LUNGSOD AT COUNTY NG SAN FRANCISCO
Ipaskil kung Xxxx Xxx Maaaring Madaling Mabasa ng mga Kawani
LUNGSOD AT COUNTY NG SAN FRANCISCO
PAUNAWA SA MGA KAWANI - HULYO 1, 2023
Health Care Accountability Ordinance
(Ordinansa sa Pananagutan sa Pangangalagang Pangkalusugan)
Ang pinagtratrabahuang ito ay isang kontratista ng Lungsod at County ng San Francisco. Itong kontratang kasunduan ay napapasailalim sa Health Care Accountability Ordinance (HCAO) (Ordinansa sa Pananagutan sa Pangangalagang Pangkalusugan). Ang HCAO ay nag-aatas sa inyong pinagtratrabahuan na magkaloob ng planong pangkalusugan na mga benepisyo sa nasasakupang mga kawani, magsagawa ng mga pagbabayad sa Lungsod para sa gamit ng Department of Public Health (DPH) (Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan), o sa kasali ng limitadong mga pagkakataon, magsagawa ng tuwirang mga pagbabayad sa mga kawani. Kung kayo ay nagtratrabaho ng kahit na 20 oras kada linggo na kasali ng kontrata ng Lungsod, kayo ay nasasakop na kawani at ang inyong pinagtratrabahuan ay dapat pumili ng isa sa mga sumusunod na opsyon:
1. PAGKALOOBAN KAYO NG PLANONG PANGKALUSUGAN NA TUMUTUGON SA PINAKAMABABANG PAMANTAYAN NA BINALANGKAS NG DIREKTOR NG PAMPUBLIKONG PANGKALUSUGAN
• Ang inyong pinagtratrabahuan ay hindi maaaring mag-atas sa inyo na magbigay ng kontribusyon na anumang halaga ukol hulog na regular sa seguro (premium) para masakop kayo sa planong pangkalusugan
• Ang pagkasakop ay dapat magsimula ng hindi lalagpas sa unang araw ng buwan na nagsisimula pagkaraan ng 30 araw mula sa simula ng trabaho na sakop ng kontrata.
O
2. BAYARAN NG $6.35 BAWAT ORAS NA NAGTRABAHO SA LUNGSOD AT COUNTY NG SAN FRANCISCO
• Kung kayo ay nakatira sa loob ng Lungsod at County ng San Francisco o nagtratrabaho sa kasali ng kontrata sa Lungsod sa loob ng Lungsod, sa Paliparan ng San Francisco (San Francisco Airport) o sa Bilangguan ng San Bruno (San Bruno Jail), at ang inyong pinagtratrabahuan ay hindi nagkakaloob ng planong pangkalusugan na tumutugon sa mga Pinakamababang Pamantayan (Minimum Standards), ang inyong pinagtratrabahuan ay dapat magbayad ng $6.35/oras para sa bawat oras ng inyong trabaho (hanggang 40 oras sa isang linggo) sa Lungsod at County ng San Francisco.
O
3. BAYARAN NG KARAGDAGANG $6.35 BAWAT ORAS NA NAGTRABAHO ANG KAWANI
• Kung kayo ay nakatira sa labas ng Lungsod at County ng San Francisco at nagtratrabaho sa ilalim ng kontrata ng Lungsod na matatagpuan sa labas ng Lungsod, at hindi sa Paliparan ng San Francisco (San Francisco Airport) o sa Bilangguan ng San Bruno (San Bruno Jail) at ang inyong pinagtratrabahuan ay hindi nagkakaloob ng planong pangkalusugan na tumutugon sa mga Pinakamababang Pamantayan (Minimum Standards), ang inyong pinagtratrabahuan ay dapat magbayad sa inyo ng karagdagang $6.35/oras para sa bawat oras ng inyong trabaho (hanggang 40 oras sa isang linggo) upang magkaroon kayo ng pagkakataon na makakuha ng pagkasakop sa segurong pangkalusugan.
KUNG KAYO AY NANINIWALANG NILALABAG ANG INYONG MGA KARAPATAN, TAWAGAN ANG OFFICE OF LABOR STANDARDS ENFORCEMENT (TANGGAPAN NG PAGPAPATUPAD SA MGA
PAMANTAYAN SA PAGGAWA) SA (000) 000-0000.
Office of Labor Standards Enforcement (OLSE) City Hall, Room 430
1 Xx. Xxxxxxx B. Goodlett Place San Francisco, CA 94102
xxxxx://xx.xxx/xxxxxxxxxxx/xxxxxxxxxx-xxxxxx-xxxx-xxxxxxxxxxxxxx-xxxxxxxxx