Mga Tuntunin sa Paggamit
Proyektong Istasyon ng Bisikleta
Kasunduan sa mga Tuntunin sa Paggamit
Mga Tuntunin sa Paggamit
Para maiparada ang iyong bisikleta sa Toronto Bicycle Station, dapat mo munang basahin at sang-ayunan ang mga sumusunod na Tuntunin sa Paggamit. Tatanggapin ang mga aplikante sa batayang unang pagsisilbihan ang unang dumating (first come - first served). Kapag tinanggap ng Lungsod ng Toronto (ang "Lungsod") ang iyong aplikasyon upang maging gumagamit ng Bicycle Station (Istasyon ng Bisikleta), ang iyong aplikasyon at ang sumusunod na kasunduan sa mga tuntunin sa paggamit ay magiging kontratang dapat sundin.
1. Mga Singil
Kinikilala kong kailangan kong bayaran ang Lungsod ng mga singil sa Bicycle Station gaya ng nakalista sa Toronto Municipal Code, Kabanata 441, Fees and Charges (Mga Singil at Ipinapataw), at sa website ng Bicycle Station xxx.xxxxxxx.xx/xxxxxxx/xxxxxxx-xxxxxxx. Kabilang sa mga singil na ito ang registration fee (singil sa pagpaparehistro) at parking plan fee (singil sa plano ng pagparada). Ang registration fee ay isang administratibong singil at babayaran ko ang singil na ito sa unang pagkakataon ng aking pagpaparehistro upang magamit ang bicycle station. Ang parking plan fee ay magpapahintulot sa aking iparada ang aking bisikleta sa station ng 1 araw, 1 buwan, o 4 na buwan depende sa kung aling parking plan ang pipiliin ko. Isang limitadong bilang ng mga espasyo ng paradahan ang irereserba para sa 1-araw na parking plan (Pay-and-Park (Magbayad-at-Magparada)). Kung pipiliin ko ang planong Pay-and-Park, magkakaroon ako ng access sa station ng isang araw, sa panahon lamang ng mga oras ng pagpapatakbo na may kawani at hindi ako aatasang magbayad ng registration fee. Dapat kong bayaran ang lahat ng singil sa o bago ang unang araw ng panahon ng kontrata. Hindi ko maaaring ilipat ang aking key fob o ang aking registration fee, mga parking plan fee, o anumang iba pang singil sa Bicycle Station, o hindi ko rin maaaring italaga ang mga ito sa ikatlong partido.
Ang mga singil sa Bicycle Station ay maaaring sumailalim sa pagbabago sa natatanging pagpapasya ng Lungsod. Ngunit, ang mga singil na obligado akong bayaran ay hindi magbabago sa panahon ng hindi nagbabagong panahon ng kontrata. Ang anumang pagtaas o pagbaba sa mga singil sa user ay iaangkop sa mga bagong kabayaran o mga kabayaran sa pagpapa-renew.
Kung nawala ko ang aking key fob, kung ito ay ninakaw o hindi ko ito naibalik sa oras na matapos ang aking parking plan, babayaran ko ang Lungsod ng singil sa Access Card Replacement (Pagpapalit ng Kard sa Pag-access). Babayaran ko ang Lungsod ng singil sa Nahuling Pagbabalik o mga Pagkasira para sa anumang kagamitan sa Bicycle Station na hiniram at isinauli nang huli at/o nasira at/o nadumihang kondisyon. Kung iiwan ko ang aking bisikletang nakaparasa sa Bicycle Station nang mas matagal sa 48 magkakasunud-sunod na oras (hindi kabilang xxx Xxxxxx, Linggo at mga araw ng kapistahang xxxx sa batas) babayaran ko ang Lungsod ng Overstay fee (singil sa Labis na Pamamalagi). Ang lahat ng singil na ito ay nakalista sa Toronto Municipal Code, Kabanata 441, Fees and Charges, at sa website ng Bicycle Station at dapat mabayaran sa loob ng 30 araw. Sumasang-xxxx akong babayaran ang anumang hindi pa nababayarang singil na nauugnay sa Bicycle Station bago ako isyuhan ng Lungsod ng key fob o iproseso ang pagre-renew ng aking parking plan.
2. Mga Responsibilidad ng Customer
Gagamitin ko lamang ang Bicycle Station para sa mga layunin ng pagparada ng bisikleta. Hindi ako magtatabi ng pagkain, mga masisirang bagay, mga mapanganib o masusunog na materyal, kabilang ang mga langis at lata ng aerosol, sa Bicycle Station sa anumang oras. Kung mayroong anumang bag na nakakabit sa aking bisikleta, titiyakin kong walang laman ang mga ito at maaaring inspeksyunan ng Lungsod ang mga ito para sa anumang dahilan.
Sumasang-xxxx akong agad na aabisuhan ang Lungsod ng anumang kahirapan sa pagpasok sa station, paggamit ng mga bicycle rack, o ng anumang pagkasirang dulot ng pasilidad ng Bicycle Station.
3. Tuntunin
Sumasang-xxxx akong magsisimula at magtatapos ang Bicycle Station Parking Plan sa mga petsang nakasaad sa aking resibo ng customer.
Kung hindi ko babayaran ang Lungsod ng bagong parking plan fee sa o bago ang petsa ng pagtatapos ng aking aktibong panahon ng parking plan, ide-deactivate ng Lungsod ang aking key fob hanggang sa makabili ako ng panibagong Bicycle Station parking plan. Ang mga Bicycle Station parking plan ay makukuha sa batayang unang pagsisilbihan ang unang dumating.
Ako o ang Lungsod ay maaaring wakasan ang kasunduang ito sa anumang oras, mayroon man o walang dahilan at wala mang paunang abiso. Kung mawawakasan ang kasunduang ito bago ang katapusan ng panahon ng singil, hindi ibabalik sa akin ang anumang halaga ng aking registration fee o Bicycle Station parking plan fee.
Kung mawawakasan ko o ng Lungsod ang kasunduang ito, ibabalik ko ang lahat ng pag-aari ng Bicycle Station sa Bicycle station sa loob ng 30 araw.
Hindi ako mag-iiwan ng bisikletang nakaparada sa Bicycle Station nang mas matagal sa 48 magkakasunud-sunod na oras. Kung mag-iiwan ako ng bisikletang nakaparada nang mas matagal sa 48 magkakasunud-sunod na oras, sumasang-xxxx akong babayaran ang overstay fee at sumasang-xxxx na maaaring mawakasan ang aking Bicycle Station parking plan.
4. Pananagutan / Bayad Pinsala
Sumasang-xxxx akong palayain ang Lungsod at ang anumang lupon ng Lungsod at ang bawat isa sa mga kinauukulang empleyado, direktor, opisyal, hinirang at ibinotong opisyal, kawani, ahente at boluntaryo sa anumang pananagutan para sa anumang pagkasira o pinsala sa aking sarili o sinumang iba pang tao o ari-ariang magreresulta sa kapabayaan, piniling kagamitan at o pag-aayos at/o pag-iimbak ng aking bisikleta at kagamitang nuugnay sa bisikleta sa Bicycle Station kabilang ang anumang mga hindi direkta, espesyal, insidental o
konsekwensyal na pagkasira o pinsalang nagmumula sa, o kaugnay ng aking paggamit ng Bicycle Station. Sumasang-xxxx akong palayain ang Lungsod at ang anumang Lupon ng Lungsod at ang bawat isa sa mga kinauukulang empleyado, direktor, opisyal, hinirang at ibinotong opisyal, kawani, ahente at boluntaryo sa anumang pananagutan para sa pagnanakaw, pagkawala o pagkakatanggal ng anumang pag-aaring nakaimbak sa Bicycle Station.
Higit pa akong sumasang-ayong magbayad-pinsala at hindi pananagutin ang Lungsod at ang anumang Lupon ng Lungsod at ang bawat isa sa mga kinauukulang empleyado, direktor, opisyal, hinirang at ibinotong opisyal, kawani, ahente at boluntaryo sa anuman at lahat ng paghahabol ng ikatlong partido na maaaring magkaroon ang Lungsod at ang anumang Lupon ng Lungsod at ang bawat isa sa mga kinauukulang empleyado, direktor, opisyal, hinirang at ibinotong opisyal, kawani, ahente at boluntaryo na nagmumula sa, o kaugnay ng aking paggamit ng Bicycle Station.
Tinatanggap ko ang buong responsibilidad para sa pangangalaga ng kagamitan ng Bicycle Station at sasagutin ang lahat ng gastos, na babayaran sa loob ng 30 araw, hanggang sa presyong retail ng kagamitan na nasira (bukod sa makatuwirang pagkapudpod at pagkaluma), o ng anumang hiniram na kagamitang hindi ibinalik.