PAGSASALIN SA TAGALOG NG PAGTATALAGA NG MORTGAGE TAGALOG TRANSLATION OF ASSIGNMENT OF MORTGAGE
PAGSASALIN SA TAGALOG NG PAGTATALAGA NG MORTGAGE TAGALOG TRANSLATION OF ASSIGNMENT OF MORTGAGE
ABISO TUNGKOL SA PAGSASALIN SA TAGALOG
Ang pagsasaling ito sa Tagalog ay hindi isang mabisang legal na dokumento, ibinibigay lang ito para sa kaginhawahan ng Borrower, at hindi ito kailanman maituturing na kontrata o anumang bahagi ng dokumento ng loan sa Ingles. Bagama't sinubukan ng Fannie Mae at Freddie Mac na tiyaking isa itong tumpak na pagsasalin ng dokumento ng loan sa Tagalog, hindi mananagot ang Xxxxxx Xxx x xxx Freddie Mac sa anumang pagkakamali sa Tagalog na pagsasalin na ito o para sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga pagkakaiba sa paggamit ng wika o diyalekto. Kung sakaling magkakaroon ng mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng dokumento ng loan sa Ingles at sa pagsasaling ito sa Tagalog, mananaig ang ipinatupad na dokumento ng loan sa Ingles.
Responsibilidad ng Borrower na ganap na maunawaan ang katangian at mga tuntunin ng mga obligasyon ng Borrower alinsunod sa nakasaad sa mga dokumento ng loan sa Ingles na lalagdaan niya sa pagsasara ng loan. Hindi dapat lagdaan ng Borrower ang pagsasaling ito. Bilang karagdagan, posibleng natanggap lang ng Borrower ang dokumentong ito ng loan bilang halimbawa ng isang tipikal na dokumento ng loan, at wala itong kaugnayan sa isang partikular na transaksyon sa loan. Kung ganito ang sitwasyon, ang dokumentong ito ay hindi puwedeng maging isang pagsasalin ng dokumento ng loan na ipapatupad ng Borrower sa panahong kukuha ang Borrower ng mortgage loan sa bahay.
NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
This Tagalog translation is not a binding legal document, is being provided solely for the Borrower's convenience, and will not in any way be construed as a contract or any part of the English loan document. While Fannie Mae and Freddie Mac have attempted to ensure that this is an accurate Tagalog translation of the loan document, neither Fannie Mae nor Freddie Mac is liable for any inaccuracies in this Tagalog translation or for any misunderstandings due to differences in language usage or dialect. In the event of any inconsistencies between the English loan document and this Tagalog translation, the executed English loan document will govern. The Borrower assumes the responsibility for fully understanding the nature and terms of the Borrower's obligations as set forth in the English loan documents they sign at loan closing. The Borrower shall not sign this translation. In addition, the Borrower may have received this loan document solely as an example of a typical loan document, and not in connection with a specific loan transaction. If this is the case, this document may not be a translation of the loan document that the Borrower will execute at the time the Borrower obtains a home mortgage loan.
Matapos Itala, Ibalik Xxx/Sa:
[Ang Espasyo sa Itaas ng Xxxxxxx Xxx ay Para sa Pagre-record ng Data]
PAGTATALAGA NG MORTGAGE
ITONG PAGTATALAGA NG MORTGAGE (“Pagtatalaga”), na may petsang
, , ay sa pagitan nina , bilang assignor (“Lender”) at Mortgage Electronic Registration Systems, Inc. (“MERS,” na tutukuyin dito) at nagpapasa ito ng isang partikular na Mortgage na ipinagkaloob ng
(“Borrower”) sa Lender na may petsang
, .
Itinatalaga at ipinapasa ng Lender ang lahat ng karapatan, titulo, at interes nito sa Mortgage sa MERS, sa kapasidad nito bilang Nominee (tutukuyin dito) para sa Lender. Ang pagtatalagang ito ay para sa kapakinabangan ng Lender, mga successor at itinalaga nito, na mas tutukuyin pa xxxx.
Ang awtoridad ng MERS na kumilos sa ngalan ng Xxxxxx, mga successor at itinalaga nito, ay naaayon at napapailalim sa Mga Patakaran ng MERS. Nang hindi nililimitahan ang mga nabanggit, may aktuwal na awtoridad ang MERS na kumilos sa ngalan ng Lender kaugnay ng mga usaping nakasaad dito at mga aksyong nakasaad sa Patakaran 2 ng MERS, kung saan ang kopya ng bahaging ito ay nakalakip dito bilang Exhibit A.
PAUNAWA
ANG ANUMANG ABISO SA MORTGAGEE NA KAILANGAN O PINAPAYAGANG IBIGAY SA ILALIM O KAUGNAY NG MORTGAGE NA NAKASAAD DITO AY DAPAT IDIREKTA SA MERS SA ADDRESS NA NASA IBABA.
MGA KAHULUGAN:
Gaya ng paggamit sa Pagtatalagang ito, ang mga sumusunod na salita ay may mga sumusunod na kahulugan. Ang mga naka-capitalize na terminong ginamit sa Pagtatalagang ito na walang depinisyon ay may kahulugang kagaya ng nakasaad sa Mortgage.
Ang ibig sabihin ng “Mortgage” ay ang mortgage na nakatalaga xxxx, ibig sabihin, ang partikular na Mortgage na may petsang , , mula sa Borrower para sa Lender at na-record sa County, Maine, Registry of Deeds, sa book/volume number , sa page number .
Ang ibig sabihin ng “MERS” ay Mortgage Electronic Registration Systems, Inc., isang korporasyon sa Delaware at buong pag-aaring subsidiary ng MERSCORP Holdings, na may address sa P.O. Box 2026, Flint, MI, 00000-0000, (tel.) 000-000-XXXX.
Ang ibig sabihin ng “Mga Patakaran ng MERS” ay ang Mga Pakataran ng MERS System para sa Membership, na sinang-ayunan ng Lender at kung saan napapailalim ang Lender bilang kontrata.
Ang “MERS System” ay ang mortgage electronic registry na pag-aari at pinapatakbo ng MERSCORP Holdings na ginawa sa ilalim ng isang sistema ng mga kontraktwal na patakaran ng mga miyembro nito, na sinang-ayunan ng Lender, na sumusubaybay sa mga pagbabago sa pagseserbisyo sa loan at mga karapatan sa pag-aari ng Note para sa mga rehistradong mortgage loan xxxx sa iniulat ng mga miyembro ng MERS System. Sa pamamagitan ng Pagtatalagang ito, ang Mortgage at ang Note ay naging isa nang rehistradong mortgage loan.
Ang “Nominee” ay tumutukoy sa MERS bilang agent para sa Lender at sinumang successor at itinalaga ng Lender na (a) isang transferee o may hawak ng Note, at (b) miyembro ng MERS System (“Mga Saklaw na Successor”). Nakasaad din sa Mga Patakaran ng MERS na hayagang itinatalaga ng sinumang Saklaw na Successor ang MERS para magsilbing agent nito sa ilalim ng Mga Patakaran ng MERS. Bilang Nominee, nasa MERS ang lahat ng karapatan, tungkulin, kapangyarihan, at awtoridad para kumilos sa ngalan ng Lender at sinumang Saklaw na Successor, alinsunod sa nakasaad sa Mga Patakaran ng MERS, kung saan ang isang kopya ng bahagi nito ay nakalakip dito.
BILANG SAKSI XXXX, idinulot ng Lender na maipatupad at maihatid ang Pagtatalagang
ito ng ,
, sa petsang unang nakasulat sa itaas.
ang awtorisado nitong
PANGALAN NG LENDER:
Ni: (Naka-print): Lagda:
[Ang Espasyo sa Ibaba ng Linyang Ito ay Para sa Pagkilala]
EXHIBIT A - KOPYA NG BAHAGI NG MGA PATAKARAN NG MERS SYSTEM
PATAKARAN 2 - PAGPAPAREHISTRO SA MERS® SYSTEM
Seksyon 5. (a) Dapat kumilos ang MERS bilang Nominee ng May-ari ng Note at mga successor at/o itinalaga ng May-ari ng Note, kabilang ang May Hawak ng Note kaugnay ng bawat MERS Loan na irerehistro ng Miyembro sa MERS® System.
(b) Sa kabila ng anumang salungat sa Mga Patakarang ito, at nang hindi nililimita ang anumang awtoridad na ibinigay sa isang mortgage na direktang ibinigay sa MERS bilang Mortgagee bilang Nominee, kaugnay ng anumang Mortgage na kasunod na itinalaga ng Mortgagee na nasa Record at May-ari ng Note sa MERS bilang Nominee:
(i) Hayagang itinatalaga ang MERS bilang agent para sa: (1) naturang Mortgagee na nasa Record at mga successor at/o itinalaga ng naturang Mortgagee na nasa Record, at (2) May-ari ng Note at mga successor at/o itinalaga ng May-ari ng Note, kabilang ang May Hawak ng Note, at mga successor at itinalaga nila, na may kapangyarihan at awtoridad na gamitin ang mga karapatan at tuparin ang mga tungkulin ng naturang Mortgagee na nasa Record, May-ari ng Note, o May Hawak ng Note, para:
(1) makatanggap ng anuman at lahat ng abisong kailangan o pinapahintulutang maibigay o matanggap sa ilalim ng MERS Loan, Mortgage, Security Instrument, o nalalapat na batas;
(2) magtalaga at magpasa (kabilang ang pag-record ng anumang pagtatalaga) ng lahat ng karapatan, titulo, at interes sa Mortgage, para sa at sa ngalan ng naturang Mortgagee na nasa Record, May-ari ng Note, o May Hawak ng Note;
(3) i-release, nang buo o bahagi, ang anumang pag-aari na saklaw ng Mortgage, at i-record ang anumang naturang pag-release; at
(4) i-discharge ang Mortgage at i-record ang anumang naturang pag-discharge.
(ii) Ang sinumang Miyembro na magpapatupad at magre-record (o magdudulot ng pag- recod) ng pagtatalaga sa Mortgage o Security Instrument sa MERS bilang Nominee ay may intensyong italaga ang MERS bilang agent nito para ipatupad at i-record ang mga naturang dokumento at instrument kung kailangan o kung nararapat sa agency na nakasaad dito.
(iii) Dapat magkaroon ang MERS ng iba pang ganoon at karagdagang awtoridad bilang agent kaugnay ng mortgage na itinalaga alinsunod sa Seksyon (b) ng Patakarang ito na puwedeng nakasaad na sa kasalukuyan o ilalagay pa lang sa hinaharap sa Mga Patakarang ito kaugnay ng Mga MERS Loan sa pangkalahatan.
(iv) Xxxx sa nakasaad sa Mga Patakarang ito, ang agency na iginawad sa ilalim ng seksyon (b)(i) ng Patakarang ito ay iginagawad ng Mga Miyembro at para lang sa kapakinabangan ng Mga Miyembro. Sa paglilipat ng anumang MERS Loan sa isang tao na hindi Miyembro, ang MERS, na kumikilos sa ngalan ng nagbebentang Miyembro, ay itatalaga ang nauugnay na pinag-uusapang Mortgage o Security Instrument sa naturang hindi miyembro at ire-record nito ang naturang pagtatalaga.
(c) Kung walang salungat na tagubilin mula sa May-ari ng Note, puwedeng pagbatayan ng MERSCORP Holdings at MERS ang mga tagubilin mula sa Servicer o Subservicer na nasa MERS® System alinsunod sa Mga Patakarang ito at Mga Proseso kaugnay ng mga paglilipat ng legal na titulo ng Note o mortgage, mga paglilipat ng mga karapatan sa kontraktwal na pagseserbisyo, at mga pag-release ng anumang interes sa security na nalalapat sa naturang mortgage loan. Puwedeng magbigay ang May- ari ng Note ng mga tagubiling taliwas sa mga naibigay ng Servicer at/o Subservicer na sasapaw sa lahat ng dating tagubilin ng sinupamang Miyembro; basta dapat maihatid ng May-ari ng Note ang naturang mga taliwas na tagubilin sa MERSCORP Holdings nang pasulat (o sa electronic na paraan sa pamamagitan ng email sa email address na tinukoy ng MERSCORP Holdings) at puwedeng pagbatayan ng bawat MERS Entity ang mga naturang tagubilin hangga't walang natatanggap na karagdagang nakasulat na tagubilin mula sa May-ari ng Note.
(d) Kung kasangkot ang May-ari ng Note o Investor sa isang hindi pagkakaunawaan sa kanilang Servicer, Subservicer, o Warehouse Lender, dapat magsagawa ang Mga Miyembro ng mga hakbang nang may mabuting hangarin para malutas ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga partido. Kung hindi ito magagawa, puwedeng abisuhan ng May-ari ng Note/Investor ang MERSCORP Holdings nang pasulat tungkol sa aktibidad sa mga hindi napagkasunduang (mga) MIN, at kapag nakapagbigay na ng pruweba ng pag-aari, puwedeng hilingin sa MERSCORP Holdings na (i) iproseso ang isang transaksyon sa paglilipat, o (ii) itama ang rehistro ng (mga) hindi napagkasunduang MIN.
(e) Ang sinumang miyembrong bibili ng anumang karapatan sa isang MERS Loan ay, alinsunod sa naturang pagbili, ituturing na pumayag sa mga tuntunin ng Seksyon 5 na ito.