Contract
1. Ano ang entitlements ko sa pagtrabaho?
Sagot ng iyong employer ang tirahan, pagkain (kung ito ay nakasaad sa iyong kontrata), isang araw na bakasyon o day-off sa loob ng isang lingo, at airplane ticket papunta ng Brunei at pabalik ng Pilipinas.
2. Pwede bang i-pre-terminate ko o ng aking employer ang aking kontrata?
Pwede ngunit dapat mo munang abisuhan ang iyong employer tatlumpong (30) araw bago ang iyong pag-alis. Kailangan mo ring bayaran ang nagastos ng iyong employer sa paglakad ng iyong mga papeles at recruitment fees.
Kung ang iyong employer naman ang nagpa pre-terminate ng iyong kontrata, kailangang katanggap-tanggap ang kanyang dahilan tulad ng mga sumusunod: paglabag sa polisiya ng kumpanya, pagnanakaw, grave threat, pagsisinungaling at iba pa. Kung walang sapat na dahilan ngunit kayo ay tinanggal sa trabaho, dapat bayaran nang buo ng employer ang iyong sahod na saklaw ng iyong kontrata at sagutin ang ticket mo pabalik ng Pilipinas.
3. Kung mayroong paglabag ang aking employer sa aming kontrata, ano maaari kong gawin?
Maaari mo munang kausapin ang iyong Bruneian employer hinggil dito. Pakikinggan ka nila sapagkat mahalaga sa kanila ang kanilang pangalan at malaking kahihiyan para sa kanila ang madawit sa isang anomalya, o maireklamo sa embassy. Kung hindi ka pinakinggan kahit paulit-ulit mo na siyang kinausap, maaari ka nang pumunta sa POLO para magpatulong sa Labor Attaché.
4. Ano ang gagawin ko kung hindi maganda ang aking accommodation?
Kung hindi katanggap-tanggap o hindi matirahan ang iyong accommodation, maaari mong kausapin ang iyong employer hinggil dito. Kung walang nangyari, maaari kang pumunta sa POLO at isangguni ang iyong suliranin sapagkat ito ay maituturing na paglabag sa iyong employment contract. Pwedeng i-blacklist ang nasabing employer upang hindi na makakuha ng mga manggagawang Pilipino.
5. Ililipat daw ako ng aking employer sa ibang opisina o lokasyon na hindi nakasaad sa aking pinirmahang kontrata. Ito ba ay legal?
Hindi legal ang paglipat sa iyo sa ibang lokasyon ng trabaho maliban sa nakasaad sa iyong pinirmahang kontrata.
6. Ano ang aking gagawin kung hindi ko masingil ang aking unpaid salaries at iba pang benepisyo mula sa aking employer?
Kung kumalas na kayo sa inyong employer, lalo na kung kayo ay babae, pwede kayong makiusap sa Labor Attaché upang tumira pansamantala sa Filipino Workers Resource Center (FWRC) habang nakikipag-usap ang mga kinatawan ng embahada sa inyong employer para sa sahod niyong hindi pa nababayaran.
7. Tama bang tumakas ako sa aking employer?
Kung meron nang xxxxx sa inyong kalusugan, lalo na sa xxxxxx xxxxx, xxxx xxxx na tumakas kayo sa inyong employer. Huwag niyong pabayaang mamatay xxxx xxxx xxxx xxxx tumakas at magsumbong.
8. Maaari ba akong mag-apply ng citizenship o immigrant status dito habang ako ay nagtatrabaho?
Hindi. Tanging mga dayuhang nakapag-asawa ng Melayu ang maaari lang makakuha ng residence visa.
9. Bilang isang migrant worker, maaari ba akong magsama ng kapamilya ko dito?
Puwede kang magsama ng mga dependents sa Brunei kung ikaw ay nakapaloob sa salary bracket para sa mga dayuhang nagnanais na magdala ng kapamilya sa Brunei.
10. Ano ang ibig sabihin ng Balik-Manggagawa?
Ang “balik-manggagawa” ay Pilipinong manggagawa, na hindi pa permanent o long-term resident ng ibang bansa na umuwi sa Pilipinas at babalik din sa iniwang employer sa ibayong-dagat. (balik-employer, sa madaling salita). Iba ito sa “balik-bayan” na isa namang Pilipinong nangibang- bansa nang higit sa isang taon at mananatili sa Pilipinas nang hindi lampas ng isang taon din. Iba pa rin ito sa “ofw” o “migrant worker” na isang manggagawa sa ibayong dagat na hindi naging mamamayan (citizen) ng ibang bansa. (Sec. 3 at 35 ng Migrant Workers Act).
Ang tatlong ito ay inililibre ng batas sa travel tax.
11. Ano ang OEC? Saan ako makakakuha nito?
Ang Overseas Employment Certificate (OEC) ay katibayan na ikaw ay balik- manggagawa o migrant worker. Ang mayroon nito ay libre sa travel tax at airport fee sa Pilipinas, kaya “exit pass” ang bansag nito. Makukuha ito sa POLO bago ka umuwi sa Pilipinas. May bisa ito ng 60 araw lamang mula sa
iyong pagtanggap. Kung nakaligtaang kumuha ng OEC sa POLO o nawalan ito ng saysay dahil lumampas na ang 60 araw, makakakuha rin ng OEC sa POEA. Pero nagbibigay ng OEC ang POEA sa mga “balik-manggagawa” lamang, hindi sa lahat ng mga Pilipinong migrant worker. Kung ikaw ay hindi bibigyan ng POEA ng OEC, alamin sa Department of Tourism kung maituturing xxxx xxxxx-xxxxx na libre din sa travel tax.
12. Ano ang POLO at ang mga serbisyo nito?
Ang POLO (Philippine Overseas Labor Office) ay extension ng ating Department of Labor and Employment (DOLE) at ng POEA sa mga bansa kung saan may maraming bilang ng OFW. Dito pwede kumuha ang mga OFW ng kanilang OEC kung magbabakasyon sila sa Pilipinas. Dito rin bine- verify ang mga job orders at employment contracts upang masiguro na meron nga’ng trabaho ang mga manggagawang Pilipinong pumupunta/pumapasok dito, at ang mga trabahong yan ay taglay ang mga pinakamagandang kondisyon sa paggawa. Tungkulin ang POLO na protektahan at ipaglaban ang mga karapatan, kapakanan at interes ng ating mga kababayan sa ibang bansa.
13. Kailan ko dapat i-renew ang aking OWWA membership? Importante ba ito?
Ang iyong OWWA membershio ay dapat i-renew tuwing matatapos ang iyong employment contract na kadalasan kasabay sa pagkuha ng OEC. Subalit kung ang iyong kontrata ay lalagpas ng dalawang taon, dapat i- renew ang OWWA membership bago matapos ang dalawang taon. Importanteng i-renew ang iyong OWWA membership upang manatiling active ang iyong status at patuloy na makinabang sa mga OWWA benefits tulad ng insurance, repatriation, scholarships, livelihood loans at iba pa.
14. Tapos na ang kontrata ko at gusto ko nang umuwi sa Pilipinas subalit ayaw pumayag ng aking employer. Ano ang dapat kong gawin?
Hindi ka maaaring pigilan ng iyong employer na umuwi ng Pilipinas. Maaari kang sumangguni sa POLO upang ikaw ay matulungan ng Labor Attaché.
15. Paano kung ayaw nang i-renew ng employer ko ang aming kontrata subalit gusto ko pang magtrabaho sa Brunei? Ano ang penalty kung ako ay mag-overstay o mag-TNT?
Kung patapos na ang inyong kontrata, dapat umeksit muna kayo ng Brunei para hindi kayo mag-overstay. Pinapalo ng rattan ang mga overstay sa Brunei. Ang bilang ng palo ay depende sa araw ng pag-o-overstay.