PAGSASALIN SA TAGALOG NG NOTE TAGALOG TRANSLATION OF NOTE
PAGSASALIN SA TAGALOG NG NOTE TAGALOG TRANSLATION OF NOTE
ABISO TUNGKOL SA PAGSASALIN SA TAGALOG
Ang pagsasaling ito sa Tagalog ay hindi isang mabisang legal na dokumento, ibinibigay lang ito para sa kaginhawahan ng Borrower, at hindi ito kailanman maituturing na kontrata o anumang bahagi ng dokumento ng loan sa Ingles. Bagama't sinubukan ng Fannie Mae at Freddie Mac na tiyaking isa itong tumpak na pagsasalin ng dokumento ng loan sa Tagalog, hindi mananagot ang Xxxxxx Xxx x xxx Freddie Mac sa anumang pagkakamali sa Tagalog na pagsasalin na ito o para sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga pagkakaiba sa paggamit ng wika o diyalekto. Kung sakaling magkakaroon ng mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng dokumento ng loan sa Ingles at sa pagsasaling ito sa Tagalog, mananaig ang ipinatupad na dokumento ng loan sa Ingles. Responsibilidad ng Borrower na ganap na maunawaan ang katangian at mga tuntunin ng mga obligasyon ng Borrower alinsunod sa nakasaad sa mga dokumento ng loan sa Ingles na lalagdaan niya sa pagsasara ng loan. Hindi dapat lagdaan ng Borrower ang pagsasaling ito. Bilang karagdagan, posibleng natanggap lang ng Borrower ang dokumentong ito ng loan bilang halimbawa ng isang tipikal na dokumento ng loan, at wala itong kaugnayan sa isang partikular na transaksyon sa loan. Kung ganito ang sitwasyon, ang dokumentong ito ay hindi puwedeng maging isang pagsasalin ng dokumento ng loan na ipapatupad ng Borrower sa panahong kukuha ang Borrower ng mortgage loan sa bahay.
NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
This Tagalog translation is not a binding legal document, is being provided solely for the Borrower's convenience, and will not in any way be construed as a contract or any part of the English loan document. While Fannie Mae and Freddie Mac have attempted to ensure that this is an accurate Tagalog translation of the loan document, neither Fannie Mae nor Freddie Mac is liable for any inaccuracies in this Tagalog translation or for any misunderstandings due to differences in language usage or dialect. In the event of any inconsistencies between the English loan document and this Tagalog translation, the executed English loan document will govern. The Borrower assumes the responsibility for fully understanding the nature and terms of the Borrower's obligations as set forth in the English loan documents they sign at loan closing. The Borrower shall not sign this translation. In addition, the Borrower may have received this loan document solely as an example of a typical loan document, and not in connection with a specific loan transaction. If this is the case, this document may not be a translation of the loan document that the Borrower will execute at the time the Borrower obtains a home mortgage loan.
TANDAAN: | ||
, | , |
|
[Petsa ng Note] | [Lungsod] | [Estado] |
[Address ng Property] |
1. PANGAKO NG BORROWER NA MAGBAYAD
Kapalit ng loan na nagkakahalaga ng U.S. $ (ang “Principal”) na natanggap ko xxxx xxx (ang “Lender”), nangangako akong bayaran ang Principal, na may interes, xxxx sa pag-aatas ng Lender. Gagawin ko ang lahat ng pagbabayad sa ilalim ng Note na ito sa currency ng
U.S. nang nasa cash, tseke, money order, o iba pang paraan ng pagbabayad na tinatanggap ng Lender. Nauunawaan kong puwedeng i-transfer ng Lender ang Note na ito. Tatawaging “May-ari ng Note”
ang Lender o ang sinumang makakakuha sa Note na ito sa pamamagitan ng pag-transfer, at na may karapatang makatanggap ng bayad sa ilalim ng Note na ito.
2. INTERES
Maniningil ng interes sa hindi pa nababayarang Principal hanggang sa mabayaran ang kabuuang halaga ng Principal. Magbabayad ako ng interes sa taunang rate na %.
Ang interest rate na iniaatas ng Seksyon 2 na ito ay ang rate na babayaran ko bago at matapos ang anumang default na inilalarawan sa Seksyon 6(B) ng Note na ito.
3. MGA PAGBABAYAD
(A) Oras at Lugar ng Mga Pagbabayad
Babayaran ko ang principal at interes sa pamamagitan ng pagbabayad bawat buwan. Tatawagin ang halagang ito na aking “Buwanang Pagbabayad.”
Gagawin ko ang aking Buwanang Pagbabayad sa araw ng bawat buwan simula sa
, . Gagawin ko ang mga pagbabayad na ito bawat buwan hanggang sa
mabayaran ko ang lahat ng Principal at interes at iba pang singil na inilalarawan sa ibaba na posibleng hindi ko pa nababayaran sa ilalim ng Note na ito. Ilalapat ang bawat Buwanang Pagbabayad sa nakaiskedyul na takdang petsa nito, at ilalapat ito sa interes bago sa Principal. Kung sa
, , ay mayroon pa rin akong hindi nababayaran sa ilalim ng Note na ito, babayaran ko ang mga halagang iyon sa petsang iyon, na tatawaging “Petsa ng Maturity.”
Gagawin ko ang aking Mga Buwanang Pagbabayad sa
o sa ibang lugar kung iaatas ng May-ari ng Note.
(B) Halaga ng Buwanang Pagbabayad
Ang aking Buwanang Pagbabayad ay magkakahalaga ng U.S.
$ . Hindi kasama sa halaga ng bayad na ito ang anumang buwis
sa Pag-aari, insurance, o iba pang singil na posibleng pabayaran sa akin bawat buwan.
4. KARAPATANG PAUNANG MAGBAYAD NG BORROWER
May karapatan akong bayaran ang principal anumang oras bago ang takdang petsa. Ang pagbabayad ng principal lang ay tinatawag na “Paunang Pagbabayad.” Kapag maaga akong nagbayad, aabisuhan xx xxx Xxx-ari ng Note sa pamamagitan ng pagsulat. Posibleng hindi ko italaga ang isang bayad bilang Paunang Pagbabayad kung hindi ko nabayaran ang lahat ng Buwanang Pagbabayad na dapat bayaran sa ilalim ng Note na ito.
Puwede akong gumawa ng buong Paunang Pagbabayad o mga hindi buong Paunang Pagbabayad nang hindi nagbabayad ng singil sa Paunang Pagbabayad. Gagamitin ng May-ari ng Note ang aking Mga Paunang Pagbabayad para mabawasan ang halaga ng Principal na kailangan kong bayaran sa ilalim ng Note na ito. Gayunpaman, posibleng ilapat ng May-ari ng Note ang aking Paunang Pagbabayad sa naipon at hindi pa nababayarang interes sa halaga Paunang Pagbabayad, bago ilapat ang aking Paunang Pagbabayad para mabawasan ang halaga ng Principal ng Note. Kung gagawa ako ng hindi buong Paunang Pagbabayad,
walang magiging pagbabago sa takdang petsa o sa halaga ng aking Buwanang Pagbabayad maliban na lang kung sasang-xxxx xxx Xxx-ari ng Note, sa pamamagitan ng pagsulat, sa mga pagbabagong iyon.
5. MGA SINGIL SA LOAN
Kung itatakda ng naaangkop na batas ang mga pinakamalaking singil sa loan, at ipapakahulugan ang batas na iyon para malampasan ng interes o iba pang singil sa loan na nakolekta o kokolektahin kaugnay ng loan ang mga pinapayagang limitasyon, (a) ang anumang nasabing singil sa loan ay babawasan ng halagang kinakailangan para mabawasan ang singil sa pinapayagang limitasyon, at (b) ang anumang halagang nakolekta na mula sa akin at lampas sa mga pinapayagang limitasyon ay ire-refund sa akin. Puwedeng piliin ng May-ari ng Note na gawin ang refund na ito sa pamamagitan ng pagbabawas sa Principal na dapat kong bayaran sa ilalim ng Note na ito o sa pamamagitan ng direktang pagbabayad sa akin. Kung mababawasan ng pag-refund ang Principal, ang kabawasan ay ituturing na hindi buong Paunang Pagbabayad.
6. HINDI PAGBABAYAD NG BORROWER XXXX SA INAATAS
(A) Mga Singil para sa Nahuling Pagbabayad para sa Mga Overdue na Bayad
Kung hindi natanggap ng May-ari ng Note ang buong halaga ng anumang Buwanang Pagbabayad sa pagtatapos ng (na) araw na kalendaryo pagkalipas ng takdang petsa, magbabayad ako ng late charge sa May-ari ng Note. Ang halaga ng singil ay % ng aking overdue na Buwanang Pagbabayad. Babayaran ko kaagad ang singil na ito para sa nahuling pagbabayad pero nang isang beses lang para sa bawat nahuling pagbabayad.
(B) Pagkaka-default
Kung hindi ko babayaran ang buong halaga ng bawat Buwanang Pagbabayad sa takdang petsa nito, made-default ako.
(C) Abiso sa Pagkaka-default
Kung na-default ako, puwede akong padalhan ng May-ari ng Note ng nakasulat na abisong nagsasabing kung hindi ko mababayaran ang overdue na halaga sa partikular na petsa, puwede akong atasan ng May-ari ng Note na bayaran kaagad ang buong halaga ng hindi pa nababayarang Principal, lahat ng interes na dapat kong bayaran sa halagang iyon, at iba pang singil na iniaatas sa ilalim ng Note na Ito (ang “Default na Balanse”). Ang petsang iyon ay hindi dapat bababa sa 30 araw mula sa petsa kung kailan ipinadala o inihatid sa akin ang abiso sa iba pang paraan.
(D) Walang Waiver ng May-ari ng Note
Kung na-default ako at hindi ako inaatasan ng May-ari ng Note na bayaran kaagad ang Default na Balanse xxxx sa inilarawan sa xxxxx, xxx karapatan pa rin ang May-ari ng Note na gawin ito kung patuloy akong made-default o kung made-default ako sa ibang pagkakataon.
(E) Pagbabayad sa Mga Bayarin at Gastusin ng May-ari ng Note
Kung inatasan ako ng May-ari ng Note na bayaran kaagad ang Default na Balanse xxxx sa inilarawan sa xxxxx, xxx karapatan ang May-ari ng Note na mabayaran ko para sa lahat ng bayarin at gastusin nito sa pagpapatupad sa Note na ito hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas. Kasama sa mga bayaring iyon ang, halimbawa, mga makatuwirang bayarin at gastusin sa mga abugado.
7. PAGBIBIGAY NG MGA ABISO
(A) Abiso sa Borrower
Maliban kung may iaatas na ibang paraan ang naaangkop na batas, ang anumang abiso na dapat ibigay sa akin sa ilalim ng Note na ito ay ibibigay sa pamamagitan ng paghahatid nito, o pagpapadala nito sa pamamagitan ng first class mail, sa Address ng Pag-aari sa itaas o sa ibang address kung bibigyan xx xxx Xxx-ari ng Note ng abiso tungkol sa iba kong address. Aabisuhan ko kaagad ang May-ari ng Note tungkol sa anumang pagbabago sa aking pisikal na address o papadalhang address. Maliban na lang kung iba ang iniaatas ng naaangkop na batas, posibleng magpadala ng abiso sa pamamagitan ng e- mail o iba pang electronic na komunikasyon kung sumang-xxxx ako at ang May-ari ng Note sa pamamagitan ng pagsulat at kung ibinigay ko sa May-ari ng Note ang kasalukuyan kong e-mail address o iba pang electronic na address. Kung napagkasunduan namin ng May-ari ng Note na puwedeng
magbigay ng abiso sa pamamagitan ng e-mail o iba pang electronic na komunikasyon, aabisuhan ko kaagad ang May-ari ng Note tungkol sa anumang pagbabago sa aking e-mail address o iba pang electronic na address.
(B) Abiso sa May-ari ng Note
Ang anumang abiso na dapat kong ibigay sa May-ari ng Note sa ilalim ng Note na ito ay ihahatid sa pamamagitan ng first class mail sa May-ari ng Note sa address na nakasaad sa Seksyon 3(A) sa itaas o sa ibang address kung binigyan ako ng abiso tungkol sa ibang address na iyon.
8. MGA OBLIGASYON NG MGA TAO SA ILALIM NG NOTE NA ITO
Kung mahigit sa isang tao ang lalagda sa Note na ito, ang bawat isa ay ganap at personal na maoobligang tumupad sa lahat ng ipinangako sa Note na xxx, xxxx sa pangakong bayaran ang buong halaga ng pagkakautang. Ang sinumang guarantor, surety, o endorser ng Note na ito ay obligado ring gawin ang mga bagay na ito. Ang sinumang aako sa mga obligasyong xxx, xxxx sa mga obligasyon ng isang guarantor, surety, o endorser ng Note na ito, ay maoobliga ring tumupad sa lahat ng ipinangako sa ilalim ng Note na ito. Posibleng ipatupad ng May-ari ng Note ang mga karapatan nito sa ilalim ng Note na ito laban sa bawat tao sa indibidwal na paraan o nang magkakasama. Ibig sabihin, puwedeng atasan ang sinuman sa amin na bayaran ang buong halagang hindi pa nababayaran sa ilalim ng Note na ito.
9. MGA WAIVER
Wine-waive ko at ng iba pang taong may mga obligasyon sa ilalim ng Note na ito ang mga karapatan sa Presentment at Notice of Dishonor. Ang “Presentment” ay tumutukoy sa karapatang atasan ang May-ari ng Note na i-demand ang mga halagang dapat bayaran. Ang “Notice of Dishonor” ay tumutukoy sa karapatang atasan ang May-ari ng Note na abisuhan ang iba pang taong may mga hindi pa nababayarang halaga.
10. UNIFORM NA SECURED NA NOTE
Ang Note na ito ay isang uniform na instrument na may mga limitadong variation sa ilang hurisdiksyon. Bukod sa mga proteksyong ibinibigay sa May-ari ng Note sa ilalim ng Note na ito, pinoprotektahan ng Mortgage, Mortgage Deed, Deed of Trust, o Security Deed (“Security Instrument”), na may petsang pareho sa petsa ng Note na ito, mula sa mga posibleng pagkalugi na puwedeng magresulta kung hindi ko matutupad ang mga ipinangako ko sa Note na ito. Inilalarawan din ng Security Instrument na iyon kung paano at sa anong mga kundisyon ako puwedeng atasan na bayaran kaagad ang lahat ng halagang dapat kong bayaran alinsunod sa Note na ito. Ang ilan sa mga kundisyong iyon ay inilalarawan sa ganitong paraan:
Kung ang lahat ng o ang anumang bahagi ng Pag-aari o Interes sa Pag-aari ay maibebenta x xxxx-transfer (o kung hindi natural na tao ang Borrower at may maibebenta x xxxx-transfer na kapaki-pakinabang na interes sa Borrower) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, puwedeng agarang pabayaran ng Lender nang buo ang lahat ng halagang secured ng Security Instrument na ito. Gayunpaman, hindi gagamitin ng Lender ang opsyong ito kung ipinagbabawal ng Naaangkop na Batas ang paggamit nito.
Kung gagamitin ng Lender ang opsyong ito, bibigyan ng Lender ang Borrower ng notice of acceleration. Magbibigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa petsa kung kailan ibinigay ang abiso alinsunod sa Seksyon 16 kung saan dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang na-secure ng Security Instrument na ito. Kung hindi mababayaran ng Borrower ang mga halagang ito bago lumipas ang o pagkalipas ng panahong ito, puwedeng gamitin ng Lender ang anumang remedyong pinapahintulutan ng Security Instrument na ito nang walang higit pang abiso o demand sa Borrower at puwede niyang singilin ang lahat ng magagastos sa paggamit sa mga nasabing remedyo, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa: (a) mga makatuwirang bayarin at gastos sa mga abugado; (b) bayad sa inspeksyon at valuation ng Pag-aari; at (c) iba pang bayad para maprotektahan ang Interes sa Pag-aari at/o mga karapatan ng Lender sa ilalim ng Security Instrument na ito.
ABISO SA CO-SIGNER
ANG LAGDA MO SA NOTE NA ITO AY NANGANGAHULUGANG MAY KATULAD KANG PANANAGUTAN SA PAGBABAYAD SA LOAN NA ITO. KUNG HINDI MAKAKABAYAD ANG BORROWER, MAY LEGAL NA KARAPATAN ANG LENDER NA SINGILIN KA.
MAGING SAKSI SA (MGA) KAMAY AT (MGA) SELYO NG NAKALAGDA.
(Selyo)
- Borrower
(Selyo)
- Borrower
(Selyo)
- Borrower
[Orihinal Lang ang Lagdaan]