Epektibo mula Hulyo 1, 2021)
Toyota Motor Credit Corporation Mga Online na Patakaran at Kasunduan
(Epektibo xxxx Xxxxx 1, 2021)
Sa mga patakaran at kasunduang ito ng website ng Mga Pinansyal na Serbisyo (ang “Mga Online na Patakaran at Kasunduan”), nangangahulugan ang “ikaw” at “iyo” bilang bawat customer at lahat ng customer bilang kabuuan sa isang Account alinsunod sa tinukoy sa ibaba at/o bawat user ng Website, xxxx sa nararapat; nangangahulugan ang “kami,” “namin,” at “amin” bilang Toyota Motor Credit Corporation (“TMCC”) at ang mga ahente at service provider xxxx xxxx sa nararapat; nangangahulugan ang “Website” bilang mga website ng Mga Pinansyal na Serbisyo, mga mobile website, at mga mobile application na pinapagana ng TMCC; at nangangahulugan ang “Mga Pinansyal na Serbisyo” bilang TMCC, mga pangalan ng brand ng TMCC, at mga lisensyadong pangalan na ginagamit para magbenta ng mga produkto ng mga pinansyal na serbisyo, Toyota Motor Insurance Services, Inc., Toyota Lease Trust, o Toyota Credit de Puerto Rico Corp., at/o ang mga
kaukulang subsidiary at assignee ng mga ito depende sa pagkakakilanlan ng iyong creditor, lessor, o provider ng produkto.
Kung customer ka namin, sa pamamagitan ng pag-click sa “Sumasang-xxxx Ako,” sumasang-xxxx xx sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account at Mga Online na Tuntunin ng Paggamit, at pumapayag ka sa aming Online na Patakaran sa Privacy. Kung hindi ka isang customer o kung customer ka na hindi gumagamit ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account alinsunod sa tinukoy sa ibaba, pumapayag ka sa Online na Patakaran sa Privacy at sumasang-xxxx xx sa Mga Online na Tuntunin ng Paggamit sa pamamagitan ng paggamit sa Website.
Nangangauhulugan ang “Mga Online na Patakaran at Kasunduan” bilang Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account, Online na Patakaran sa Privacy, at/o Mga Online na Tuntunin ng Paggamit.
Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account (nalalapat sa mga customer ng Mga Pinansyal na Serbisyo na may Mga Online na Serbisyo sa Account)
Online na Patakaran sa Privacy (nalalapat sa lahat ng user ng Website)
Mga Online na Tuntunin ng Paggamit (nalalapat sa lahat ng user ng Website)
Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account (nalalapat sa Mga Customer ng Mga Pinansyal na Serbisyo na may Mga Online na Serbisyo sa Account)
Customer ka namin at mayroon kang isa o higit pang retail na installment sale ng sasakyan, promissory note, o mga kontrata ng lease sa amin (sa Mga Online na Patakaran at Kasunduan, “Account” bilang indibidwal mong account at “Mga Account” bilang lahat ng iyong account) at nakarehistro ka o nagpaparehistro para sa mga online na serbisyo sa account sa Website. Ang iyong online na access sa iyong Account at ang mga online na serbisyo sa Account na iniaalok namin sa aming Website ay tinatawag na “Mga Online na Serbisyo sa Account” mo sa Mga Online na Patakaran at Kasunduan.
1. Pahintulot sa Mga Komunikasyon. Kami, ang aming mga affiliate, ahente, partner sa negosyo, at service provider o sinumang assignee ng nabanggit (bilang indibidwal at grupo, “kami” o “amin,” alinsunod sa seksyong ito ng Pahintulot sa Mga Komunikasyon) ay maaaring tumawag sa iyo, mag-iwan ng voice, prerecorded, o artipisyal na voice message para sa iyo, o magpadala sa iyo ng text kabilang ang SMS text, email o iba pang electronic na mensahe para sa anumang layuning nauugnay sa iyong Mga Account, sa aming mga produkto at serbisyo, o mga survey o pananaliksik (tinatawag na “Komunikasyon” ang bawat isa sa mga ito). Maaari kaming maglagay ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa iyo sa isang Komunikasyon at maaari kaming makipagkomunikasyon gamit ang isang automated na dialing machine at anumang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na mayroon kami para sa iyo, kabilang ang numero ng cell phone. Hindi ka namin sisingilin para sa Komunikasyon, pero puwede kang singilin ng
service provider mo. Nauunawaan mo at sumasang-xxxx xx na maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo sa anumang paraan na pinahihintulutan ng batas na hindi na kailangan ng iyong pahintulot.
2. Mga Online na Statement sa Pagsingil. Available sa aming Website ang mga larawan ng mga statement sa pagsingil ng iyong Account bilang bahagi ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Sa tuwing maglalabas kami ng statement sa pagsingil para sa iyong Account, maglalagay kami ng online na statement sa mga statement sa pagsingil na makikita mo sa seksyong Mga Statement ng Website hanggang sa magkaroon ng 13 statement ang iyong Account sa Website. Pagkatapos nito, maglalaman ang seksyong Mga Statement ng Website ng nauusod o rolling na history xx xxxxxx 13 pinakakamakailang statement sa pagsingil sa iyong Account.
Ipapakita ng isang bagong statement sa pagsingil sa aming Website ang aming mga record hanggang sa pagsasara ng negosyo noong Petsa ng Pagsasara ng Statement. Hindi ipapakita ng isang bagong statement sa pagsingil ang mga debit o credit na na-post sa iyong Account pagkalampas ng Petsa ng Pagsasara ng Statement para sa naturang statement sa pagsingil. Ipinagpapalagay ng anumang impormasyon sa balanse o pagbabayad para sa iyong Account na ang lahat ng pagbabayad na na-post sa iyong Account ay valid at isinagawa gamit ang mga pumasok na pondo.
Maaaring hindi available sa aming Website ang isa o higit pang statement sa pagsingil sa iyong Account para sa iba’t ibang dahilan: pauna mong nabayaran ang iyong Account, o pumasok ka sa iyong Account sa Puerto Rico. Kung customer ka ng Toyota Credit de Puerto Rico Corp., hindi available ang mga regular na statement sa pagsingil sa iyong Account o hindi ito kasama sa iyong mga Online na Serbisyo sa Account.
3. Paghinto ng Mga Papel na Statement sa Pagsingil. Kapag inirehistro mo na ang iyong Account sa aming Website, awtomatiko naming ihihinto ang iyong mga papel na statement sa pagsingil sa iyong Account maliban na lang kung pipiliin mong makatanggap ng mga papel na statement sa pagsingil. Bukod pa xxxx, posible naming awtomatikong ihinto ang iyong mga papel na statement sa pagsingil pagkatapos ka naming abisuhan, maliban na lang kung pagkatanggap mo ng aming abiso at sa loob ng yugto ng panahong inilaan sa abiso ay pinili mong makatanggap ng mga papel na statement sa pagsingil sa pamamagitan ng paraan ng pagtugon na nakasaad sa abiso. Kung hindi mo ito pipiliin, sumasang-xxxx xxxx xxx pagtanggap mo sa Mga Online na Patakaran at Kasunduang ito ay kumakatawan sa pagpayag mong ihinto ang mga papel na statement sa pagsingil at sa pagpayag mong basahin ang iyong mga statement sa pagsingil at mga kaakibat na disclosure, abiso, at iba pang materyal sa aming Website. Kung ihihinto ang mga papel na statement sa pagsingil sa iyong Account, magiging available ang mga larawan ng iyong mga statement sa pagsingil sa aming Website bilang bahagi ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, hindi mo na matatanggap ang iyong mga statement sa pagsingil sa pamamagitan ng mail, at mababasa mo ang bawat online na statement sa pagsingil at lahat ng disclosure, abiso, at iba pang materyal na kasama ng iyong online na statement sa pagsingil, agad-agad pagkatapos maihatid ang mga ito sa aming Website bilang bahagi ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Kahit na maihinto ang iyong mga papel na statement sa pagsingil, maaari kaming magpadala sa iyo sa mail ng papel na statement sa pagsingil paminsan-minsan kung kailangan sa batas, kung ide-delete mo ang iyong Account sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, o kung mapagpapasyahan namin, sa sarili naming paghuhusga, na magpadala sa iyo sa mail ng iyong papel na statement sa pagsingil. Kung ihihinto ang iyong mga papel na statement sa pagsingil sa iyong Account, maaari mong i-activate muli ang iyong mga papel na statement sa pagsingil anumang oras. Maaaring tumagal nang hanggang dalawang (2) yugto ng pagsingil o billing cycle bago mailapat ang pagpapahinto o muling pag-activate ng mga papel na statement sa pagsingil.
Ang sinumang customer sa Account na nakarehistro para sa Mga Online na Serbisyo sa Account ay maaaring piliing pahintuin o muling i-activate ang mga papel na statement sa pagsingil para sa Account, at ang bawat customer na pipili ng ganoon ang may responsibilidad na abisuhan ang lahat ng iba pang customer na nasa account na saklaw ng pagpili. Ang customer na pipiling magpahinto ng mga papel na statement sa pagsingil ang may responsibilidad na magbigay ng mga kopya ng mga online na statement sa pagsingil at mga kaakibat na disclosure, abiso, at iba pang materyal sa lahat ng iba pang customer na nasa
account, o magtiyak na ia-access ng lahat ng iba pang customer na nasa account na nakarehistro sa aming website ang mga online na statement sa pagsingil.
Puwede naming wakasan ang pagpapahinto sa mga papel na statement sa pagsingil sa iyong Account anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang mga sumusunod nang walang limitasyon: kung lalabag ka sa mga tuntunin ng iyong Account, mga Online na Serbisyo sa Account mo, o Website, kung babawiin mo ang iyong pagsang-xxxx sa Mga Online na Patakaran at Kasunduan o Pahintulot sa Mga Electronic na Komunikasyon at Kasunduan, o kung wawakasan mo o namin ang kabuuan o bahagi ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Hindi available ang pagpapahinto ng mga statement sa pagsingil para sa mga customer ng Toyota Credit de Puerto Rico Corp.
4. Multifactor Authentication (MFA). Para i-access ang impormasyon ng iyong Account sa Website, maaari naming hingiin sa iyong i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na Multifactor Authentication (MFA). Ang MFA ay isang proseso ng authentication na ginagamit para makatulong sa pag-iwas sa hindi pinapahintulutang pag-access sa iyong Account sa pamamagitan ng paggamit sa dalawa o higit pang magkakahiwalay na kredensyal para i-verify ang iyong pagkakakilanlan. Halimbawa, maaaring hilingin sa iyong mag-click sa isang link ng verification o ilagay ang iyong password at isang verification code. Ang verification code ay isang code na isang beses lang puwedeng gamitin na
ipinapadala namin sa iyo pamamagitan ng email, text, o tawag sa telepono (“Verification Code”). Kapag nagpadala kami ng Verification Code o link, isa itong uri ng Komunikasyong inilarawan sa Kasunduang ito. Para sa karagdagang seguridad, maaari mong piliing makatanggap ng Verification Code sa bawat pag-log in. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng Verification Code sa pag-log in, mas nagiging secure ang pag- access mo sa iyong Account sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na layer ng proteksyon sa iyong username at password. Maaari mong piliing idagdag ang ganitong proseso ng dalawang hakbang na verification bilang dagdag na layer ng seguridad para maiwasan ang hindi pinapahintulutang pag-access sa
iyong Account. Bagama’t opsyonal ang ganitong proseso ng dalawang hakbang na verification, maaari pa ring manghingi ang Website ng Verification Code sa pag-log in sa ilang partikular na pagkakataon, kabilang ang mga sumusunod: 1) kapag mataas ang uri ng peligro o risk profile batay sa karaniwan mong pag-log in at paggamit, at/o 2) isinaad xxxx xxx ibang gumagamit ng iyong device. Kapag nagpadala kami sa iyo ng code o link, posibleng makapag-log in sa iyong Account ang sinumang may access sa iyong email o telepono, maaari nilang matingnan ang impormasyon sa iyong account, at maaari nilang mabago ang iyong mga setting.
5. Access sa Mobile. Nalalapat ang Mga Online na Patakaran at Kasunduan kapag na-access mo ang Website gamit ang iyong mobile phone, smartphone, o iba pang mobile device (tinatawag na “Mobile Device” ang bawat isa). Hindi ka namin sisingilin sa pag-access sa Website gamit ang isang Mobile Device o sa pagtanggap ng Email o tawag sa telepono o text kabilang ang mga SMS text na Komunikasyon mula sa amin. Gayunpaman, maaari kang singilin ng service provider ng iyong Mobile Device para sa mga rate at bayarin sa pag-access. Para i-access ang Website gamit ang iyong Mobile Device, dapat suportado ng Website ang iyong Mobile Device alinsunod sa nakasaad sa Pahintulot sa Mga Electronic na Komunikasyon at Mga Kasunduan.
6. Mga Kagustuhan sa Marketing. Maaari kang magtakda ng mga kagustuhan sa kung paano mo kami gustong mag-market sa iyo. Kung magtatakda ka ng mga kagustuhan sa marketing, sisikapin naming mag- market sa iyo sa paraang tumutugma sa mga kagustuhang iyon; gayunpaman, paminsan-minsan ay maaari kaming makapag-market sa iyo sa paraang wala sa mga itinakda mong kagustuhan kung papahintulutan ng batas at ng Mga Online na Patakaran at Kasunduan.
7. Mga Alok sa Marketing sa Website. Habang nasa Website ka, maaari kaming maghatid sa iyo ng mga alok na produkto o serbisyo batay sa aktibidad mo sa Website, at pagkatapos mong mag-log in sa Website, batay na rin sa history ng iyong account o iba pang karanasan sa amin, sa aming mga affiliate, o mga partner sa negosyo.
8. Access sa Impormasyon ng Iyong Account sa Mga Website at Mobile Device Application ng Third Party. Maaari naming alukin sa mga dealer, sa aming mga affiliate, o sa mga partner sa negosyo ang kakayahang mabigyan ka ng secure na access sa impormasyon ng iyong Account sa kani-kanilang website at mobile device application (“Access ng Site ng Third Party”). Magiging opsyonal ang paggamit mo sa naturang Access ng Site ng Third Party. Nalalapat ang Mga Online na Patakaran at Kasunduan kapag pinili mong gamitin ang Access ng Site ng Third Party. Hindi kasama sa Access ng Site ng Third Party ang pagbabahagi namin ng impormasyon ng Account mo sa aming mga dealer, affiliate, o partner sa negosyo.
9. Mga Opsyon sa Privacy para sa Mga Personal na Pampamilya o Pang-household na Account. Kung ang Account mo ay para sa personal, pampamilya, o pang-household na paggamit, magkakaroon ka ng mga opsyon sa privacy kaugnay ng paggamit at pagbabahagi ng iyong impormasyon bilang customer. Maaari mong baguhin ang mga opsyong iyon sa privacy sa seksyong Mga Online na Serbisyo sa Account ng Website para limitahan ang kakayahan naming magbahagi. Maaaring tumagal nang hanggang pitumpu’t dalawang (72) oras bago mailapat ang anumang pagbabagong gagawin mo sa mga opsyong iyon sa privacy sa seksyong Mga Online na Serbisyo sa Account ng Website.
Mangyaring sumangguni sa patakaran sa privacy ng customer at anumang kaakibat na cover letter na inihahatid namin sa iyo para sa kumpletong paliwanag tungkol sa mga opsyon sa privacy na nalalapat sa iyo. Makakatanggap ka ng patakaran sa privacy ng customer sa unang beses na maging customer ka namin at hindi bababa sa isang beses kada taon pagkalipas nito.
10. Pagiging Available Online ng iyong Patakaran sa Privacy ng Customer at iba pang Mahahalagang Disclosure. Pagkatapos mag-log in sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, matitingnan mo ang ilang partikular na mahahalagang patakaran at disclosure para sa bawat Account na idinagdag mo sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Ang mga uri ng mga patakaran at disclosure na maaaring makita sa alinman sa iyong Mga Account na idinagdag sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account ay magdedepende sa status ng iyong Account at kung nabuksan ba ang iyong Account para sa mga personal, pampamilya, o pang-household na layunin o kung para ba ito sa mga pangnegosyong layunin. Kung nagdagdag ka ng Account na personal, pampamilya, o pang-household ang mga layunin sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, matitingnan mo ang kasalukuyan mong patakaran sa privacy ng customer para sa Account na iyon.
11. Ang Iyong Opsyon na Matanggap ang iyong Patakaran sa Privacy ng Customer at Iba Pang Mahahalagang Disclosure sa Electronic Lang na Anyo. Maaari mong piliing makatanggap ng ilang partikular na mahahalagang patakaran at disclosure sa electronic lang na anyo para sa bawat Account na inilagay mo sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Ang mga uri ng mga patakaran at disclosure na puwede mong piliing matanggap sa electronic lang na anyo ay magdedepende sa status ng iyong Account at kung ang Account mo ba ay binuksan para sa mga personal, pampamilya, o pang-household na layunin, o kung ito ba ay binuksan para sa mga pangnegosyong layunin. Kung nagdagdag ka ng Account na personal, pampamilya, o pang-household ang mga layunin sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, maaari mong piliing tanggapin ang kasalukuyan mong patakaran sa privacy ng customer para sa Account na iyon sa electronic lang na anyo.
Kapag pinili mong makatanggap ng patakaran o disclosure sa electronic lang na anyo, magiging available ang isang larawan ng patakaran o disclosure na iyon para sa iyo pagkatapos mong mag-log in sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, at maliban na lang sa mga limitadong pagkakataon, ihihinto namin ang pagpapadala sa iyo sa mail ng naturang patakaran o disclosure. Kahit na pinili mong makatanggap ng patakaran o disclosure sa electronic lang na anyo, maaari naming ipadala sa iyo sa mail ang naturang patakaran o disclosure kung hiningi sa xxxx xxx ng batas, kung may ibang tao sa iyong Account na gustong mataggap ang naturang patakaran o disclosure sa papel na anyo, kung na-delete mo ang Account mula sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account, o kung natukoy namin sa sarili naming pagpapasya na ipadala ang naturang patakaran o disclosure sa papel na anyo.
Maaari kaming magpadala sa iyo ng mga email sa email addess mo sa Pamamahala ng Account kaugnay ng mga opsyong pinili mo para makatanggap ng mga patakaran at disclosure sa electronic lang na anyo, kabilang nang walang limitasyon ang mga sumusunod: mga kumpirmasyon tungkol sa mga opsyon mo at ang availability o paghahatid ng mga patakaran at disclosure na iyon sa electronic na anyo. Kapag napalitan o na-disable ang email address mo sa Pamamahala ng Account, aabisuhan mo xxxx xxxx sa pamamagitan ng pag-update sa email address mo sa Pamamahala ng Account sa Website. Maaari naming ipadala ang mga email na ito sa iyo, naglalaman man o hindi ang address na pinili mo ng designasyong ihahatid ito para sa isang partikular na tao, at naa-access at/o nababasa man o hindi ng iba bukod sa iyo ang mga email na ipinadala sa address. Hindi namin matitiyak na matatanggap ang mga email, kabilang nang walang limitasyon ang posibilidad na hindi maipadala ng mga serbisyo ng third party ang mga email.
Puwede naming wakasan ang opsyon mong makatanggap ng patakaran o disclosure sa electronic lang na anyo anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang mga sumusunod nang walang limitasyon: kung lalabag ka sa mga tuntunin ng iyong Account, mga Online na Serbisyo sa Account mo, o Website, kung babawiin mo ang iyong pagsang-xxxx sa Mga Online na Patakaran at Kasunduan o Pahintulot sa Mga Electronic na Komunikasyon at Kasunduan, o kung wawakasan mo o namin ang kabuuan o bahagi ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account.
Hindi nalalapat sa iyong mga statement sa pagsingil ang seksyong ito tungkol sa Iyong Opsyon na Matanggap ang iyong Patakaran sa Privacy ng Customer at Iba Pang Mahahalagang Disclosure sa Electronic Lang na Anyo. Mangyaring sumangguni sa seksyong Paghinto ng Mga Papel na Statement sa Pagsingil para sa impormasyon tungkol sa pagtanggap mo sa iyong mga statement sa pagsingil sa electronic lang na anyo.
12. Access sa Account sa Iba't Ibang Digital na Channel. Maaari mong tingnan o i-access ang iyong mga Account sa alinman sa aming mga Website o Mobile Device application (“Mga Digital na Channel” namin). Kapag nagdagdag o nag-alis ka ng Account sa isa sa aming Mga Digital na Channel, idaragdag o aalisin din ang Account na iyon sa iba pa naming Digital na Channel.
13. Pagtingin sa History ng Account mo. Maaari mong tingnan ang history ng transaksyon ng iyong Account sa lahat ng aming Digital na Channel (ang “History ng Account”). Ipapakita ng History ng Account ng isang Account ang lahat ng debit at credit na na-post sa iyong Account (tinatawag na “Transaksyon” ang bawat isa). Maaaring tumagal nang hanggang tatlong (3) araw na may pasok mula sa petsa kung kailan na-post ang isang Transaksyon bago ito lumabas sa History ng Account mo.
14. Mga Email at Text tungkol sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Maaaring hindi naka-encrypt ang mga email at text na ipapadala namin sa iyo tungkol sa iyong Account o Mga Online na Serbisyo sa Account o iba pang bagay na nauugnay sa mga produkto at serbisyong maaaring iniaalok namin.
Available sa iyo ang ilang partikular na email at text kabilang ang mga notification sa SMS text depende sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Kung available sa aming Website, maaari mong hilingin sa aming padalhan ka ng ilang partikular na opsyonal na email o text kabilang ang mga notification sa SMS text. Awtomatiko kaming magpapadala sa iyo ng iba pang mandatoryong notification sa email, kapag naaangkop, gaya ng mga email o text para i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng MFA. Kung available sa aming Website, maaari mo ring hilingin sa aming magpadala ng mga mandatoryong notification sa pamamagitan ng text kabilang ang SMS text. Hindi namin matitiyak na matatanggap ang mga email at text message, kabilang nang walang limitasyon ang posibilidad na hindi maipadala ng mga serbisyo ng third party ang mga email at text message.
Maaari kaming magpadala sa iyo ng email na naglalaman ng link ng website ng aming affiliate o partner sa negosyo. Maaaring may digital na tracking code na naka-embed sa link na iyon. Kapag na-click mo ang link, nagbibigay-daan ito sa aming ma-track ang iyong online na paggalaw at aktibidad habang nasa website ng aming affiliate o partner sa negosyo.
15. Mga Tuntunin at Kondisyon ng Pay Online.
a. Pangkalahatang Paglalarawan sa Mga Feature ng Pay Online. Ang Pay Online ay isang serbisyong available sa aming mga customer na nagparehistro para sa Mga Online na Serbisyo sa Account. Maliban na lang kung ipinaliwanag sa ibang paraan sa Mga Tuntunin at Kondisyong ito ng Pay Online, maaari mong gamitin ang Pay Online para pahintulutan ang isahang beses o nauulit na mga electronic na pagbabayad sa isa o higit pa sa iyong Mga Account. Kinikilala mo na ang pagsasagawa ng mga electronic na debit na transaksyon sa iyong bank account ay dapat na tumatalima sa mga probisyon ng batas ng Estados Unidos at sa mga patakaran ng National Automated Clearinghouse.
b. Mga Kopya ng Mga Dokumento. Sa panahong nagtatabi kami ng dokumentasyon para sa iyong Account, puwede kang humingi ng papel na kopya ng Mga Tuntunin at Kondisyong ito ng Pay Online o anumang awtorisasyon para magsagawa ng nauulit o isahang beses na pagbabayad sa pamamagitan ng pagtawag sa naaangkop na numero ng teleponong nakalista sa Seksyon 27. Ibibigay namin sa iyo ang mga kopya nang libre. Maaari mong i-print ang anumang page mula sa Pay Online o maaari kang mag-print o mag-download ng anumang electronic na abiso o komunikasyong ipinapadala namin sa iyo sa aming secure na Website Support Center kung matutugunan mo ang mga kinakailangan sa hardware, software, at iba pang kinakailangang nakasaad sa Pahintulot sa Mga Electronic na Komunikasyon at Kasunduan.
c. Pagpili sa Halaga at Petsa ng Pag-post ng Mga Pagbabayad na Nakaiskedyul Gamit ang Pay Online. Maaari kang magpahintulot ng isahang beses o nauulit na pagbabayad sa anumang halagang hindi bababa sa
$5.00 pero mas mababa sa $999,999.99, kabilang ang halagang mas malaki o mas maliit kaysa sa kabuuang buwanang bayaring dapat bayaran sa ilalim ng iyong Account; gayunpaman, kung papahintulutan mo kaming bayaran ang Kabuuang Halagang Dapat Bayaran sa iyong account, ang pagbabayad ay magiging sa ganoong halaga.
Maaari kang magtalaga ng petsa ng pag-post para sa isahang beses o nauulit na pagbabayad bago o pagkatapos ng takdang petsa ng anumang pagbabayad sa ilalim ng iyong Account; gayunpaman, hindi ka puwedeng mag-iskedyul ng isahang pagbabayad nang mahigit 60 araw na mas maaga kaysa sa takdang petsa ng pagbabayad.
Isa pa, kung maglalagay ka ng petsa ng pag-post ng pagbabayad na lampas sa aming cut off na oras na 5
p.m. Pacific Time, puwede naming baguhin ang petsa ng pag-post ng pagbabayad sa petsa ng susunod naming araw na may pasok. Aalertuhin ka namin kung ang petsang itinalaga mo ay lampas sa takdang petsa ng susunod mong buwanang takdang pagbabayad sa iyong Account.
Anuman ang halaga ng pagbabayad o petsa ng paglalapat ng bayad na iiiskedyul mo gamit ang Pay Online, responsibilidad mong sumunod sa lahat ng tuntunin at kondisyon ng iyong Account, kabilang nang walang limitasyon, ang kasunduan mong magbayad kapag takdang petsa na sa halagang hinihingi ng iyong Account. Samakatuwid, inirerekomenda namin na kapag gumagamit ng Pay Online, iiskedyul mo ang iyong mga pagbabayad sa mga halaga at sa mga petsa ng paglalapat na makakatugon sa mga obligasyon mo sa pagbabayad sa ilalim ng iyong Account. Kung hindi ka magbabayad sa takdang petsa at sa halagang hinihingi ng Account mo, ginawa man ang pagbabayad gamit ang Pay Online o anumang iba pang paraan ng pagbabayad, magkakaroon kami ng mga karapatan at remedyo na available sa ilalim ng iyong Account o kung hindi man ay available sa batas o sa equity.
d. Kakayahang Magdagdag ng Bank Account sa Pay Online. Para magamit ang Pay Online para magpahintulot ng mga electronic na pagbabayad sa iyong Account, dapat mong gamitin ang feature ng Pay Online na Add a Bank Account. Gamitin ang feature na Add a Bank Account para mag-link ng bank account sa iyong Account. Kapag nagdagdag ka ng bank account at nag-iskedyul ng isahang beses o nauulit na electronic na pagbabayad sa iyong Account mula sa bank account na iyon, pinapahintulutan mo kaming mag-debit (kumuha) ng (mga) electronic na bayad mula sa bank account na iyon alinsunod sa nakaiskedyul. Ipinapangako xxxx xxx kapangyarihan kang pahintulutan kaming i-debit ang (mga) nakaiskedyul na pagbabayad mula sa bank account na pinili mo.
e. Paunang Pagbabayad sa iyong Account at Paglalapat ng Mga Pagbabayad sa iyong Account. Nauunawaan mo na kapag nag-iskedyul ka ng isahang beses o nauulit na pagbabayad gamit ang Pay Online, ipoproseso ang pagbabayad na iyon kahit na paunang nabayaran ang iyong Account sa panahon ng pagpoproseso o kung ang pagbabayad ay magreresulta sa paunang pagbabayad sa iyong Account. Puwede kang makipag-ugnayan sa aming serbisyo sa customer sa pamamagitan ng pagtawag sa naaangkop na numero ng teleponong nakalista sa Seksyon 27 kung kailangan mo ng tulong sa pag-alam kung paano ilalapat sa iyong Account ang anumang pagbabayad kasama na ang paunang pagbabayad, at kung magiging kapaki-pakinabang ba para sa iyo ang paunang pagbabayad sa iyong Account. Maaari ka ring sumangguni sa kontrata ng iyong Account para sa mga panuntunang sumasaklaw sa kung paano nailalapat sa iyong Account ang mga pagbabayad kabilang na ang mga paunang pagbabayad.
f. Hindi Sapat na Pondo. Xxx xxxxx dapat sa naka-link na account kapag pinroseso ang electronic na pagbabayad ng Pay Online sa account na iyon. Kung pumalya ang isang nakaiskedyul na pagbabayad sa Pay Online dahil hindi sapat xxx xxxxx sa naka-link na bank account para masagot ang buong halaga ng iyong nakaiskedyul na pagbabayad, hindi mo mapapanagutan ang responsibilidad mong bayaran sa tamang panahon ang anumang halagang nakatakdang bayaran alinsunod sa mga tuntunin at kondisyon ng iyong Account.
g. AutoCheque. Ang AutoCheque ay ang aming programa ng awtorisasyon sa electronic na pagbabayad na maaari mong magamit para pahintulutan kaming awtomatikong kunin ang buwanan mong bayad sa isang Account mula sa isang itinalagang bank account. Kung pinahintulutan mo ang pagbabayad sa iyong Account gamit ang AutoCheque, maaari ka ring mag-enroll sa Pay Online at magbayad gamit ito. Mangyaring makipag-ugnayan sa xxxx xxxxx ang naaangkop na numero ng teleponong nakalista sa Seksyon 27 para sa higit pang impormasyon sa kung paano gamitin ang AutoCheque para bayaran ang iyong Account at kung paano ilalapat sa iyong Account ang mga pagbabayad, kasama na ang mga paunang pagbabayad. Maaari ka ring sumangguni sa kontrata ng iyong Account para sa mga panuntunang sumasaklaw sa kung paano nailalapat sa iyong Account ang mga pagbabayad kabilang na ang mga paunang pagbabayad.
Hindi available ang AutoCheque sa mga customer ng Toyota Credit de Puerto Rico Corp.
h. Pagwawakas o Pagbawi Mo sa Mga Serbisyo ng Pay Online. Maaari mong wakasan o bawiin ang Mga Serbisyo ng Pay Online sa pamamagitan ng pag-click sa mga nakatalagang link sa page na Mga Statement at Pagbabayad ng Pay Online xxxx sa nararapat.
(i) Pagwawakas sa lahat ng Serbisyo ng Pay Online. Para wakasan ang lahat ng Serbisyo ng Pay Online, mag-click sa link na Umalis sa Pagkaka-enroll sa seksyong Pay Online ng page ng Mga Pagbabayad.
(ii) Pagbawi sa Isahang Beses na Pagbabayad. Para wakasan ang isang isahang beses na pagbabayad, mag- click sa link na Kanselahin sa tabi ng pagbabayad na iyon sa page na Mga Pagbabayad.
(iii) Pagbawi sa Serye ng Mga Nauulit na Pagbabayad. Para wakasan ang isang serye ng mga nauulit na pagbabayad, mag-click sa link na Alisin sa tabi ng pagbabayad na iyon sa seksyong Nauulit na Pagbabayad ng page na Mga Pagbabayad.
(iv) Pagbawi sa Isang Pagbabayad na Nasa Serye ng Mga Nauulit na Pagbabayad. Para magwakas ng isang pagbabayad na nasa serye ng Mga Nauulit na Pagbabayad, mag-click sa link na Kanselahin na nasa tabi ng pagbabayad na iyon kapag lumabas ang pagbabayad na iyon sa seksyong Mga Nakaiskedyul na Online na Pagbabayad sa page na Mga Pagbabayad.
(v) Mga Nakabinbing Pagbabayad. Hindi ka pinapayagan at hindi ka papayagan ng Pay Online na pakialaman, baguhin, bawiin, o wakasan ang isang isahang beses na pagbabayad o isang pagbabayad sa serye ng mga nauulit na pagbabayad kung nakabinbin na ang pagbabayad na iyon. Ibig sabihin, kabilang ang iba pang bagay, kung winakasan namin o winakasan mo ang iyong Mga Serbisyo sa Pay Online o kung babawiin mo ang isang serye ng mga nauulit na pagbabayad, hindi babawiin o wawakasan ng pagbawi o pagwawakas na iyon ang anumang pagbabayad na nakabinbin na at pagbabawalan ka ng Pay Online na
bawiin ang anumang isahang beses na pagbabayad o isang pagbabayad sa serye ng mga nauulit na pagbabayad habang nakabinbin ang pagbabayad. Nakabinbin ang isang pagbabayad sa Petsa ng Pag-post ng pagbabayad at 2 araw sa kalendaryo bago ang Petsa ng Pag-post ng pagbabayad na iyon.
(vi) Makipag-ugnayan sa iyong Bangko. Maaaring may legal ka ring karapatang magbawi ng mga electronic na pagbabayad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa bangko kung nasaan ang naka-link na bank account. Makipag-ugnayan sa iyong bangko para malaman ang impormasyong kailangan ng bangko mo para iproseso ang iyong pagbawi at ang panahong kailangan ng iyong bangko para magproseso ng anumang pagbawi.
i. History ng Pagbabayad. Maaari kang tumingin ng hanggang dalawang (2) taon ng mga pagbabayad na ginawa mo gamit ang Pay Online sa page na History ng Pagbabayad ng Website na ito.
j. Mga bayarin sa paggamit ng Pay Online. Sa ngayon, wala kaming sisingilin sa iyong anumang buwanang bayarin o bayarin sa transaksyon sa paggamit ng Pay Online o para makatanggap ng email o text kabilang ang mga notification sa SMS text kaugnay ng mga transaksyon sa Pay Online. Aabisuhan ka namin kung magpapasya kaming maningil ng anumang bayarin para sa paggamit ng Pay Online sa hinaharap. Wala sa talatang ito ang nag-aabsuwelto sa iyo sa responsibilidad mong magbayad ng anumang halaga, bayarin, o singil na maaaring kailangan mong bayaran sa amin sa ilalim ng iyong Account. Isa pa, responsibilidad mo ring bayaran ang anumang halagang maaaring dapat mong bayaran sa ibang tao o kumpanya kaugnay ng paggamit sa Pay Online, anumang bank account na naka-link sa Pay Online, o para makatanggap ng email o text kabilang ang mga notification sa SMS text tungkol sa mga transaksyon sa Pay Online. Halimbawa, maaaring maningil ang isang bangko kaugnay ng mga electronic na bayad na ide-debit (kukunin) sa isang bank account na na-link mo sa iyong Account sa Pay Online o maaari kang singilin ng service provider ng iyong Mobile Device para sa pagtanggap ng email o text kabilang ang mga notification sa SMS text tungkol sa mga transaksyon sa Pay Online.
k. Email Address sa Pamamahala ng Account at Mga Numero ng Mobile Device. Kapag nagpadala kami sa iyo ng mga email na nauugnay sa Pay Online, ipapadala namin ang mga email na iyon sa email address na tinukoy mo sa mga record mo sa pagpaparehistro para sa Mga Online na Serbisyo sa Account (ang iyong “Email Address sa Pamamahala ng Account”). Kapag nabago o na-disable ang iyong Email Address sa Pamamahala ng Account o numero ng Mobile Device na itinalaga mong makatanggap ng mga notification sa Pay Online, aabisuhan mo xxxx xxxx sa pamamagitan ng pag-update sa iyong email address o numero ng Mobile Device sa seksyong Aking Profile at pag-update sa iyong numero ng Mobile Device sa seksyong Pagbabayad ng Website. Kung ia-update mo ang iyong Email Address sa Pamamahala ng Account o numero ng Mobile Device sa seksyong Aking Profile o kung ia-update mo ang numero ng iyong Mobile Device sa seksyong Mga Pagbabayad ng Website, mailalapat ang naturang pagbabago sa loob ng 24 na oras. Nauunawaan mo at sumasang-xxxx xx na maaari kaming magpadala ng mga email sa iyong Email Address sa Pamamahala ng Account o mga text kabilang ang mga SMS text sa numero ng iyong Mobile Device, naglalaman man o hindi ang address o numero ng Mobile Device na pinili mo ng designasyong ihahatid ito para sa isang partikular na tao, at naa-access at/o nababasa man o hindi ng iba bukod sa iyo ang mga email na ipinadala sa iyong Email Address sa Pamamahala ng Account o mga text kabilang ang mga SMS text na ipinadala sa numero ng iyong Mobile Device.
l. Mga Notification sa Email o Text. Available sa iyo bilang user ng Pay Online ang ilang partikular na email at text, kabilang ang mga notification sa SMS text. Kung available sa Website, puwede mong hilingin sa aming padalhan ka ng ilang partikular na opsyonal na email o text kabilang ang mga notification sa SMS text. Awtomatiko ka naming papadalhan ng iba pang mandatoryong notification sa email, kapag naaangkop, kabilang nang walang limitasyon kapag may pumalyang pagbabayad na naiskedyul mo gamit ang Pay Online dahil sa kawalan ng sapat na pondo o iba pang dahilan. Kung available sa aming Website, maaari mo ring hilingin sa aming magpadala ng mga mandatoryong notification sa pamamagitan ng text kabilang ang SMS text. Maaari mong italaga ang iyong Mga Kagustuhan sa email at text sa aming Website.
Hindi namin matitiyak na matatanggap ang mga email at text message, kabilang nang walang limitasyon ang posibilidad na hindi maipadala ng mga serbisyo ng third party ang mga email at text message.
16. Mga Ipinagbabawal na Gawi. Hindi mo maaaring gamitin ang Mga Online na Serbisyo sa Account mo o ang feature na Pay Online nito para sa mga sumusunod: (a) magsagawa ng anumang mapanlinlang o ilegal na aktibidad; (b) lumabag sa anumang batas, regulasyon, o iba pang legal na awtoridad; (b) lumabag sa patent, trademark, service mark, copyright, o iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari namin o ng sinumang tao o kumpanya; (c) lumabag sa iba pa naming karapatan sa pag-aari o privacy o ng sinumang iba pang tao o kumpanya; (d) mangialam o walang pahintulot na mag-access sa mga computer system namin o ng sinumang iba pang tao o kumpanya; (e) gayahin ang pagkakakilanlan namin o ng sinumang iba pang tao o kumpanya.
17. Katumpakan ng Impormasyon. Kinakatawan mo at sumasang-xxxx xx na totoo, tama, at kumpleto ang lahat ng impormasyong ibinigay mo sa amin kaugnay ng iyong Account o ng Mga Online na Serbisyo sa Account mo at feature na Pay Online nito. Sumasang-xxxx xxxx hindi manlinlang (hindi magsinungaling) tungkol sa iyong pagkakakilanlan o sa karapatan mong tingnan ang mga statement sa pagsingil at iba pang impormasyon ng Account, o mag-iskedyul ng electronic na pagbabayad gamit ang Pay Online.
18. Mga Kahilingan sa Pagbabago ng Takdang Petsa. Puwede kang humiling na baguhin ang takdang petsa ng buwanang pagbabayad na hinihingi sa iyo sa iyong kasunduan sa lease o pinansyal na kontrata. Hindi mapoproseso ang isang pagbabago ng takdang petsa kung past due na o lampas na sa takdang petsa ng pagbabayad ang iyong account, kung may lease ka na malapit na sa maturity, o kung hindi mo pa naisasagawa ang unang pagbabayad na hinihingi ng iyong kasunduan sa lease o pinansyal na kontrata. Kung nili-lease mo ang iyong sasakyan at ang kasalukuyan mong takdang petsa ay nasa loob ng 17 araw pagkatapos ng kahilingan mo, ikokonsidera ang kahilingan mo sa kasunod na buwan. Maaari mong hilinging baguhin ang takdang petsa sa kabuuan ng hindi lalampas sa 29 na araw sa panahon ng iyong kasunduan sa lease o pinansyal na kontrata. Hindi ka maaaring magsumite ng mahigit sa isang kahilingan sa pagbabago ng takdang petsa nang sabay para sa parehong account. Hindi ilalapat ang pagbabago sa iyong
takdang petsa hangga’t hindi natatanggap ng TMCC ang nasagutan at nalagdaan mong Kasunduan sa Pagbabago ng Takdang Petsa, kasama ang anumang kinakailangang pagbabayad, at hangga’t hindi ka nito inaabisuhang naaprubahan at naproseso na ang iyong kahilingan. Dapat kang magbayad xxxx sa
kasalukuyang takdang petsa hangga’t hindi mo natatanggap ang abiso mula sa TMCC na nailapat na ang bago mong takdang petsa. Ilalapat ang lahat ng tuntunin sa iyong Kasunduan sa Pagbabago ng Takdang Petsa.
19. Protektahan ang Iyong Impormasyong Nagbibigay ng Personal na Pagkakakilanlan. Dapat mong
ilihim ang Password ng Mga Online na Serbisyo sa Account mo (iyong “Password”), ang mga panseguridad na tanong at sagot (“Mga Panseguridad na Tanong” mo), at anumang Verification Code na maaari mong matanggap sa amin para i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng MFA. Nauunawaan mo na kapag may ibang maka-access sa iyong Mobile Device, maaaring ma-access ng taong iyon ang Mga Komunikasyong maaari naming ipadala sa iyo na posibleng magamit kasama ng Password mo para ma- access ang iyong Account. Sasabihin mo agad sa xxxx xxxx sa tingin mo ay nagamit nang walang pahintulot ang iyong Password, Mga Panseguridad na Tanong mo, iyong Verification Code, Account o Mga Online na Serbisyo sa Account mo, o ang feature na Pay Online nito. Pakisabi sa amin sa pamamagitan ng pagtawag sa naaangkop na numero ng teleponong nakalista sa Seksyon 27. Hindi kami mananagot para sa anumang pagkawala o pinsalang maaaring matamo mo dahil sa paggamit ng ibang tao sa iyong Password, Mga Panseguridad na Tanong, o Verification Code, may pahintulot mo man ito o wala, alam mo man ito o hindi. Kung ibibigay mo ang iyong Password, Mga Panseguridad na Tanong, o Verification Code sa iba o kung papayagan mo ang iba na gamitin ang iyong Account o Mga Online na Serbisyo sa Account o ang Pay Online na feature nito, ikaw ang mananagot sa lahat ng aksyong gagawin ng taong iyon, kabilang nang walang limitasyon ang pag-iskedyul ng anumang pagbabayad, o pag-update o pag-aalis ng anumang pagbabayad na nakaiskedyul sa iyong Account, kahit na wala kang pahintulot sa taong iyon.
20. Pagpapahinto sa Mga Feature ng Mga Online na Serbisyo sa Account at Mga Pagbabago sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account. Hindi maaaring baguhin ang Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account at wala kaming ipinapaubayang alinman sa aming mga karapatan sa ilalim ng Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account maliban na lang kung sasang-xxxx xxxx nang pasulat, tatanggapin mo ang pagbabago sa Website, o ipagpapatuloy mo ang paggamit sa Mga Online na Serbisyo sa Account pagkatapos kang abisuhan tungkol sa anumang pagbabago. Maaari kaming huminto sa pag-aalok ng anumang feature ng Mga Online na Serbisyo sa Account o maaari naming baguhin ang Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account o anumang feature ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account anumang oras. Puwedeng mangyari ang isang pagbabago sa anyo ng pagdaragdag o pagtatanggal. Aabisuhan ka namin tungkol sa anumang pagbabago sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account o sa anumang feature ng Mga Online na Serbisyo sa Account, o tungkol sa plano naming ihinto ang pag- aalok ng feature ng Mga Online na Serbisyo sa Account. Aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng isa o higit pa sa mga sumusunod na paraan sa sarili naming pagpapasya: ipo-prompt ka naming tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-click bilang isang kondisyon para patuloy mong magamit ang Website at/o iyong Mga Online na Serbisyo sa Account; magpapadala kami ng abiso tungkol sa pagbabago o pagpapahinto sa mailing address na nasa iyong Account o sa iyong email address na nasa Pamamahala ng Account; at/o magpo-post kami ng abiso ng pagbabago sa aming Website sa loob ng 30 araw sa kalendaryo. Kung gagamitin mo ang iyong Mga Online na Serbisyo sa Account pagkalampas ng petsa ng paglalapat ng pagbabago o pagpapahinto, o kung magki-click ka para tanggapin ang pagbabago o pagpapahinto, isinasaad mo ang pagsang-xxxx mo sa pagbabago o pagpapahinto.
21. Pagwawakas namin sa iyong Mga Online na Serbisyo sa Account. Maaari naming wakasan o suspindihin ang iyong paggamit sa alinman o sa lahat ng aming Mga Online na Serbisyo sa Account kabilang ang Pay Online anumang xxxx, xxx dahilan man o wala, nang hindi nag-aabiso sa iyo.
22. Iba Pang Kasunduan Mo sa Amin. Hindi babaguhin ng Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account ang anuman sa mga tuntunin at kondisyon ng iyong Account. Kung sasalungatin ng Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account ang alinman sa mga tuntunin ng iyong Account, mananaig ang mga tuntunin ng iyong Account.
23. Pagbabayad-danyos. Sumasang-xxxx xxxx bayaran ng danyos at iabsuwelto kami at ang aming mga ahente, opisyal, empleyado, affiliate, at partner sa negosyo mula sa anuman at lahat ng habol, pananagutan, danyos, bayarin, at gastusin (kabilang nang walang limitasyon, ang mga makatuwirang bayad sa abogado at gastos) na direkta o hindi direktang dulot o resulta ng paggamit mo ng iyong Account o ng Mga Online na Serbisyo sa Account mo, kabilang ang Pay Online, o paglabag mo sa Mga Online na Patakaran at Kasunduan. Kapag xxxxxx-xxxx xxxx bayaran ng danyos o iabsuwelto ang ibang tao o kumpanya, sumasang-xxxx xxxx protektahan, depensahan, at bayaran sila ng partikular na halaga. Hindi mo magiging responsibilidad na bayaran kami ng danyos o iabsuwelto xxxx xxxx sa anumang habol, pananagutan, danyos, gastusin, o bayarin na eksklusibong dulot o resulta ng sinasadyang kapabayaan o maling gawi namin, ng aming mga ahente, opisyal, empleyado, affiliate, o partner sa negosyo.
24. DISCLAIMER NG MGA WARRANTY. DINI-DISCLAIM NAMIN ANG LAHAT NG URI NG WARRANTY TUNGKOL SA IYONG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT AT PAY ONLINE NA FEATURE NITO AT IMPORMASYONG IBINIGAY O IBIBIGAY SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYONG ITO, HAYAGAN MAN O IPINAHIWATIG, KABILANG ANG MGA SUMUSUNOD PERO HINDI LIMITADO SA MGA ITO: MGA IPINAHIWATIG NA WARRANTY NG PAGIGING NABEBENTA, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, AT HINDI PAGLABAG. HINDI NAMIN GINAGARANTIYA O IPINAPANGAKO NA ANG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT MO O ANG PAY ONLINE NA FEATURE NITO AY HINDI MAAANTALA, NASA ORAS, SECURE, O WALANG PAGKAKAMALI O ERROR.
25. LIMITASYON NG PANANAGUTAN. SUMASANG-XXXX XXXX HINDI KAMI MANANAGOT PARA SA MGA SUMUSUNOD: ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, INSIDENTAL, ESPESYAL, KINAHIHINATNAN, O HUWARANG DANYOS NA DIREKTA O HINDI DIREKTANG
DULOT O RESULTA NG MGA SUMUSUNOD, KAHIT NA NAPAYUHAN KAMI TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG MGA NATURANG DANYOS (a) ANG PAGGAMIT SA IYONG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT O PAY ONLINE NA FEATURE NITO; (b) ANG PAGPALYA, PAGKAANTALA, O PAGIGING AVAILABLE NG IYONG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT O PAY ONLINE NA FEATURE NITO; (c) ANG PAGIGING NAPAPANAHON, KATUMPAKAN, PAGIGING KUMPLETO, MALING PAGBIBIGAY, O HINDI PAGBIBIGAY NG ANUMANG SERBISYO O IMPORMASYON, KABILANG ANG MGA EMAIL, NA AVAILABLE O GAGAWING AVAILABLE O INIHAHATID GAMIT ANG O BILANG BAHAGI NG IYONG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT O PAY ONLINE NA FEATURE NITO; (d) ANG HINDI PINAPAHINTULUTANG ACCESS O PAGBABAGO SA ANUMANG IMPORMASYON, ABISO, O IBA PANG KOMUNIKASYONG TUNGKOL SA O KAUGNAY NG IYONG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT O PAY ONLINE NA FEATURE NITO; (e) ANUMANG IBA PANG USAPING NAUUGNAY SA IYONG MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT O PAY ONLINE NA FEATURE NITO.
26. Pagpapatupad. Kung walang bisa ang alinman sa mga bahagi ng Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account o Pahintulot sa Mga Electronic na Komunikasyon at Kasunduan, sa abot ng makakaya, bibigyang- kahulugan ang bahaging iyon alinsunod sa layunin mo at namin at mananatiling may bisa ang iba pang bahagi ng Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account at Pahintulot sa Mga Electronic na Komunikasyon at Kasunduan. KUNG BAWAL SA TINITIRAHAN MONG ESTADO ANG LIMITASYON NG PANANAGUTAN PARA SA MGA KINAHIHINATNAN O INSIDENTAL NA DANYOS O MGA DISCLAIMER SA ILANG PARTIKULAR NA WARRANTY NA INILALARAWAN SA KASUNDUANG ITO SA MGA ONLINE NA SERBISYO SA ACCOUNT, HINDI MALALAPAT SA IYO ANG LAHAT O ANG BAHAGI NG MGA SEKSYONG IYON.
27. Makipag-ugnayan sa amin. Puwede kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono sa mga sumusunod na numero: 0-000-000-0000 (Toyota Financial Services), 0-000-000-0000 (Lexus Financial Services), 0-000-000-0000 (Mazda Financial Services), 0-000-000-0000 (Toyota Motor Insurance Services, Inc.) o 0-000-000-0000 (Toyota Credit de Puerto Rico Corp.).
Online na Patakaran sa Privacy (nalalapat sa lahat ng user ng Website)
Saklaw ng “Online na Patakaran sa Privacy” na ito ang mga online at mobile na bersyon ng mga website ng Mga Pinansyal na Serbisyo na hatid ng Toyota Motor Credit Corporation at anumang interactive na feature, mobile device application, o iba pang serbisyong nagpo-post ng link sa Online na Patakaran sa Privacy na ito (tinatawag na “Website” ang bawat isa). Nangangahulugan ang “Mga Pinansyal na Serbisyo” bilang Toyota Motor Credit Corporation (“TMCC”), mga pangalan ng brand ng TMCC, at mga lisensyadong pangalan na ginagamit para magbenta ng mga produkto ng mga pinansyal na serbisyo, Toyota Motor Insurance Services, Inc., Toyota Lease Trust, o Toyota Credit de Puerto Rico Corp. at/o ang mga kaukulang subsidiary at assignee ng mga ito depende sa pagkakakilanlan ng iyong creditor, lessor, o provider ng produkto (“kami,” “namin” o “amin” kung sama-sama). Bilang karagdagan, nangangahulugan ang “ikaw” at “iyo” bilang mga customer na may Mga Account (alinsunod sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account) at mga bisita/user ng Website. Inilalarawan ng Online na Patakaran sa Privacy na ito ang mga impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo sa mga pagbisita sa Website, bakit namin kinokolekta ang mga ito, at sa aling mga pagkakataon namin ito maaaring ibahagi sa mga third party.
1. Aktibidad sa Internet o Pangkalahatang Pag-browse. Maaari mong bisitahin ang Website para magbasa tungkol sa produkto, investment, at impormasyon ng kumpanya, o para gamitin ang ilan sa aming mga online na tool nang hindi sinasabi sa xxxx xxxx sino ka o nang hindi nagsusumite ng anumang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan. Kung gagawin mo ang mga xxx, xxxx o ang aming mga service provider ay maaaring awtomatikong mangolekta at mag-store ng istatistikal na impormasyon sa isang pseudonymized na batayan kaugnay ng aktibidad sa internet o iba pang aktibidad sa electronic na network kapag bumisita ka o nakipag-interaksyon sa aming Website, gaya ng impormasyon tungkol sa oras at tagal ng pagbisita mo, website na huli mong binisita, mga page na hiniling mo, petsa at
oras ng mga kahilingang iyon, at pangalan ng iyong Internet Service Provider (“ISP”) (“Impormasyon sa Paggamit”).
Maaari kaming gumamit ng iba't ibang paraan at teknolohiya para mag-store o mangolekta ng Impormasyon sa Paggamit (“Mga Teknolohiya sa Pagsubaybay”). Sa tuwing bibisitahin mo ang aming Website, maaaring itakda, baguhin, palitan, o ibahin ng Mga Teknolohiyang ito sa Pagsubaybay ang mga setting o configuration sa iyong personal computer, laptop, tablet, mobile phone, o iba pang device (tinatawag ang bawat isa bilang “Device”) na ginagamit para i-access ang aming Website. Ang ilan sa mga Teknolohiya sa Pagsubaybay na ginagamit sa Website ang mga sumusunod (at ang mga kasunod na teknolohiya at paraang na-develop kalaunan), pero hindi ito limitado sa mga ito:
(a) Mga Cookie. Ang cookie ay isang file na inilalagay sa isang Device para natatanging matukoy ang iyong browser o para mag-store ng impormasyon sa iyong Device. Maaaring gumamit ang aming Website ng mga HTTP cookie, HTML5 cookie, Flash cookie at iba pang uri ng cookie para mag- store ng impormasyon sa lokal na storage. Karaniwan na sa industriya ang paggamit ng mga cookie at makikita mong ginagamit ang mga ito ng karamihan sa mga website. Inisyal na naka-set up ang karamihan sa mga browser na tumanggap ng mga cookie. Kung gusto mo, puwede mong itakda ang iyong browser na tumanggi sa mga cookie o alertuhin ka kapag may mga ipinapadalang cookie. Gayunpaman, kung gagawin mo ito, maaaring hindi gumana nang maayos para sa iyo ang ilang bahagi ng Website.
Gumagamit din kami ng mga cookie para mag-trigger ng ilang partikular na online na survey tungkol sa serbisyo sa customer, na puwedeng naka-host sa isang site maliban sa Website na ito. Opsyonal ang mga survey na ito at hindi mo kailangang magbigay ng personal na impormasyon dito. Ginagamit namin ang impormasyong nakukuha namin sa mga online na survey na ito para mas mapahusay ang aming Website para sa mas magandang karanasan ng user at para mas mapahusay ang aming mga produkto o serbisyo o ang kalidad ng aming mga serbisyo sa aming mga customer.
(b) Mga Clear Gif. Ang mga clear gif ay maliliit na graphics na may natatanging identifier (na posibleng hindi mo nakikita), may function ito na katulad ng sa mga cookie, at ginagamit ang mga ito para subaybayan ang mga online na galaw ng mga Web user. Hindi katulad ng mga cookie, na sino-store sa hard drive ng computer ng user, naka-embed ang mga clear gif sa paraang hindi nakikita sa mga Web page (o mga komunikasyon) at halos kasinglaki ito ng tuldok sa dulo ng pangungusap na ito. Nakakatulong sa amin ang mga clear gif na ito na mas mapamahalaan ang content sa Website sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa xxxx xxxx anong content ang epektibo.
(c) Mga Naka-embed na Script. Ang naka-embed na script ay isang programming code na idinisenyo para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong mga interaksyon sa Website, gaya ng mga link na kini-click mo;
(d) ETag, o entity tag. Ang Etag o entity tag ay isang feature ng cache sa mga browser. Isa itong opaque identifier na itinatalaga ng web server sa isang partikular na bersyon ng resource na matatagpuan sa isang URL;
(e) Browser Fingerprinting. Pangongolekta at pagsusuri ng impormasyon mula sa iyong Device, gaya ng mga sumusunod pero hindi limitado sa mga ito: ang iyong operating system, mga plug-in, mga system font, at iba pang data, para sa mga layunin ng pagtukoy; at
(f) Mga Teknolohiya sa Pagkilala. Mga teknolohiya, kabilang ang paglalapat ng istatistikal na probability sa mga data set, na sumusubok sa pagkilala o paggawa ng mga palagay tungkol sa mga user at device hal., na ang user ng iba’t ibang device ay ang iisang user.
2. Mga Log File. Gaya ng karamihan sa mga website, awtomatiko kaming nangangalap ng mga impormasyon at sino-store namin ito sa mga log file. Kabilang sa impormasyong ito ang mga IP address, uri ng browser, (ISP, mga referring/exit page, operating system, date/time stamp, at clickstream data. Ginagamit namin ang
mga impormasyong ito para sumuri ng mga trend, para pangasiwaan ang Website, para subaybayan ang mga galaw ng mga user sa Website, at para mas mapaganda ang paggamit sa aming Website.
3. Mga Feature ng Social Media. Maaaring naglalaman ang aming Website ng mga link ng iba’t ibang social media na serbisyo, gaya ng Facebook, at Twitter, atbp. Maaaring kinokolekta ng mga feature na ito ang iyong IP address, aling page ang binibisita mo sa aming site, at maaaring magtakda ang mga ito ng cookie para i-enable ang wastong paggana ng feature. Hino-host ng mga third party ang mga feature na ito. Ang mga interaksyon mo sa mga feature na ito ay saklaw ng patakaran sa privacy ng kumpanyang naghahatid nito.
4. Do Not Track. May feature na “do not track” ang ilang internet browser. Kapag na-enable ito, nagpapadala ng signal ang iyong browser sa mga site na binibisita mo na nag-uutos sa mga site na huwag subaybayan ang iyong aktibidad. Hindi pa nagkakasundo ang lahat sa kung paano tutugon sa mga signal na ito. Kaya naman kasalukuyang hindi tumutugon sa mga “do not track” na signal ang aming Mga Website. Kung ayaw mong masubaybayan, maaaring malimitahan ng pag-disable o pag-delete sa mga cookie ang ilang anyo ng pagsubaybay. Ang pag-disable o pag-delete sa mga cookie ay maaaring makaapekto sa karanasan mo bilang user sa aming Mga Website, kabilang ang paghadlang sa paggamit sa ilang partikular na feature o function.
Gaya ng nakasaad sa ibang bahagi ng Online na Patakaran sa Privacy na ito, maaari naming subaybayan at ng aming mga service provider ang iyong aktibidad sa aming Mga Website. Maaari din naming subaybayan ang website o application kung nasaan ka bago pumasok sa aming Mga Website at ang website o application na pinuntahan mo pagkaalis mo sa aming Mga Website.
5. Mobile Device at Access sa Network. Kung gagamitin mo ang aming mobile application, kailangan naming i-access ang iyong Mobile Device o Network ng Mobile Device para sa ilan sa mga feature ng aming application. Halimbawa, para magdagdag ng paalala ng pagbabayad sa native calendar sa iyong Mobile Device, dapat naming i-access ang calendar para maidagdag ang paalala. Isa pa, para magamit ang QR code scanner na feature ng Application, dapat naming i-access ang iyong camera para ma-activate ang scanner. Ganito rin ang mangyayari kung papayagan mo ang fingerprint authentication o facial recognition para sa authentication; gayunpaman, sa Mobile Device mo lang iso-store ang anumang impormasyong nauugnay sa fingerprint authentication o facial recognition. Hindi namin kokolektahin o iso-store ang impormasyong ito.
6. Pangongolekta at Paghahayag ng Impormasyong Nagbibigay ng Personal na Pagkakakilanlan.
a. Data ng Serbisyo o Promosyon. May mga pagkakataon kung saan humihingi kami ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan para makapagbigay ng serbisyo o komunikasyon (hal., mga promosyon at naka-mail na brochure) sa mga bisita ng Website. Ang mga impormasyong ito, gaya ng pangalan, mailing address, email address, account number, xxxxxx apat na numero ng iyong Social Security number, o uri ng kahilingan, ay kinokolekta at sino-store sa paraang naaangkop sa katangian ng data at ginagamit ang mga ito para tugunan ang iyong kahilingan. Kung customer ka namin, maaaring ibahagi ang impormasyon alinsunod sa mga inilalarawan sa ibaba.
b. Data ng Online na Aplikasyon para sa Credit at Mga Online na Serbisyo sa Account. Kapag nagsumite ka sa amin ng online na aplikasyon para sa credit o kapag nag-access ka ng iyong Mga Online na Serbisyo sa Account alinsunod sa nakasaad sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account, kinokolekta namin ang mga sumusunod na uri ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa iyo:
(i) Mga impormasyong kailangan para makapagparehistro at makapag-log in ka sa Mga Online na Serbisyo sa Account mo, gaya ng iyong Account number, email address, vehicle identification number (“VIN”),
Social Security Number, at zip code; at
(ii) Mga impormasyong natatanggap namin mula sa iyo sa mga aplikasyon para sa credit o iba pang form, gaya ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, mga asset at kita; at
(iii) Mga impormasyong natatanggap namin mula sa iyo tungkol sa iyong mga transaksyon sa amin, o mula sa mga affiliate o (kung pinapahintulutan ng batas) iba pa gaya ng mga balanse sa account, aktibidad sa account, history ng pagbili at pagbabayad; at
(iv) Impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa iyo na kailangan para i-link ang iyong Mga Online na Serbisyo sa Account sa online na account mo sa isang affiliate kapag pinili mong i-link ang mga online na account na iyon. Kung bumili ka ng (mga) produktong pamprotekta sa sasakyan mula sa aming affiliate na Toyota Motor Insurance Services, Inc. (“TMIS”), bibigyan ka namin ng opsyong mag-link ng mga kwalipikadong produkto kung papayag ka, para lumabas ang mga ito kapag nag-log in ka sa iyong online account sa pamamagitan ng website o mobile application. Ipapakita lang namin ang mga pamprotektang produkto kung saan ka aktibong naka-enroll.
Kung hindi ka customer, hindi kami naghahayag ng mga impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa iyo mula sa iyong aplikasyon para sa credit o anumang ahensya para sa credit reporting, kabilang ang iyong Social Security Number, maliban na lang kung pinapahintulutan ng batas. Kung isa kang customer, hindi kami naghahayag ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa iyo mula sa iyong aplikasyon para sa credit o anumang ahensya para sa credit reporting, kabilang ang iyong Social Security Number, maliban na lang kung pinapahintulutan ng batas at ng nalalapat naming patakaran sa privacy ng customer.
Kapag nagsumite ka ng online na aplikasyon para sa credit, kung na-enable mo ang mga serbisyo ng lokasyon sa iyong mobile device, at pagkatapos makuha ang pahintulot mo, maaari kaming mangolekta ng impormasyon ng lokasyon gaya ng data ng geolocation mula sa iyong device.
c. Data ng Customer. Kung customer ka namin, maaari naming ihayag ang lahat ng impormasyong kinokolekta namin sa iyo at sa mga dating customer alinsunod sa inilalarawan sa ibaba.
Kung pinapahintulutan ng batas at alinsunod sa anumang nalalapat na Patakaran sa Privacy ng customer ng TMCC, ang kinokolekta naming impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa iyo ay maaaring ibahagi sa aming mga affiliate at hindi affiliate na third party gaya ng mga sumusunod:
(i) Mga service provider ng mga pinansyal na produkto, gaya ng Toyota Motor Insurance Services, Inc. at Toyota Financial Savings Bank.
(ii) Mga hindi pinansyal na kumpanyang may kinalaman sa distribusyon, marketing, at sales ng mga sasakyan, gaya ng Toyota Motor Sales U.S.A., Inc., mga awtorisadong dealership ng Toyota at Lexus at iba pang dealership kung saan kami may ugnayang pangnegosyo, mga independent na Toyota at Lexus dealership marketing association, mga pribadong Toyota distributor, mga hindi affiliate na third party na tumatawag sa amin para sa impormasyon tungkol sa iyong Account alinsunod sa nakasaad sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo sa Account, at mga hindi affiliate na third party na puwedeng ibenta ang iyong data nang sama-sama para sa mga layunin ng marketing ng sasakyan.
(iii) Mga kumpanyang nagsasagawa ng mga serbisyo sa marketing para sa amin o iba pang pinansyal na institusyon kung saan kami may mga joint na kasunduan sa marketing.
d. Walang Bentahan ng Data. Hindi namin ibinebenta ang iyong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, customer ka man namin o hindi.
e. Paghahayag na Hinihingi ng Batas. Ibabahagi namin ang data na makokolekta namin mula sa iyo o tungkol sa iyo kung hihingiin ng batas, gaya ng para makasunod sa isang subpoena, o katulad na legal na proseso kung saan may magandang loob kaming paniniwala na kinakailangan at wasto ang paghahayag.
f. Data ng Device. Kinokolekta namin ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa iyong Device na ginagamit para i-access ang Website: platform ng device, bersyon ng device, IP address ng device, at iba pang katangian ng device kabilang ang mga pinili mong setting gaya ng Wi-Fi, Bluetooth, Global
Positioning System (“GPS”). Ginagamit namin ang data na nakokolekta namin tungkol sa iyong Device para makatulong sa pag-authenticate kapag nag-log in ka, para matiyak na magagamit mo ang Website sa
paraang inaasahan, para magsagawa ng pagsusuri sa trapiko sa web sa isang aggregated o pinagsama- samang batayan, at para mas epektibong iruta ang trapiko. Kung pipiliin mong magsumite ng online na aplikasyon para sa credit sa aming website, maaari naming kolektahin ang iyong geolocation kung payag ka at kung naka-enable ito sa Device mo.
g. Mga alok sa Marketing na Inihahatid sa Website. Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Website. Habang nasa Website ka, maaari kaming maghatid ng mga alok na produkto at serbisyo sa iyo batay sa impormasyong ito sa aktibidad sa website at pagkatapos mong mag-log in sa Website, batay na rin sa history ng account mo o iba pang karanasan sa amin o sa aming mga affiliate.
7. Access sa Impormasyon ng Iyong Account sa Mga Website at Mobile Device Application ng Third Party. Maaari kaming mag-alok sa mga dealer, sa aming mga affiliate, at sa mga hindi affiliate na kumpanya kung saan kami may ugnayang pangnegosyo, ng kakayahang bigyan ka ng secure na access sa impormasyon ng iyong Account sa kani-kanilang website at mobile device application (“Access ng Site ng Third Party”). Hindi kasama sa Access ng Site ng Third Party ang pagbabahagi namin ng impormasyon ng iyong Account sa aming mga dealer at affiliate.
8. Maaari kang Humingi ng Kopya ng aming Patakaran sa Privacy ng Customer. Patuloy kaming nagsusumikap na sumunod sa lahat ng naaangkop na pederal at pang-estadong batas sa privacy. Mag-iiba- iba ang aming Patakaran sa Privacy ng Customer depende sa estado at iba pang nalalapat na lokalidad. Kung customer ka namin sa finance o lease, maaari kang humingi ng kopya ng anumang Patakaran sa Privacy ng Customer na nalalapat sa iyo sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa 0-000-000-0000. Ang mga customer namin para sa produktong pamprotekta sa sasakyan ay maaaring humingi ng kopya ng anumang nalalapat na Patakaran sa Privacy ng Customer sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa 1-800- 255-8713.
9. Mga Opsyon Mo sa Privacy. Kung isa kang customer ng finance o lease ng TMCC, maaaring xxx xxxxx partikular kang opsyon sa privacy sa ilalim ng mga nalalapat na pederal at pang-estadong batas. Para matuto pa tungkol sa mga opsyon mo sa privacy, kung mayroon man, sumangguni sa anumang Patakaran sa Privacy ng Customer na ipinadala sa iyo sa mail, o suriin ang tab na Aking Privacy sa ilalim ng seksyong Aking Profile ng Website, o tawagan kami sa 0-000-000-0000. Isa pa, kung residente ka ng California, maaaring may mga karagdagan kang karapatan sa ilalim ng batas ng California. Kaya naman pakitingnan ang seksyon 16.
10. Mga Pampromosyong Email at Text. Kung gusto mong mag-unsubscribe sa anumang pampromosyong email o text kabilang ang SMS text na maaari naming ipadala sa iyo, mangyaring sundin ang mga tagubilin sa pag-unsubscribe na nasa mga ganoong komunikasyon. Maaari din kaming magpadala sa iyo ng mga anunsyong nauugnay sa serbisyo. Halimbawa, kung pansamantalang suspindido ang aming serbisyo dahil sa maintenance, maaari kaming magpadala sa iyo ng email o text kabilang ang SMS text. Sa pangkalahatan, hindi ka maaaring mag-opt-out sa mga komunikasyong ito, na hindi pampromosyon ang katangian.
11. Katumpakan ng Iyong Impormasyon. May karapatan kang i-access ang iyong personal na impormasyon at baguhin o i-update ang mga hindi tama o hindi kumpletong personal na impormasyon, humiling ng pag- delete ng personal mong impormasyon, o humiling na huwag na namin itong gamitin. Puwede kang makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong mga karapatan gamit ang naaangkop na numero ng teleponong nakalista sa Seksyon 19. Sa ilang pagkakataon, maaaring hindi namin ma-delete ang impormasyon mo na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, sa ganitong pagkakataon, ipapaalam namin kung hindi namin ito made-delete at kung bakit. Tutugon kami sa iyong kahilingan ng pag-access sa loob ng 30 araw.
12. Pagiging Kumpidensyal, Seguridad, at Pagpapanatili ng Data. Nililimitahan namin ang access sa hindi pampublikong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa iyo, kabilang ang iyong social security number, sa mga empleyado at iba pang taong na-hire namin na kailangang makaalam sa impormasyon para makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa iyo at para maserbisyuhan ang (mga) account mo sa amin. Nagpapanatili kami ng mga pisikal, aktwal, at pamprosesong pag-iingat na
nakakasunod sa mga naaangkop na pederal na pamantayan para protektahan ang iyong mga hindi pampublikong impormasyon na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan.
Kung pipiliin mong sagutan at isumite ang aming Online na Aplikasyon para sa Credit, o i-access ang iyong Mga Online na Serbisyo sa Account sa pamamagitan ng aming Mga Website, poprotektahan ng proseso ng pag-encrypt ang mga impormasyon mong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan.
Puwede mong personal na kumpirmahin ang seguridad ng site sa pamamagitan ng pagtingin sa impormasyon tungkol sa aming certification. Para sa mga user ng Internet Explorer, makikita ito sa pamamagitan ng pag-click sa “File” mula sa iyong tool, at pagkatapos ay “Properties,” pagkatapos ay “Certificates.” Nakasaad dapat dito na naibigay ang certificate sa xx.xxxxxxxxxxxxxxx.xxx at ibinigay dapat ito ng VeriSign Class 3 Secure Server. Para sa mga user ng Firefox, matitingnan ang mga certificate sa pamamagitan ng pag-click sa lock icon sa kanang sulok sa ibaba ng browser.
Papanatilihin namin ang iyong impormasyon alinsunod sa mga patakaran namin sa pagpapanatili ng data kabilang ang para sa mga layunin ng pagseserbisyo ng iyong mga ugnayan sa amin, kung mayroon man, at para sa mga internal na pagsusuri.
13. Tulong para sa Mga Biktima ng Theft. Kung naniniwala kang na-access nang walang pahintulot ang iyong Account, pakitawagan xxxx xxxx sa naaangkop na numerong nakalista sa Seksyon 19. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong lokal na ahensyang tagapagpatupad ng batas o maghain ng reklamo sa Federal Trade Commission sa xxxx://xxx.xxx.xxx.
14. Patakaran sa Pagprotekta sa Mga Social Security Number. Nakatuon kami sa pagpapanatiling kumpidensyal ang mga Social Security number na kinokolekta namin at nagpapatupad kami ng patakaran sa proteksyon sa privacy kaugnay ng pangongolekta at pagpoproseso ng mga Social Security number sa pamamagitan ng Website. Kinokolekta namin ang mga Social Security Number ng mga aplikante namin para sa retail na installment na pagbili at lease, mga customer, at mga investor ng TMCC para lang sa mga layuning pangnegosyo, kabilang ang pagpoproseso ng mga dokumento para sa financing ng pagbili at lease, alinsunod sa mga naaangkop na pederal at pang-estadong batas. Mahigpit na ipinagbabawal ang labag sa batas na paghahayag ng mga Social Security number, at ipinagbabawal din ang pagpapakita ng mga Social Security Number. Limitado ang access sa mga Social Security number sa mga empleyado at third party na kailangang malaman at ma-access ang impormasyon dahil sa kanilang trabaho para makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa iyo o para maserbisyuhan ang iyong account sa amin.
15. Privacy ng Mga Bata. Hindi para sa mga batang wala pang labintatlong taong gulang (13) ang Mga Website at Mobile Device application, at hindi rin namin mina-market ang aming mga produkto o serbisyo sa mga batang ito. Hindi namin sinasadya ang pangongolekta ng anumang data mula sa mga batang wala pang edad 13. Hindi available ang aming mga produkto at serbisyo sa sinumang wala pa sa hustong gulang para lumagda ng isang kontratang ganap na naipapatupad. Sa karamihan ng mga estado, 18 taong gulang dapat pataas ang isang tao para makalagda ng isang kontratang ganap na naipapatupad.
16. ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PRIVACY SA CALIFORNIA. Nalalapat ang seksyong ito sa sinumang residente ng California na nakolektahan namin ng personal na impormasyon mula sa anumang source, kabilang ang paggamit mo sa (mga) Website, pagbili ng aming mga produkto o serbisyo, o pakikipag-ugnayan sa amin sa paraang electronic, pasulat, o personal.
Bilang isang kumpanyang nagbibigay ng mga pinansyal na serbisyo, inilalapat ng TMCC ang mga proteksyon sa privacy at seguridad sa iyong mga personal na impormasyon alinsunod sa kinakailangan ng pederal na batas ng US. Dahil dito, ang ilang partikular na impormasyong maaaring makolekta at maproseso namin tungkol sa iyo para maihatid ang aming mga pinansyal na produkto at serbisyo ay hindi saklaw ng California Consumer Privacy Act (“CCPA”). Para mas mapaigting pa ang pagtuon namin sa transparency sa consumer at privacy para sa mga pinapahalagahan naming customer, ibibigay namin ang mga detalye tungkol sa mga source, paggamit, at mga katulad na detalye ng personal na impormasyong maaari naming maproseso tungkol sa iyo.
Gayunpaman, pakitandaang ang desisyon naming ibigay sa iyo ang mga ganitong impormasyon ay boluntaryo lamang at hindi nito ipinapahiwatig na ginagawa ito ng TMCC dahil kailangan itong gawin sa ilalim ng CCPA o ng anumang iba pang legal na obligasyon. Ibig sabihin, nakalaan sa TMCC ang karapatan, sa sarili naming paghuhusga, para tukuyin xxx xxxx at uri ng impormasyong ipapaalam sa iyo sa hinaharap o kung paano tutugon sa mga kahilingan sa privacy na maaari mong isumite sa amin.
Para sa layunin ng seksyong ito, nangangahulugan ang “personal na impormasyon” bilang impormasyong tumutukoy, nauugnay, naglalarawan, posibleng maiugnay, o posibleng maikonekta, direkta man o hindi direkta, sa isang consumer/residente o household sa California. Hindi kasama sa personal na impormasyon ang mga impormasyong available sa publiko o mga impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan.
a. Ano ang Impormasyong Kinokolekta Namin.
Maaari naming kolektahin ang mga sumusunod na kategorya ng personal na impormasyon tungkol sa iyo:
(i) Mga Identifier, gaya ng tunay na pangalan at alyas; postal address; natatanging personal na identifier; mga online identifier gaya ng idinetalye sa ibaba; IP address; email address; numero ng telepono; numero ng account, pangalan, at password; Social Security number; numero ng driver’s license, numero ng pasaporte, numero sa identification card na ibinigay ng estado o sa iba pang identification card na ibinigay ng gobyerno; vehicle identification number; o iba pang katulad na identifier;
(ii) Komersyal ng impormasyon, gaya ng mga record ng personal na ari-arian; mga biniling produkto o serbisyo, nakuha, o kinokonsidera; mga balanse sa account, history ng pagbabayad, o aktibidad sa account; numero ng bank account, numero ng credit at debit card, at iba pang impormasyong nauugnay sa iyong pinansyal na institusyon; aplikasyon ng credit, mga pag-check sa credit, at mga impormasyon mula sa mga ahensya sa credit reporting; o iba pang history at palagay tungkol sa pagbili o sa consumer;
(iii) Biometric na impormasyon, na kinabibilangan ng mga fingerprint; scan ng mukha; impormasyon tungkol sa pagkilala sa boses; genetic na impormasyon; at/o iba pang katulad na biometric na identifier;
(iv) Impormasyong nauugnay sa aktibidad sa Internet o iba pang aktibidad sa electronic na network, kabilang ang mga cookie identifier, mga clear gif, uri ng browser, ISP, mga referring/exit page, operating system, date/time stamp, clickstream data, platform ng device, bersyon ng device, at iba pang katangian ng device kabilang ang mga pinili mong setting gaya ng Wi-Fi, Bluetooth, at GPS;
(v) Data ng geolocation, kabilang ang mula sa iyong (mga) mobile device o (mga) sasakyan;
(vi) Audio, electronic, o biswal na impormasyon, gaya ng mga audio recording ng mga tawag sa mga customer service center namin;
(vii) Propesyonal na impormasyon o impormasyong nauugnay sa trabaho, gaya ng mga dati at kasalukuyan mong employer, titulo sa trabaho at mga responsibilidad, mga asset at kita, at/o iba pang impormasyon tungkol sa history ng trabaho mo;
(viii) Impormasyon sa edukasyon;
(ix) Mga pagpapalagay tungkol sa iyo;
(x) Iba pang personal na impormasyong hindi nakalista sa itaas at nauugnay sa mga katangiang protektado sa ilalim ng batas ng California o pederal na batas;
(xi) Iba pang personal na impormasyong hindi nakalista sa itaas at nasa mga record ng transaksyon ng customer alinsunod sa nakasaad sa California Civil Code § 1798.80(e), na kinabibilangan ng lagda, mga pisikal na katangian o paglalarawan, at/o numero ng insurance policy, numero ng bank account, numero ng credit card, numero ng debit card, at iba pang pinansyal na impormasyon).
b. Ano ang Xxxxxxxx Xxxxx sa Iyong Impormasyon
Maaari kaming mangolekta o gumamit ng personal na impormasyon mula sa iyo para sa mga sumusunod na pangnegosyong layunin:
Analytics, kategorisasyon, at pagdedesisyon |
Pagsusuri sa mga third party na vendor / service provider |
Pag-audit, pagsunod, patakaran, mga proseso, o regulasyon |
Pagsingil, pagbabayad, at pagtupad o fulfillment |
Pagmomodelo ng peligro o risk sa credit |
Mga aplikasyon ng customer at mga pag-apruba sa credit |
Mga habol ng customer at pagsisiyasat at pag-iwas sa panloloko |
Mga komunikasyon sa customer |
Pagmomodelo ng customer |
Pamamahala sa ugnayan sa customer |
Mga ugnayan sa dealer |
Pangkalahatang pangangasiwa sa negosyo |
Pag-market sa aming mga produkto at serbisyo |
Pag-market sa mga produkto at serbisyo ng iba, mga affiliate man o hindi affiliate |
Pinansyal na pag-uulat at accounting |
Pag-optimize at pagpapanatili sa website |
I-link ang iyong Mga Online na Serbisyo sa Account sa iyong online account sa isang affiliate o hindi affiliated na kumpanya kung saan kami may ugnayang pangnegosyo |
Seguridad ng mga system at data |
c. Mga Source ng Nakolektang Impormasyon.
Maaari kaming mangolekta ng personal na impormasyon mula sa mga sumusunod na kategorya ng mga source:
(i) Mga customer namin at mga hindi namin customer, kabilang ang mga gumamit ng mga website at mobile application na pinapagana ng TMCC;
(ii) Mga affiliate ng TMCC, gaya ng Toyota Motor Insurance Services, Inc. (“TMIS”), Toyota Financial Savings Bank, at Toyota Motor Sales U.S.A., Inc.;
(iii) Mga service provider namin, gaya ng mga provider ng pamamahala sa ugnayan sa customer, mga provider ng analytics, mga provider ng website hosting, mga administrator ng system, at mga serbisyo sa paghahatid ng komunikasyon;
(iv) Mga hindi affiliated na kumpanya kung saan kami may ugnayang pangnegosyo, gaya ng mga awtorisadong Toyota at Lexus dealer, mga independent na marketing na asosasyon ng Toyota at Lexus dealership, mga pribadong Toyota distributor, at mga pampormosyon at joint marketing na partner; at
(v) Iba pang third party, gaya ng mga tumatawag sa amin para humingi ng impormasyon tungkol sa iyong Account alinsunod sa nakasaad sa Kasunduan sa Mga Online na Serbisyo, mga puwedeng magbenta ng iyong data nang sama-sama para sa mga layunin sa marketing ng sasakyan, at iba pang website at mobile application, mga partner sa online advertising, at mga supplier ng data.
d. Kanino Namin Ibinabahagi ang Impormasyon.
Hindi kami nagbebenta ng personal na impormasyon at hindi kami nagbibigay ng personal na impormasyon sa mga third party kapalit ng pera o iba xxxx xxx halagang konsiderasyon. Gayunpaman, inihahayag namin ang mga kategorya ng personal na impormasyong nakalista sa subsection a. sa itaas para sa mga layunin ng negosyo. Kung nararapat, maaari naming ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga sumusunod na kategorya ng mga third party:
(i) Mga affiliate, gaya ng aming parent na kumpanya, mga subsidiary na kumpanya, at iba pang affiliated na kumpanya sa Toyota corporate group, kabilang ang iba pang kumpanyang nagbibigay ng mga pinansyal na serbisyo (hal., Toyota Financial Savings Bank) at iba pang kumpanyang hindi nagbibigay ng mga pinansyal na serbisyo (hal., Toyota Motor Sales U.S.A., Inc.) at may kinalaman sa distribusyon, marketing, at sales ng mga sasakyan;
(ii) Mga kumpanyang nag-aalok ng mga katulad na produkto at serbisyo, kabilang ang iba pang kumpanyang nagbibigay ng pinansyal na serbisyo;
(iii) Mga kumpanya ng advertising at marketing;
(iv) Mga kumpanya ng social media;
(v) Mga kumpanya ng teknolohiya;
(vi) Mga hindi affiliated na kumpanya kung saan kami may ugnayang pangnegosyo, gaya ng manufacturer ng sasakyan, distributor ng sasakyan kung saan mo nakuha ang iyong sasakyan, mga asosasyon sa marketing ng dealership, mga pribadong distributor, at mga pampromosyon at joint marketing na partner.
Para bigyan ka ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano maaaring ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga third party na tinukoy sa itaas, pakitingnan ang talahanayan sa ibaba, na nagbibigay ng higit pang detalye sa mga kategorya ng personal na impormasyong maaaring ibahagi sa iba’t ibang kategorya ng mga third party:
Kategorya ng Personal na Impormasyon | Mga Kategorya ng Mga Tatanggap na Third Party |
Mga identifier, halimbawa, impormasyon ng pagkakakilanlan, mga detalye ng contact, at impormasyon ng sasakyan | Mga mail vendor Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Komersyal na impormasyon, gaya ng demograpikong impormasyon, history ng pagbili, pinansyal na impormasyon sa pagsingil at pagbabayad, at mga kagustuhan sa komunikasyon | Mga mail vendor Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Biometric na impormasyon, halimbawa, mga fingerprint o scan sa pagkilala ng mukha | Hindi kami nangongolekta at/o nagbabahagi ng biometric na impormasyon |
Impormasyong nauugnay sa aktibidad sa Internet o iba pang aktibidad sa electronic na network, hal., mga cookie identifier at iba pang teknolohiya sa online na pagsubaybay at uri ng browser | Mga mail vendor Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Data ng Geolocation | Mga mail vendor Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Impormasyon sa audio, halimbawa, mga audio recording ng mga tawag sa aming mga customer service center | Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Mga Propesyonal na Impormasyon o Mga Impormasyong Nauugnay sa Trabaho, gaya ng kasalukuyan o mga dati mong employer, titulo sa trabaho, at mga serbisyo sa military/beteranong katayuan. | Mga mail vendor Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Impormasyon sa edukasyon | Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanya ng analytics |
Mga pagpapalagay tungkol sa iyo | Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanya ng analytics |
Iba pang personal na impormasyong hindi nakalista sa itaas at nauugnay sa mga katangiang protektado sa ilalim ng batas ng California o pederal na batas, kabilang ang demograpiko, credit history, at pinansyal na impormasyon | Mga mail vendor Mga IT Service Provider Mga kumpanya ng advertising at marketing Mga kumpanya ng analytics Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Iba pang personal na impormasyong hindi nakalista sa itaas at nasa mga record ng transaksyon ng customer, gaya ng lagda, numero ng insurance policy, at iba pang pinansyal na impormasyon | Mga IT Service Provider Mga kumpanyang nagpoproseso ng pagbabayad Mga kumpanyang naniningil ng utang |
Maaari din naming ihayag ang iyong personal na impormasyon para sa iba pang layunin, kabilang ang mga sumusunod:
(i) Legal na Pagsunod. Sa pagpapatupad ng batas o mga awtoridad sa pamahalaan para makasunod sa mga nalalapat na batas at regulasyon, para sumagot sa isang subpoena, mandamyento de aresto, o iba pang naaayon sa batas na paghingi ng impormasyong natatanggap namin, o alinsunod sa legal na proseso.
(ii) Pagprotekta sa Mga Karapatan at Interes. Maaari din kaming gumamit at maghayag ng personal na data para mailatag o maisagawa ang aming mga legal na karapatan, para maipatupad ang aming Mga Tuntunin ng Paggamit, ang Online na Patakaran sa Privacy na ito, o mga kasunduan sa iyo o mga third party, para sa pagtataguyod o pagdepensa sa mga legal na habol, o kung naniniwala kaming ang naturang paghahayag ay kinakailangan para magsiyasat, pigilan, o gumawa ng iba pang pagkilos tungkol sa mga aktwal o pinaghihinalaang ilegal o mapanlinang na aktibidad o mga potensyal na xxxxx sa pisikal na kaligtasan o kapakanan ng sinuman.
(iii) Mga Transaksyon sa Negosyo. Alinsunod sa naaangkop na batas, nakalaan sa amin ang karapatang ilipat ang ilan o ang lahat ng personal na impormasyong hawak namin sa isang pagpapasahang organisasyon kung sakaling magkakaroon ng merger, acquisition, bankruptcy, o iba pang pagbebenta o paglilipat ng lahat o ng ilan sa aming mga asset. Kung magkakaroon ng alinman sa mga ganitong transaksyon, magkakaroon ng karapatan ang nakabili na gamitin at ihayag ang personal na impormasyong nakolekta namin sa mga paraang kapareho ng sa amin, at aakuin ng nakabili ang mga karapatan at obligasyon kaugnay ng personal na impormasyon alinsunod sa nakasaad sa Online na Patakaran sa Privacy na ito.
e. Mga Karapatan Mo sa Privacy
May mga sumusunod kang karapatan sa ilalim ng CCPA, hanggang sa saklaw na ang personal mong impormasyon ay hindi pa protektado ng mga hakbang sa privacy at seguridad na hinihingi ng pederal na batas, halimbawa, para sa mga pinansyal na serbisyo at produkto:
(i) Karapatang Makaalam. May karapatan kang hingiin kung ano ang mga personal na impormasyong aming kinokolekta, ginagamit, inihahayag, at/o ibinebenta; ang mga kategoryang source kung saan namin nakokolekta ang mga ito; ang mga layuning pangnegosyo o komersyal ng pangongolekta; at ang mga kategorya ng mga third party kung kanino ibinabahagi o inihahayag ang iyong personal na data.
(ii) Karapatang Mag-delete. May karapatan kang hilinging i-delete ang iyong personal na impormasyong nakolekta o pinapanatili namin.
(iii) Karapatang Mag-opt Out sa Pagbebenta. Kung nagbebenta ng personal na impormasyon ang isang negosyo, may karapatan kang mag-opt out sa pagbebenta ng iyong personal na impormasyon. Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon kapalit ng pera o iba xxxx xxx halagang konsiderasyon.
Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon kapalit ng pera o iba xxxx xxx halagang konsiderasyon.
(iv) Karapatan Laban sa Diskriminasyon. May karapatan ka para hindi ka namin matrato nang may diskriminasyon dahil sa paggamit mo sa mga karapatan mo sa privacy sa itaas.
(f) Proseso para Maisagawa ang Iyong Mga Karapatan sa Privacy
Ang mga karapatang nakalista sa itaas ay napapailalim sa kakayahan naming makatuwirang ma-verify ang iyong pagkakakilanlan at sa pahintulot naming isagawa ang mga kahilingang ito. Para ma-verify namin ang iyong pagkakakilanlan kapag nagsumite ka ng kahilingan, hihilingin namin sa iyong magbigay ng dalawa (2) o tatlong (3) piraso ng personal na impormasyon na kukumpirmahin namin sa aming mga record. Halimbawa, kung nag-finance o nag-lease ka ng sasakyan sa pamamagitan ng TMCC, hihilingin sa iyong ibigay ang iyong pangalan at xxxxxx anim (6) na digit ng iyong Social Security number. Kung bumili ka ng produktong pamprotekta sa sasakyan mula sa TMIS, bukod sa pangalan mo, hihilingin sa iyong ibigay ang nauugnay na numero ng kasunduan o aplikasyon para sa naturang produkto, pati na ang nauugnay na VIN. Ibig sabihin, pakitandaan ito bago subukang isumite ang iyong kahilingan.
Kung isa kang residente ng California at gusto mong gamitin ang mga karapatang ito, mangyaring makipag- ugnayan sa amin sa isa sa mga sumusunod na paraan:
Interactive na webform:
Mag-click dito para sa Toyota Financial Services (TFS) at Toyota Motor Insurance Services, Inc. (TMIS):
xxxxx://xxx.xxxxxxxxxxxxxxx.xxx/xx/xx/xxxx/xxxx-xxxxxxx-xxxxxxx.xxxx. Mag-click dito para sa Lexus Financial Services (LFS) at TMIS: xxxxx://xxx.xxxxxxxxxxxxxx.xxx/xx/xx/xxxx/xxxx-xxxxxxx-xxxxxxx.xxxx. Mag-click dito para sa Mazda Financial Services (MFS):
xxxxx://xxx.xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx.xxx/xx/xx/xxxx/xxxx-xxxxxxx-xxxxxxx.xxxx. Toll-free na numero ng telepono:
TFS/LFS/MFS: 0-000-000-0000
TMIS: 0-000-000-0000
Pakitandaan na hindi makakaabot sa mga Toyota o Lexus dealer, mga pribadong distributor, o mga Toyota Motor Sales North America (TMS) ang pagsusumite sa amin ng kahilingan sa ‘karapatan para makaalam’ o ‘karapatan para mag-delete.’ Kung gusto mong gamitin ang mga karapatan mo sa CCPA sa alinman sa mga entity na ito, pakitingnan ang kanilang mga website para sa higit pang impormasyon sa kung paano magsumite ng mga ganoong kahilingan.
Kakailanganin mong magsumite ng magkahiwalay na kahilingan kung nag-finance o nag-lease ka ng sasakyan, o kung nag-apply ka na dati para sa financing o lease, sa Toyota Motor Credit Corporation AT bumili ka rin, o nag-apply ka na dati para sa isang opsyonal na plan para sa proteksyon ng sasakyan, sa Toyota Motor Insurance Services, Inc.
Puwede mo ring bigyan ng awtorisasyon ang iba na gamitin ang mga karapatan sa ibaba para sa iyo. Para magawa ito, kailangan namin ng nilagdaang pahintulot, halimbawa, sa pamamagitan ng isang valid na Power of Attorney o katumbas na dokumento. Kapag may kopya na kami ng valid na nakasulat na awtorisasyon, maisasagawa ng itinalaga mong kinatawan/awtorisado mong ahente ang mga karapatang ito kaugnay ng (mga) account na nakalista sa naturang awtorisasyon sa kabuuang tagal ng account at dagdag na 90 araw, maliban na lang kung may partikular na tuntunin tungkol sa petsa ng pag-expire na nasa form ng awtorisasyon.
17. Mga Bisita sa Aming Website sa Labas ng Estados Unidos. Pinapagana ang aming Website sa Estados Unidos at para lang ito sa mga user na nasa Estados Unidos. Kung binibisita mo ang Website mula sa isang lokasyon sa labas ng U.S., pakitandaan na ang impormasyong kinokolekta namin, kabilang ang Personal na Impormasyon, ay ililipat, ipoproseso, iso-store, at gagamitin sa Estados Unidos. Ang lahat ng impormasyong matatanggap mula sa Site ay gagawin sa mga server at system na nasa Estados Unidos, at dito rin papanatilihin ang lahat ng impormasyong ibibigay mo. Ang mga batas sa pagprotekta ng data sa Estados Unidos ay maaaring iba sa mga batas sa bansa kung nasaan ka, at ang impormasyon mo ay maaaring mapailalim sa mga kahilingan ng pag-acess mula sa mga awtoridad ng pamahalaan, xxxxx, o tagapagpatupad ng batas sa Estados Unidos alinsunod sa mga batas ng Estados Unidos. Sa pamamagitan ng paggamit sa Website o pagbibigay sa amin ng anumang impormasyon, pumapayag ka sa paglilipat, pagpoproseso, paggamit, pagbabahagi, at pag-store sa mga naturang impormasyon sa Estados Unidos at sa iba pang bansa, alinsunod sa nakasaad sa Online na Patakaran sa Privacy na ito.
18. Mga Pagbabago sa Aming Online na Patakaran sa Privacy. Xxxx sa pinapahintulutan ng batas, maaari naming baguhin ang Online na Patakaran sa Privacy na ito sa pamamagitan ng pag-post ng nirebisang bersyon ng patakaran sa Website. Kung malaki ang pagbabago, mag-aabiso kami tungkol sa mga pagbabago sa Website bago ilapat ang mga pagbabago. Hinihikayat ka naming regular na tingnan ang Webste para sa impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa privacy na nauugnay sa Website.
19. Makipag-ugnayan sa amin. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming Online na Patakaran sa Privacy o mga kasanayan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono sa mga sumusunod na numero: 0-000-000-0000 (TFS), 0-000-000-0000 (LFS), 0-000-000-0000 (MFS), 1-800-228- 8559 (TMIS), o 0-000-000-0000 (Toyota Credit de Puerto Rico Corp.).