NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
PAGSASALIN SA TAGALOG NG 1-4 FAMILY RIDER TAGALOG TRANSLATION OF 1-4 FAMILY RIDER
ABISO TUNGKOL SA PAGSASALIN SA TAGALOG
Ang pagsasaling ito sa Tagalog ay hindi isang mabisang legal na dokumento, ibinibigay lang ito para sa kaginhawahan ng Borrower, at hindi ito kailanman maituturing na kontrata o anumang bahagi ng dokumento ng loan sa Ingles. Bagama't sinubukan ng Fannie Mae at Freddie Mac na tiyaking isa itong tumpak na pagsasalin ng dokumento ng loan sa Tagalog, hindi mananagot ang Xxxxxx Xxx x xxx Freddie Mac sa anumang pagkakamali sa Tagalog na pagsasalin na ito o para sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga pagkakaiba sa paggamit ng wika o diyalekto. Kung sakaling magkakaroon ng mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng dokumento ng loan sa Ingles at sa pagsasaling ito sa Tagalog, mananaig ang ipinatupad na dokumento ng loan sa Ingles. Responsibilidad ng Borrower na ganap na maunawaan ang katangian at mga tuntunin ng mga obligasyon ng Borrower alinsunod sa nakasaad sa mga dokumento ng loan sa Ingles na lalagdaan niya sa pagsasara ng loan. Hindi dapat lagdaan ng Borrower ang pagsasaling ito. Bilang karagdagan, posibleng natanggap lang ng Borrower ang dokumentong ito ng loan bilang halimbawa ng isang tipikal na dokumento ng loan, at wala itong kaugnayan sa isang partikular na transaksyon sa loan. Kung ganito ang sitwasyon, ang dokumentong ito ay hindi puwedeng maging isang pagsasalin ng dokumento ng loan na ipapatupad ng Borrower sa panahong kukuha ang Borrower ng mortgage loan sa bahay.
NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
This Tagalog translation is not a binding legal document, is being provided solely for the Borrower's convenience, and will not in any way be construed as a contract or any part of the English loan document. While Fannie Mae and Freddie Mac have attempted to ensure that this is an accurate Tagalog translation of the loan document, neither Fannie Mae nor Freddie Mac is liable for any inaccuracies in this Tagalog translation or for any misunderstandings due to differences in language usage or dialect. In the event of any inconsistencies between the English loan document and this Tagalog translation, the executed English loan document will govern. The Borrower assumes the responsibility for fully understanding the nature and terms of the Borrower's obligations as set forth in the English loan documents they sign at loan closing. The Borrower shall not sign this translation. In addition, the Borrower may have received this loan document solely as an example of a typical loan document, and not in connection with a specific loan transaction. If this is the case, this document may not be a translation of the loan document that the Borrower will execute at the time the Borrower obtains a home mortgage loan.
1-4 FAMILY RIDER
ANG 1-4 FAMILY RIDER NA ITO ay ginawa sa ika-
(na) araw na ito ng
, , at kasama at susog at karagdagan sa Mortgage, Mortgage Deed, Deed of Trust, o Security Deed (ang “Security Instrument”) ng parehong petsa na ibinigay ng nakalagda (ang “Borrower”) para ma-secure ang Borrower's Note xxx/sa
(ang “Lender”) ng parehong petsa at sumasaklaw sa Pag-aari na inilalarawan sa Security Instrument at matatagpuan sa:
[Address ng Property]
MGA 1-4 FAMILY COVENANT. Bukod sa mga pagkatawan, warranty, kontrata, at kasunduang ginawa sa Security Instrument, sinasang-ayunan din ng Borrower at Lender ang sumusunod:
A. MAPAPAILALIM ANG KARAGDAGANG PAG-AARI SA SECURITY INSTRUMENT. Bukod sa Pag-aari na inilarawan sa Security Instrument, ang mga sumusunod na item na nakakabit o ikakabit pa lang sa Pag-aari, na itinuturing na mga fixture, ay isasama sa paglalarawan ng Pag-aari, at mapapabilang din sa Pag-aari na sinasaklaw ng Security Instrument: mga materyales sa konstruksyon, anumang uri ng appliance o produkto na nasa, o ginagamit sa, o nilalayong gamitin sa Pag-aari sa ngayon o sa hinaharap, kasama ang, pero hindi limitado sa, mga kagamitan para sa mga layunin sa pag-supply o pag-distribute ng heating, cooling, kuryente, gasolina, tubig, hangin at ilaw, apparatus para sa pag-iwas sa sunog at pag-apula ng sunog, apparatus para sa pagkontrol ng seguridad at pag-access, plumbing, bath tub, water heater, water closet, lababo, range, kalan, refrigerator, dishwasher, disposal, washer, dryer, awning, storm window, storm door, screen, blinds, shades, kurtina at sabitan ng kurtina, nakakabit na salamin, aparador, paneling, at nakakabit na floor covering, kung saan ang lahat, xxxx xxx mga kapalit at karagdagan, ay ituturing at mananatiling bahagi ng Pag-aari na sinasaklaw ng Security Instrument. Ang lahat ng nabanggit, kasama ang Pag-aari na inilarawan sa Security Instrument (o ang leasehold estate kung nasa leasehold ang Security Instrument) ay binabanggit sa 1-4 Family Rider na ito at sa Security Instrument bilang “Pag-aari.”
B. PAGGAMIT NG PAG-AARI; PAGSUNOD SA BATAS. Hindi gagawin ng Borrower ang sumusunod: susubukang gumawa ng pagbabago, maglalayong gumawa ng pagbabago, o gagawa ng pagbabago sa paggamit ng Pag-aari o sa uri ng zoning nito, maliban na lang kung sinang-ayunan ng Lender ang nasabing pagbabago sa pamamagitan ng pagsulat. Susundin ng Borrower ang lahat ng batas, ordinansa, regulasyon, at pag-aatas ng anumang lupon ng pamahalaan na naaangkop sa Pag-aari.
C. OCCUPANCY NG BORROWER. Maliban na lang kung magkakasundo ang Lender at Borrower sa pamamagitan ng pagsulat, ide-delete ang Seksyon 6 tungkol sa occupancy ng Borrower sa Pag-aari.
D. PAGTATALAGA NG MGA LEASE. Kapag hiniling ng Lender pagkatapos ng pagkaka-default, itatalaga ng Borrower sa Lender ang lahat ng lease ng Pag-aari at ang lahat ng security deposit na ginawa kaugnay ng mga lease ng Pag-aari. Pagkatapos ng pagtatalaga, magkakaroon ang Lender ng karapatang baguhin, palawigin, o wakasan ang mga kasalukuyang lease at magpatupad ng mga bagong lease, sa sariling pagpapasya ng Lender. Gaya ng pagkakagamit sa talata D na ito, ang magiging ibig sabihin ng “lease” ay “sublease” kung nasa leasehold ang Security Instrument.
E. CROSS-DEFAULT NA PROBISYON. Ang pagkaka-default o paglabag ng Borrower sa anumang tala o kasunduang nauugnay sa Pag-aari kung saan may interes ang Lender ay ituturing na paglabag sa ilalim ng Security Instrument, at puwedeng gamitin ng Lender ang alinman sa mga remedyong pinapahintulutan ng Security Instrument.
SA PAGLAGDA SA IBABA, tinatanggap at sinasang-ayunan ng Borrower ang mga tuntunin at covenant na nakapaloob sa 1-4 Family Rider.
(Selyo)
-Borrower
(Selyo)
-Borrower