NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
PAGSASALIN SA TAGALOG NG RIDER NG PANGALAWANG TIRAHAN TAGALOG TRANSLATION OF SECOND HOME RIDER
ABISO TUNGKOL SA PAGSASALIN SA TAGALOG
Ang pagsasaling ito sa Tagalog ay hindi isang mabisang legal na dokumento, ibinibigay lang ito para sa kaginhawahan ng Borrower, at hindi ito kailanman maituturing na kontrata o anumang bahagi ng dokumento ng loan sa Ingles. Bagama't sinubukan ng Fannie Mae at Freddie Mac na tiyaking isa itong tumpak na pagsasalin ng dokumento ng loan sa Tagalog, hindi mananagot ang Xxxxxx Xxx x xxx Freddie Mac sa anumang pagkakamali sa Tagalog na pagsasalin na ito o para sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil sa mga pagkakaiba sa paggamit ng wika o diyalekto. Kung sakaling magkakaroon ng mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng dokumento ng loan sa Ingles at sa pagsasaling ito sa Tagalog, mananaig ang ipinatupad na dokumento ng loan sa Ingles. Responsibilidad ng Borrower na ganap na maunawaan ang katangian at mga tuntunin ng mga obligasyon ng Borrower alinsunod sa nakasaad sa mga dokumento ng loan sa Ingles na lalagdaan niya sa pagsasara ng loan. Hindi dapat lagdaan ng Borrower ang pagsasaling ito. Bilang karagdagan, posibleng natanggap lang ng Borrower ang dokumentong ito ng loan bilang halimbawa ng isang tipikal na dokumento ng loan, at wala itong kaugnayan sa isang partikular na transaksyon sa loan. Kung ganito ang sitwasyon, ang dokumentong ito ay hindi puwedeng maging isang pagsasalin ng dokumento ng loan na ipapatupad ng Borrower sa panahong kukuha ang Borrower ng mortgage loan sa bahay.
NOTICE REGARDING TAGALOG TRANSLATION
This Tagalog translation is not a binding legal document, is being provided solely for the Borrower's convenience, and will not in any way be construed as a contract or any part of the English loan document. While Fannie Mae and Freddie Mac have attempted to ensure that this is an accurate Tagalog translation of the loan document, neither Fannie Mae nor Freddie Mac is liable for any inaccuracies in this Tagalog translation or for any misunderstandings due to differences in language usage or dialect. In the event of any inconsistencies between the English loan document and this Tagalog translation, the executed English loan document will govern. The Borrower assumes the responsibility for fully understanding the nature and terms of the Borrower's obligations as set forth in the English loan documents they sign at loan closing. The Borrower shall not sign this translation. In addition, the Borrower may have received this loan document solely as an example of a typical loan document, and not in connection with a specific loan transaction. If this is the case, this document may not be a translation of the loan document that the Borrower will execute at the time the Borrower obtains a home mortgage loan.
RIDER NG PANGALAWANG TIRAHAN
ANG RIDER NA ITO NG PANGALAWANG TIRAHAN ay ginawa sa ika- (na) araw na ito ng
, , at kasama at susog at karagdagan sa Mortgage, Mortgage Deed, Deed of Trust, o Security Deed (ang “Security Instrument”) ng parehong petsa na ibinigay ng nakalagda (ang “Borrower,” isa man o maraming tao ang nakalagda) para ma-secure ang Note ng Borrower xxx/sa
(ang “Lender”) ng parehong petsa at sumasaklaw sa Pag-aari na inilalarawan sa Security Instrument (ang “Pag-aari”), na matatagpuan sa:
[Address ng Pag-aari]
Bukod sa mga pagkatawan, warranty, kontrata, at kasunduang ginawa sa Security Instrument, nangangako at sinasang- ayunan din ng Borrower at Lender na aalisin ang Seksyon 6 at 8 ng Security Instrument at papalitan ang mga ito ng sumusunod:
6. Pag-okupa. Dapat okupahin at gamitin ng Borrower ang Pag-aari bilang pangalawang bahay ng Borrower. Mananatili sa Borrower ang eksklusibong kontrol sa pag-okupa sa Pag-aari, kabilang ang mga panandaliang rental, at hindi nito ipapailalim ang Pag-aari sa anumang timesharing o iba pang kasunduan sa nakabahaging pag-aari o sa anumang rental pool o kasunduan kung saan kailangan ng Borrower na rentahan ang Pag-aari o bigyan ng anumang kontrol ang isang management firm o sinupamang tao o entity sa pag- okupa at paggamit sa Pag-aari. Pangunahing pananatilihin ng Borrower ang Pag-aari bilang tirahan para sa personal na paggamit ng Borrower sa loob ng hindi bababa sa isang taon pagkatapos ng petsa ng Security Instrument na ito, maliban kung papayag ang Lender nang pasulat, kung saan hindi ipagkakait sa hindi makatuwirang paraan ang pagpayag, o maliban kung may makatuwirang mga sitwasyon na hindi na kontrolado ng Borrower.
8. Aplikasyon para sa Loan ng Borrower. Magkakaroon ng Default ang Borrower kung, habang nasa proseso ng aplikasyon sa Loan, ang Borrower o ang sinumang tao o entity na kumikilos sa utos ng Borrower o nang alam o xxx xxxxxx ng Borrower ay nagbigay ng sobrang mali, mapanlinlang, o hindi tumpak na mga impormasyon o pahayag sa Lender (o kung hindi siya nakapagbigay sa Lender ng mahalagang impormasyon) kaugnay ng Loan, kabilang ang, pero hindi limitado sa, sobrang paghahayag ng kita o asset ng Borrower, kakulangan sa paghahayag o hindi paghahayag ng dokumentasyon ng mga utang at pananagutan ng Borrower, at misrepresentasyon sa paninirahan o planong paninirahan ng Borrower sa Pag- aari bilang pangalawang bahay ng Borrower.
SA PAMAMAGITAN NG PAGLAGDA SA IBABA, tinatanggap at sinasang-ayunan ng Borrower ang mga tuntunin at kasunduan na nakapaloob sa Rider na ito ng Pangalawang Tirahan.
(Selyo)
-Borrower
(Selyo)
-Borrower