-tuloy na nakakonekta nang nakatakdang panahon (mahigit 24 oras), o gawin ang paglimita sa port depende sa kalagayan ng network upang panatilihin ang kalidad ng serbisyo at ingatan ang pasilidad.
★ Kapag lumampas na sa takdang dami sa isang buwan ang kabuuan ng dami ng data na ipinadala sa buwang iyon sa LTE / WiMAX2+, lilimitahan ng KDDI ang bilis sa komunikasyon sa 128 kbps bilang pinakamataas, hanggang sa katapusan ng buwang iyon. Ang paglimita sa bilis sa komunikasyon ay tatanggalin sa unang araw ng susunod na buwan. Kapag binili xxx xxxx ng data sa "Data Charge", ang daming iyon na binili ay magagamit nang walang paglimita sa bilis sa komunikasyon. Kapag ginagamit ang "Extra Option", magagamit ang takdang dami sa isang buwan nang walang paglimita sa bilis sa komunikasyon kahit na pagkalampas. Pakisuyong bumisita sa opisyal na website ng au tungkol sa halaga ng paggamit ng "Extra Option".
⭘ Sa kaso ng smartphone na may "+WiMAX" at DATA08, lilimitahan hanggang sa katapusan ng buwang iyon ang bilis sa komunikasyon gamit ang komunikasyon sa 3G sa 128kbps bilang pinakamataas, pagkalampas sa 5GB xxx xxxx ng komunikasyon sa buwan gamit ang komunikasyon sa 3G. Ang paglimita sa bilis sa komunikasyon ay tatanggalin sa unang araw ng susunod na buwan.
Paglimita sa Paggamit
⭘ Pakisuyong isulat sa application form para sa kontrata ang tirahan at numero ng telepono sa landline ng sariling bahay at pinagtatrabahuhan, atbp. Kapag hindi nakakakontak ang KDDI sa mamimili, maaaring ihinto ang serbisyo sa pagtawag.
⭘ Maaaring limitahan ang pagkonekta sa network kung ang mobile phone ay nasa sumusunod na mga kalagayan.
(1) Mobile phone na sa maling paraan kinuha sa krimen tulad ng pagnanakaw (panloloob) sa tindahan ng au, atbp. at pandaraya
(2) Mobile phone na ang utang para sa halaga nito (kasama rin ang utang para sa paunang pagbabayad) ay hindi binabayaran
(3) Mobile phone na kinuha sa di-totoong pagkokontrata, tulad ng paggawa ng pekeng dokumento na nagpapatunay sa kaniya, at na ang isinulat sa application form (pangalan, tirahan, petsa ng kapanganakan, atbp.) ay nagsasangkot ng maling impormasyon
(4) Mobile phone na ginawang imposibleng ikolekta o magamit sa serbisyo ng paghahatid ng mobile phone para sa pagpapalit
Lugar ng Serbisyo
⭘ Pakisuyong bumisita sa opisyal na website ng au tungkol sa detalye ng lugar ng serbisyo.
⭘ Magkaiba xxx xxxxx ng serbisyo para sa 4G LTE depende sa modelo ng mobile phone ng au. Bagaman magagamit ang komunikasyon ng data kung sa modelong hindi para sa VoLTE, hindi magagamit ang pakikipag-usap sa telepono sa ilang lugar ng serbisyo para sa 4G LTE.
⭘ Hindi magagamit sa dakong hindi nararatingan ng radyasyon tulad sa tunel, ilalim ng lupa, loob ng gusali, likod ng mataas na gusali, at bulubunduking lugar, at sa labas ng lugar ng serbisyo. Maaaring hindi rin magagamit sa lugar kung saan mahina ang signal tulad sa mataas na dako, mataas na palapag ng mataas na gusali, atbp, at depende sa kalagayan ng panahon.
Tungkol sa au Wi-Fi SPOT
⭘ Ang pagpirma ng mamimili sa kontrata ng serbisyo ng komunikasyon ng au at ng KDDI Corporation/Okinawa Cellular Telephone Companyay ay itinuturing na pagsang-xxxx sa “au Wi-Fi SPOT User Policy” na ginawa sa pagitan ng Wire and Wireless Co., Ltd.
Ang Wire and Wireless Co., Ltd. ay magbibigay ng libreng “au Wi-Fi SPOT” para sa mamimili na sakop ng serbisyong ito, alinsunod sa itinakdang patakaran.
* Alituntunin para sa paggamit ng au Wi-Fi SPOT xxxx://xxx.xx.xxxx.xxx/xxxxxx/xxxxxxx/xxxxxxxxxx/xxxx/xxxx-xxxx/xxxxxxxxxx
* Homepage ng au>Mobile Phone>Paunawa para sa paggamit ng komunikasyon ng au>Kontrata>Tungkol sa au Wi-Fi SPOT
Layunin sa Paggamit ng Personal na Impormasyon
⭘ Nauunawaan ng KDDI ang kahalagahan ng personal na impormasyon, at upang lubusang ingatan iyon, tutuparin ng KDDI ang Telecommunications Business Law, mga batas na may kinalaman sa pag-iingat ng personal na impormasyon, mga panuntunan xxxx sa kategorya ng negosyo na itinakda ng administrasyon tulad ng
panuntunang may kinalaman sa pag-iingat ng personal na impormasyon sa negosyo ng telekomunikasyon, at iba pang nauugnay na batas.
⭘ Maaaring gamitin ng KDDI Corporation ang personal na impormasyon na kinuha sa negosyo ng telekomunikasyon, pag-aahente ng bangko, at ng pag-aahente ng seguro para sa sumusunod na mga gawain na nakasaad din sa Privacy Policy sa opisyal na website ng KDDI Corporation (xxxx://xxx.xxxx.xxx/xxxxxxxxx/xxxx/xxxxxx/xxxxxxx/).
(1) Serbisyo ng telekomunikasyon, atbp.
1. Gawaing may kinalaman sa halaga sa paggamit, atbp. 2. Gawaing may kinalaman sa pagsusuri sa kontrata, atbp. 3. Gawaing may kinalaman sa pag- aasikaso sa mga tanong, atbp. ng mamimili 4. Gawaing may kinalaman sa serbisyo pagkatapos ng pagbili 5. Gawaing may kinalaman sa pagdagdag at pagbabago ng opsiyonal na serbisyo 6. Gawaing may kinalaman sa paghinto ng serbisyo 7. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa kasalukuyan at bagong serbisyo, atbp. 8. Gawaing may kinalaman sa pag-iimbestiga sa pamamagitan ng mga tanong 9. Gawaing may kinalaman sa produkto, serbisyo, okasyon, at kampanya sa layuning itaguyod ang paggamit 10. Gawaing may kinalaman sa pagbuo ng bagong serbisyo, pagsusuri at
pagpapasulong ng kalidad ng serbisyo 11. Gawaing may kinalaman sa pagbuo, operasyon, at administrasyon ng pasilidad, kagamitan, at software na may kaugnayan sa paglalaan ng serbisyo 12. Gawaing may kinalaman sa pag-iimbestiga at pag-aasikaso sa panahon ng problema ng produkto at sistema, at aksidenteng may kaugnayan sa serbisyo 13. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa bawa’t serbisyo (kasama rin dito ang maliban sa mga serbisyo sa komunikasyon) na inilalaan ng KDDI Corporation, ng mga kompanyang may kaugnayan sa KDDI Corporation, at ng mga konektadong kompanya* 14. Iba pang mga gawaing nakatalaga sa mga probisyon ng serbisyo, atbp.
(2) Serbisyo ng mga content, atbp.
1. Gawaing may kinalaman sa halaga sa paggamit, atbp. 2. Gawaing may kinalaman sa pag-aasikaso sa mga tanong, atbp. ng mamimili 3. Gawaing may kinalaman sa serbisyo pagkatapos ng pagbili 4. Gawaing may kinalaman sa paghinto ng serbisyo 5. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa
kasalukuyan at bagong serbisyo, atbp. 6. Pag-iimbestiga at pagsusuri sa kalagayan ng paggamit ng serbisyo, at paglalaan ng impormasyon 7. Gawaing may kinalaman sa pagpapakita, pagbibigay, at pamamahagi ng mga anunsyo 8. Gawaing may kinalaman sa pag-iimbestiga sa pamamagitan ng mga tanong 9. Gawaing may kinalaman sa produkto, serbisyo, okasyon, at kampanya para sa pagtataguyod
ng paggamit 10. Gawaing may kinalaman sa pag-iimbestiga at pag-aasikaso sa panahon ng problema ng sistema, at aksidenteng may kaugnayan sa
serbisyo 11. Iba pang mga gawaing nakatalaga sa mga probisyon ng serbisyo, atbp.
(3) Negosyo ng pag-aahente ng bangko
1. Pagpapagitan sa paggawa ng kontrata na xxx xxxxx xxxx ay pagtanggap ng deposito na yen at banyagang pera, at pagpapautang ng pondo, ng konektadong pinansiyal na institusyong* itinakda ng KDDI Corporation, at mga gawaing may kaugnayan sa mga ito 2. Pagtiyak sa kuwalipikasyon sa pagbili ng pinansiyal na produkto at serbisyo ng konektadong pinansiyal na institusyong* itinakda ng KDDI Corporation 3. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa kasalukuyan at bagong serbisyo, atbp. ng konektadong pinansiyal na institusyong* itinakda ng KDDI Corporation 4. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa kampanya, okasyon, atbp. ng konektadong pinansiyal na institusyong* itinakda ng KDDI Corporation 5. Gawaing may kinalaman sa pag-aasikaso sa mga tanong, atbp ng mamimili na may kaugnayan sa negosyo ng pag-aahente ng bangko 6. Gawaing
may kinalaman sa pag-iimbestiga sa pamamagitan ng mga tanong na may kaugnayan
sa negosyo ng pag-aahente ng bangko 7. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa bawa’t serbisyo na inilalaan ng KDDI Corporation, ng mga kompanyang may kaugnayan sa KDDI Corporation, at ng mga konektadong kompanya*
(4) Negosyo ng pag-aahente ng seguro
1. Pag-aahente at pagpapagitan sa paggawa ng kontratang may kaugnayan sa pag-aalok ng seguro, atbp. ng konektadong kompanya ng seguro* na itinakda ng KDDI Corporation, at mga gawaing may kaugnayan sa mga ito 2. Pagtiyak sa kuwalipikasyon sa pagbili ng produkto at serbisyo ng seguro ng konektadong kompanya ng seguro* na itinakda ng KDDI Corporation 3. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa kasalukuyan at bagong serbisyo, atbp. ng
konektadong kompanya ng seguro* na itinakda ng KDDI Corporation 4. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa kampanya, okasyon, atbp. ng konektadong kompanya ng seguro* na itinakda ng KDDI Corporation 5. Gawaing may kinalaman sa pag-aasikaso sa mga tanong, atbp. ng mamimili na may kaugnayan sa negosyo ng pag-aahente ng seguro 6. Gawaing may kinalaman sa pag- iimbestiga sa pamamagitan ng mga tanong na may kaugnayan sa negosyo ng
pag-aahente ng seguro 7. Paglalaan ng impormasyong may kinalaman sa bawa’t serbisyo na inilalaan ng KDDI Corporation, ng mga kompanyang may kaugnayan sa KDDI Corporation, at ng mga konektadong kompanya*
* Tungkol sa konektadong pinansiyal na institusyon, konektadong kompanya ng seguro, mga kompanyang may kaugnayan sa KDDI Corporation, at mga konektadong kompanya, pakisuyong tingnan ang Privacy Policy sa opisyal na
website ng KDDI Corporation, sa bukod na impormasyon bilang 5 (xxxx://xxx.xxxx. com/corporate/kddi/public/privacy/exhibit5/).
⭘ Ang paggamit ng personal na impormasyong may kinalaman sa Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang ay xxxx sa Mga Kundisyon sa Paggamit ng Personal na Impormasyong May Kinalaman sa Transaksiyon sa Pag-utang Tulad ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang.
⭘ Matutunghayan sa pinakabagong bersyon ng “Privacy Policy” ng kompanyang ito ang detalye para sa kasabay na paggamit ng personal na impormasyon, pagbibigay ng personal na impormasyon sa ikatlong partido, pagpapalabas o pagwawasto ng
personal na impormasyon, pagpapatigil sa pagpapadala ng direct mail, reklamo tungkol sa paggamit ng personal na impormasyon, at iba xxxx xxx kinalaman sa paggamit ng personal na impormasyon (xxxx://xxx.xxxx.xxx/xxxxxxxxx/xxxx/xxxxxx/xxxxxxx/).
Paggamit ng Personal na Impormasyon sa Negosyo ng Pag-aahente ng Bangko
⭘ Ang KDDI Corporation ay maaaring gumamit ng impormasyon ng mamimili na may kinalaman sa transaksiyon sa bangko na ginagamit sa negosyo ng pag-aahente ng bangko (impormasyon ng mamimili na may kinalaman sa deposito, transaksyon ng palitan, at pag-utang ng pondo, at iba pang impormasyong may kinalaman
sa pinansiyal na transaksyon, xxx-xxxxx, atbp. ng mamimili) para sa mga gawaing nakalagay sa [1. Layunin sa Paggamit ng Personal na Impormasyon] (kasama xxxx xxx mga gawaing may kinalaman sa pag-aalok ng seguro).
⭘ Ang KDDI Corporation ay maaaring gumamit ng impormasyon ng mamimili para sa negosyo ng pag-aahente ng bangko kahit na iyon ay kinuha para sa mga gawain maliban sa pag-aahente ng bangko, atbp. na tulad ng negosyo ng telekomunikasyon at pag-aahente ng seguro.
⭘ Maaaring gamitin ng kompanyang ito ang impormasyon ng mamimili (tulad ng mga impormasyong may kinalaman sa pamumuhay o ari-arian ng mamimili na idineklara ng mamimili na maaaring gamitin para sa pagkuha ng seguro sa pamamagitan ng ahente) para sa bank agency service atbp.
Pagkatapos Magsimula ang Serbisyo
Bagaman ginawa na ng mamimili ang pagtiyak sa alinman sa sumusunod na (1) at (2), at natiyak na hindi sapat ang kalagayan ng signal sa sariling bahay o ang kalagayan ng pagtupad sa mga batas ng KDDI Corporation o mga tindahan ng au, o hindi magagawa ang pagsusuri sa signal at ang dahilan nito ay nasa KDDI Corporation, puwedeng ikansela ng mamimili xxx xxxx’t kontrata na nakalagay sa [Mga Nauugnay na Kontratang Puwedeng Ikansela] sa pamamagitan ng pag-aaplay xxxx sa itinakda ng KDDI Corporation.
(1) Pagtiyak sa kalagayan ng signal
Kapag mahina ang signal ng telepono sa sariling bahay, pakisuyong mag-aplay ng pagsusuri sa "Radio Wave Support 24" sa loob ng 8 araw mula sa araw ng pag-aaplay sa bagong pagkokontrata, pagbabago ng modelo, at pagdagdag ng modelo. (Subalit kung ang pagpapadala ng dokumento ay mula sa sumunod na araw matapos mag-apply o higit pa, ito ay magiging sa loob ng 8 araw mula sa pagtanggap ng dokumento.)
* Pakisuyong mag-aplay sa "Radio Wave Support 24" sa website ng au, application software, tindahan ng au, PiPit, at sa KDDI Customer Support Center.
■ Website ng radio wave support (xxxx://xxx.xx.xxxx.xxx/xxxxxx/xxxx/xxxxxx-xxxxxxx)
(2) Pagtiyak sa kalagayan ng pagtupad sa mga batas
Matitiyak ng mamimili ang kalagayan ng pagtupad ng KDDI Corportion at mga tindahan ng au na may kinalaman sa pananagutan sa pagpapaliwanag at pamamahagi ng dokumento. Para sa bumili ng telepono na may edad 65 taon pataas, mangyaring basahin ang pangunang dokumento tungkol sa kontrata.
[Paraan ng Pag-aaplay]
Kapag natiyak bilang resulta ng pagtiyak sa alinman sa (1) at (2), na hindi sapat ang kalagayan ng signal sa sariling bahay o ang kalagayan ng pagtupad sa mga batas ng KDDI Corporation o mga tindahan ng au, o hindi magagawa ang pagsusuri sa signal at ang dahilan nito ay nasa KDDI Corporation, ang mamimili mismo ay mag-aapay sa tindahan kung saan ginawa ang pagkokontrata.
[Panahon Kung Kailan Puwedeng Mag-aplay]
⭘ Kapag hindi sapat ang signal: sa loob ng 8 araw mula sa araw ng pagsusuri sa "Radio Wave Support 24"
⭘ Kapag hindi sapat ang kalagayan ng pagtupad sa mga batas, o hindi magagawa ang pagsusuri sa radio wave at ang dahilan nito ay nasa KDDI Corporation: sa loob ng 8 araw mula sa araw ng pag-aaplay (Gayunman, kapag ang dokumento ay ipinamahagi sa sumunod na araw o higit pa ng araw ng pag-aaplay, ang panahon para sa pag-aaplay ay sa loob ng 8 araw mula sa araw kung kailan tinanggap ang dokumento.)
[Mga Nauugnay na Kontratang Puwedeng Ikansela]
(a) Kontrata base sa mga probisyon sa kontrata sa serbisyo sa komunikasyon ng au (WIN) o ng au (LTE)
(b) Kontrata sa pagbili para sa modelo, atbp. (mobile phone at mga aksesorya nito, o iba pang produkto na magkasamang binili) na ginawa kasabay ng kontrata na binabanggit sa itaas (hindi kasama ang trade-in program), o kontratang may kinalaman sa pagbabayad ng mga iyan (tulad ng Kontrata sa Ikatlong Partido Para sa Bawa’t Produktong Bibilhin sa Utang)
(c) Mga kontratang may kinalaman sa mga serbisyong may bayad na ginagamit na hindi magagamit dahil sa pagkansela sa kontrata na binabanggit sa (a) at (b)
[Mga Kundisyon]
⭘ Kapag kasama sa mga nauugnay na kontrata ang tulad ng kontrata sa pagbili ng modelo, atbp., kailangang ibalik ang modelo, atbp. sa tindahan ng au kung saan mag-aaplay sa pagkansela ng kontrata. Para sa mga kaso gaya ng paglubog sa tubig, pagkabasag ng LCD screen at hindi na ito maibalik sa normal na kondisyon, maaaring kanselahin nang bukod-tangi ang kontrata sa kondisyong babayaran ang presyo ng mobile phone unit.
⭘ Ang mamimili ay may pananagutang magbayad ng halaga sa paggamit hanggang sa araw ng pagkansela ng kontrata.
* Kung tungkol sa pagkansela ng kontrata ng mamimili na nakakontrata sa pamamagitan ng MNP, maaaring hindi magamit na muli ang numero ng telepono, Email address, at uri ng kontrata na ginawa sa ibang kompanya na ginamit noon ng mamimili bago makipagkontrata.
Kailangang paunang tiyakin ng mamimili mismo ang mga ito sa kompanya ng telepono na pinanggalingan, at gawin ang pag-aaplay.
* Kung hindi maayos ang kalagayan ng modelo, atbp. na ibabalik ng mamimili dahil sa pagkansela ng kontrata dahil nalubog sa tubig o xxx xxxx sa screen, sisingilin ang aktuwal na halaga para sa modelong iyan.
* Kapag pinutol na ang AppleCare+ sa pagbabago ng modelo, at ikinansela rin ang mga nauugnay na kontrata, hindi makakapasok na muli sa AppleCare+.
Padalus-dalos na ginagawa ay puwedeng humantong sa matinding krimen ~ Hindi namamalayang nasasangkot sa krimen ~ |
Sino talaga ang gagamit ng mobile phone na iyan? Pinakisuyuan ka ba na gumawa ng pagkokontrata sa mobile phone bilang kapalit ng kundisyon tulad ng "May magandang part-time na trabaho para sa iyo"? Dumarami ang kaso na pinapakontrata sa iba ang mga modelo ng mobile phone at kukunin sa pandaraya. Ang mobile phone na kinokontrata ng mamimili ay maaaring gamitin sa pandaraya at iba pang mga krimen! Ipinagbabawal na ipasa ang mobile phone, SIM card, atbp. nang walang pahintulot ng kompanya ng mobile phone. [base sa Mobile Phone Improper Use Prevention Act] Sa walang pahintulot ng kompanya ng mobile phone at bilang negosyo, kung ipapasa sa iba ang mga iyon sa iba nang may bayad (ibenta), ang taong iyon ay hahatulan ng 2 taong pagkakabilanggo o mas maikli, o multa na ¥3,000,000 o mas mababa. Ang dokumento ba ng pagpapatunay na iyan ay para sa mismong makikipagkontrata? Totoo ba ang impormasyon doon? Pakisuyong huwag magsinungaling sa pag-aalay sa mobile phone, tulad sa pangalan, tirahan at petsa ng kapanganakan. [base sa Mobile Phone Improper Use Prevention Act] Ang taong lalabag sa batas sa layuning itago ang mga pagkakakilanlan sa sarili ay hahatulan ng multa na ¥500,000 o mas mababa. Ang makikipagkontrata ay may pananagutang magbayad ng halaga sa paggamit ng mobile phone at ng halaga ng modelo. * Ang "Mobile Phone Improper Use Prevention Act" ay ang batas upang maiwasan ang paggamit ng mobile phone sa maling paraan, sa krimen tulad ng pandaraya. |
● Ang "QR Code" ay registered trademark ng Denso Wave Incorporated. ● Ang "Wi-Fi" ay registered trademark ng Wi-Fi Alliance. ● Ang "Felica" ay registered trademark ng Sony Corporation.
● Ang "Google Play" at "Android" ay trademark o registered trademark ng Google Inc. ● Ang "AppleCare" ay service mark ng Apple Inc. ● Ang “Adobe®Reader®” ay trademark o registered trademark ng Adobe Systems,inc.
● Ang “VirusBuster” ay registered trademark ng Trend Micro Inc.
〈受付店〉
[Makipag-ugnayan sa amin] KDDI Customer Support Center
KDDI CORPORATION
[Mula sa mobile phone ng au] 157 (walang area code na kailangan at libre ang tawag) [Mula sa landline] フリーコール 0000-0-000 (libre)
[Mula sa smartphone ng au] TOP sa au Smart Pass 「auスマートパス」 → au Customer Support 「auお客さまサポート」
[Mula sa mobile phone ng au] Top menu「トップメニュー」 o TOP sa au Portal「auポータルトップ」
→ au Customer Support 「auお客さまサポート」
*Puwedeng makipag-usap sa opereytor sa 9:00~20:00
*Puwedeng makipag-ugnayan nang 24 oras maliban sa ilang serbisyo. (Maaaring hindi magagamit ang lahat ng serbisyo dahilan sa pagkukumpuni o depende sa panahon.)
Opisyal na website: xxxx://xxx.xx.xxxx.xxx/
Ang halaga na nakalagay sa dokumentong ito ay eksemsiyon sa buwis maliban kung espesipikong nakalista. Ang aktuwal na halaga na sisingilin ay hindi eksakto sa kabuuan ng bawa’t halaga na may kalakip na buwis, dahil ikakalkula ang halaga ng buwis mula sa kabuuan ng bawa’t halaga na walang kalakip ng buwis. At ang halaga na may kalakip na buwis ay nakalagay dito na tinanggal ang decimal place (maliban sa halaga ng pagtawag at komunikasyon).