IPAGPATULOY ANG LABAN KONTRA MAKILALA MINES CORPORATION INC
IPAGPATULOY XXX XXXXX XXXXXX MAKILALA MINES CORPORATION INC
Idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naaprubahan na ang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) ng Makilala Mining Corporation, Inc. (MMCI). Ganito din ang deklarasyon ng gubernador ng prubinsya.
Ang MPSA ay kontrata sa pagitan ng kumpanya at reaksyunaryong gobyerno. Binibigyan nito ang MMCI ng karapatang minahin ang 2,500 ektarya ng kalupaan ng Pasil, sa loob ng 25 hanggang 50 taon. Lumawak ito mula sa naunang 900 ektarya na ipinasakamay sa kumpanya bilang bahagi ng naunang mga Exploration Permit.
I. Ano ang miminahin ng MMCI?
Ang pangunahing miminahin ng MMCI ay ang Maalinao-Caigutan-Biyog (MCB) mining deposit, na magkasamang deposito ng ginto at gambang (copper), na nasa tabi ng Pasil River. Ang MCB deposit ay katabi xx Xxxxxxx deposit na unang xxxxxx xx Xxxxxx-Xxxxx Gold Mines Inc. at ng iba't-ibang kasosyo nito.
Mula 2006 hanggang 2013 ay inaral ng MMCI ang katangian at lokasyon ng depositong ito. Ang eksplorasyon ay pinondohan ng kumpanyang Freeport- MacMoran.
Ngayon ay pwede nang simulan ng MMCI ang konstruksyon ng mga pasilidad pangmina. Tinatayang aabot sa 13 bilyong piso ang magagastos nito sa loob ng 1 1/2 hanggang 2 taon, bago makapag-umpisa ng aktuwal na pagmimina.
Image: New access roads to ports in San Xxxxxxx or
Salomangue, Ilocos Sur
Target ng MMCI na magpalabas ng 2.25 milyon toneladang naba sa umpisa ng pagmimina, hanggang maging doble pa ito sa susunod na panahon.
II. Ano ang magiging sistema ng pagmimina ng MMCI?
a. Underground tunneling
Ang pamamaraan ng pagmimina na gagamitin ng MMCI ay tinatawag na Sub-level Open Stoping (SLOS). Maghuhukay ng mga tunnel sa ilalim ng lupa na pwede nitong pagkunan ng naba nang sabay-sabay.
Sa ibabaw ng lupa, 31.83 ektarya lamang ang lawak na sasakupin ng mga opisina, planta at iba pa. Pero ang di madaling makita ay ang mga tunnel na huhukayin sa xxxxx na 975 meters above sea level hanggang 375 meters above sea level. Ibig sabihin 600 meters ang pinakamalalim na aabutin xx xxxxxxx sa ilalim ng lupa.
b. Paraan ng pagtatabi ng mine tailings at maduming tubig
i. Mine tailings
Ang mine tailings ang matitirang 'basura' pagkatapos naiproseso ang naba upang makuha ang mga mineral. Nais makaiwas ng MMCI sa dating inireklamo ng mamamayan na mga tailings dam na pinag-ipunan ng dumi mula sa operasyon ng Xxxxxx Xxxxx Gold Mines. Ang balak nito ay ibalik ang 78% ng tailings sa mga tunnel kapag sasarhan na ang mga ito.
Ang iba namang tailings ay ipoproseso daw upang matanggal ang mga nakakalasong kemikal. Para dito ay mangangailangan ng serye ng silt ponds at xxxxx—na mas maliit sa tailings dam pero sa esensya ay pag-iipunan pa din ng tailings. Ito ay itatabi sa Piangat Creek.
Ang naiprosesong tailings ay iipunin sa isang imbakan at tatamnan daw (filtered tailings storage area na xxx xxxxxx 10,000 square meters). Ang iba naman ay gagamitin bilang xxxxxxxxx xxxxxx-baha at sa konstruksyon.
ii. Topsoil at mga bato na tatanggalin
Magtatayo ng Waste Rock and Topsoil Storage Facility sa poon ng Caigutan creek.
iii. Kontaminadong tubig
Iba pa ang Contact Water Dam na 34,000 square meters na maglalaman ng tubig mula sa mga tunnel at pagproseso ng naba. Ang tubig na ito ay maglalaman ng madaming copper at asido na nakakalason.
c. Panggagalingan ng tubig
Ang tubig na gagamitin ng MMCI ay manggagaling sa Kafacrutan Creek. Gagawa sila ng Freshwater Retention Dam na may kapasidad na 50,000 cubic meters para pag-ipunan ng malinis na tubig. Xxxxxx mismo ng gumawa ng Environmental Impact Assessment para sa MMCI na posibleng mabawasan ang tubig sa Pasil River dahil dito.
d. Panggagalingan ng kuryente
Ang kuryenteng kakailanganin ng MMCI ay 12MW. Inaasahang magmumula ito sa National Grid, partikular sa pinakamalapit na substation sa San Xxxxxxx, Ilocos Sur.
Umaasa din ang kumpanya sa mga negosyo ng kuryente na binabalak sa karatig lugar:
• 120 MW Kalinga Geothermal Power Project ng Chevron
• 15.68 MW Pasil B and 9.75 MW Pasil C Hydroelectric Power Project ng I-Magat Renewable Energy Corporation
• 150 MW Chico River Hydropower Project ng Chico JV Prime Metro Power Holdings
• San Xxxxxxx Xxxx Xxxx Energy and Water Project
Taliwas sa gustong palabasin ng gobyerno na ang mga proyekto sa enerhiya ay pangunahing para sa elektripikasyon ng mga komunidad kung saan itatayo ang mga ito, klarong ang mga kapitalista sa xxxxxxx at enerhiya at ang gobyerno ay nagkukuntsabahan para sa ikauunlad ng kanilang mga negosyo.
e. Kalsada para sa paglabas ng mga mineral
Gagastusan ng gobyerno ang paggawa ng Lubuagan-Xxxxxx Xxxxx-Xxxx Road na may habang 85.5 kilometer. Ito ang dadaanan ng naiprosesong gambang na dadalhin sa mga daungan ng Salomague, Cabugao at San Xxxxxxx, parehong sa Ilocos Sur.
Ang tanging gagastusan ng MMCI ay ang pagkonkreto sa 6 na kilometro mula sa xxxxxxx papunta sa Barangay Colayo at 21 kilometro sa pagitan ng Barangay Colayo at Barangay Xxxxx, Xxxx.
f. Mga manggagawa
Mangangailangan ang kumpanya ng 1,210 tauhan at dagdag na 177 sa panahon ng konstruksyon. Ang mga engineer, manager at supervisor ay mangangailangan ng mataas na antas ng natapos sa eskuwelahan kaya't malamang na di manggagaling sa lokalidad.
III. Bakit dapat patuloy na labanan ang MMCI
a. Ang mga pambansang minorya ang pangunahing dapat makinabang sa yaman ng kanilang lupang ninuno.
Kaya naman ginastusan ng MMCI ang ilang taon ng eksplorasyon at dadagdagan pa nito ng 13 bilyon piso para sa pagtatayo xx xxxxxxx ay dahil sa malaking ganansyang inaasam-asam nito:
Ang ganansya ng kumpanya ay hindi kakaltasan ng gobyerno ng buwis.
Maski sa reaksyunaryong batas ay kinikilala ang Ancestral Domain Claim ng tribung Balatoc. Maisasailalim sa kontrol ng MMCI ang 2,500 ektarya ng lupang ninuno.
Libre ang kumpanya na ilabas at pagkakitaan ang mga mineral na dapat ay mga
pambansang minorya mismo ang makinabang. Sila na din ang kokontrol sa gamit ng lupa, tubig at mga puno dito.
May hinihingi pa ang MMCI na dagdag na 448.17 ektarya para sa Environmental Protection and Enhancement Program (EPEP). Pangunahin daw itong para sa pagtatanim ng mga puno (reforestation) na sila naman ang pangunahing uubos.
b. Palalakihin ng MMCI ang peligro ng landslide at pagkalason ng mamamayan at ng lupain.
Dahil matarik ang lupain ng Pasil, likas na mataas ang risgo ng mga landslide o pagguho ng lupa. Ang malakihang pagmimina ay nagdudulot din ng peligro ng pagkalason ng tao at ng mga hayop at halaman. Lalong lalaki ang peligrong ito dulot ng mga istrukturang itatayo ng kumpanya tulad ng mga tunnel, mga ipunan ng tubig at mine tailings. Ang mga mine tailings at pollution ay aagos sa Ilog Pasil, pababa sa Ilog Chico, at sisirain nito ang malawak na mga palayan sa kapatagang Tabuk na kapital ng Kalinga province at tinaguriang “rice bowl” ng Cordillera.
Mailalagay sa malaking peligro ang mga taniman ng xxxxx, xxxxx, kape at iba pa. Ganun ding mababawasan o tuluyang mawawala ang mga hayop at halamang nakukuha natin sa kagubatan. Mawawalan ang mamamayan ng panggagalingan ng pagkain at kabuhayan.
c. Mapanlinlang ang kumpanya, ganun din ang reaksyunaryong gobyerno.
Ang pinatitingkad ng MMCI ay ang barya-baryang benepisyong panlinlang nito sa mamamayan, tulad ng trabahong mababa ang suweldo, kalsadang sila naman ang pangunahing gagamit at pailan-ilang iskolarship.
Palalakihin nito ang mga kontradiksyon sa pagitan ng mga tribu upang di sila magkaisa laban sa kumpanya.
Kakuntsaba xxxx xxx gobyerno, mula lokal hanggang pambansang antas. Desperado si Xxxxxx Xx ipakita na may nakakamit siyang pag-unlad batay sa pagdami ng mga dayuhang negosyong namumuhunan sa Pilipinas.
d. Gumagamit din ng dahas ang reaksyunaryong gobyerno upang patahimikin ang mamamayan.
Ang AFP at PNP ay guwardiya ng malalaking kapitalista. Kaya naman tuloy-tuloy ang mga operasyong pangkombat at panggigipit nila sa mga organisasyong masa ay para siguraduhing walang sasagka sa mga negosyong papasok. Batid nilang ang nagkaisang lakas ng mamamayan at ng NPA ang siya ding nagpatigil sa Xxxxxx Xxxxx Gold Mines noong 1980s.
IV. Paano tayo lalaban
Ang pagtatanggol sa lupang ninuno, laban sa pandarambong ng mga naghaharing- uri, ay bahagi ng pambansa-demokratikong rebolusyon.
• Ipalaganap ang impormasyon kaugnay sa tunay na katangian ng MMCI at ng magiging epekto ng malakihang pagmimina nito.
• Makibahagi sa mga aksyong masa laban sa MMCI. Paramihin ang mga petisyon kontra MMCI, barikadahan ang konstruksyon xx xxxxxxx at iba pa.
• Sumapi at palawakin ang mga organisasyong masa tulad ng PKM, MAKIBAKA at KM.
• Palawakin ang kasapian ng mga organisasyon sa ilalim ng CPDF na alyansang nagbubuklod sa mamamayang kumukontra sa mga mandarambong na tulad ng MMCI.
• Suportahan ang NPA. Magpasampa sa NPA.
Inihanda ng:
Cordillera People’s Democratic Front-Kalinga Province April 2024