LUNGSOD AT COUNTY NG SAN FRANCISCO
Mangyaring Ipaskil Kung Saan Ito Madaling Mabasa ng mga Kawani
LUNGSOD AT COUNTY NG SAN XXXXXXXXX
XXXXX X. XXX XXXXX
PAUNAWA SA MGA KAWANI
Ordinansa ng Pinakamaliit na Pagbabayad ng Suweldo (Minimum Compensation Ordinance)
Ang employer na ito ay isang kontratista ng Lungsod at County ng San Francisco. Itong kontratang kasunduan ay napapasailalim sa Ordinansa ng Pinakamaliit na Pagbabayad ng Suweldo [Minimum Compensation Ordinance (MCO)]. Kung sa ilalim ng kontratang kasunduang ito kayo ay nagtrabaho ng kahit 4 na oras sa bawat linggo sa panahong sakop ng pasahod, dapat kayong bayaran nang hindi bababa sa Pinakamaliit na Pagbabayad ng Suweldo na nakasaad sa ibaba:
ITO ANG INYONG MGA KARAPATAN . . .
1. Pinakamaliit na Sahod sa Bawat Oras (Minimum Hourly Compensation):
Para sa mga kontratang pumasok o sinusugan o pagkaraan ng Oktubre 14, 2007
• Halaga ng Pasahod Para sa Tumutubong Kompanya (For Profit-Rate): $13.64/oras magkakabisa ng 1/1/17
• Halaga ng Pasahod Para sa Hindi-Tumutubong Kompanya (Non-profit Rate): Pinakamaliit na Sahod ng S.F. (S.F. Minimum Wage) ($13.00 na epektibo ng 7/1/16)
• Ang mga halaga ng pasahod ay batay sa maaaring pagbabago; dapat magbayad ang inyong employer ng kasalukuyan noong pasahod na nakapaskil sa OLSE website: xxx.xxxxx.xxx/xxxx/xxx
Para sa mga kontratang pumasok bago ng Oktubre 14, 2007
• Para sa trabahong ginampanan sa loob ng Lungsod ng S.F.: Pnakamaliit na Sahod ng SF (SF Minimum Wage) ($13.00/oras na epektibo ng 7/1/16)
• Para sa trabahong ginampanan sa labas ng S.F.: $10.77/oras
2. Bayad na Araw na Wala sa Trabaho (Paid Days Off):
• 12 bayad na araw kada taon para sa pagliban dahil sa bakasyon, pagkakasakit o personal na pangangailangan
• Ang bayad na araw na wala sa trabaho para sa mga part-time na mga kawani ay naaayon (prorated) sa mga oras na nagtrabaho
3. Walang Bayad na Araw na Wala sa Trabaho (Unpaid Days Off):
• 10 walang bayad na araw na wala sa trabaho kada taon
• Ang walang bayad na araw na wala sa trabaho para sa part-time na mga kawani ay naaayon (prorated) sa oras na nagtrabaho
• Ang mga pansamantala at di-pirmihang mga kawani ay hindi magiging karapat-dapat para sa walang bayad na oras na wala sa trabaho
KUNG KAYO AY NANINIWALANG NILALABAG ANG INYONG MGA KARAPATAN, MAKIPAG-UGNAYAN SA OFFICE OF LABOR STANDARDS ENFORCEMENT (TANGGAPAN NG PAGPAPATUPAD NG MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA) SA (000) 000-0000.
Office of Labor Standards Enforcement (OLSE) City Hall, Room 430
1 Xx. Xxxxxxx B. Goodlett Place San Francisco, CA 94102 xxx.xxxxx.xxx/xxxx/xxx