KALKULASYON NG MGA KITA PARA SA MGA NAKAKONTRATANG (ITINUTURING) NA MANGGAGAWA
2021
KALKULASYON NG MGA KITA PARA SA MGA NAKAKONTRATANG (ITINUTURING) NA MANGGAGAWA
Ang fact sheet na ito ay naaangkop sa mga indibidwal na nagtatrabaho batay sa kontrata para sa isang employer at itinuturing na isang manggagawa para sa employer na iyon na tinukoy ng WCB. Ang employer ay responsable sa pagbayad ng mga WCB premium para sa lahat ng itinuturing na manggagawa.
Mangyaring tingnan ang mga fact sheet sa Coverage para sa Nakakontratang (Itinuturing) na mga Manggagawa at Mga Benepisyo Ng Nawalang Sahod para sa Nakakontratang (Itinuturing) na mga Manggagawa, na kapwang makikita sa: xxx.xxx.xx.xx/xxx-xxxx-xxxxxx.
Ang isang halimbawa ay ibinibigay upang ipakita kung paano kinakalkula at nirerepaso ng WCB ang mga kita para sa isang itinuturing na manggagawa. Ang isang itinuturing na manggagawa ay binabayaran batay sa isang kontrata. Madalas ang kontrata ay para sa trabaho, mga materyales at kagamitan.
Ang mga kita ng itinuturing na manggagawa para sa mga benepisyo ng nawalang sahod ay batay sa bahagi ng trabaho ng halaga ng kontrata.
Upang malaman ang bahagi ng trabaho ng kontrata, ang WCB ay naglalapat ng isang hindi nagbabagong porsiyento sa gross contract earnings (kinita na hindi kasama ang mga pagbabawas) na iniulat ng iyong employer.
Ang hindi nagbabagong mga porsiyento ay nag-iiba sa bawat industriya at kumakatawan sa isang karaniwan para sa industriya.
Ang mga porsiyento ng trabaho sa bawat industriya ay ipinapakita sa fact sheet na Assessment Schedule for Contract Labour.
Ipalagay natin na ang iyong gross contract earnings (kinita na hindi kasama ang mga pagbabawas) ay $100,000 tulad ng iniulat ng iyong employer. Ang iyong mga karaniwang kita para sa mga benepisyo ng nawalang sahod ng WCB ay kinakalkula sa isang serye ng mga hakbang.
1. Kalkulasyon ng mga Xxxx
Xxx xxxxx contract earnings (kinita na hindi kasama ang mga pagbabawas) na iniulat ng iyong employer ay | $100,000 |
Babawasan ng mga sahod na ibinabayad sa mga manggagawa at mga komisyon ng kumpanya | - 5,000 |
Iniakmang gross contract earnings (kinita na hindi kasama ang mga pagbabawas) | $95,000 |
Minultiply ng naaangkop na porsiyento ng trabaho | x 25% |
Taunang mga Kita para sa mga Benepisyo ng Nawalang Sahod ng WCB | $23,750 |
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang porsiyento ng trabaho ay isang karaniwan sa industriya na ginagamit upang kalkulahin ang bahagi ng trabaho ng isang kontrata. Kung ikaw ay hindi sang-xxxx sa ginamit na porsiyento ng trabaho, ikaw ay maaaring humiling ng pagrepaso ng mga karaniwang kita. Ang iyong kahilingan ay dapat isama ang mga kinakailangang impormasyon upang suportahan ang iyong kahilingan. Nirerepaso ng WCB ang impormasyon na ito upang malaman kung kailangang gumamit ng ibang porsiyento ng trabaho.
2. Pagberipika sa Antas ng mga Kita at sa Porsiyento ng Trabaho
Biniberipika ng WCB ang mga halagang ito sa dalawang hakbang. Ang unang hakbang ay ang pagkalkula sa iyong iniakmang netong kita sa negosyo. Ang susunod na hakbang, ay ang pagkalkula sa iyong indibidwal na porsiyento ng trabaho batay sa impormasyong ibinigay.
Hakbang 1:
Biniberipika ng WCB ang iyong mga karaniwang kita sa pamamagitan ng pagrepaso sa iyong mga income tax return at mga sumusuportang dokumento mula sa mga nakaraang isa hanggang dalawang taon, o sa ilang mga kaso hanggang limang taon. Maaaring makuha ng WCB ang impormasyon na ito mula sa Canada Revenue Agency (CRA) o sa ibang malayang mapagkukunan.
Upang beripikahin ang mga kita o ang iniakmang netong kita ng negosyo para sa mga itinuturing na manggagawa, idinadagdag muli ng WCB ang mga kinuhang pagbabawas para sa gastusin sa depresasyon/capital cost allowance at ng paggamit bilang negosyo ng mga gastusin sa bahay sa iyong iniulat na netong kita sa negosyo.
Kung ang iyong income tax return ay nakapagtala ng netong kita sa negosyo na $22,250 pagkatapos ng isang pagbabawas ng capital cost allowance na
$5,000 at pagbabawas ng paggamit bilang negosyo ng mga gastusin sa bahay na $750, beberipikahin ng WCB ang iyong mga kita o ang iyong iniakmang netong kita sa negosyo sa $28,000.
Sa ganitong sitwasyon, ang iyong mga kita para sa mga benepisyo ng nawalang sahod ng WCB ay tataas mula $23,750 sa $28,000. Ang binagong antas ng mga kita na $28,000 ay paiiralin mula sa petsa ng iyong pinsala o sakit.
Hakbang 2:
Ang iyong indibidwal na porsiyento ng trabaho ay kinakalkula tulad ng sumusunod:
• Ang Iniakmang Netong Kita sa Negosyo na kinalkula sa itaas
hahatiin sa
• Iniakmang gross contract earnings (gross contract earnings na binawasan ng mga komisyon ng kumpanya at/o ng mga sahod na ibinayad sa ibang mga manggagawa, na kinumpirma sa CRA o ibang malayang mapagkukunan).
Gamit ang mga numero sa itaas, ang iyong indibidwal na porsiyento ng trabaho ay magiging 29% ($28,000 hahatiin sa $95,000).
Sa halimbawang ito, iniaakma ng WCB ang porsiyento ng trabaho na ginamit para sa iyong paghahabol mula 25% sa 29%. Ang binagong porsiyento ng trabaho ay ginagamit upang kalkulahin ang iyong mga kita pagkatapos ng aksidente.
Ang lathalang ito ay ipinapagkaloob bilang pangkalahatang impormasyon. Hindi ito nilalayon na maging legal na payo, at hindi dapat asahan na bilang tulad. Para sa mas tiyak na impormasyon, tingnan ang The Workers Compensation Act and Regulations and WCB Policies. Ang mga dokumentong ito ay makukuha sa website ng WCB sa xxx.xx.xx.
01/21