Contract
Effective April 1st, 2021
Ang Kasunduang ito ay sa pagitan mo at ng Crowd1 Network Limited Ltd. (“Crowd1”) at xxx xxxx- xxxx xxxxx kung kailan ka nagpatala sa C1 Store, ang Portal ng Kostumer ng Crowd1. Sa pama- magitan ng pagiging Kostumer ng CROWD1 at pagtatamasa sa mga pakinabang n ng Portal ng Kostumer, sumasang-xxxx xx sa lahat ng mga tuntunin at kondisyong ipinahayag sa ibaba.
PAHINTULOT:
SA PAGGAMIT NG SITE NA ITO, SUMASANG-XXXX XX SA MGA TUNTUNIN NG KASUNDUAN SA KOS- TUMER NA ITO KASAMA NA ANG MGA TUNTUNIN SA PAGGAMIT, PATAKARAN SA PAGKAPRIBADO AT LAHAT O ANUMANG IBA PANG DOKUMENTO NA ISINAMA NG CROWD1. Kinikilala xxxx xxx Xxxxx-
xxxx sa Kostumer na ito ay suportado ng makatuwiran at mahalagang pagsasaalang-alang, ang pagtanggap at kasapatang kinilala sa pamamagitan nito. Nang hindi nililimitahan sa pangkala- hatan ang naunang nabanggit, kinikilala mong kabilang sa nasabing pagsasaalang-alang ang paggamit mo ng Site at pagtanggap ng datos, mga materyales at impormasyong magagamit sa o sa pamamagitan ng Site, ang posibilidad ng paggamit namin o pagpapakita ng mga Isinumite mo (kagaya ng tinukoy sa Mga Tuntunin at Mga Kondisyong makikita sa site) at ang posibilidad ng paglalathala at promosyon mula sa aming paggamit o pagpapakita sa iyong mga Isinumite.
1. Mga Kinakailangan sa Portal ng Kostumer
Sa pagiging Kostumer ng CROWD1 at pagsali sa Portal ng Kostumer, sumasang-xxxx xx sa mga sumusunod:
a. Susundin mo ang mga tuntunin at kondisyon ng CROWD1 (kagaya ng tinukoy sa Mga Tuntunin at Mga Kondisyong makikita sa site);
b. Dapat naninirahan ka sa isang bansa kung saan opisyal ng ipinahayag na bukas ang CROWD1 para sa negosyo;
c. Reserbado sa CROWD1 ang karapatang tanggihan ang alinmang account ng Kostumer sa sarili nitong pagpapasya, gayundin ang pagpapahinto ng account ng Kostumer kapag may paglabag ang Kostumer sa mga tuntunin ng kasunduang ito.
2. Mga Benepisyo sa C-Store ng Kostumer ng Crowd1
Sa pagpapatala bilang Kostumer ng CROWD1, nagsa-sign up ka para sa mga Benepisyo sa
C-Store ng Kostumer. Libre ang pag-sign up bilang isang Kostumer. Makakatanggap ang Kostumer ng access sa lahat ng mga produkto at serbisyong inaalok ng Crowd1 sa pamamagitan ng C-Store sa presyong may diskuwento.
Pagkatapos ng pagpapatala sa iyong account at matanggap ng CROWD1 ang iyong Kasunduan sa Kostumer, matatanggap mo ang mga sumusunod na benepisyo sa Portal ng Kostumer, hang- ga't ikaw ay isang Kostumer:
• Eksklusibong access sa lahat ng mga produkto at serbisyong makukuha sa C-Store
• DISKUWENTO ng Kostumer sa lahat ng produkto sa CROWD1
• Opsyon para mag-upgrade upang maging Miyembro ng CROWD1
TANDAAN: Maaaring hindi mabili ang lahat ng produkto at serbisyo sa bansa kung saan xx xxxxxx- rahan.
3. Pagkansela sa Account ng Kostumer at sa mga Benepisyo sa C-Store
Bilang isang Kostumer, maaari mong piliing kanselahin ang iyong account bilang Kostumer anu-
Effective April 1st, 2021
mang oras.
a. Maaari kang magkansela nang walang binabayarang Singil sa Pagkansela.
b. Maaari kang mag-upgrade upang maging Miyembro ng CROWD1 anumang oras sa pahina ng iyong account bilang Kostumer, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa taong nagtala sa iyo, o pakikipag-ugnay sa Customer Service ng CROWD1 sa iyong back office.
4. Pagbabago ng Sponsor
Ang CROWD1 ay isang direktang nagbebentang kompanya na nag-aalok ng mga produkto nito sa pamamagitan ng mga Third-Party Provider ("Mga Vendor" o "Mga Third Party Provider"). Bilang isang Kostumer, kailangan mong "mag-sign up kasama ang" Kaakibat na Miyembro sa oras ng pagsali sa Portal ng Kostumer. Kung wala kang ganito sa oras ng pag-sign up, may itatalaga para sa iyo. Ang paglipat ng Kostumer ng CROWD1 mula sa isang Sponsor patungo sa iba ay hindi pi- napayagan maliban kung may pagkakamali sa pagpili ng tamang Sponsor habang kinukumpleto ang online na pagrehistro sa CROWD1. Ang mga kamalian ay dapat iulat kaagad sa unang pitong
(7) araw kasunod ng petsa kung kailan unang sumali ang Kostumer sa CROWD1. Hindi pinapaya- gan ang pagpapalit ng sponsor pagkatapos ng ikawalong (8) araw. Ang lahat ng mga kahilingan sa pagpapalit ng Sponsor ay dapat aprubahan hindi lamang ng Kompanya, kundi pati na rin ng bawat Sponsor na apektado sa hiniling na pagpapalit. Para hilingin ang pagpapalit ng Spon- sor, dapat kumpletuhin ng Kostumer ang Pormularyo ng Kahilingan sa Pagpapalit ng Sponsor at
i-email ito sa Kagawaran sa Pagsunod ng Kompanya sa: xxxxxxxxxx@Xxxxx0.xxx.
5. Proseso sa Pagbabalik at Pagsasauli ng Ibinayad
Ang lahat ng mga isyu sa pagbabalik at pagsasauli ng ibinayad ay pinangangasiwaan ng third-party vendor at hindi ng Crowd1.
6. Namamahalang Batas
Ang mga batas ng Dubai ang siyang mamamahala sa lahat ng mga bagay na may kaugnayan o nagmumula sa Kasunduang ito at sa pagpapatala mo sa Portal ng Kostumer ng CROWD1.
7. Mga Pagbabago sa Kasunduan
Reserbado sa CROWD1 ang karapatang baguhin ang mga presyo ng mga produktong iniaalok ng mga third-party vendor sa C-Store anumang oras nang walang abiso maliban na hindi xxxx xxxx- xxxxx ang mga presyo ng anumang order na nasingil sa credit card mo.
Reserbado sa CROWD1 ang karapatang susugan ang Kasunduang ito xxxx sa natatangi at gan- ap na pagpapasya nito. Sa pamamagitan ng pagsang-xxxx sa KASUNDUAN SA KOSTUMER na ito at pagsali sa CROWD1 bilang isang Kostumer, sumasang-xxxx xxxx sumunod sa pinakabagong bersyon ng Kasunduang ito habang sinususog ito ng CROWD1 pana-panahon. Ang "Mga Pagsusu- sog" sa Kasunduang ito ay magiging epektibo pagkatapos mailathala ng CROWD1 ang binagong Kasunduan, ngunit ang mga Pagsususog ay hindi dapat paunang iangkop bago ang epektibong petsa ng Pagsusog.
Ang mga Tuntunin at Kondisyong ito sa Kostumer ay isasalin sa iba't ibang wika. Kung sakaling may anumang pagkakaiba sa pagitan ng Ingles na bersyong ito at sa mga isinaling bersyon, xxx Xxxxxx na bersyon ng mga Tuntunin at Kondisyon sa Kostumer ang mananaig.