Para sa kasambahay na nakalap mula sa ibang bansa)
Kontrata ng Empleyo
D.H. Numero ng Kontrata.
(Para sa kasambahay na nakalap mula sa ibang bansa)
Ang kontratang ito ay ginawa sa pagitan nina (ang “Tagapag-empleyo”)
at ………………………………………………………(ang “Kasambahay”) noong na may mga
sumusunod na kondisyon:
1. Ang pook ng pinagmulan ng Kasambahay, para sa layunin ng kontratang ito ay ………………………………………...…
……………………………………….…………………………………..............................................................................................
2. (A)† Ang Kasambahay ay kinuha ng Tagapag-empleyo bilang kasambahay sa loob ng dalawang taon na magsisimula sa araw na ang Kasambahay ay dumating sa Hong Kong.
(B)† Ang Kasambahay ay kinuha ng Tagapag-empleyo upang magtrabaho bilang kasambahay sa loob ng dalawang taon magmula …………………………., na ang petsa ay kasunod na araw ng pagtatapos ng D.H. Numero ng Kontrata para magtrabaho sa nasabing Tagapag-empleyo.
(C)† Ang Kasambahay ay kinuha ng Tagapag-empleyo bilang kasambahay sa loob ng dalawang taon magmula sa petsa na kung kailan pinahintulutan ng Direktor ng Imigrasyon ang Kasambahay na manatili sa Hong Kong para magsimulang magtrabaho xxxx sa kontratang ito.
3. Ang Kasambahay ay magtatrabaho at maninirahan sa tahanan ng Tagapag-empleyo na matatagpuan sa …………………………………………………………………………………………...…………………………………………
4. (a) Ang Kasambahay ay dapat gumanap lamang ng mga tungkuling pantahanan xxxx sa nakapaloob na “Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan” para sa Tagapag-empleyo.
(b) Ang Kasambahay ay hindi dapat tumanggap, at hindi dapat hilingan ng Tagapag-empleyo na tumanggap ng iba pang trabaho sa ibang tao.
(c) Ang Tagapag-empleyo at ang Kasambahay sa pamamagitan nito ay kinikilala na ang Sugnay 4 (a) at (b) ay magiging bahagi ng mga kondisyon ng pamamalagi na ipapataw ng Kagawaran ng Imigrasyon sa Kasambahay sa oras na tinanggap niya ang trabaho sa Hong Kong xxxx sa kontratang ito. Ang Kasambahay at/o sinumang tutulong sa kanya sa paglabag sa isa o kapwa nasabing kondisyon ng pamamalagi ay mananagot sa pag-uusig na kriminal.
5. (a) Ang Tagapag-empleyo ay dapat bayaran ang sahod ng Kasambahay ng HK$ bawat buwan. Ang halaga ng
sahod ay hindi maaaring bumaba sa pinakamababang sahod na inihayag ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong at umiiral sa petsa ng kontratang ito. Ang Tagapag-empleyo na hindi sumusunod sa pagbabayad ng sahod na nakasaad sa kontratang ito ay mananagot sa pag-uusig na Kriminal.
(b) Ang Tagapag-empleyo ay dapat magbigay sa Kasambahay ng akmang tirahan na mayroon mga kasangkapan na xxxx sa nakapaloob na “Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan” at ng libreng pagkain. Kung walang pagkaing ibibigay, ang alawans sa pagkain na HK$ bawat buwan ay dapat bayaran sa Kasambahay.
(c) Ang Tagapag-empleyo ay dapat magbigay ng resibo sa pagbayad ng sahod at alawans sa pagkain at ang Kasambahay ay dapat magpatunay sa pagtanggap ng bayad na xxx xxxxx.
6. Ang Kasambahay ay dapat mabigyan ng karapatan sa lahat ng araw ng pahinga, mga pista opisyal, at taunang bakasyon na may bayad na tahasang sinsabi sa Ordinansa ng Empleyo, Kabanata 57.
7. (a) Ang Tagapag-empleyo ay dapat magbigay sa Kasambahay ng libreng pamasahe mula sa kanyang pook ng pinagmulan papuntang Hong Kong, at sa pagputol o pagtapos ng kontratang ito, libreng pamasahe pabalik sa kanyang pook ng pinagmulan.
(b) Ang gastos sa pang-araw-araw na pagkain sa paglalakbay sa halagang HK$100 bawat araw ay dapat bayaran sa Kasambahay mula sa araw ng pag-alis galing sa kanyang pook ng pinagmulan hanggang sa araw ng kanyang pagdating sa Hong Kong kung ang paglalakbay ay sa pinakadirektang ruta. Kasinghalagang bayad ang dapat ibigay sa Kasambahay sa pagbalik sa kanyang pook ng pinagmulan sa sandaling matapos o maputol ang kontratang ito.
8. Ang Tagapag-empleyo ay dapat managot sa mga sumusunod na mga bayarin at gastusin (kung mayroon man) para sa pag- alis ng Kasambahay mula sa kanyang pook ng pinagmulan at sa pagpasok sa Hong Kong:-
(i) mga bayarin para sa iksaminasyong medikal;
(ii) bayarin sa pagpapatunay ng nauukol na Konsulado;
(iii) bayarin sa bisa;
(iv) bayarin sa insurans;
(v) bayaring administratibo o bayarin gaya ng “bayad sa Kawanihan para sa Empleyong Panglabas”, o iba pang bayarin na magkakahalintulad na pinataw ng kinauukulang sangay ng pamahalaan; at
(vi) iba pa:
Sa pagkakataon na ang Kasambahay ay nagbayad ng mga gastusin at bayarin na nakasaad sa itaas, ang Tagapag-empleyo ay dapat agad na bayaran ng buo ang halagang ibinayad ng Kasambahay sa sandaling paghingi at pagpapakita ng mga nauukol na resibo at dokumento na nagpapatunay ng bayad.
* Tanggalin kung kinakailangan.
† Gamitin ang Sugnay 2A, 2B o 2C kung alin man ang nararapat.
9. (a) Sa pagkakataon na ang Kasambahay ay maysakit o magkapinsala sa loob ng panahon ng pagtatrabaho na nakasaad sa Sugnay 2, maliban sa panahon kung kailan ang Kasambahay ay umalis ng Hong Kong sa kanyang sariling kagustuhan at para sa kanyang pansariling kadahilanan, ang Tagapag-empleyo ay dapat na magbigay ng libreng pagpapagamot sa Kasambahay. Kabilang sa libreng pagpapagamot ay ang pagpapakonsulta sa manggagamot, pamamalagi sa ospital at ang pagpapagamot ng ngipin sa oras ng biglaang pangangailangan. Ang Kasambahay ay dapat tanggapin ang pagpapagamot mula sa sinumang rehistradong manggagamot.
(b) Kung ang Kasambahay ay mapinsala sanhi ng aksidente o sakit dahil sa pagtrabaho o habang nagtatrabaho, ang Tagapag-empleyo ay dapat na magbayad ng kompensasyong naaayon sa Ordinansa sa Bayad-pinsala para sa mga empleyado, Kabanata 282.
(c) Sa pagkakataong ang doktor ay nagpapatunay na ang Kasambahay ay wala ng kakayanang maglingkod, ang Tagapag-empleyo, xxxx sa mga probisyon ng naangkop na Ordinansa, ay maaaring itigil o tapusin ang pagtatrabaho at agarang gumawa ng mga hakbang upang ang Kasambahay ay maibalik sa kanyang pook ng pinagmulan xxxx sa Sugnay 7.
10. Alinmang panig ay maaring tapusin o itigil ang kontratang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakasulat na isang buwang abiso o isang buwang suweldo sa halip na abiso.
11. Sa kabila ng Sugnay 10, alinmang panig sa pamamagitan ng sulat ay maaring tapusin o itigil ang kontrata kahit na walang abiso o kabayarang kapalit, xxxx sa mga pangyayaring pinapayagan ng Ordinansa ng Empleyo, Kabanata 57.
12. Sa pagkakataong natapos o natigil ang kontrata, ang Tagapag-empleyo at ang Kasambahay ay kapwa dapat magbigay sa Direktor ng Imigrasyon ng nakasulat na abiso sa loob ng pitong araw pagkatapos ang pagtigil ng kontrata. Kailangan rin isumite sa Direktor ng Imigrasyon ang isang kopya ng sulat na nagsasaad na tinanggap ng kabilang panig ang pagtigil ng kontrata.
13. Sakaling ang parehong panig ay magkasundong pumasok sa bagong kontrata matapos mawalan ng bisa ang kasalukuyang kontrata, ang Kasambahay ay, bago mag-umpisa sa bagong kontrata at sa kagustuhan ng Tagapag-empleyo, ay kailangang bumalik sa kanyang pook ng pinagmulan para sa pagbakasyon na mayroong/walang* bayad na hindi iikli sa pitong araw, maliban na lamang kung may paunang pahintulot mula sa Direktor ng Imigrasyon na dugtungan ang pamamalagi sa Hong Kong.
14. Sa pangyayaring mamatay ang Kasambahay, Ang Tagapag-empleyo ay dapat na bayaran ang halaga ng pagbibiyahe ng labi ng Kasambahay at mga pansariling ari-xxxxx xxxx xxxxxx Hong Kong pabalik sa kanyang pook ng pinagmulan.
15. Maliban sa mga sumusunod na mga pagbabago, anumang pagbabago o pagdadagdag sa mga nakasaad sa kontratang ito (maging sa nakalakip na “Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan”), sa panahon na ang kontrata ay epektibo pa, ay walang bisa maliban na lamang kung may paunang pahintulot mula sa Komisyoner ng Paggawa:
(a) pagbabago sa durasyon ng pagtatrabaho na nakasaad sa Sugnay 2 sa pamamagitan ng pagpapahaba ng nasabing durasyon na hindi lalampas sa isang buwan na pinagkasunduan ng parehong panig at may paunang pahintulot mula sa Direktor ng Imigrasyon;
(b) pagbabago sa tirahan ng Tagapag-empleyo na nakasaad sa Sugnay 3 na ipinagbigay-alam sa Direktor ng Imigrasyon sa pamamagitan ng sulat, sa kondisyon na ang Kasambahay ay magpapatuloy sa kanyang trabaho at pagtira sa bagong tirahan ng Tagapag-empleyo;
(c) pagbabago sa “Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan” na ginawa xxxx sa aytem 7 ng “Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan”; at
(d) pagbabago sa aytem 4 ng “Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan” na may kinalaman sa pagmamaneho ng Kasambahay ng isang sasakyang de-motor, pag-aari man o hindi ng Tagapag-empleyo ang sasakyan, at may kasunduan sa pagitan ng parehong panig sa pamamagitan ng isang pagdagdag sa Iskedyul at may nakasulat na pahintulot mula sa Direktor ng Imigrasyon para sa Kasambahay na gampanan ang tungkulin na pagmamaneho ng sasakyan.
16. Ang mga nakasaad sa itaas ay hindi hinahadlangan ang Kasambahay sa kanyang iba pang karapatan o benepisyo sa ilalim ng Ordinansa ng Empleyo, Kabanata 57, ang Ordinansa ng Bayad-pinsala para sa mga empleyado, Kabanata 282 at iba pang naaangkop na mga Ordinansa.
17. Pinatutunayan ng parehong panig na ang Kasambahay ay sumailalim sa isang iksaminasyong medikal upang masiguro na siya ay malusog upang magtrabaho bilang kasambahay at ang sertipikong medikal ay ipinakita para sa pagsusuri ng Tagapag-empleyo.
Nilagdaan ng Tagapag-empleyo | |
(Lagda ng Tagapag-em | |
Sa harap ni |
|
(Pangalan ng Saksi) | (Lagda ng Saksi) |
Nilagdaan ng Kasambahay | |
(Lagda ng Kasambah | |
Sa harap ni |
|
(Pangalan ng Saksi) | (Lagda ng Saksi) |
pleyo)
ay)
* Tanggalin kung kinakailangan
Iskedyul ng Tirahan at Mga Tungkulin Pantahanan
1. Kapwa ang Tagapag-empleyo at ang Kasambahay ay dapat pumirma bilang pagpapatunay na nabasa at sumasang-xxxx xxxx sa mga nilalaman ng “Iskedyul” na ito, at pinapatunayan na kanilang pinahihintulutan ang Kagawaran ng Imigrasyon at iba pang mga sangay ng pamahalaan na kumuha at gamitin ang mga impormasyong napapaloob sa “Iskedyul” na ito alinsunod sa mga probisyon ng Ordinansa sa Pansariling Datos (Pagkapribado).
2. Tahanan ng Tagapag-empleyo at ang bilang ng mga taong pagsisilbihan
A. Tinatayang sukat ng bahay piye kwadrado/metro kwadrado*
B. Ipahayag sa ibaba ang bilang ng mga tao sa loob ng tahanan na pagsisilbihan ng palagian:
……. matanda …… xxxx (may edad 5 hanggang 18) …… xxxx (may edad 4 pababa) …… mga inaasahang isisilang na sanggol.
…….. mga tao sa tahanan na kinakailangan ng patuloy na pag-aaruga o pansin (hindi kasama ang mga sanggol). (Tandaan: Bilang ng Kasambahay na kasalukuyang nagtatrahaho sa Tagapag-empleyo na naninilbihan sa tahanan )
3. Tirahan at mga gamit na ibibigay sa Kasambahay
A. Tirahan para sa Kasambahay
Habang ang karaniwang laki ng bahay sa Hong Kong kung ikukumpara ay maliit at ang pagkakaroon ng hiwalay na kwarto para sa mga Kasambahay ay hindi karaniwan, dapat bigyan ng Tagapag-empleyo ang Kasambahay ng akmang tirahan na may makatuwirang kasarinlan. Halimbawa ng hindi akmang tirahan ay: Ang Kasambahay ay pinapatulog sa mga hindi komportableng kama sa pasilyo na may kakaunting kasarinlan at siya ay nakikitulog sa kuwarto ng isang matanda/tin-edyer ng hindi kapareho ng kasarian.
□ Oo. Tinatayang sukat ng kwarto ng Kasambahay piye kwadrado/metro kwadrado*
□ Hindi. Napagkasunduang tulugan ng Kasambahay:
□ Makikitulog sa kwarto ng ………… bata/mga bata na xxx xxxxxx na ………...
□ nakahiwalay na lugar na xxx xxxx piye kwadrado/metro kwadrado *
□ Xxx xx. Ilarawan ………………………………………………………………………………..
B. Mga pasilidad na ipapagamit sa Kasambahay:
(Tandaan: Ang aplikasyon sa bisa ay karaniwang hindi pinahihintulutan kung ang mga kinakailangang pasilidad na nakalista mula (a) hanggang (f) ay hindi ipapagamit ng libre.)
(a) Tubig at ilaw | □ Oo | □ Hindi |
(b) Banyo at mga pasilidad sa pagligo | □ Oo | □ Hindi |
(c) Kama | □ Oo | □ Hindi |
(d) Kumot o kubrekama | □ Oo | □ Hindi |
(e) Unan | □ Oo | □ Hindi |
(f) Aparador | □ Oo | □ Hindi |
(g) Pridyeder | □ Oo | □ Hindi |
(h) Mesa | □ Oo | □ Hindi |
(i) Iba pang pasilidad (Mangyaring banggitin) |
|
4. Ang Kasambahay ay dapat gumanap lamang ng mga tungkuling pantahanan sa bahay ng kanyang Tagapag-empleyo. Alinsunod sa kontratang ito, hindi kasama sa mga tungkuling pangtahanan ng Kasambahay ang pagmamaneho ng mga sasakyang de-motor ng kahit anong uri para sa kung ano pa mang layunin, pag-aari man o hindi ng Tagapag-empleyo ang sasakyan.
5. Kasama sa mga tungkuling pantahanan ang mga sumusunod.
Malaking bahagi ng mga tungkuling pantahanan:
1. Mga gawaing bahay
2. Pagluluto
3. Pag-alaga sa matanda sa sambahayan (patuloy na pag-aaruga o pansin ay kailangan/hindi kailangan*)
4. Pag-alaga sa sanggol
5. Pagbantay sa bata
6. Iba pa (Mangyaring banggitin) …………………………………………………………………………
6. Kapag kinakailangang linisin ng kasambahay ang panlabas ng anumang bintana na kung saan ay hindi matatagpuan sa pinakaibaba ng gusali o katabi ng balkonahe (kung saan ligtas na maaaring magtrabaho ang Kasambahay) o karaniwang korridor, ang paglilinis ng panlabas ng bintana ay dapat na gawin lamang sa ilalim ng mga sumusunod na mga kundisyon:
(i) Ang bintana ay kinabitan ng rehas na di-natatanggal o naka-kandado upang hindi mabuksan; at;
(ii)walang bahagi ng katawan ng kasambahay ang nakalabas sa bintana maliban sa braso nito.
7. Dapat ipagbigay-alam ng Tagapag-empleyo sa Kasamabahay at sa Direktor ng Imigrasyon ang anumang kaukulang pagbabago sa mga aytem 2, 3 at 5 sa pamamagitan ng pagbigay ng kopya ng “Binagong Iskedyul ng Tirahan at mga Tungkulin Pantahanan” (ID 407G) sa Direktor ng Imigrasyon na pirmado ng kapwa Tagapag-empleyo at Kasamabahay para maitala.
Pangalan ng Tagapag-empleyo at Lagda | Petsa | Pangalan ng Kasambahay at Lagda | Petsa |
∗ Tangalin kung kinakailangan.
□ Lagyan ng tsek kung xxxx xxx tama.