NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
PAGSASALIN SA TAGALOG NG RIDER SA ADJUSTABLE NA RATE TAGALOG TRANSLATION OF ADJUSTABLE RATE RIDER
ABISO TUNGKOL SA PAGSASALIN SA TAGALOG
Ang pagsasaling ito sa Tagalog ay hindi isang mabisang legal na dokumento, ibinibigay lang ito para sa kaginhawahan ng Borrower, at hindi ito kailanman maituturing na kontrata o anumang bahagi ng dokumento ng loan sa Ingles. Bagama't sinubukan ng Fannie Mae at Freddie Mac na tiyaking isa itong tumpak na pagsasalin ng dokumento ng loan sa Tagalog, hindi mananagot ang Xxxxxx Xxx x xxx Freddie Mac sa anumang pagkakamali sa Tagalog na pagsasalin na ito o para sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga pagkakaiba sa paggamit ng wika o diyalekto. Kung sakaling magkakaroon ng mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng dokumento ng loan sa Ingles at sa pagsasaling ito sa Tagalog, mananaig ang ipinatupad na dokumento ng loan sa Ingles. Responsibilidad ng Borrower na ganap na maunawaan ang katangian at mga tuntunin ng mga obligasyon ng Borrower alinsunod sa nakasaad sa mga dokumento ng loan sa Ingles na lalagdaan niya sa pagsasara ng loan. Hindi dapat lagdaan ng Borrower ang pagsasaling ito. Bilang karagdagan, posibleng natanggap lang ng Borrower ang dokumentong ito ng loan bilang halimbawa ng isang tipikal na dokumento ng loan, at wala itong kaugnayan sa isang partikular na transaksyon sa loan. Kung ganito ang sitwasyon, ang dokumentong ito ay hindi puwedeng maging isang pagsasalin ng dokumento ng loan na ipapatupad ng Borrower sa panahong kukuha ang Borrower ng mortgage loan sa bahay.
NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
This Tagalog translation is not a binding legal document, is being provided solely for the Borrower's convenience, and will not in any way be construed as a contract or any part of the English loan document. While Fannie Mae and Freddie Mac have attempted to ensure that this is an accurate Tagalog translation of the loan document, neither Fannie Mae nor Freddie Mac is liable for any inaccuracies in this Tagalog translation or for any misunderstandings due to differences in language usage or dialect. In the event of any inconsistencies between the English loan document and this Tagalog translation, the executed English loan document will govern. The Borrower assumes the responsibility for fully understanding the nature and terms of the Borrower's obligations as set forth in the English loan documents they sign at loan closing. The Borrower shall not sign this translation. In addition, the Borrower may have received this loan document solely as an example of a typical loan document, and not in connection with a specific loan transaction. If this is the case, this document may not be a translation of the loan document that the Borrower will execute at the time the Borrower obtains a home mortgage loan.
RIDER SA ADJUSTABLE NA RATE
(30 Araw na Average na SOFR Index (Gaya ng Inilathala ng Federal Reserve Bank of New York) -- Mga Rate Cap)
ANG RIDER NG ADJUSTABLE NA RATE NA ITO ay ginawa sa ika- araw ng
, , at kasama at susog at karagdagan sa Mortgage, Mortgage Deed, Deed of Trust, o Security Deed (ang “Security Instrument”) ng parehong ibinigay ng nakalagda (ang “Borrower”) para ma-secure ang Adjustable na Rate ng Borrower's Note (ang “Note”) sa
(ang “Lender”) ng parehong petsa at sumasaklaw sa Pag-aari na inilalarawan sa Security Instrument at matatagpuan sa:
[Address ng Pag-aari]
NAGLALAMAN ANG NOTE NG MGA PROBISYONG NAGPAPAHINTULOT NG MGA PAGBABAGO SA INTEREST RATE AT BUWANANG PAGBABAYAD. NILILIMITAHAN NG NOTE ANG HALAGANG PUWEDENG MABAGO SA ADJUSTABLE NA INTEREST RATE SA BAWAT PAGKAKATAON AT ANG MINIMUM AT MAXIMUM NA RATE NA DAPAT BAYARAN NG BORROWER.
MGA KARAGDAGANG KASUNDUAN. Bukod sa mga pagkatawan, warranty, kontrata, at kasunduang ginawa sa Security Instrument, sinasang-ayunan din ng Borrower at Lender ang sumusunod:
A. MGA PAGBABAGO SA INTEREST RATE AT BUWANANG PAGBABAYAD
Nakasaad sa Note ang mga buwanang pagbabayad ng interes at bahagi ng principal (“Buwanang Pagbabayad”) at ang isang paunang interest rate na %. Binibigyang-daan ng Note ang mga pagbabago sa interest rate at Mga Buwanang Pagbabayad xxxx sa mga sumusunod:
4. MGA PAGBABAGO SA INTEREST RATE AT BUWANANG PAGBABAYAD
(A) Mga Petsa ng Pagbabago
Ang interest rate na babayaran ko ay maaaring magbago sa unang araw ng
, , at sa unang araw ng buwan kada ika-6 na buwan pagkatapos nito. Ang bawat petsa kung kailan puwedeng mabago ang aking interest rate ay tinatawag na “Petsa ng Pagbabago.”
(B) Ang Index
Simula sa unang araw ng Petsa ng Pagbabago, ibabatay ang aking interest rate sa isang Index na kakalkulahin at ibibigay sa pangkalahatang publiko ng isang administrator (ang “Administrator”). Ang “Index” ay isang benchmark, na tinatawag na 30 araw na Average na SOFR index. Ang Index ay kasalukuyang inilalathala ng Federal Reserve Bank of New York. Ang pinakabagong value ng Index na available sa petsa 45 araw bago ang bawat Petsa ng Pagbabago ay tatawaging “Kasalukuyang Index,” basta't kung wala pang zero ang Kasalukuyang Index ay ituturing itong zero para sa mga layunin sa pagkalkula ng aking interest rate.
Kung hindi na available ang Index, papalitan ito xxxx sa Seksyon 4(G) sa ibaba.
(C) Pagkakalkula sa Mga Pagbabago
Bago ang bawat Petsa ng Pagbabago, kakalkulahin ng May-ari ng Note ang aking bagong interest rate sa pamamagitan ng pagdaragdag ng (na)
percentage point ( %) (ang “Margin”) sa Kasalukuyang Index. Posibleng magbago ang Margin kung papalitan ng May-ari ng Note ang Index alinsunod sa Seksyon 4(G)(2) sa ibaba. Pagkatapos noon ay ira-round off ng May-ari ng Note ang resulta ng Margin, kasama ang Kasalukuyang Index sa pinakamalapit na one-eighth ng isang percentage point (0.125%). Depende sa mga limitasyong nakasaad sa Seksyon 4(D) sa ibaba, ang na-round off na halagang ito ang magiging bagong interest rate ko hanggang sa susunod na Petsa ng Pagbabago.
Tutukuyin ng May-ari ng Note ang halaga ng Buwanang Pagbabayad na kailangan para mabayaran ang hindi pa nababayarang Principal na inaasahang magiging utang ko sa Petsa ng Pagbabago sa Petsa ng Maturity sa aking bagong interest rate, na nasa magkakatumbas na pagbabayad. Ang resulta ng pagkalkulang ito ang magiging bagong halaga ng aking Buwanang Pagbabayad.
(D) Mga Limitasyon sa Mga Pagbabago sa Interest Rate
Ang interest rate na kailangan kong bayaran sa unang Petsa ng Pagbabago ay hindi magiging mas mataas sa % o mas mababa sa %. Ang aking interest rate ay hindi kailangan tataasan o babawasan sa anumang iisang Petsa ng Pagbabago nang mahigit sa isang percentage point (1.0%) mula sa rate ng interes na binabayaran ko sa nakalipas na 6 na buwan, at hindi kailanman magiging mas mataas sa
% o mas mababa sa %.
(E) Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng Mga Pagbabago
Magkakaroon ng bisa ang aking bagong interest rate sa bawat Petsa ng Pagbabago. Babayaran ko ang halaga ng aking bagong Buwanang Pagbabayad simula sa petsa ng unang Buwanang Pagbabayad pagkalipas ng Petsa ng Pagbabago hanggang sa magbago ulit ang aking Buwanang Pagbabayad.
(F) Abiso sa Mga Pagbabago
Maghahatid o magpapadala sa xxxx xxx Xxx-ari ng Note, sa pamamagitan ng koreo, ng abiso para sa anumang pagbabago sa aking interest rate at halaga ng aking Buwanang Pagbabayad bago ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng anumang pagbabago. Ang abiso ay kabibilangan ng impormasyong iniaatas ng batas na ibigay sa akin, at ng posisyon at numero ng telepono ng taong sasagot sa anumang tanong na posibleng mayroon ako kaugnay ng abiso.
(G) Replacement Index at Replacement Margin
Ituturing na hindi na available at papalitan ang Index kung magyayari ang alinman sa mga sumusunod na event (kung saan “Replacement Event” ang bawat isa): (i) permanente nang inihinto ng Administrator ang pagbibigay sa Index sa pangkalahatang publiko o inihinto xxxx xxx nang walang takdang petsa ng pagtatapos; o (ii) maglalabas ang Administrator o ang regulator nito ng opisyal na pampublikong pahayag na nagsasabing hindi na maaasahan o representative ang Index.
Kung magkakaroon ng Replacement Event, pipili ang May-ari sa Note ng bagong index (“Replacement Index”) at puwede rin siyang pumili ng bagong margin (“Replacement Margin”), sa sumusunod na paraan:
(1) Kung may replacement index na napili o inirekomenda para sa paggamit sa mga pang-consumer na produkto, kasama ang mga residensyal na mortgage na may adjustable na rate, ang Lupon ng Mga Gobernador ng Federal Reserve System, Federal Reserve Bank of New York, o isang komiteng ineendorso o binubuo ng Lupon ng Mga
Gobernador ng Federal Reserve System o Federal Reserve Bank of New York sa panahon ng Replacement Event, pipiliin ng May-ari ng Note ang index na iyon bilang Replacement Index.
(2) Kung walang replacement index na napili o inirekomenda para sa paggamit sa mga pang-consumer na produkto sa ilalim ng Seksyon (G)(1) sa panahon ng Replacement Event, gagawa ang May-ari ng Note ng makatuwirang pagsisikap na may mabuting hangarin para pumili ng Replacement Index at Replacement Margin na, kapag pinagsama, makatuwirang inaasahan ng May-ari ng Note na magmi-minimize sa anumang pagbabago sa gastusin sa loan, nang isinasaalang-alang ang dating performance ng Index at Replacement Index.
Ang Replacement Index at Replacement Margin, kung mayroon, ay mag-o-operate kaagad kapag may Replacement Event at gagamitin para matukoy ang aking interest rate at ang Mga Buwanang Pagbabayad sa Mga Petsa ng Pagbabago na mahigit 45 araw na pagkatapos ng isang Replacement Event. Puwedeng palitan ang Index at Margin nang mahigit sa isang beses sa termino ng aking Note, pero kapag nagkaroon lang ng iba pang Replacement Event. Pagkatapos ng Replacement Event, ang lahat ng pagbanggit sa “Index” at “Margin” ay ituturing na mga pagbanggit sa “Replacement Index” at “Replacement Margin.”
Bibigyan rin ako ng may-ari ng Note ng abiso tungkol sa aking Replacement Index at Replacement Margin, kung mayroon, at ng iba pang impormasyong iniaatas ng naaangkop na batas at regulasyon.
B. PAG-TRANSFER NG PAG-AARI O KAPAKI-PAKINABANG NA INTERES SA BORROWER
Inaamyendahan ang Seksyon 19 ng Security Instrument na ito sa ganitong pahayag:
Pag-transfer ng Pag-aari o Kapaki-pakinabang na Interes sa Borrower. Para sa mga layunin ng Seksyon 19 na ito lang, tumutukoy ang “Interes sa Pag-aari” sa anumang legal o kapaki-pakinabang na interes sa Pag-aari, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, mga kapaki-pakinabang na interes na xxxx-transfer sa isang bond for deed, contract for deed, installment sales contract, o kasunduan sa escrow, kung saan layunin ng Borrower na mag-transfer ng titulo sa isang purchaser sa isang petsa sa hinaharap.
Kung ang lahat ng o ang anumang bahagi ng Pag-aari o Interes sa Pag-aari ay maibebenta x xxxx-transfer (o kung hindi natural na tao ang Borrower at may maibebenta x xxxx-transfer na kapaki-pakinabang na interes sa Borrower) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, puwedeng agarang pabayaran ng Lender nang buo ang lahat ng halagang secured ng Security Instrument na ito. Gayunpaman, hindi gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung ipinagbabawal ng Naaangkop na Batas ang paggamit nito. Hindi rin gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung (a) magsusumite ang Borrower ng impormasyon sa Lender na kinakailangan ng Lender para masuri ang nilalayong transferee, na para bang gumagawa ng bagong loan sa transferee, at (b) makatuwirang matutukoy ng Lender na hindi maaapektuhan ng assumption sa loan ang security ng Lender at na katanggap-tanggap sa Lender ang posibilidad na ma-breach ang anumang covenant o kasunduan sa Security Instrument na ito.
Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng Naaangkop na Batas, puwedeng maningil ang Lender ng makatuwirang halaga bilang kundisyon ng pagpapahintulot ng Lender sa assumption sa loan. Puwede ring atasan ng Lender ang transferee na lumagda ng kasunduan sa assumption na katanggap-tanggap sa Lender at nag-oobliga sa transferee na tumupad sa lahat ng pangako at kasunduan sa Note at sa Security Instrument na ito. Patuloy na maoobliga ang Borrower sa ilalim ng Note at ng Security Instrument na ito maliban na lang kung ire-release ng Lender ang Borrower sa pamamagitan ng pagsulat.
Kung gagamitin ng Lender ang opsyong ito para makakuha ng agarang pagbabayad nang buo, bibigyan ng Lender ang Borrower ng notice of acceleration. Magbibigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa petsa kung kailan ibinigay ang abiso alinsunod sa Seksyon 16 kung saan dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang na-secure ng Security Instrument na ito. Kung hindi mababayaran ng Borrower ang mga halagang ito bago lumipas ang o pagkalipas ng panahong ito, puwedeng gamitin ng Lender ang anumang remedyong pinapahintulutan ng Security Instrument na ito nang walang higit pang abiso o demand sa Borrower at puwede niyang singilin ang lahat ng magagastos sa paggamit sa mga nasabing remedyo, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa:
(a) mga makatuwirang bayarin at gastos sa mga abugado; (b) bayad sa inspeksyon at valuation ng Pag-aari; at (c) iba pang bayad para maprotektahan ang Interes sa Pag-aari at/o mga karapatan ng Lender sa ilalim ng Security Instrument na ito.
SA PAMAMAGITAN NG PAGLAGDA SA IBABA, tinatanggap at sinasang-ayunan ng Borrower ang mga tuntunin at kontrata na nakapaloob sa Rider ng Adjustable na Rate na ito.
(Seluyo)
-Borrower
(Seluyo)
-Borrower