COVERAGE PARA SA MGA NAKAKONTRATANG MANGGAGAWA
2024
COVERAGE PARA SA MGA NAKAKONTRATANG MANGGAGAWA
Sa ilalim ng The Workers Compensation Act, ang Workers Compensation Board of Manitoba (WCB, Lupon ng Kabayaran ng mga Manggagawa ng Manitoba) ay may pananagutan na magkaloob ng coverage sa kabayaran para sa mga manggagawa para sa karamihan ng mga industriya sa Manitoba. Kabilang dito ang mga taong nagtatrabaho base sa kontrata sa mga inuutos na industriya.
Sa kaso ng mga nakakontratang serbisyo, kailangang ipasya ng WCB kung sila ay mga employer, mga independiyenteng kontratista o iyong mga manggagawa na gumagamit ng pagsusuri sa negosyo. Kung sila ay iyong mga manggagawa, kinakailangan mong iulat ang pagtatrabaho na bahagi ng kanilang bayad xxxx sa kontrata (hindi kasama ang GST) bilang payroll ng manggagawa.
Ano ang aking mga responsibilidad kung ako ay kumuha ng mga nakakontratang manggagawa?
1) Upang magkaloob ng coverage sa kabayaran para sa mga sub-contractor at sa kanilang mga manggagawa na hindi kuwalipikado para sa kanilang sariling pagsakop sa kabayaran.
2) Upang matiyak na ang mga kuwalipikadong sub-contractor at sinumang mga manggagawa na kanilang kinuha sa trabaho ay nakarehistro, at may mabuting katayuan sa WCB.
Sa aling mga industriya ito ipapataw?
Kung ang iyong negosyo ay kasangkot sa isang industriya na nakasalig sa kontrata (tulad ng konstruksyon, pangangalakal sa pamamagitan ng trak, pagtotroso, janitorial, mga balon xx xxxxxx o gaas, mga tow truck, atbp.), mga nagkakaloob ng serbisyo na inuupahan nang may kontrata na nagdaragdag ng halaga sa iyong mga produkto o mga serbisyo ay itinuturing na iyong mga manggagawa kung sila ay hindi nakarehistro sa WCB bilang isang employer o independent contractor na may personal na coverage.
Kung ang iyong negosyo ay hindi isang industriyang nakasalig sa kontrata tulad ng inilarawan sa itaas, at ikaw ay kumukuha ng mga nagbibigay-serbisyo nang may batayang kontrata, kinakailangan mong makipag-ugnayan sa WCB upang matiyak kung sila ay independiyenteng negosyo o kung sila ay manggagawa na kung kanino ay dapat mong isama ang mga kinikita sa iyong pagkuwenta ng pasahod.
Ano ang pagsuri sa negosyo?
Karaniwan, kung ang tao ay kumukuha ng mga manggagawa na higit sa taunang pinakamababang antas ng kita na $28,960 sa 2024, o ang pangunahing trabaho ay sa kanilang sariling negosyo, hindi sila maituturing na iyong manggagawa.
Kung hindi sila nakakatugon sa pamantayang nakasaad sa itaas, tulad nang napagpasyahan ng WCB, gagamitin ng WCB ang independiyenteng pagsuri sa negosyo upang matiyak ang kanilang katayuan. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga factor na ginamit:
• Kumukuha ng mga manggagawa
• Maraming kustomer
• Nagmamay-ari o umuupa ng mahalagang uri ng kagamitan
• Kinokontrol ang kanilang trabaho at iskedyul ng bayad.
Kung hindi nila matugunan ang pagsusuri na ito, sila ay iyong manggagawa anuman ang uri ng industriya kung saan ikaw ay nagnenegosyo.
Kung ikaw ay nagnenegosyo sa isang industriyang nakasalig sa kontrata (tulad nang nailarawan sa itaas), at napagpasyahan ng WCB na ang iyong sub-contractor ay pumasa sa isang pagsusuri sa negosyo, sila naman ay may opsyon na bumili ng Personal na Coverage. Xxxxxxxx, kung hindi sila bumili ng Personal na Coverage sa ganitong xxxx, xxxx, at ang kanilang mga manggagawa, ay maituturing na iyong (mga) manggagawa.
Kung ikaw ay nagpapatakbo ng isang negosyo sa isang industriyang hindi nakasalig sa kontrata, at napagpasyahan ng WCB na ang iyong kontratista ay independiyente, hindi sila maituturing na iyong manggagawa. Mayroon silang opsyon na mag-aplay para sa Personal na Coverage at kailangan na masaklaw ang kahit na sinong manggagawang mayroon sila kung sila ay nagnenegosyo sa isang iniutos na industriya.
Paano at kailan ko matitiyak ang katayuan ng aking kontratista sa WCB?
Maaari mong matiyak ito sa pamamagitan ng pagkuha ng clearance mula sa WCB Clearance Request System bago upahan ang kontratista. Kung hindi, maaaring ikaw ay managot para sa pagtasa ng kahit na sinong mga indibiduwal o mga negosyo na itinuturing na iyong mga manggagawa.
Ang WCB Clearance Request System ay bukas 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ang system ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng online na direktoryo sa xxx.xxx.xx.xx/xxxxxxxxxx. Ang system ay may dalawang uri ng access, tulad ng mga sumusunod:
1. Access ng Pangkalahatang Publiko: Maaari kang maghanap ng komprehensibong listahan ng mga negosyo xxxx sa numero ng account, kompanya o pangalan ng uri ng pangangalakal at makita kaagad ang kanilang katayuan sa WCB. Maglagay ng kahit gaano karaming mga pangalan o mga numero ng account na nais mo at kaagad na makakuha ng impormasyon sa bawat isa.
2. Access ng Nakarehistrong User: Gamit ang isang ligtas na koneksyon sa Internet, ang mga nakarehistrong user ay maaaring gumawa ng naka- customize at interaktibong listahan ng mga kompanya at sub-contractor. Kung magbago ang katayuan ng kompanya, ang Clearance Request System ay awtomatikong mamarkahan ang pangalan ng kompanya sa iyong file at magpapadala ng email sa iyo tungkol sa pagbabago sa katayuan sa susunod na araw ng trabaho. Para makapagrehistro, tumawag sa 000-000-0000 o nang walang bayad sa Canada 0-000-000-0000, ext. 4573.
Mangyaring tandaan:
Kung makita mo ang katayuan na “naituturing na manggagawa”, o kung hindi mo mahanap ang iyong kontratista sa system, at ikaw ay nasa industriyang hindi kontrata xxx xxxxxxx, kinakailangan mong makipag-ugnayan sa WCB upang patotohanan ang kanilang katayuan.
Kailangan mong makakuha ng clearance bago magbigay xx xxxxxx bayad sa kahit na anong kontrata dahil kung ang sub-contractor ay may utang na pera sa WCB, ikaw ang mananagot sa pagkimkim ng mga premium sa trabaho na bahagi ng kontrata.
Minsan, ang mga xxxxxx desisyon sa mga kontrata ay ginagawa sa labas ng regular na oras ng trabaho. Bilang isang pangunahing kontratista, kung xxxxxxx sa akin ng sub-contractor na siya ay may coverage sa kabayaran at dakong huli ay nalaman ko na wala naman, maaari ko bang ituring na siya ang may pananagutan sa pananalapi?
Hindi, hindi mo ito magagawa. Ang The Workers Compensation Act ay nagsasaad na ang mga pangunahing kontratista ay hindi magbabawas ng mga perang ibinayad sa mga sub-kontrator upang mapagaan ang mga premium sa WCB, babayaran ng prinsipal ang bahagi ng trabaho ng mga kabayaran sa sub-contractor.
Samakatuwid, pinakamainam mong gawin na ipaantala ang anumang xxxxxx desisyon hanggang iyong mapatotohanan ang katayuan ng sub-contractor sa WCB.
Kung maituturing na aking manggagawa ang isang negosyo, ako ba ay tatasahin para sa buong halaga ng kontrata?
Sinisingil ka lamang ng WCB sa iyong mga premium batay sa halaga ng bahagi ng trabaho ng kontrata.
Ang WCB ay may iskedyul na nakasaad ang mga porsiyento ng pamantayan ng trabaho batay sa uri ng trabahong ginagawa na maaaring ipataw upang maitatag ang halaga ng trabaho sa mga kontrata kung saan kasama sa presyo ang mga materyales at/o kagamitan. Maaari kang makakuha ng kopya ng Assessment Schedule for Contract Labour sa xxxxx://xxx.xxx.xx.xx/xxxxxxxxxx-xxxxxxxx-xxx- contract-labour-faq.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga nakakontratang manggagawa, makipag-ugnayan sa Assessment Services sa 000-000-0000 o nang walang bayad sa Canada at sa Estados Unidos 1-855-954-4321 ext. 4505, o magpadala ng fax sa
000-000-0000 o walang bayad sa Canada at sa Estados Unidos sa 0-000-000-0000, o mag-email sa xxxxxxxxxxxxxxxxxx@xxx.xx.xx, o maaari mo kaming sulatan sa:
Workers Compensation Board of Manitoba Assessment Services
000 Xxxxxxxx
Winnipeg, Manitoba R3C 4W3
Ang paglalathalang ito ay ipinapagkaloob bilang pangkalahatang impormasyon. Hindi nito nilalayong maging legal na payo, at hindi dapat umasa dito para sa layuning iyon. Para sa mga mas tiyak na impormasyon, tingnan ang The Workers Compensation Act and Regulations at ang Mga Patakaran ng WCB. Ang mga dokumentong ito ay makukuha sa website ng WCB sa xxx.xx.xx.
01/24