Bill 29 Settlement Agreement – Joint Governance Committee
CLAIM FORM GUIDE
(PATNUBAY SA PORMULARYO PARA SA CLAIM)
ng Facilities Bargaining Association at HEABC
Bill 29 Settlement Agreement – Joint Governance Committee
Pagiging-kwalipikado: Ikaw ay kwalipikadong mag-file ng isang claim mula sa fund (pondo) na itinatag sa Bill 29 Settlement Agreement (Panukalang-batás 29 Kasunduan sa Pagbabayad) kung ikaw ay dating isang regular na empleyado at nakatanggap ka ng isang nakasulat na paunawa ng displacement noong ika-28 ng Enero 2008 (ang petsa ng pagkabisa ng Bill 29) o pagkatapos nito mula sa isang Tagapag-empleyo na Health Sector na nagpapaunawa sa iyo na ang isa sa mga sumusunod ay nangyari:
• tinanggal ang iyong regular na posisyon dahil sa pangongontrata ng kompanya sa labas);
• tinanggal ang iyong regular na posisyon dahil isinara ang isang Health Sector na pasilidad;
• ikaw ay pinalitan ng isang empleyado na mas matagal na sa iyo sa trabaho at nawalan ka ng trabaho; o kaya
• ikaw ay pinalitan ng isang empleyado na mas matagal na sa iyo sa trabaho at ang iyong kita ay mas mababâ kaysa sa dati bago ka pinalitan.
Itinakdâ ng pahayag ng displacement ang petsa ng iyong xxxxxx pagtatrabaho o ang petsa kung kailan ka babayaran sa iyong posisyon at ang ilang mga opsyon na maaari mo sanang magamit (halimbawa, paglipat sa casual status, paglagay sa isang bakanteng posisyon, pagiging kapalit ng isang mas bagong empleyado).
Kung ikaw ay dating casual na empleyado, ikaw ay kwalipikadong makatanggap ng bayad mula sa fund kung ang iyong trabaho ay itinigil dahil sa pangongontrata sa labas o dahil sa pagsara ng isang Health Sector na pasilidad. Dapat ipinahayag sa termination notice (pahayag sa pagtigil sa trabaho) ang iyong xxxxxx araw ng trabaho.
Ang ibig sabihin ng Health Sector ay ang lahat ng mga Tagapag-empleyo sa Health Care na pinopondohan ng publiko, kabilang ang mga acute care na ospital at mga pasilidad sa long-term care (pangmatagalang pangangalaga) na sakop ng Facilities Subsector Collective Agreement. Hindi kabilang sa Health Sector ang mga contractor (kontratista) tulad ng Sodexho, Aramark, o Compass kahit na sila ay nagbibigay ng mga serbisyo sa mga Tagapag-empleyo sa Health Sector.
Upang gumawa ng isang claim, kailangan mong kumpletohin ang Claim Form (Pormularyo para sa Claim) at ipasa ito sa iyong Unyon sa o bago dumating ng ika-15 ng Hunyo 2008. Mangyaring magtago ng kopya ng iyong kinompletong Claim Form.
Ang anumang dating impormasyon na iyong ibinigay sa iyong Unyon ay hindi sapat para maisaalang-alang ang isang claim.
PAANO KUKUMPLETOHIN ANG CLAIM FORM
Upang tulungan kang kumpletohin ang Claim Form, ang mga sumusunod na tagubilin ay inihanda, kabilang ang ispesipikong detalye sa pangunahing mapagkikilanlan na impormasyon sa unahan ng Claim Form (mga tanong #1 hanggang #10) at pagkatapos para sa bawat isa ng Seksyon A hanggang F.
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa pagkumpleto ng Claim Form, mangyaring kontakin ang iyong Unyon.
1. Pangalan ng claimant: Mangyaring ibigay ang iyong buong pangalan, kasama ang (mga) panggitnang pangalan at/o mga inisyal sa sumusunod na format – pangalan, (mga) panggitnang pangalan o inisyal, at apelyido. Kung iba ang iyong apelyido noong panahon ng displacement o termination, mangyaring ibigay ang iyong dating apelyido bukod pa sa iyong kasalukuyang apelyido.
2. Kasalukuyan o pagpapadalhang address: Mangyaring ibigay ang iyong kasalukuyang address o isang address kung saan ka maaaring kontakin sa pamamagitan ng koreo. Kung ikaw ay karapat-dapat sa isang bayad mula sa fund, maaari kang padalhan ng tseke sa pamamagitan ng koreo. Kung nagbago ka ng address pagkatapos mong kumpletohin ang Claim Form na ito, dapat mong bigyang paunawa ang iyong Unyon.
3. Dating address noong petsa ng displacement: Mangyaring ibigay ang addess kung saan ka nakatira noong inisyu sa iyo ng iyong Tagapag-empleyo sa Health Sector ang isang displacement o termination notice, kung naiiba ito sa sagot sa tanong#2 sa itaas.
4. Telepono at E-mail: Mangyaring ibigay ang telepono kung saan ka matatawagan. Mangyaring ibigay ang isang E-mail address kung mayroon.
5. Social Insurance Number at Kaanib na Unyon: Mangyaring ibigay ang iyong Social Insurance Number. Dapat mong ipasa ang impormasyong ito upang kompirmahin ang iyong dati o kasalukuyang trabaho sa Health Sector. Bukod pa xxxx, xxx iyong Social Insurance Number ay kailangan para sa pagbabayad at pag-uulat sa angkop na mga lehislatibong ahensiya (halimbawa, Canada Revenue Agency).
Ang ibig sabihin ng iyong kaanib na Unyon ay ang Unyon na kumakatawan sa iyo sa lugar ng trabaho sa Health Sector kung saan ka inisyuhan ng displacement notice (halimbawa, HEU, BCGEU, o kaya IUOE).
6. Klasipikasyon ng trabaho/posisyon noong petsa ng displacement: Mangyaring ibigay ang ispesipikong klasipikasyon ng trabaho o posisyon sa trabaho kung saan ka inisyuhan ng iyong Tagapag-empleyo sa Health Sector ng isang displacement o termination notice (halimbawa, Food Service Worker I, Laundry Worker I, Cleaner, Nursing Assistant I). Kung ikaw ay dating isang casual na empleyado, ilista ang klasipikasyon ng trabaho/posisyon para kung saan ikaw ay nakarehistrong magtrabaho.
7. Tagapag-empleyo sa Health Sector na nag-displace sa iyo: Mangyaring ibigay ang pangalan ng Tagapag-empleyo sa Health Sector na nag-isyu sa iyo ng isang displacement o termination notice noong ika-28 ng Enero 2002 o pagkatapos nito (halimbawa, Xxxxxxxx and Disctrict Hospiltal, Langley Lodge, Royal Jubilee Hospital).
8. Kasalukuyang Tagapag-empleyo: Mangyaring ibigay ang pangalan ng iyong kasalukuyang Tagapag-empleyo, kahit na ang Tagapag-empleyo ay hindi isang Tagapag-empleyo sa Health Sector (halimbawa, Sodexho, Aramark, B.C. Ferries). Kung ikaw ay may higit sa isang kasalukuyang Tagapag-empleyo,
ipasok silang lahat sa Claim Form o kaya maglakip ng isang karagdagang pahina kung kinakailangan.
9. Para sa mga regular na empleyado lamang: Ipahiwatig kung “oo” o “hindi” sa angkop na check box kung natanggap mo ang isang displacement notice noong ika-28 ng Enero 2002 o pagkatapos nito, na nagtanggal sa iyong regular full-time o regular part-time na posisyon dahil nangontrata sila sa labas, dahil isinara ang isang Health Sector na pasilidad, o dahil pinalitan ka ng isang empleyado na mas matagal na sa trabaho kaysa sa iyo.
10. Para sa mga casual na empleyado lamang: Ipahiwatig kung “oo” o “hindi” sa angkop na check box kung natanggap mo ang isang termination notice noong ika-28 ng Enero 2002 o pagkatapos nito, na nagtanggal sa iyong pagtatrabaho dahil nangontrata sila sa labas o dahil isinara ang isang Health Sector na pasilidad.
KUMPLETOHIN | ANG ISA LAMANG NG SEKSYON A O B O KAYA C, tulad ng |
naaangkop sa iyong kalagayan.
• Kung nawalan ka ng trabaho o hanapbuhay dahil nangontrata sila sa labas o dahil sa isang restriksyon sa bumping rights (mga karapatan na palitan ng ibang empleyado), kumpletohin ang Seksyon A. Huwag kumpletohin ang Seksyon B o C.
• Kung nawalan ka ng trabaho o hanapbuhay dahil isinara ang isang Health Sector na pasilidad, kumpletohin ang Seksyon B. Huwag kumpletohin ang Seksyon A o C.
• Kung nawalan ka ng mga kita dahil pinalitan ka ng ibang empleyado, kumpletohin ang Seksyon C. Huwag kumpletohin ang Seksyon A o B.
KUNG KUKUMPLETOHIN MO ANG SEKSYON A O B, DAPAT MO RING KUMPLETOHIN ANG LAHAT NG SEKSYON D, E, F, at G.
KUNG KUKUMPLETOHIN MO ANG SEKSYON C, HUWAG KUMPLETOHIN ANG MGA SEKSYON D, E, at F. MAGPUNTA SA SEKSYON G.
SEKSYON A
PAGKAWALA NG TRABAHO/HANAPBUHAY (dahil nangontrata ang kompanya sa labas o dahil sa restriksyon ng bumping rights):
Paunawa: Kumpletohin ang Seksyon na ito kung nawalan ka ng trabaho bilang resulta ng pangongontrata ng kompanya sa labas o kung nawalan ka ng trabaho dahil wala kang opsyon na pumalit sa ibang empleyado bilang resulta ng pagbabago sa bumping rights sa Bill 29. Kumpletohin ang Seksyon na ito kung tinanggap mo ang Early Retirement upang iwasan ang mawalan ng trabaho bilang resulta ng nasa itaas.
Gaano kahaba ang iyong serbisyo bilang isang regular na empleyado sa petsa ng | Mahigit sa 20 taon: | □ |
displacement na nauwi sa kawalan mo ng iyong trabaho/hanapbuhay? | 16 hanggang 20 taon: | □ |
Paunawa: Hindi kabilang sa haba ng serbisyo ang anumang panahong | 11 hanggang 15 taon: | □ |
xxxxxxxx bilang isang casual na | ||
empleyado. | 6 hanggang 10 taon: | □ |
0 hanggang 5 taon: | □ | |
Paunawa: Ang haba ng serbisyo ay hindi pareho ng iyong seniority hours. Ang haba ng serbisyo ay ang bilang ng mga kumpletong kalendaryong taon ng pagtrabaho mo sa Health Sector bilang isang regular full-time o isang regular part-time na empleyado hanggang sa xxxxxx araw na may bayad ka. Kabilang sa iyong haba ng serbisyo bilang isang regular na empleyado ang serbisyo sa lahat ng mga posisyon bilang isang regular na empleyado ngunit hindi kabilang dito ang anumang panahong iginugol bilang isang casual na empleyado. Halimbawa, kung ikaw ay may 10 taon at 8 buwang serbisyo bilang isang regular na empleyado, lagyan ng tsek ang “6 hanggang 10 taon” na box dahil hindi ka pa umabot sa 11 kompletong taon ng serbisyo. | ||
Gaano katagal kang walang trabaho pagkatapos mong mawalan ng trabaho/hanapbuhay? | Mahigit sa 1 taon: 6 na buwan hanggang 1 taon: Hanggang 6 na buwan: | □ □ □ |
Paunawa: Ang haba ng panahon na wala kang trabaho ay nangangahulugang ang bilang ng buwan o taon bago ka tinanggap ng ibang Tagapag-empleyo, sa Health Sector man ito o hindi. | ||
Ano ang iyong status sa trabaho noong nawalan ka ng trabaho/hanapbuhay sa | Regular full-time: | □ |
Health Sector? | Regular part-time: | □ |
Casual: | □ | |
Paunawa: Ang iyong status sa trabaho ay maaaring regular (full-time o part-time) o kaya casual. Huwag lagyan ng tsek ang casual box kung ikaw ay dating regular na empleyado kahit na ikaw ay maaaring nagtrabaho ng casual shifts. Huwag lagyan ng tsek ang box para sa regular na empleyado kung ikaw ay dating isang casual na empleyado sa isang pansamantalang posisyon. Magtsek lamang ng isang box. | ||
Kung ikaw ay dating isang casual na empleyado noong termination sa | Mahigit sa 5 taon: | □ |
trabaho, gaano katagal kang nagtrabaho? | 0 hanggang 5 taon: | □ |
Paunawa: Ang haba ng iyong pagtatrabaho bilang isang casual na empleyado ay dapat iulat sa mga kalendaryong taon, hindi sa panahon na talagang trinabaho, at dapat kasama ang anumang panahong iginugol bilang isang regular na empleyado bago naging isang casual na empleyado. Halimbawa, kung ikaw ay dating isang casual na empleyado sa panahon ng termination ng trabaho at nasa listahan ng casual nang tatlong taon at may tatlong taong serbisyo bilang isang regular bago noon, lagyan ng tsek ang "Higit sa 5 taon" na box. | ||
Ano ang pagkakaiba ng iyong gross | Mahigit sa $20,000 ang | □ □ □ □ |
(bago ng mga pagbabawas) annual | nabawas bawat taon: | |
income (kabuuang taunang kita) sa | ||
Health Sector bago ka nawalan ng | ||
trabaho/hanapbuhay kumpara sa iyong | $10,001 hanggang $20,000 | |
xxxxxxx na gross annual income? | ang nabawas bawat taon: | |
Paunawa: Kabilang sa annual income (taunang kita) ang kita sa pensiyon at kita mula sa sinumang Tagapag-empleyo | $5,001 hanggang $10,000 ang nabawas bawat taon: | |
saan ka man nagtrabaho. | $0 hanggang $5,000 ang | |
nabawas bawat taon: | ||
Paunawa: Upang kalkulahin ang pagkakaiba ng iyong pre-displacement Health Sector annual employment (gross) income (kabuuang taunang kita sa trabaho) at ng iyong sumunod na annual employment (gross) income: • Ika-1 Hakbang: Tingnan ang box 14 sa iyong T4 slip na impormasyon para sa xxxxxx xxxxx kalendaryong taon ng pagtatrabaho sa Health Sector. Magbibigay ito sa iyo ng isang annual employment income (taunang kita sa pagtatrabaho) mula sa Health Sector. • Ika-2 Hakbang: Pagsamahin ang mga halaga sa box 14 sa lahat ng mga T4 at/o ang kita sa pensiyon para sa unang buong kalendaryong taon kasunod ng displacement mula sa Health Sector upang tiyakin ang iyong sumunod na taunang kita. • Ika-3 Hakbang: Kalkulahin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng pagbawas ng halaga na nasa ika-2 Hakbang mula sa halaga na nasa ika-1 Hakbang at lagyan ng tsek ang angkop na box. Kung ang halaga ay negatibong halaga, lagyan ng tsek ang “$0 hanggang $5,000 ang nabawas bawat taon” na box. Halimbawa, kung ikaw ay na-displace noong Xxxxx 2003, tingnan ang box 14 ng iyong 2002 Health Sector T4. Pagkatapos ay ikumpara ang halagang iyong sa iyong 2004 annual |
employment income at/o kita sa pensiyon. Kung ang iyong 2002 annual income (taunang kita) ay $34,000 at ang iyong 2004 na income ay $28,000, ang pagkakaiba sa iyong taunang kita ay
$6,000 at dapat iulat sa “5,001 hanggang $10,000 ang nabawas bawat taon” na box batay sa sumusunod na kalkulasyon:
2002 T4 box 14: $34,000
2004 gross income: $28,000
Pagkakaiba: $ 6,000
Kung kinumpleto mo ang Seksyon A sa itaas, magpunta sa Seksyon D at kumpletohin hanggang
Seksyon G.
SEKSYON B
PAGKAWALA NG TRABAHO/HANAPBUHAY (dahil nagsara ang pasilidad at dahil sa pinaikling panahon para sa layoff notice):
Paunawa: Ang Seksyon na ito ay may kaugnayan sa Seksyon 9 ng Bill 29 na nagbawas sa panahon ng layoff notice na maaaring matanggap ng isang regular na empleyado kapag nagsara ang isang Health Sector na pasilidad. Kumpletohin ang seksyon na ito kung ang iyong pasilidad ay nagsara sa pagitan ng ika-28 ng Enero 2002 at ika-31 ng Disyembre 2005.
Ano ang iyong haba ng serbisyo bilang isang regular na empleyado sa petsa ng pagsara? Paunawa: Hindi kabilang sa haba ng serbisyo ang anumang panahong iginugol bilang isang casual na empleyado. | Mahigit sa 5 taon: Mahigit sa 3 hanggang 5 taon: 0 hanggang 3 taon: | □ □ □ |
Paunawa: Ang haba ng serbisyo ay hindi pareho ng iyong seniority hours. Ang haba ng serbisyo ay ang bilang ng mga kumpletong kalendaryong taon ng pagtrabaho mo sa Health Sector bilang isang regular full-time o isang regular part-time na empleyado hanggang sa xxxxxx araw na may bayad ka. Kabilang sa iyong haba ng serbisyo bilang isang regular na empleyado ang serbisyo sa lahat ng mga posisyon bilang isang regular na empleyado ngunit hindi kabilang dito ang anumang panahong iginugol bilang isang casual na empleyado. Halimbawa, kung ikaw ay may 4 na taon at 8 buwang serbisyo bilang isang regular na empleyado, lagyan ng tsek ang “Mahigit sa 3 hanggang 5 taon” na box dahil hindi ka pa umabot sa 5 kompletong taon ng serbisyo. | ||
Ano ang iyong status sa trabaho noong nawalan ka ng trabaho/hanapbuhay sa | Regular full-time: | □ |
Health Sector? | Regular part-time: | □ |
Casual: | □ | |
Paunawa: Ang iyong status sa trabaho ay maaaring regular (full-time o part-time) o kaya casual. Huwag lagyan ng tsek ang casual box kung ikaw ay dating regular na empleyado kahit na ikaw ay maaaring nagtrabaho ng casual shifts. Huwag lagyan ng tsek ang box para sa regular na empleyado kung ikaw ay dating isang casual na empleyado sa isang pansamantalang posisyon. Magtsek lamang ng isang box. | ||
Kung ikaw ay dating isang casual na empleyado noong termination sa | Mahigit sa 5 taon: | □ |
trabaho, gaano katagal kang nagtrabaho? | 0 hanggang 5 taon: | □ |
Paunawa: Ang haba ng iyong pagtatrabaho bilang isang casual na empleyado ay dapat iulat sa mga kalendaryong taon, hindi sa panahon na talagang trinabaho at dapat kasama ang anumang panahong iginugol bilang isang regular na empleyado bago naging isang casual na |
empleyado. Halimbawa, kung ikaw ay dating isang casual na empleyado sa panahon ng termination ng trabaho at nasa listahan ng casual nang tatlong taon at may tatlong taong serbisyo bilang isang regular bago noon, lagyan ng tsek ang "Higit sa 5 taon" na box.
Kung kinumpleto mo ang Seksyon B sa itaas, magpunta sa Seksyon D at kumpletohin hanggang
Seksyon G.
SEKSYON C PAGKAWALA NG KITA DAHIL PINALITAN NG IBANG EMPLEYADO:
Paunawa: Kumpletohin ang Seksyon na ito kung ikaw ay nanatili sa Health Sector pagkatapos ng iyong displacement ngunit nagtrabaho ka sa mas mababang bayad na posisyon o sa isang posisyon na may mas kaunting oras kumpara sa iyong dating trinabaho dahil inilipat ka. Huwag kumpletohin ang Seksyon na ito kung kinumpleto mo ang Seksyon A o B. Kung ikaw ay nagtrabaho sa isang Health Sector na pasilidad na nagsara at pagkatapos ay ikaw ay nakabalik sa trabaho sa Health Sector dahil sa mga pagpapasiya ng Dove-Tailed Seniority List Successorship, maaari kang mag-claim sa ilalim ng Seksyon B o C, ngunit hindi sa ilalim ng dalawang Seksyon na ito.
Ikaw ba ay nasa mababang bayad na | Oo – mahigit sa $3.00 ang | □ □ □ □ |
posisyon sa Health Sector dahil sa | nabawas bawat oras: | |
paglipat sa ibang posisyon? | ||
Oo – mula $1.01 at $3.00 ang | ||
binawas bawat oras: | ||
Oo – hanggang $1.00 ang | ||
binawas bawat oras: | ||
Hindi: | ||
Paunawa: Ang Seksyon na ito ay dapat kumpletohin batay sa pagkakaiba ng mga wage rate (halaga ng suweldo) noong panahon ng iyong displacement. Kunin ang iyong wage rate noong iyong xxxxxx araw na may bayad sa posisyon kung saan ka na-displace at ikumpara ito sa wage rate ng trabaho kung saan ka na nilipat. Ang pagkakaiba sa bayad ay dapat asesuhin gamit ang unang araw na ikaw ay nagtrabaho sa iyong "bagong" regular na posisyon. | ||
Ikaw ba ay nagtatrabaho nang mas | Oo – mahigit sa 15 oras ang | □ □ □ □ |
kaunting oras bawat linggo sa Health | nabawas bawat linggo: | |
Sector dahil sa paglipat sa ibang | ||
posisyon? | Oo – sa pagitan ng 7.5 at 15 | |
oras ang nabawas bawat | ||
linggo: | ||
Oo – hanggang 7.5 oras ang | ||
nabawas bawat linggo: | ||
Hindi: | ||
Paunawa: Ang Seksyon na ito ay dapat kumpletohin batay sa pagkakaiba ng mga oras na trinabaho bawat linggo sa isang regular na posisyon noong panahon ng iyong displacement. Ang pagkakaiba sa mga oras na trinabaho ay dapat asesuhin gamit ang unang araw na ikaw ay nagtrabaho sa iyong "bagong" regular na posisyon. |
Kung kinumpleto mo ang Seksyon C sa itaas, magpunta sa Seksyon G.
SEKSYON D PAGKAWALA NG MGA BENEPISYO SA HEALTH AT WELFARE:
Paunawa: Ang layunin ng Seksyon na ito ay ang kilalanin ang mga empleyado na kasalukuyang nagtratrabaho sa mga sector na hindi nagbibigay ng mga benepisyo sa health at welfare tulad ng Extended Health coverage (halimbawa, mga de-resetang gamot, salamin, physiotherapy, atbp.), Dental coverage, o Long-Term Disability coverage. Huwag kumpletohin ang Seksyon na ito kung kinumpleto mo ang Seksyon C.
Kung ikaw ay dating isang regular na empleyado noong panahon ng displacement at kinumpleto mo ang Seksyon A o Seksyon B, kumpletohin ang Seksyon na ito. Kung ikaw ay dating isang casual na empleyado noong panahon ng termination at kinumpleto mo ang Seksyon A o Seksyon B, huwag kumpletohin ang Seksyon na ito.
Mayroon ka bang 100% mga benepisyo sa health at welfare na binabayaran ng | Mayroon: | □ |
iyong Tagapag-empleyo sa iyong kasalukuyang trabaho? | Wala: | □ |
Mayroon ka bang Dental Plan sa iyong kasalukuyang trabaho? | Mayroon: | □ |
Wala: | □ | |
Mayroon ka bang access sa isang Long- Term Disability Insurance Plan (Plano ng Insurance para sa Pangmatagalang Kapansanan) sa iyong kasalukuyang trabaho? | Mayroon: Wala: | □ □ |
SEKSYON E PAGKAWALA NG MGA BENEPISYO SA PENSIYON:
Paunawa: Ang layunin ng Seksyon na ito ay ang kilalanin ang pagkawala ng mga benepisyo sa Public Sector pension plan para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho sa Health Sector. Kinikilala rin ng Seksyon na ito na ang ilang mga empleyado ay nagretiro nang mas maaga kaysa sa dati nilang plinano. Huwag kumpletohin ang Seksyon na ito kung kinumpleto mo ang Seksyon C.
Mayroon ka bang access sa isang pensiyon sa iyong kasalukuyang trabaho? Paunawa: Kung ikaw ay tumatanggap ng isang pensiyon, huwag sagutin ang tanong na ito. | Mayroon: Wala: | □ □ |
Ang iyo bang plano sa pensiyon ay isang Group RSP o isang Public Sector | Group RSP: | □ |
Pension Plan (halimbawa, Municipal Pension Plan o kaya Public Service Pension Plan)? | Public Sector Pension Plan: | □ |
Paunawa: Maaaring kabilang sa Group RSP ang isang itinakdang kontribusyon sa pension plan. | ||
Tinanggap mo ba ang maagang pagretiro dahil nag-isyu sa iyo ng isang | Oo: | □ |
displacement notice at nagsimula kang mangolekta ng isang Public Sector Pension Plan? | Hindi: | □ |
SEKSYON F
ENHANCED SEVERANCE:
Paunawa: Ang Seksyon na ito ay tumutukoy lamang sa mga pagbabayad ng Enhanced Severance na ginawa sa mga empleyado sa pagitan ng 2004 at 2007 bilang resulta ng
$25 milyon ng Enhanced Severance na pondo na itinatag sa isang Memorandum of Agreement noong ika-2 ng Mayo 2004. Kung tumanggap ka ng bayad mula sa fund na ito, mangyaring kumpletohin ang seksyon na ito. Kung ikaw ay tumanggap lamang ng Severance Allowance sa ilalim ng Artikulo 43, hindi mo kailangang kumpletohin ang Seksyon na ito. Huwag kumpletohin ang Seksyon na ito kung kinumpleto mo ang Seksyon C.
Ikaw ba ay tumanggap ng isang Enhanced Severance bilang resulta ng layoff dahil nangontrata ang kompanya sa labas? | Oo – tumanggap ng gross payment sa pagitan ng $11,001 at $17,000: Oo – tumanggap ng gross payment ng hanggang $11,000: | □ □ □ |
Hindi: |
SEKSYON G
Sa pamamagitan nito ay pinapatunayan ko na ang impormasyon na aking ibinigay sa Claim Form na ito ay totoo sa aking pinaka-nalalaman. Kinikilala ko na kapag hindi ko kinompleto ang Claim Form na ito nang tapat at kapag hindi ko kinompleto ito nang husto ay maaari itong mauwi sa forfeiture (pagkawala), nang buo o bahagi, ng anumang claim sa isang pagbabayad. Kinikilala ko rin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa Claim Form na ito na pinahihintulutan ko ang paggawa ng anumang mga may kinalamang sumusuportang dokumento (halimbawa, T4 at mga T4A slip na impormasyon, mga pay stub) kung hiniling ng HEABC at/o ng Facilities Bargaining Association. Kinikilala ko na kung ako ay kwalipikadong tumanggap ng bayad mula sa fund dahil ako’y nawalan ng trabaho, isinusuko ko ang anumang karapatan na maibalik sa aking dating posisyon sa Health Sector.
Pirma ng Claimant:
Petsa ng Pagkompleto ng Claim Form: , 2008.
Pahayag sa Pagka-pribado:
Ang impormasyon sa Claim Form na ito ay lihim at gagamitin lamang upang tiyakin ang pagiging kwalipikado para sa at pagbabayad ng isang halaga sa mga kwalipikadong claimant alinsunod sa HEABC/FBA Bill 29 Settlement Agreement. Sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagpirma sa Claim Form na ito, sumasang-xxxx xxx claimant na makolekta ang kanyang personal na impormasyon at magamit ito para sa ispesipikong layuning ito.
**Ang Claim Form na ito ay dapat ipasa sa iyong Unyon sa o bago dumating ng ika-15 ng Hunyo 2008**