SISTEMA NG GARANTIYA
SISTEMA NG GARANTIYA
SA BAHAY SA QUEENSLAND
PAGSISIWALAT TUNGKOL SA PRODUKTO
OKTUBRE 2021
Ang Pagsisiwalat tungkol sa Produkto ng Sistema ng Garantiya sa Bahay sa Queensland ay isang buod ng nalalapat na cover (saklaw) na isinalin sa wika, para sa mga kontratang nilagdaan noong
28 Oktubre 2016 o makaraan nito.
Ang kabuuang mga kondisyon ng cover ay ibinigay sa Queensland Building and Construction Commission Act 1991, (1991 Batas ng Komisyon ng Pagtatayo at Konstruksiyon sa Queensland) Bahagi 5 at
sa Queensland Building and Construction Commission, Regulasyon 2018, Iskedyul 6.
MGA NILALAMAN
Ang Sistema ng Garantiya sa Bahay 3
Ano ang habol sa hindi pagkumpleto 3
Kailan magkakabisa ang cover 5
Mga hindi kasali at mga limitasyon 5
Maaaring humingi kami ng karagdagang impormasyon
Xxxx xxx Queensland Building and Construction Commission (QBCC), isang awtoridad na nilikha ng batas na itinatag sa ilalim ng Queensland Building and Construction Commission Act 1991.
Xxxx xxx tagapangasiwa ng industriya ng pagtatayo sa Queensland, at matagal nang umiiral simula pa noong mga 1970 (sa ilalim ng iba’t ibang pangalan).
Ano ang ginagawa namin
Bilang tagapangasiwa ng industriya ng pagtatayo, mayroon kaming isang integradong “one stop shop” na huwaran, na naglalakip ng sumusunod na mga tungkulin:
• Nag-iisyu kami ng mga lisensya sa mga lisensyadong kontratista na may angkop na mga kwalipikasyon at kinakailangang pinansyal na mapagkukunan upang magpatakbo ng isang negosyo sa industriya ng konstruksyon.
• Nagbibigay kami ng libreng serbisyo para sa pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan ng mga may-ari at lisensyadong kontratista.
• Xxxx xxx namamahala sa isang sistema ng garantiya sa bahay upang magbigay ng cover (saklaw) ng seguro para sa mga bahay sa Queensland.
Ang Sistema ng Garantiya sa Bahay
Sa ilalim ng Sistema ng Garantiya sa Bahay sa Queensland (Sistema), dapat mangolekta ng mga premium (halagang ibabayad) ang mga lisensyadong kontratista sa ngalan ng konsumer at ibayad ang premium sa QBCC kaugnay sa tiniyak na gawaing pang-residensiyal na isinasagawa nila.
Ang Sistema ay hindi-para-sa-tutubuin at may sariling pagpopondo sa pamamagitan ng mga ibinabayad na premium.
Ano ang sinasaklaw namin
Saklaw ng Sistema ang dinanas na kawalan ng mga konsumer kung ang isang kontratista (o isang indibidwal kung saan may ginawang pandaraya o partikular na mga pahayag) ay hindi nakapagkumpleto ng kontrata para sa gawaing pang-residensiyal o hindi itinama ang may depektong gawain. Gayunpaman, ang mga kondisyon ng cover ay nagtataglay ng ilang mga limitasyon at paghihigpit.
Nagbibigay din ng tulong sa mga partikular na sirkumstansya para sa kawalan na kaugnay sa hindi nakumpletong gawain na xxxxxx xx xxxxx o unos, vandalism (paninira) o pagnanakaw.
Hindi pagkumpleto
Ano ang habol sa hindi pagkumpleto
Nagkakaroon ng paghahabol sa hindi pagkumpleto kapag hindi nakumpleto ng isang lisensyadong kontratista ang gawain na kinontrata siyang gawin.
Magbabayad ang Sistema para sa nangyaring kawalan dahil sa hindi niya pagkumpleto ng trabaho.
Mga kahilingan
Ang kontrata ay dapat maging isang kontrata na may fixed price (presyong piho) (ibig sabihin, dapat ay maging malinaw sa kontrata kung magkano ang halaga ng trabaho).
Ang kontrata sa lisensyadong kontratista ay dapat nagtapos sa isa sa mga sumusunod na paraan:
• Winakasan mo ang kontrata sa lisensyadong kontratista batay sa kanyang hindi pagtupad.
• Ang lisensyadong kontratista ay namatay.
• Ang lisensyadong kontratista ay isang kompanya na hindi na umiiral (halimbawa, tinanggalan ng pagkarehistro).
• Ang lisensyadong kontratista ay bankrupt (bangkarote) at ang kanyang lisensya ay nakansela na.
Iba pang pagsasaalang-alang
Anumang potensyal na aprubadong halaga ng QBCC ay babawasan kung babayaran mo ang trabaho na hindi pa naisasagawa.
At, ang iyong aprubadong paghahabol ay mababawasan kung ang halaga ng trabaho ay lalabis sa halaga ng kontrata nang mahigit
sa 30% (halimbawa, ang halaga ng kontrata ay $200,000, ngunit ang aktwal na halaga ng trabaho ay $270,000. Ang habol ay mababawasan ng $70,000).
Mga limitasyon sa panahon
Ang kontrata ay dapat matapos sa loob ng dalawang taon mula sa araw na sinimulan ang trabaho. Dapat kang maghain sa QBCC ng iyong paghahabol sa loob ng tatlong buwan makaraan ang petsa ng pagtatapos ng kontrata.
Ang nasasakupan ng cover
Kung ang trabaho ay nasimulan na (ibig sabihin, pisikal na nasimulan sa lugar ng konstruksiyon), ang QBCC ay magbabayad ng diperensya sa pondo na hawak mo pa sa ilalim ng iyong kontrata at sa aktwal na halaga para makumpleto ang bahay.
Kung walang nasimulang trabaho, ang QBCC ay magsasauli
sa iyo ng deposito na iyong ibinayad sa lisensyadong kontratista.
Mayroon ding kondisyon para sa pagremedyo ng hindi nakumpletong trabaho na napinsala ng sunog at bagyo,
o xxxxxx xxxxxx resulta ng paninira sa, o pagnanakaw mula sa hindi nakumpletong trabaho. Gayunpaman, upang maging marapat para sa cover na ito, ang habol sa hindi pagkumpleto ay dapat tanggapin ng QBCC, at ang iyong habol sa cover na ito ay dapat gawin sa loob ng 14 na araw makaraan ang pangyayari. Ang pagkasira ay dapat ding nangyari bilang resulta ng trabahong hindi nakumpleto.
Dagdag pa, kaugnay sa paninira at pagnanakaw, ang QBCC ay magbabayad lamang para sa kawalan na labis sa $2,500, at dapat mo itong isumbong sa pulisya.
makaraang maaprubahan ang iyong habol sa hindi pagkumpleto. Dapat kang maghabol para sa mga gastusing ito sa akomodasyon sa loob ng 28 araw ng pagka-apruba ng iyong habol sa hindi pagkumpleto.
Walang karapatan para sa pagkumpleto ng hindi nakumpletong trabaho para sa mga sumusunod:
– Pamamahala sa Konstruksiyon o mga Cost-Plus na kontrata (kasunduan sa pagbabalik ng nagastos kasama ang kikitaing tubo) – kapag ang mga uri ng kontratang ito ay ginamit, walang karapatang maghabol para sa pagkumpleto ng hindi nakumpletong trabaho. May cover para sa mga depekto
na lumitaw sa panahon ng konstruksiyon, o matapos itong makumpleto.
Mga Depekto
Nagbibigay kami ng cover para sa pagremedyo ng mga depekto sa mga gawaing pang-residensiyal.
Ano ang isang depekto
May dalawang uri ng depekto: ang unang uri ay depekto sa estruktura. Kabilang dito ang paggalaw sa mga mababang bahagi ng pundasyon ng gusali (footings), o hindi pagsunod sa ilang bahagi ng koda ng gusali (building code), o anumang depekto na ginagawang hindi ligtas o hindi maaaring tirahan xxx xxxxxxxxxxx. Kabilang sa iba pang halimbawa ang pool na xxx xxxxx,
o pinapasukan ng tubig ang loob ng bahay (halimbawa, mula sa tumutulong paliguan o tumutulong bubong).
Ang pangalawang uri ay depekto na hindi mula sa estruktura. Ito ay isang depekto na klaseng kosmetiko o wala sa kategorya bilang depekto ng estruktura.
Mga kahilingan
Bago ka maghain ng iyong habol sa QBCC, dapat mong abisuhan ang lisensyadong kontratista tungkol sa mga depekto, na magbibigay sa kanya ng makatwirang pagkakataon na remedyuhan ang mga ito.
Tatasahin namin ang iyong habol, at magpapasya kung pormal na hihilingan ang lisensyadong kontratista na remedyuhan ang trabaho.
Mga limitasyon sa panahon
Ang mga depekto sa estruktura ay may cover sa loob ng anim na taon at anim na buwan mula sa petsa ng pagbabayad ng premium, at dapat kang maghain ng habol sa loob ng tatlong buwan ng pagkapansin sa depekto.
Ang mga depektong hindi sa estruktura ay may cover kung nalaman, o dapat ay makatwirang nalaman ng konsumer, ang depekto sa loob ng anim na buwan makaraan ang araw na nakumpleto ang trabaho. Dapat kang maghain ng habol sa loob ng pitong buwan ng petsa ng pagkumpleto.
Ang nasasakupan ng cover
Ang Sistema ay nagbibigay ng cover para sa xxxxx xxxxxxxxxxx at sa ilang iba pang mga gusali sa mismong sityo (halimbawa, isang shed).
Xxx xxxxxxxxxxx ay isang gusali na nakapirmi sa lupa at kung saan naninirahan ang isang tao. Kabilang dito ang isang hiwalay na tirahan, isang duplex, isang unit sa maraming palapag na gusali na hindi hihigit sa tatlong palapag at isang manufactured home (yaring bahay).
Xxx xxxxxxxxxxx ay hindi kinabibilangan ng isang bangka, caravan, kotse, tolda, trailer, tren, o pansamantalang gusali kagaya ng isang demountable.
Kami ay magbabayad para remedyuhan ang mga depekto sa xxxxxxxxxxx o sa iba pang gusali sa sityo. Magbabayad din kami para remedyuhan ang mga depekto sa isa man sa mga gusaling ito na kinapapalooban ng alinman sa mga sumusunod:
• Anumang bagay na nakakabit sa mga gusaling ito na nangangailangan ng pag-apruba sa gusali o sa paglalagay ng mga tubo (plumbing).
• Anumang bagay na nakakabit sa mga gusaling ito na hindi sinusuportahan ng anumang bagay (halimbawa, medya-agwa o pasibi (awning) o hawakan (handrail)).
• Anumang bagay na nakakabit sa mga gusaling ito na ginagamit para sa suplay ng tubig, imburnal, kanal o paagusan ng
tubig-unos.
• Isang verandah o deck na nakakabit sa mga gusaling ito.
• Hagdanan o isang rampa na ginagamit para mapasok ang mga gusaling ito.
• Trabaho upang suportahan ang mga gusaling ito, (halimbawa, pagpapalit ng mga pundasyong haligi (stumps).
Magbabayad din kami para remedyuhan ang mga depekto sa pagtatayo, konstruksiyon o instalasyon ng isang swimming pool.
Ang mga sumusunod na gawa ay hindi nasasaklawan para sa mga depekto:
• Sistema ng fire alarm, scaffolding, mga kurtina, mga blinds, panloob na mga shutter, karpet, floating floor, vinyl, paghuhukay at paglilipat ng lupa, paglalagay ng aspalto o bitumen, insulation, mga screen laban sa insekto.
• Mga de-koryenteng kagamitan.
• Cubbyhouse, doghouse, shade sail, mga kable ng telepono o data, metro ng tubig, tangke ng tubig na hindi ginagamit bilang pangunahing suplay ng tubig.
• Konstruksiyon ng isang slab na hindi kabilang ang konstruksiyon ng gusali sa ibabaw nito.
• Anumang iba pang trabaho na kaugnay sa pangunahing konstruksiyon xx xxxxxxxxxxx.
Kung tinanggap ang iyong habol para sa mga depekto, maaari kang maghabol para sa iyong mga nagastos sa akomodasyon habang isinasagawa ang pagremedyo. Maaari kang maghabol nito kung ang iyong bahay ay hindi maaaring tirahan dahil may depekto ang ginawang trabaho o ito ay hindi matitirahan habang isinasagawa ang pagremedyo.
Kung ang depekto ay hindi mahalaga at ang trabaho ay sumusunod sa koda ng gusali ngunit hindi sa mga plano o mga detalye, kung gayon, babayaran ka namin para sa kawalan ng halaga ng trabaho (halimbawa, kung ang taas ng kisame ay 2.9m pero sinasabi sa plano na ito ay dapat maging 3m).
Walang habol para sa mga depekto kung:
• Tinanggihan mo nang hindi makatwiran na pahintulutan ang lisensyadong kontratista (na nagsagawa ng trabahong may depekto) na bumalik at remedyuhan ito.
• Sa ilalim ng kontrata ninyo ng lisensyadong kontratista, may obligasyon pa rin siyang kumpletuhin ang trabaho.
• Tungkol naman sa pool, walang cover para sa mga depekto kaugnay sa:
– mga depekto na hindi sa estruktura
– xxx xxxx-ibabaw sa labas ng nakapaligid sa pool (coping)
– Lahat ng trabahong kaugnay ng pool (halimbawa, paving, mga dausdusan (slides), mga diving board)
– hagdanan na hindi nakapirmi.
• Tungkol sa shed: kung ang konstruksiyon ng slab ay ginawa sa ilalim ng hiwalay na kontrata, walang cover para sa pinsala sa shed na sanhi ng slab.
• Walang cover para sa pinsala sa xxxxxxxxxxx o sa shed na hindi direktang sanhi ng trabaho.
Kailan magkakabisa ang cover
Babayaran ng lisensyadong kontratista, sa ngalan mo, ang nauugnay na premium. Siyempre pa, ang halaga ng premium, ay isasali sa kontrata, kaya, sa katunayan, kinokolekta ng lisensyadong kontratista ang premium mula sa iyo at ibinabayad ito sa QBCC.
Dapat bayaran ang premium bago simulan ang trabaho, at sa loob ng 10 araw makaraang lagdaan ang kontrata. Sa sandaling nabayaran na ang premium, mag-iisyu kami ng paunawa ng cover para sa trabaho. Ang cover sa ilalim ng Sistema ay magsisimula sa sandaling bayaran ng lisensyadong kontratista ang premium, nalagdaan ang kontrata, o nasimulan ang mga trabaho (alinman ang pinakaunang mangyayari).
Basta’t nabayaran na ng iyong lisensyadong kontratista ang istandard na premium na kaugnay sa trabaho, maaari mong itaas ang istandard na cover (ibig sabihin, $200,000) para maging
$300,000 sa pamamagitan ng karagdagang premium para taasan ang cover hanggang $300,000. Upang makakuha ng karagdagang cover na ito, dapat kang magbayad ng karagdagang premium sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kontrata, o bago simulan ang trabaho (alinman ang mas mauuna).
Mga limitasyon sa panahon
Tungkol sa isang paghahabol para sa hindi pagkumpleto, ang kontrata ay dapat magwakas sa loob ng dalawang taon mula sa araw na nagsimula ang trabaho, at dapat kang maghain ng habol sa loob ng tatlong buwan mula sa araw ng pagwawakas ng kontrata.
Ang mga depekto sa estruktura ay may cover sa loob ng anim na taon at anim na buwan mula sa petsa ng pagbabayad ng premium, at dapat kang maghain ng habol sa loob ng tatlong buwan ng pagkapansin sa depekto.
May cover ang mga depektong hindi sa estruktura kung nalaman, o dapat ay makatwirang nalaman ng konsumer, ang depekto sa loob ng anim na buwan makaraan ang araw na nakumpleto ang trabaho. Dapat kang maghain ng habol sa loob ng pitong buwan mula sa petsa ng pagkakumpleto.
Mga hindi kasali at mga limitasyon
Gaya ng alinmang polisiya ng xxxxxx, xxx ilang mga bagay na hindi kasali sa cover, at xxx xxxxx mga limitasyon sa nasasakupan ng cover na ibinibigay sa ilalim ng Sistema.
Mga Hindi Kasali
Ang sumusunod na trabaho sa pagtatayo ay hindi saklaw sa ilalim ng Sistema:
• akomodasyon para sa backpacker, boarding house, caravan park, guest house, bakasyunang akomodasyon, hostel, hotel, lodging house o motel
• mga bilangguan o repormatoryo
• mga ospital
• bahay-ampunan (orphanage) o tahanan para sa mga bata
• isang retirement village
• isang institusyong pang-edukasyon
• akomodasyon para sa mga taong may kapansanan
• mga gusaling pang-komersyo o pang-industriya
• trabaho ng may-ari-tagapagtayo
• pagkarga, pagdiskarga o pag-transport ng isang gusali
• pagkarga, pagdiskarga, pag-transport o wala sa sityong prefabrication ng kabuuan ng isang gusali
• maraming tirahan na mahigit sa tatlong palapag
• konstruksiyon ng isang carport o shed para sa duplex o maraming tirahan na mahigit sa tatlong palapag
• trabahong kinapapalooban ng mga opisina o tindahan
• trabaho para sa isang carpark, maliban kung ito ay para sa isang gusali na mayroong dalawa o higit pang mga unit.
• isang pool na hindi ginagamit na pang-residensiyal
• konstruksiyon o instalasyon ng isang bagay na hindi nakapirmi – halimbawa, isang portable na spa.
Ang sumusunod na mga tao ay hindi saklaw sa ilalim ng sistema ng garantiya sa bahay:
• Isang lisensyadong kontratista na nagtatayo ng xxxxx xxxxxxxxxxx para sa kanyang sarili sa kanyang lupa.
• Isang developer na humihirang ng isang lisensyadong kontratista para magtayo ng tatlo o higit pang mga xxxxxxxxxxx.
• Gayunpaman, ang susunod na bibili ng mga residensiyang nabanggit sa itaas ay maaaring maghabol (halimbawa, kung ang developer ay magtatayo ng isang block ng anim na unit, walang cover ang developer para sa pagkumpleto o mga depekto. Pero ang susunod na bibili ng unit ay may cover para sa mga depekto sa kanyang unit.)
• Ang isang tao na kasosyo ng isang lisensyadong kontratista
ay hindi maaaring maghabol, halimbawa, ang asawa o anak ng lisensyadong kontratista o opisyal na tagapangasiwa ng isang lisensyadong kontratista na isang kompanya.
Ang sumusunod na mga depekto ay hindi saklaw sa ilalim ng Sistema – ibig sabihin, mga depekto na:
• sanhi ng disenyong may depekto. Gayunpaman, maaaring ikaw ay may cover kung ang disenyo ay inihanda ng isang taong may angkop na kwalipikasyon, halimbawa, isang inhinyero, arkitekto o taga-disenyo ng gusali
• sanhi ng pagkasira sa pamamagitan ng makatwirang paggamit o katandaan
• sanhi ng hindi mo pagsasagawa ng maintenance, inspeksyon at pagtrato ng ari-arian
• sanhi ng mga alon ng presyon mula sa mga eroplano
• sanhi ng lindol, pagkaagnas (erosion), baha, pagguho ng lupa
• sanhi ng di-sinasadyang pinsala
• sanhi ng produktong may depekto
• sanhi ng pagkilos o hindi pagkilos ng sinuman maliban sa lisensyadong kontratista (ng subcontractor o taong inanyayahan ng lisensyadong kontratista)
• sanhi ng terorismo
• sa elektronikong mga datos
• sa mga de-koryenteng kagamitan
• na saklaw ng ibang polisiya ng seguro.
Ang sumusunod na mga aksyon ay hahadlang sa pagiging marapat mo para maghabol sa ilalim ng Sistema:
• Kung hahayaan mo o hindi pagbabayarin ang kontratistang may responsibilidad mula sa mga pananagutan niya para sa kanyang trabaho.
• Kung tatanggihan mong papasukin ang QBCC para tasahin ang iyong habol.
• Kung nalaman mo, o dapat ay makatwirang nalaman mo, ang mga depekto bago nakumpleto ang mga trabaho.
• Kung nalaman mo, o dapat ay makatwirang nalaman mo, ang mga depekto bago mo binili ang ari-arian.
• Kung giniba mo ang trabaho o niremedyuhan ang depekto nang walang paunang nakasulat na pag-apruba ng QBCC.
Mga Limitasyon
Ang sumusunod na mga limitasyon ay nakalapat sa lahat ng mga paghahabol:
• Hangga’t makatwirang magagawa, sisikapin naming parisan ang mga materyales kapag nagkukumpleto o nagreremedyo ng trabaho, ngunit hindi kami magbabayad para palitan ang kalapit na gawain para magawa ito.
• Magbibigay kami ng sertipikasyon para sa pagremedyo
o pagkumpleto ng trabaho na isinagawa sa ilalim ng sistema, ngunit hindi namin babayaran ang halaga ng pagkuha ng mga sertipiko kaugnay sa trabahong isinagawa ng orihinal na lisensyadong kontratista.
• Sasaklawin namin ang ilang trabaho (halimbawa, ang konstruksiyon ng xxxxx xxxxxxxxxxx) para sa mga habol sa mga depekto at pagkumpleto. Gayunpaman, tungkol sa iba pang trabahong kaugnay sa konstruksiyon xx xxxxxxxxxxx (halimbawa, bakod, mga driveway) may cover lamang kami para sa pagkumpleto – hindi para sa mga depekto.
Ang maximum na karapatan
Sa pangkalahatan, ang maximum na halagang ibabayad sa ilalim ng Sistema ay ang mga sumusunod:
• Bago ang praktikal na pagkumpleto:
• Para sa hindi pagkumpleto, mga depekto, paninira at pagnanakaw:
– $300,000 kung may umiiral na opsyonal na karagdagang cover
– $200,000 para sa istandard na cover
– kabilang sa mga halagang ito ang mga gastusin sa alternatibong akomodasyon at pag-iimbak
• Para sa sunog o unos:
– $300,000 kung may umiiral na opsyonal na karagdagang cover
– $200,000 para sa istandard na cover
Tandaan: ito ay nakasalalay kung tatanggapin ng QBCC ang habol para sa hindi pagkumpleto.
Tandaan: bago ang praktikal na pagkumpleto, limitado ang makukuhang cover kaugnay sa konstruksiyon ng duplex. Ang duplex ay isang gusali na nagtataglay ng dalawang hiwalay na matitirahang unit.
• Bago makumpleto:
– $100,000 para sa bawat unit (para sa hindi pagkumpleto, mga depekto bago makumpleto, paninira at pagnanakaw)
– $100,000 para sa bawat unit (para sa pinsala ng sunog o unos)
• Makaraang makumpleto:
– $200,000 para sa bawat unit (para sa mga depekto makaraang makumpleto)
Kung kumuha ng opsyonal na karagdagang cover, ang maximum na karapatan para sa isang duplex ay tataas:
• Bago makumpleto:
– $150,000 para sa bawat unit (para sa hindi pagkumpleto, mga depekto bago makumpleto, paninira at pagnanakaw)
– $150,000 para sa bawat unit (para sa pinsala ng sunog o unos)
• Makaraang makumpleto:
– $300,000 para sa bawat unit (para sa mga depekto makaraang makumpleto)
Tandaan: bago ang praktikal na pagkumpleto, walang tulong na ibibigay sa isang tao na nakipagkontrata ng isa o higit pang mga kontrata, na umiiral sa mismong panahong iyon, upang magtayo ng tatlo o higit pang mga matitirahang unit. May makukuhang tulong sa susunod na bibili ng isang unit.
• Makaraan ang praktikal na pagkumpleto – para sa mga depekto lamang:
• Kung may umiiral na opsyonal na karagdagang cover:
$300,000.
• Kung may umiiral na istandard na cover: $200,000.
• Kabilang sa nabanggit sa itaas na mga halaga ang mga gastusin sa alternatibong akomodasyon at pag-iimbak.
May mga tiyak na limitasyon kaugnay sa common property
(ari-arian na ginagamit ng isang grupo ng mga tao) para sa mga ari-arian na may maraming unit – kung kailangan mo ng mga detalye tungkol dito, mangyaring kontakin mo ang QBCC. Sa totoo: bawat unit ay mayroong sarili nitong maximum na karapatan at lahat ng may-ari ng mga unit ay mag-aambag nang pare-pareho sa halaga ng pagremedyo ng common property.
Kabilang sa cover sa ilalim ng Sistema ang mga gastos sa akomodasyon gaya ng mga sumusunod:
• $10,000 kung kumuha ka ng opsyonal na karagdagang cover.
• $5,000 kung mayroon kang istandard na cover.
• May karapatan ka sa mga gastos sa akomodasyon kung tatanggapin namin ang iyong habol sa hindi pagkumpleto o mga depekto, at kung ang iyong bahay ay hindi maaaring tirahan.
Paano maghahain ng habol
Kung gusto mong maghabol ng isang karapatan sa ilalim ng Sistema, dapat kang maghain sa QBCC ng nakasulat na paunawa ng iyong paghahabol. Dapat kabilang sa paunawang ito ang lahat ng mga dokumentong nauugnay sa iyong habol (halimbawa, kontrata, mga plano).
Maaaring humingi kami ng karagdagang impormasyon kung kailangan
Tungkol sa isang habol para sa mga depekto, dapat mong abisuhan muna ang kontratistang may responsibilidad tungkol sa mga depekto, at dapat siyang bigyan ng makatwirang pagkakataon upang magremedyo. Gayunpaman, hindi mo kailangang gawin ito kung ang kontratista ay namatay, hindi na umiiral ang kompanya,
o ang lisensyadong kontratista ay insolvent (walang pera para magbayad ng utang) at ang kanyang lisensya ay nakansela na.
Sa sandaling maihain ang iyong habol, magpapasya ang QBCC kung bibigyan ng direksyon ang lisensyadong kontratista para remedyuhan o kumpletuhin ang trabaho. Ang direksyon ay isang pormal na paunawa na ibinibigay ng QBCC sa lisensyadong kontratista na nag-aatas sa kanya na remedyuhan/kumpletuhin ang trabaho.
May form sa aming website na maaari mong punan para maghain ng iyong habol.
Tandaan: ikaw ay kinakailangang kumilos nang may mabuting layunin kaugnay sa paghahabol para sa tulong sa ilalim ng Sistema. Nangangahulugan ito na dapat mong isiwalat ang anumang bagay sa amin na alam mong nauugnay sa paggawa namin ng desisyon tungkol sa iyong habol. Kung hindi ka kikilos nang may mabuting layunin, maaari naming kunin mula sa iyo xxx xxxx na naibayad na namin kaugnay sa iyong habol.
P0054_08/23
Kailangan mo ba ng karagdagang impormasyon? Bisitahin ang xxxx.xxx.xxx.xx, tawagan kami sa 139 333 o sumulat sa amin sa GPO Box 5099, Brisbane Qld 4001.