Mga Kundisyon Tungkol sa Paggamit ng Suplay ng Tubig
Mga Kundisyon Tungkol sa Paggamit ng Suplay ng Tubig
Toyohashi City Waterworks and Sewerage Bureau
●Mga Kondisyon ng Paggamit sa Tubig
Sa paggamit ng mga serbisyo ng Toyohashi City Waterworks & Sewerage Bureau (na simula dito ay babanggitin bilang “Waterworks”), ang termino at kundisyon ng kontrata ng Waterworks Water Supply, na itinalaga ng mga opisyal na suplay ng regulasyon (Toyohashi City Waterworks Service Water Supply Regulations) ay magsisilbing mga termino at mga kundisyon ng inyong kontrata.
Ang mga pangunahing termino at kondisyon ng paggamit ay ang mga sumusunod. Mangyaring tingnan ang homepage ng Toyohashi City Waterworks & Sewerage Bureau (URL:http//xxx.xxxx.xxxxxxxxx.xx.xx/xxxxx/)
• Kung may mangyaring aksidente, sakuna, o hindi maiiwasang sitwasyon, o isang pangyayari na ang tubo ng tubig ay kailangang palitan para sa kabutihan ng publiko, maaaring mangyari ang pagpapatigil ng tubig, at pansamantalang pagsususpinde ng suplay o ang limitasyon sa paggamit ay maaaring ipatupad ng Waterworks kung kinakailangan.
• Ang metered water rates (o ang bayad sa paggamit ng tubig) ay kinakalkula batay sa pagsukat ng tubig. Mangyaring tiyakin na ang inyong metro ng tubig ay maayos na sinusuri sa lahat ng oras.
• Responsibilidad ng gumagamit ng serbisyo ng Waterworks o tagapamahala/may hawak ng metro ng tubig (na simula dito ay babanggitin bilang “Waterworks User”) na pamahalaan at panatilihing maayos ito.
• Kung ang metro ng tubig ay nawala o xxxxxx xxxxxx resulta ng hindi tamang paggamit o pamamahala, hihilingin namin ang kabayaran na katumbas ng halaga ng mga pinsala.
• Kung nais mong ihinto ang serbisyo ng Waterworks, mangyaring makipag-ugnayan ng maaga (dalawang araw na may trabaho) sa Waterworks & Sewerage Bureau’s “Customer Billing Center”.
• Kung mayroong anumang mga pagbabago sa Waterworks User, mangyaring makipag-ugnayan Waterworks & Sewerage Bureau’s “Customer Billing Center” sa lalong madaling panahon.
• Mangyaring panatilihin ng maayos ang lahat ng kagamitan para sa suplay ng tubig upang maiwasan ang pagtagas at kontaminasyon ng tubig.
• Kung mayroong anumang pagbabago sa tubig mula sa gripo, mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa Toyohashi City Waterworks & Sewerage Bureau.
• Kung mayroong anumang abnormalidad sa kagamitan sa suplay ng tubig, mangyaring magpadala ng “Request for repairs” sa isa sa Toyohashi City’s Designated Water Supply Equipment Installation Business Entities. Ang anumang mga bayarin na may kaugnayan sa pagkumpuni ng kagamitan sa suplay ng tubig ay magiging responsibilidad ng Waterworks User.
• Ang Waterworks User ay hihilingin na magbayad para sa mga bayarin ng tubig. Bukod dito, ang mga Waterworks User na xxx xxxxxx sa mga kagamitan sa suplay ng tubig ay may responsibilidad na magbahagi sa mga bayarin sa tubig.
• Kinokolekta namin ang bayad sa tubig kada dalawang buwan. Xxx xxxx xx xxxxx na ginamit (ang batayan para sa pagkalkula ng singil ng tubig) ay matutukoy sa pagsusuri sa metro tuwing dalawang buwan. Ang dalawang buwan na halaga ng paggamit ng tubig ay kakalkulahin bilang paggamit ng tubig sa buwan kung kailan sinuri ang metro ng tubig, kasama ang paggamit ng tubig noong nakaraang buwan. Sa kasong ito, ang kabuuang dami ng tubig na ginamit ay ituturing na pantay sa bawat buwan. Kung lumipat ng tirahan, maaaring suriin ang metro ng tubig, at ang paggamit ng tubig/bayad sa paggamit ng tubig ay kakalkulahin kung kinakailangan.
• Kung ang serbisyo ng Waterworks ay gagamitin o ititigil sa kalagitnaan ng buwan, ang flat rate (pangunahing bayad sa serbisyo) para sa buwan na iyon ay magiging kalahati kumpara sa normal na halaga kung ang nagamit ay mas mababa sa 15 araw. Kung ang serbisyo na nagamit para sa buwan na iyon ay 15 araw o higit pa, ang buong halaga ng flat rate ay sisingilin.
• Kung ang mga bayarin ng tubig ay hindi nababayaran sa petsa na itinalaga, magpapadala kami ng “Notice of Overdue Payment.”
• Kung ang istraktura o mga materyales ng kagamitan ng suplay ng tubig ay hindi umaayon sa istraktura at material na pamantayan ng kagamitan sa suplay ng tubig, katulad ng itinakda sa Artikulo 6 ng Order of Enforcement of the Waterworks Act, ang suplay ng tubig ay ititigil hanggang ang mga pamantayan ng kagamitan sa tubig ay matupad.
• Kung ang kagamitan ng suplay ng tubig ay hindi na-install ng isang Waterworks Service Manager (na simula dito ay babanggitin bilang “Manager”) o ng isa sa Toyohashi City Designated Water Equipment Installation Business Entity, maaaring ihinto ang suplay ng tubig. Gayunpaman, kung ang kagamitan sa suplay ng tubig ay sumasang-
xxxx sa maliit na pagbabago na pinahintulutan para sa kagamitan sa suplay ng tubig tulad ng itinakda sa Seksyon 2, Artikulo 16.2 ng Ministry of Health, Labor, and Welfare’s Waterworks Act, o kung ang nabanggit na kagamitan sa suplay ng tubig ay umaayon sa istruktura at material na regulasyon na itinakda sa Artikulo 6 ng Order of the Waterworks Act, ang tubig ay hindi ititigil.
Ihihinto namin ang suplay ng tubig sa alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:
① Ang kabiguang magbayad para sa bayarin ng tubig at/o mga bayarin sa serbisyo, atbp., sa itinalagang petsa ng pagbabayad.
② Ang pagtanggi o paghadlang sa pagsukat ng dami ng tubig na ginamit nang walang lehitimong dahilan.
③ Ang pagtanggi na nakumpleto na ang pag-install ng mga kagamitan sa suplay ng tubig na siniyasat, o ang pagkabigo na sumunod sa mga kaugnay na bilin na walang lehitimong dahilan.
④ Xxxx ang kagamitan sa suplay ng tubig ay napag-alaman na may pollutant o kontaminado, o kung ang kagamitan sa suplay ng tubig ay konektado sa mga mapagkukunan ng tubig na wala sa pamamahala ng Waterworks at patuloy na ginagamit sa kabila ng babala.
Ang mga karagdagang multa ay maaaring ipataw sa alinman sa sumusunod na sitwasyon:
① Ang pag-install, remodeling, pag-aayos, pag-alis o pagwasak ng mga kagamitan sa suplay ng tubig nang walang natanggap na pag-apruba mula sa Manager.
② Ang pagtanggi o pagpigil nang walang lehitimong dahilan, sa pag-install ng metro ng tubig, pagsukat ng dami ng tubig na nagamit, inspeksyon ng mga nakumpletong pag-install ng kagamitan sa tubig, o pagpapahinto ng suplay ng tubig.
③ Ang pagpapabaya sa pamamahala at pagpapanatili ng maayos sa mga kagamitan sa suplay ng tubig.
④ Pag-iwas sa mga koleksyon ng pagbabayad ng singil ng tubig, pandaraya, o iba pang mga iligal na pagkilos.
●Bayad sa Suplay ng Tubig at Sewerage Service
Ang mga singil at bayad (na tutukuyan sa ibaba bilang singil, atbp.) ay singil para sa dalawang buwang konsumo. Gayunpaman, ang mga bayarin ay kinakalkula sa buwanang batayan. Kung mayroong isang maliit na bahagi na mas mababa sa 1 yen sa kabuuan ng pangunahing singil (basic service fee) at singil sa tubig (metered usage fee), at ang kabuuang halaga na minultiplay sa consumption tax rate, ito ay bubuuin sa pinakamalapit na yen.
Sukat ng Tubo | Bayad | Sukat ng Tubo | Bayad | Sukat ng Tubo | Bayad |
13 millimeters | ¥530 | 40 millimeters | ¥7,700 | 150 millimeters | ¥203,000 |
20 millimeters | ¥1,450 | 50 millimeters | ¥13,300 | 200 millimeters | ¥420,000 |
25 millimeters | ¥2,500 | 75 millimeters | ¥36,000 | 250 millimeters | ¥740,000 |
30 millimeters | ¥3,900 | 100 millimeters | ¥73,400 | 300 millimeters | ¥1,180,000 |
① Bayad sa Suplay ng Tubig Pangunahing Sin
Bayad sa Paggamit ng Tubig
Uri ng Paggamit | Singil xxxx sa dami ng paggamit | ||||
Pang karaniwang Paggamit | 10 cubic meter o mas mababa | Sa pagitan ng 10 ~20 cubic meter | Sa pagitan ng 20 ~50 cubic meter | Sa pagitan ng 50 ~100 cubic meter | Higit sa 100 cubic meter |
Presyo bawat cubic meter ¥28 | Presyo bawat cubic meter ¥56 | Presyo bawat cubic meter ¥92 | Presyo bawat cubic meter ¥160 | Presyo bawat cubic meter ¥240 | |
Espesyal na Paggamit | Presyo bawat cubic meter ¥260 |
② Bayad sa Paggamit ng Sewerage (Pampublikong Sewerage)
Uri | Bayad | Singil xxxx sa dami ng paggamit | ||||
Pang karaniwang Paggamit | ¥770 | 10 cubic meter o mas mababa | Sa pagitan ng 10~20 cubic meter | Sa pagitan ng 20~50 cubic meter | Sa pagitan ng 50~100 cubic meter | Higit sa 100 cubic meter |
Presyo bawat cubic meter ¥10 | Presyo bawat cubic meter ¥120 | Presyo bawat cubic meter ¥190 | Presyo bawat cubic meter ¥270 | Presyo bawat cubic meter ¥300 | ||
Espesyal na Paggamit | Presyo bawat cubic meter ¥300 |
③ Bayad sa Paggamit ng Sewerage (Regional Sewerage)
Uri | Bayad | Singil xxxx sa dami ng paggamit | ||||
Pang karaniwang Paggamit | ¥900 | 10 cubic meter o mas mababa | Sa pagitan ng 10~20 cubic meter | Sa pagitan ng 20~50 cubic meter | Sa pagitan ng 50~100 cubic meter | Higit sa 100 cubic meter |
Presyo bawat cubic meter ¥10 | Presyo bawat cubic meter ¥140 | Presyo bawat cubic meter ¥220 | Presyo bawat cubic meter ¥310 | Presyo bawat cubic meter ¥350 | ||
Espesyal na Paggamit | Presyo bawat cubic meter ¥350 |
●Tungkol sa Abiso
Para sa alinman sa mga sumusunod, mangyaring makipag-ugnayan sa Waterworks & Sewerage Bureau Customer Billing Center (上下水道局お客さま料金センター/Jogesuido-kyoku okyaku-sama ryokan senta)
Mangyaring magpasa ng mga sumusunod na aplikasyon kung nais mong:
・Gamitin ang serbisyo ng tubig “Application for waterworks services”
【使用開始の申込み】/Xxxxxx xxxxxx no moushikomi
・Ihinto ang serbisyo ng tubig “Application for termination of waterworks services”
【使用中止の申込み】/Shiyou chuushi no moushikomi
※Kung nais mong ihinto ang serbisyo ng tubig, mangyaring mag-apply ng maaga (2 araw kung xxxxxx xxxxx ang opisina)
Mangyaring tandaan na kung hindi ka nag-apply para sa terminasyon ng serbisyo ng tubig ay sisingilin ka pa rin kahit na hindi ka gumagamit ng tubig.
・Aplikasyon sa pamamagitan ng telepono Telepono:0000-00-0000
Oras ng pagtanggap:8:30am~5:15pm (Sarado tuwing sabado, linggo at holiday)
・Aplikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng online service (bukas 24 oras) Toyohashi City Waterworks & Sewerage Bureau Homepage
(URL:xxxx://xxx.xxxx.xxxxxxxxx.xx.xx/xxxxx/)
「お客様へ」→「水道使用開始・中止のお申込み」
Sa mga customer→Paggamit ng serbisyo ng tubig・Paghinto ng serbisyo ng tubig
※Magagamit ang aming online service 24 oras sa isang araw. Gayunpaman, maaaring may mga oras na hindi ito magagamit dahil sa maintenance o iba pang mga kadahilanan (nang walang paunang paunawa)
※Tatawagan namin kami sa telepono upang kumpirmahin ang mga detalye ng inyong aplikasyon.
・At iba pang pagbabago
・Kapag nais baguhin ang pangalan ng gumagamit
・Kapag nais baguhin ang address kung saan ipapadala ang papel para sa bayarin.
<Tumawag sa>
Toyohashi City Waterworks & Sewerage Bureau Customer Billing Center
☎(0532)51-2712